Share

Eleven

Eksaktong isang buwan na ang lumipas nang makaramdam ng pangangasim ng sikmura si Stacey. Nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang banyo para doon dumuwal ng dumuwal. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagsusuka na halos laway lang naman ang lumalabas. Nanghihinang napaupo siya sa sahig ng bathroom.

May nakain ba siyang masama kagabi at ganito na lang ang pakiramdam niya? Nang sa tingin niya ay okay na siya ay nagpasya siyang tumayo at bumalik ng kanyang kama.

Nanghihina pa siya at hindi niya kayang pumasok sa trabaho. Tatawagan na lang niya ang kaibigan para sabihin dito na hindi siya makakapasok.

" I can't go to work today, baks. I think Im sick, ang sama ng pakiramdam ko kanina nang magising ako. Parang hindi ako natunawan sa nakain ko kagabi, eh." bungad niya agad sa kabilang linya. Unang beses niyang naramdaman ang ganito kaya nahihirapan siyang tukuyin kung ano ang sakit niya.

" Ano bang nararamdaman mo, baks? Baka kung ano na 'yan? Ang mabut
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status