Share

Chapter 14

Author: RIAN
last update Last Updated: 2025-03-12 16:55:44

ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro.

"Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian.

"Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan.

"May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti.

"Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae.

"Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 16

    NAPAAWANG ang bibig ni Sabrina nang makapasok sa mamahaling resto bar, napakaraming socialite ang naroon. Talaga palang tambayan iyon ng mga celebrity. Airconditioned at napakaluwang ng kabuuan, ngayon lang siya nakapasok sa ganong establisiyemento at bagong bagay sa kaniya ang mga nakikita. Ang malakas na tugtog ng musika ay hindi niya gusto na tila umaalingawngaw sa isang malaking silid, humahalo sa ingay at hiyawan ng mga taong naroon. Nilingon niya si Criselda na nasa 'di kalayuan na kumuha na rin ng sariling table kasama si Zachary.Nangangapa si Sabrina, ang pagiging inosente ang tanging bumabalot sa kaniyang pagkatao. Ito ba ang mundo ng mga spoiled-brat na richkid sa henerasyon niya? Kumukuti-kutitap ang iba't ibang kulay ng liwanag ng mga pinong ilaw ng mga mumunting bombilyang naroon. Lahat tila umiindak sa saliw ng musikang hindi gusto ng kaniyang pandinig at panlasa niya sa musika. Tila gustong tumakbo palabas ni Sab, sumakay ng kotse at magpahatid na lang pauwi upang mak

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 15

    TAMA si Zach, aniya ng isip ng dalaga napapansin na nga siya sa University. Off-shoulder knitted blouse ang suot niya na pinaresan ng trendy denim pants, sa halip na sandals ay white skechers shoes ang ipinasuot ni Zach sa kaniya at pinakulayan pa nito ng ash blonde ang dati niyang brown hair na tinalian ng puting lace. Maging siya ay naninibago sa bago niyang ayos, ang white smartwatch na paborito niya ang hindi lang nito pinalitan dahil alam nitong regalo iuon ng kaniyang daddy. Ang manipis na gpagkakapahid ng liptint at foundation ay aaminin niyang nagustuhan niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag saiyo nakatuon ang atensyon at paningin ng lahat. Tila binura ni Zach ang dating anyo ng mahiyain at simpleng Sabrina. Sanay siyang maging lowkey sa kabila ng pagiging heiress. "Sab?!" tila hindi makapaniwala si Mia nang makita ang pagbabago sa bihis niya.Nginitian ito ni Sabrina saka sinabayan sa pagpasok sa loob ng kanilang silid. Napatingin sa kaniya ang mga kaklaseng naroon. "Anong

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 14

    ANG paglapit ni Vladimir ay pinaghandaan na ni Sabrina, kasalukuyan siyang nasa ilalim ng malaking puno malayo sa karamihan upang magbasa ng paborito niyang libro. "Hi pretty!" Nakangiting bati nito. Tiningnan lamang ito ni Sabrina, tila tuksong sumasagi sa isip niya ang mga sinabi ni Zachary. Kaswal niya itong nginitian. "Pwede ka bang samahan?" tanong ni Vladimir ngunit umupo na ito sa tabi niya na may isang dipa ang pagitan."May kailangan ka ba?" Seryosong sinalubong ni Sabrina ang mga tingin nito. Bahagya itong natigilan nang matitigan siya ngunit muling ngumiti. "Gusto ko lang makipagkaibigan," wika nito. Iniabot nito ang kanan nitong palad. Tiningnan lang ito ng dalaga saka muling bumalik sa pagbabasa. Napatiim-bagang si Vladimir, wala pang babaeng nambalewala sa kaniya ng ganito. Sino ba ang babaeng ito para tratuhin siyang parang wala lang? Siya si Vladimir Hidalgo, na tinitilian at hinahangaan ng maraming babae. "Pwede ka bang yayaing magdinner? O, 'di kaya samahan mo ak

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 13

    MALAYO pa lang ay naririnig na ni Sabrina ang malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng malaking Auditorium. Pinili niyang tumayo muna sa gilid ng malaking pinto at pagmasdan mula sa kinatatayuan ang taong dahilan kung bakit nagtitilian ang marami. Walang iba kundi ang itinuturing na pinaka-gwapong Varsity Player ng SAU na si Vladimir Hidalgo. Kung alam lang ng marami na ang lalakeng halos sambahin nila ay kampon ni satanas na nagkukubli lang sa panlabas nitong anyo marahil ay ni hindi nila ito papangaraping makasama man lang. Gumuhit ang kirot sa kaniyang dibdib nang maalala ang sinapit niya sa mga kamay nito, tila nadarama niya pa rin ang bawat pananakit nito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hangin at pilit na binalewala ang paninikip ng dibdib. "Kanina ka pa?" untag ni Mia. Nilingon niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasuot din ng simpleng skinny-jeans at white t-shirt. May nakasukbit na bag sa likod at kipkip sa dibdib ang portfolio. Nakasuot din ito ng University I.D ga

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 12

    MAHIGPIT na niyakap ni Sabrina ang mga magulang, hindi niya na napigilan ang mga luhang kusang pumatak. Pagkatapos ng mahabang panahon, bumalik na ulit siya sa mansyon. Naninibago ang kaniyang Mommy't Daddy sa ikinikilos niya, likas siyang malambing na anak pero tila mas higit siyang naging clingy sa mga ito. "May gusto ka bang bilhin?" ani Doña Meraly na ginagap ang palad ng bunsong anak. Umiling si Sabrina saka humilig sa balikat ng ina na hanggang ngayon ay walang alam sa mga pinagdaanan niya. "What about a new car?" sabad ng nakangiting si Don Felipe. Ngumiti ng maluwang si Sabrina. "Bakasyon ang gusto ko Daddy na kasama kayo." Nagkatinginan ang mag-asawa, alam nilang imposible ang hinihiling nito. Abala ang mag-asawa sa mga negosyo nito at wala ng oras para magliwaliw pa. "Sab," malungkot na turan ni Doña Meraly. Nag-aalalang tiningnan ang asawa saka muling tiningnan si Sabrina na nakangiti. "Okey lang naman Mom, Dad. Naiintindihan ko." Totoo sa loob na saad ng d

  • Ang Manugang kong Hamak   Chapter 11

    MULA sa kinahihigaan ay dama ni Sabrina ang pangangawit ng likod, gustong-gusto niya ng bumangon at bumalik sa normal ang buhay. Ngunit tulad ng sinabi ng kaniyang doktor ang paggising niya ay nakadepende na sa isang himala. Pero tulad ni Criselda hindi siya naniniwala, alam niyang magigising pa siya. Ang kamalayan niya ay nasa ibang dimensyon, ngunit ang diwa niya ay gising na gising at dama ang kapaligiran. Malinaw na naririnig ang pinag-uusapan ng mga taong naging karamay niya habang nakaratay. Paulit-ulit ng sinubukan ni Sabrina na idilat ang kaniyang mga mata at igalaw ang mga daliri ngunit lagi siyang nabibigo, ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Unti-unting naidilat ni Sabrina ang kaniyang mga mata, bumungad sa kaniyang paningin ang puting-kisame, bahagya siyang nasilaw sa liwanag mula sa mga ilaw na naroon. Gumalaw na rin ang kaniyang mga kamay. Napaawang ang bibig ng dalaga, inilinga ang paningin sa paligid. Natutulog si Criselda sa gawing paanan niya, sa mahabang sofa na na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status