Share

Chapter 5

Sa buong buhay ni Zak ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding galit kaya naman hindi nagawang pigilan ang kanyang sarili, sinunod-sunod niya ang pagsuntok kay Benjamin. Wala siyang pakialam kung nakatatandang kapatid niya ito. Ang mahalaga lang sa kanya ay maiganti niya si Irene.

Alam niya kaya gumawa ng ganoong kapahangasan si Benjamin dahil alam nitong masasaktan siya at sisisihin niya ang sarili kapag napahamak si Irene. Tama naman ito. Ngayon tuloy ay sobra ang galit niya sa kapatid. Wala talaga itong pakialam sa kung ano ang mararamdaman niya. 

Nang marinig niya ang sigaw ni Irene pagbaba niya ng sasakyan ay para ng nilamutak ang puso niya sa takot. Kaya naman, nagmamadali siyang pumasok sa bahay nito para mailigtas ito at ganoon na lang ang galit niya nang makita niya si Benjamin na pinagtatangkaan ng masama si Irene. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status