INICIAR SESIÓNNang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?
Ver másDAMN, inis na sabi ni Zak sa sarili. Alam niyang aiya ang may kasalanan kung bakit bigla na lang nagbago ang mood ni Irene. Ngunit, wala naman siyang masamang intensyon. Ang nais lang naman kasi'y huwag itong mailang sa kanya.Hindi man natuloy ni Benjamin ang binalak nito kay Irene, alam niyang nakaka-trauma pa rin iyon. At hindi niya gustong si Benjamin ang papasok sa utak ni Irene kapag hinalikan niya ito.Para nga siyang nakatuntong sa ulap nang halikan siya ni Irene. Ngunit minabuti niyang putulin ang kanilang halikan dahil parang hindi lang halik ang nais niyang gawin dito.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan niya habang nakatingin sa pinasukang pintuan ni Irene. Hindi niya alam kung lalabas pa ito sa kuwartong iyon pero tiyak niyang dapat siyang kumilos.
SA Isang linggong pamamalagi ni Irene sa condo ni Zak ay sobra ang saya niya. Paano ba naman kasi, tinotoo nga ni Zak ang request niyang ligawan siya.Sa tuwing gigising siya ay mayroong red rose sa kanyang tabi. Tapos ito pa palagi ang naghahanda ng kanilang agahan. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang prinsesa na pinagsisilbihan ng isang prinsepe."Good Morning," bati sa kanya ni Zak nang malingunan siya nito. Abala ito sa paghahanda ng hapagkainan. Bigla tuloy kumalam ang kanyang sikmura nang makita niya ang hinanda nito -- daing, omelette, hotdog at sinangag.Shucks, bulalas niya nang lumipad ang tingin niya rito at makita na naman niya ang killer smile nito dahilan para bumilis ang tibok ng kanyang puso."Kain na tayo," wika nito.
"TOTOO bang may nararamdaman ka rin para sa akin?" marahang tanong sa kanya ni Zak habang nakatitig sa kanyang mga mata.Bahagyang kumunot ang noo ni Irene sa tanong na iyon ng lalaki. Para tuloy gusto niyang ma-offend dahil pakiramdam niya'y pinagdududahan nito ang kanyang salita. "Iniisip mo bang niloloko lang kita? Na kaya ko sinabing may feelings ako sa'yo dahil gusto ko lang tumanaw ng utang na loob?" hindi makapaniwala niyang tanong.Hindi kumibo ni Zak. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na para bang pinagdududahan nito ang ipinagtapat niya. "Ayoko naman talagang magkaroon ng boyfriend dahil makakasagabal lang 'yan sa pangarap ko. Gusto kong maging International writer. Gusto kong makilala hindi lang dito kundi sa buong mundo at alam kong hindi ko magagawa iyon kung magkakaroon ng kahati ang pangarap ko.""Pero..."Marahas na buntunghininga muna ang kanyang pinawalan dahil nakita niyang nakangiti na ngayon si Zak na para bang may k
SABI ni Zak, kapag nasa Manila ito ay sa condo na iyon tumutuloy. Kahit na sinabi na nitong wala siyang dapat na alalahanin ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Alam kasi niyang magiging malaking kaabalahan kung makikipisan siya rito gayung hindi naman niya ito kaanu-ano.Para nga lang gusto niyang magtawa nang maisip niyang pinagpanggap nga pala niya itong boyfriend para matakasan niya ang kapatid nitong nau-obsess na sa kanya. At sa tingin niya ay mas lalong naging mabangis si Dok Benjamin dahil 'girlfriend' siya ng kapatid nito na labis nitong kinamumuhian."Tuloy ka," wika ni Zak matapos nitong mailagay ang password nito sa pintuan kaya bigla na iyong bumukas.Hindi niya napigilan ang mapasinghap nang ihakbang na niya ang kanyang mga paa papasok sa unit nito dahil kitang-kita talaga roon ang karangyaan. Hinsi iyon basta condo unit dahil nasa tuktok sila ng building kaya nasisiguro niyang mas akma iyong tawaging penthouse. May












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.