"Sabrina!" Tinig ng ama ni Sab sa kabilang linya ng telepono. "Inuna mo pa ang pagbabakasyon kaysa sa pag-aaral mo?!"
Napapikit si Sab, kailangan niyang magsinungaling ng paulit-ulit. Patagong makipag-usap rito sa telepono, wala itong kaalam-alam sa pinaggagagawa niya at tiyak na malilintekan siya. Ipinagpapasalamat niyang pinagtakpan siya ni Criselda kung nasaan man siya ngayon. Tinapos niya na ang pakikipag-usap dahil baka abutan siya ng mag-iina na umalis para mamasyal sa mall. Hindi pa bumabalik si Vladimir mula sa training nito sa University. Nagmadali siyang tapusin ang paglilinis ng buong-bahay, isinunod niya ang munting silid nila ni Vladimir. Napabuntong-hininga ang dalaga nang palitan ang bedsheet ng kama nito. Akala niya ay doon din siya matutulog ngunit pinaglatag lang siya nito ng banig sa sahig. At ni minsan ay hindi siya nito tinabihan man lang mula ng iuwi siya nito sa bahay na iyon. Akala niya pa naman ay mayayakap niya na ito sa bawat pagtulog nila ngunit tila nandidiri na itong hawakan man lang siya. Ang pagnanasang nakikita niya noong nasa boarding house pa siya ay napalitan na ng pagkairita. Ilang buwan na siyang tila katulong kung ituring sa tahanang iyon. At wala siyang lakas ng loob na magreklamo kahit pa nahihirapan na. Pikit-matang tinitiis niya ang pang-aalila ng ina't mga kapatid nito alang-alang sa binata. Tinitigan niya ang malaking larawan ni Vladimir sa wall, napaka-gwapo ng kaniyang mahal. Sapat na para sa kaniya na nakikita niya ito at nakakasama. Niyakap niya ang mga nakahanger na polo nito. Ngunit nagitla nang may humablot ng buhok niya at hilain ng malakas, napatili siya at natumba sa sahig ng isalya pa ng mapangahas na mga kamay. Naluluhang tumingala ang dalaga at tumutulo ang luhang tiningnan ang mukha ng kapatid ni Vladimir na si Nene. Ilang beses na siya nitong sinaktan at nagiging mas malupit pa ito habang tumatagal lalo na kapag hindi niya nasusunod agad ang mga ipinag-uutos nito. "Hindi ka pa nakapagplantsa, napakatamad mo!" Singhal nito. "Gusto mong ipalamon ko sa'yo 'yung mga plantsahin, Sabrina?!" "H-hindi pa kasi ako tapos maglinis," naluluhang sagot ni Sab. "Kumilos ka na!" Asik nito na tinalikuran na siya saka lumabas ng silid. Nananakit pa ang anit na tumayo si Sab. Magulo ang buhok at pawisan na lumabas. Nanlilimahid pa siya sa dumi ng alikabok dahil maghapon siyang naglinis ng bahay at wala ng oras pang maligo. Mula nang dumating siya roon ay siya na ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay. Bumabagsak na rin ang katawan niya dahil madalas siyang nalilipasan ng gutom, at kung minsan natutulog ng walang lamang pagkain ang sikmura. Napangiti si Sabrina nang makitang nasa sala pala si Vladimir, nilapitan niya ito para alukin ng maiinom ngunit tila hindi siya nito nakikita at naririnig man lang. Umingos lang ang ina nito habang sarkastikong ngumiti si Ness. "Nakakadiri, napakabaho!" Irap ni Nene na sinamaan ng tingin ang nakayukong si Sab. "Bakit kasi inuwi mo pa 'yan dito, Kuya?" Parinig pa nito. Tila piniga ang puso ni Sab. Kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha. "Hubarin mo ang sapatos ko," malamig na utos ni Vladimir, natatarantang sumunod si Sabrina. Nakaluhod na hinubad ang sapatos ng binata. "Umalis ka na sa harapan ko." Pagtataboy nito matapos niya ipaghubad ng suot nitong sapatos. Tahimik na sumunod si Sabrina. Nasasanay na siya sa pakikitungo nito sa kaniya. Wala siyang hindi matitiis para rito. Napalunok siya nang maamoy ang mga pagkaing nasa lamesa. Matagal na siyang hindi nakakatikim ng masasarap na pagkain mula ng tumira siya sa bahay na iyon. Kadalasan ay mga tira-tirang pagkain lang ang nakakain niya. Gusto niya mang bumili sa labas ay wala naman siyang pera, lahat ng credit card, maging ang atm card niya ay iniwan niya sa vault niya sa mansion. Nagpaplantsa siya habang masayang kumakain ang mag-iina. Pasulyap-sulyap siya sa kinakain ng mga ito, palihim na humihiling na sana ay may matira pa para may makain siya pagkatapos niyang magplantsa. Nanginginig ang mga kamay na natapos niya naman, dama niya ang pagod sa araw-araw. Tinungo niya ang kusina, at tumambad sa kaniya ang lamesang hindi man lang naligpit ang pinagkainan. Nagpapahinga na ang mga ito sa kani-kanilang silid habang siya tiyak matutulog na naman ng hating-gabi at gigising ng maaga. Gusto niyang maluha, pero pinigilan niya ang sarili. Natutunan niyang kumain ng tirang-pagkain na ni minsan ay hindi naranasan ng mga kasambahay nila sa mansion. Nairaos niya ang gutom, mabilis na hinugasan ang mga plato saka nilinis ang sarili. Sinisikap niyang matulog na mabango kahit pa hindi siya tinatabihan sa pagtulog ni Vladimir. Naghihilik na ito ng pumasok siya sa silid, tinitigan niya ang gwapo nitong mukha saka napangiti. Baka umiiwas lang itong matuksong tabihan siya dahil marami pa itong pangarap, pampalubag-loob niya sa sarili. Alam niyang mataas ang ambisyon ng binata, mataas ang pangarap nito at naghahangad na mapabilang sa ilang sikat na basketball player at maging international basketball player. Naglatag siya ng banig saka humiga. Pumikit at hinayaang tumulo ang luha nang maalala ang mga magulang, namimiss niya na ang mga ito pati ang kaniyang dalawang kuya na nasa ibang bansa.NAPAAWANG ang bibig ni Sabrina nang makapasok sa mamahaling resto bar, napakaraming socialite ang naroon. Talaga palang tambayan iyon ng mga celebrity. Airconditioned at napakaluwang ng kabuuan, ngayon lang siya nakapasok sa ganong establisiyemento at bagong bagay sa kaniya ang mga nakikita. Ang malakas na tugtog ng musika ay hindi niya gusto na tila umaalingawngaw sa isang malaking silid, humahalo sa ingay at hiyawan ng mga taong naroon. Nilingon niya si Criselda na nasa 'di kalayuan na kumuha na rin ng sariling table kasama si Zachary.Nangangapa si Sabrina, ang pagiging inosente ang tanging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Ito ba ang mundo ng mga spoiled-brat na richkid sa henerasyon niya? Kumukuti-kutitap ang iba't ibang kulay ng liwanag ng mga pinong ilaw ng mga mumunting bombilyang naroon. Lahat tila umiindak sa saliw ng musikang hindi gusto ng kaniyang pandinig at panlasa niya sa musika. Tila gustong tumakbo palabas ni Sab, sumakay ng kotse at magpahatid na lang pauwi upang mak
TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong
ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak
MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga
MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d
MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na