Share

Chapter 4

"BENJAMIN..."

"Mabuti naman at kilala mo pa rin pala ako," sarkastikong sabi nito Masamang-masama ang tingin nito sa kanya kaya naman hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Pakiwari niya ay nakaamoy siya ng panganib kaya naman tinangka niyang pagsarhan ito ng pinto pero parang nahulaan na nitong gagawin niya iyon kaya agad nitong naiharang ang paa. 

"Mabuti naman at kilala mo pa rin ako," sarkastikong sabi nito sa kanya. 

"Hindi naman nagbago ang mukha mo, paanong hindi kita makikilala?" sarkastikong tanong niya rito. 

Ayaw niyang ipahalata kay Benjamin na kinakabahan siya kaya naman sinubukan niya itong tarayan. Nag-iisa na lang siya sa buhay kaya walang tutulong sa kanya kundi ang kanyang sarili kaya kinakailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano niya magagawang lagpasan ang pinakamatinding pagsubok ngayon sa kanyang buhay. 

Unang beses pa lang niyang nakita si Benjamin Morales ay may kaba na siyang naramdaman dito dahil kakaiba ang klase ng tingin ang ibinibigay nito sa kanya. Pakiwari niya ay gusto siya nitong hubaran kaya naman hanggang sa maaari ay iniiwasan niya ito pero para itong kabute na bigla na lang sumusulpot sa kanyang harapan. Hanggang sa matuklasan niyang kapit-bahay na pala niya ito. 

"Gusto ko kasing maramdaman mo na seryoso ako sa damdamin ko para sa'yo at gagawin ko ang lahat, maangkin ka lang." Ito ang katagang sinabi ni Benjamin nu'ng araw na malaman niyang nakatira na ito sa tapat ng kanyang bahay kaya naman lagi niyang sinisiguro na naka-lock ang kanyang pintuan dahil hindi niya kayang pagkatiwalaan ito. 

Laging sinasabi sa kanya ni Benjamin na mahal siya pero hindi niya iyon kaya paniwalaan. Sa tingin niya kasi ay masyado lang itong obsess sa kanya. Dahil kung talagang mahal siya ni Benjamin tulad ng sinasabi nito ay gagawin nito ang lahat para lang maiparamdam sa kanya ang pagmamahal nito. Ngunit, takot ang ipinapadama sa kanya ni Benjamin kapag nakikita niya ito. 

"Kung talagang kilala mo ako, ako ang dapat mong piliin, hindi ang siraulo kong kapatid." Galit nitong sabi. Nanlilisik ang mga mata. 

Dapat ay makaramdam siya ng takot dito pero nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. "Hindi sira ang ulo ni Zak. Matino siya lalo na kung ikukumpara sa'yo." Huli na nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi dahil mas nanggalaiti ang hitsura nito. 

Dahil sa alam niyang nanganganib na talaga siya sa hitsura ni  Benjamin ay buong pwersa niyang tinangkang isara ang pintuan. Hindi na baleng masaktan niya si Benjamin dahil ang importante sa kanya ay maging safe siya. Magagawa lang niya iyon kung magtatagumpay siyang maisara ang pintuan dahil iyon lang naman ang tsansa niya na makahingi ng tulong. Kaya lang, determinado rin si Benjamin na pasukin siya. 

"Sa wakas..." wika nito. 

"Umalis ka na nga. Huwag mo na kong guluhin. Matutulog na ako..." nahagilap niyang sabihin. 

"Magandang ideya 'yan. Matulog na tayo." Nakangising sabi nito sa kanya. 

Kahit na nakangiti sa kanya si Benjamin nang sabihin ang mga salitang iyon ay hindi niya masasabing nagbibiro lang ito. Hindi kasi niya naiwasang makaramdam ng labis na takot. Ibang-iba na kasi ang hitsura ngayon nito. 

"Boyfriend ko ang k-kapatid mo," nahagilap niyang sabihin. Baka sakaling kapag ipinaalala niya rito ang mga salitang iyon ay matauhan na ito sa kung anuman ang balak gawin sa kanya. 

"So, what?"

"Tigilan mo na ako dahil may boyfriend na ako na mahal na mahal ko," wika niya. Ibig niya kasing matauhan na ito sa kahibangan sa kanya kapag sinabi niya ang mga salitang iyon. Kaya lang, sa halip na makatulong ay parang nadagdagan lang ang galit na nararamdaman nito sa kanya. 

"Alam mo ba ang gustung-gusto kong gawin, hmmm?"

"What?" 

"Ang matalo si Zak Zapanta," mariing sabi nito na para bang gustong pakadiinan sa kanya kung gaano ito nagagalit. "At ikaw ang gagamitin ko para matalo ko siya."

Nang lumapit ito sa kanya ay agad siyang lumayo. Hindi talaga niya gustong madikit dito. "Hindi mo ako magagamit."

"Sa tingin mo, may kawala ka pa ngayon?" sarkastikong tanong nito sa kanya. 

"At anong planong gawin mo sa akin, patayin ako?" sarkastikong tanong niya rito. Kailangan niyang magpakita ng katapangan. 

Ngunit nang ngumisi ito sa kanya ay parang may sumigid na lamig sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. "Kung papatayin man kita, sisiguraduhin kong sa sarap. Iyong titili ka ng husto dahil naabot mo na ang langit," wika nito saka pinaikot pa ang dila sa paligid ng kanyang labi habang nakatingin sa kanya. Hindi lang sa mukha niya, pababa sa kanyang dibdib hanggang sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. 

Kahit naman hindi niya suriing mabuti ang kanyang hitsura, alam niyang disente naman ang kanyang kasuotan ngunit kahit na maluwang na tshirt at pantalong maong naman ang kanyang suot, pakiramdam niya'y nahubaran na siya sa klase ng tingin sa kanya ni Benjamin. 

"Unang kita ko pa lang sa'yo tinigasan na ako ng husto. Ang ganda-ganda mo naman kasi talaga. Para kang anghel na ibinagsak ng langit dahil makasalanan," matapos nitong tumitig ng husto sa kanyang mukha ay bumaba naman ang tingin nito sa kanyang dibdib kaya napahalukipkip siya. 

Kung hindi nga lang siya natatakot sa hitsura ni Benjamin ay lalapitan pa niya ito at sasampalin. Mabuti na lang at kahit papaano ay nagagawa pa niyang pigilan ang kanyang emosyon. Dapat lang naman. Kung nais niyang makaligtas sa kapahamakan, utak ang dapat niyang gamitin. 

"Mahal kita kaya gusto ko sanang pakasalan ka. Handa akong maghintay basta mahalin mo lang ako." Nang una ay maamong-maamo ang pagkakasabi ni Benjamin sa mga salitang iyon pero pagkaraan ng ilang sandali ay dahan dahan ding nagbabago ang hitsura nito. Ngayon nga'y   mabagsik na mabaksik. "Kaya hindi ko matatanggap na kay Zak ka pa rin babagsak."

Sabi niya ay kailangan niyang maging matapang at matatag para magawa niyang mailigtas ang kanyang sarili kaya lang hindi niya magawang makakilos agad ng bigla na lang siyang sugurin ni Benjamin at naisandal sa pader. 

"Bitawan mo ako," nakuha pa niyang sabihin. 

Muli nginisihan siya nito. "HIndi kita bibitawan hanggang hindi kita nalalaspag."

"No!' sigaw niya ng rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi nito. Ibig niya itong sipain para mabayagan niya ito pero hindi siya makakilos dahil masyado siyang ipit na ipit kaya wala siyang magawa kundi sumigaw pero hindi niya sigurado kung may tutulong ba sa kanya. Malayo rin naman kasi ang susunod niyang kapit bahay. 

Ngunit pagkaraan lang ng ilang sandali ay humagis na si Benjamin palayo sa kanyang katawan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status