LOGIN"pinsan,akin na ang susi.Ako na ang nagmamaneho."
Mabilis namang hinagis ni lary ang susi na nasalo ko naman. "good catcher ka talaga pinsan."Tumatawang winika ni lary. Sabay pa kaming sumakay na parang may pagmamadali. Agad Kong pinaharurot ang sasakyan papuntang talyer.Bigla Kong namis ang dati kong trabaho duon noong panahon na baliw pa ako Kay Olivia. "damn!!bulong ko dahil pa bigla-bigla ko na lang sumusulpot si Olivia sa isipan ko,bakit ginugulo pa rin niya ang sistema ko.Bakit hanggang ngayon,siya pa rin ang nilalaman ng isip at puso ko dahil mahal ko pa rin siya.Kahit minsan hindi ko nagawang palitan siya sa buhay ko.Ganun ko siya kamahal. Bumuga ako ng hangin saka pinatong ko ang siko ko sa bukas na bintana ng sasakyan dahil traffic dito sa Edsa. Wala pa rin talagang pinagbago sa usad ng mga sasakyan rito sa Manila.Ganun pa rin na sobrang ma traffic. "grabe talaga, araw -araw na lang ganito ang usad ng mga sasakyan.Kailan kaya maging maayos ang trapiko."Sambit ni Larry mula sa aking tabi na iiling-iling pa. Sandali akong lumingon Kay lary saka binaling ko sa labas ng bintana aking tingin. Sasagot sana ako ng may makilala akong pigura ng Isang tao na matagal ko nang hindi nakita.Nakabukas kasi ang bintana ng sasakyan nito,kahit naka side view lang ay makikilala ko siya dahil na rin sa heart shape na nunal sa kanyang leeg na minsan ko ng makita noong inaayos niya ang kanyang buhok. "Claire!! bulong ko sa hangin. "pinsan,sino iyong binanggit mong pangalan?"tanong ng pinsan ko. Nga pala,hindi pa nito kilala si Claire at hindi ko pa naki-kwento sa kanya.Ngunit hindi na kailangan dahil wala na akong pakialam sa kanya.Dahil simula ng umalis ito na hindi nagpaalam sa akin,duon ko na rin kinalimutan na nakilala ko siya. Binalik ko ang tingin ko sa harap dahil nagsimula na ng umusad ang mga sasakyan. Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa talyer na pag-aari ni Larry. Tama nga siya,maraming sasakyan ang natengga rito.Meron nga din sa labas at mukhang kararating pa lamang. Hinubad ko ang suot Kong Tshirt at saka sinabit sa rock.Mas sanay kasi akong magtrabaho na n*******d. Kinuha ko ang mga gagamitin ko sa pag-aayos ng sirang sasakyan saka sumuot ako sa ilalim ng sasakyan. "talagang trabaho agad ah pinsan,kararating mo pa lang."narinig kong sambit ni lary sa may paanan ko. "ayaw mo nun pinsan para may matapos na tayo.Tingnan mo ang talyer mo parang bagsakan na ng sasakyan dahil sa marami ang tambak."wika ko naman. Narinig kong natawa ang pinsan ko sa may paanan ko. "Sige pinsan, magsisimula na rin ako para makarami tayo."aniya saka ito umalis. Umalis ako sa pagkakahiga ko sa ilalim ng sasakyan upang tingnan Kong ano pa ang problema ng sasakyan. Sinubukan Kong paandarin ito kaya nakita ko na agad Kong anong sira. Binuksan ko ang makina ng sasakyan saka tiningnan ko ang makina nito kaya duon ko nakitang sa makina pala ang may problema.Agad ko namang inayos. Halos mahigit Isang oras ang ginugol Ko para ayusin ang makina hanggang ito ay matapos. "nga pala pinsan, si ray na lang ang magtatapos niyan." "patapos na ito pinsan."aniko "sige pinsan, maya-maya uuwi na tayo."wika niya saka umalis ito sa aking likuran. Pinagpatuloy ko pagkukumpuni ng sasakyan hanggang ito ay matapos.Binuhay ko ito upang makasiguro akong maayos na talaga na walang palya na pwede nang kunin ng may-ari mamaya o dikaya ay bukas. Napangiti ako ng maayos na ang sasakyan,kinuha ko ang malinis na punas upang punasan aking kamay na may grasa saka nilapitan ko ang pinsan Kong abala sa pagbibilang ng pera na kita ngayong maghapon. "maganda pa rin ba ang kita sa talyer pinsan at sa nakikita ko medyo humina ah."Sambit ko habang abala pa rin ako sa pagpupunas ng kamay ko. Narinig ko siyang huminga ng malalim. "sa totoo niyan pinsan,humina ang kita ng talyer mula ng umuwi ka.Alam mo naman na baguhan ang mga kasama ko rito at ako pa lang mag-isa ang marunong."aniya Totoo naman ang sinabe ng pinsan ko.Hihina talaga ang kita Kong mahina pa ang kasama mo dahil hindi pa nila masyadong gamay ang pagkukumpuni ng sasakyan lalo na sa mahirap hanapin ang sakit. Kaya ngayon nandito na ako,tutulongan ko muna ang pinsan ko rito sa talyer niya bago ako bumalik ng probinsiya at magbukas din ng sarili kong talyer habang hindi pa bihasa ang mga kinuha niyang tauhan. "sir Larry,may nanganga-ilangan ng mecanico malapit lang rito sa pwesto.Nabutas yata ang gulong."narinig kong wika ng lalaking bagong dating. "sila ray na lang at si Miko ang pupunta duon upang ayosin ang sasakyan.Kayang-kaya naman nila iyon."sagot ni lary rito. "sige PO sir Larry,kami na lang ni Miko ang pupunta duon.Saan'g banda manong."pagpayag naman ng Isang tauhan ni larry.At paalis na ang mga ito. "medyo maaga pa naman pinsan, hintayin lang nating bumalik ang dalawa Kong tauhan saka tayo uuwi."Sambit ng pinsan ko. "sige lang pinsan,check ko lang mga ibang sirang sasakyan Kong ano ang sakit ng mga ito para bukas madali na lang."wika ko sa pinsan ko. "nakakahiya na sayo pinsan,dapat nagpapahinga ka pa lang sana ngayon Pero agad Kang nagtrabaho." "wala iyon pinsan at saka nakapagpahinga naman ako kanina."sagot ko Pagkatapos naming mag-usap ng pinsan ko, pinuntahan ko nga ang ibang nakatambak na sasakyan at inisa-isa Kong tiningnan.May mga kunti lang pala ang sakit at basic lamang iyon sa akin. Nagdaan ang Isang oras, nakabalik na ang dalawang tauhan ni lary na pinsan ko at narinig ko pang masungit daw ang may-ari ng sasakyan na inayos nila.Sinabihan pa daw sila na masyadong mabagal ang kilos nila at hinahanap pa raw nito ang amo nila. Kaya naman,ang pinsan ko na lang ang humingi ng paumanhin sa dalawang lalaki dahil sa ginawa ng costumer nito. Kasalukuyan kaming lulan ng sasakyan pauwi ng bahay ni larry.Tahimik lamang ito habang nakatingin sa labas ng bintana. "pinsan may problema ka ba?" Tanong ko dahil hindi ko mapigilan aking sarili na magtanong. Narinig kong bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "hindi ko Alam pinsan,pero tama bang talyer ang binuksan Kong negosyo?"balik tanong niya sa akin. Lumingon ako sa kanya saka muli kong binalik ang tingin ko sa daan. "bakit mo naman naitanong pinsan?" "para kasing hindi para Sakin ang negosyong ganito.Alam mo naman na iba ang gusto ko mula pa noon,diba ang maglingkod sa panginoon."aniya. Sa lahat ng kamag-anak ko,si Larry lamang ang nakaisip na gustong mag pari at matagal na niyang gustong matupad iyon.Ngunit pinigilan lamang siya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.Ngunit ngayon wala na si tita Carmen,parang gusto na niyang ituloy ang naudlot niyang pangarap. "so,anong plano mo ngayon pinsan?" Muli ay tanong ko. "hindi ko pa Alam pinsan,pag-iisipan ko pang mabuti.Kung magsasara ako,paano ang mga tauhan Kong umaasa lang din sila sa sasahurin nila para may ipakain sa pamilya nila."malungkot niyang sagot. "tama ka nga pinsan dapat pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo.Mahirap na baka ikaw pa ang maging dahilan mawalan ng ipakain ang mga tauhan mo sa kanilang pamilya."aniko "grabe ka naman pinsan,parang ako pa talaga ang may kasalanan Kong bakit magugutom ang pamilya nila."nakaismid na reklamo ng pinsan ko.Larry's pov Tatlong araw na akong nakakulong sa bahay ni farah matapos niya akong pikutin ng ganung kadali.At tatlong araw na ring hindi ko nakikita ang bulto nito-tanging ang mga tauhan lamang niyang nagbabantay sa labas ng bahay ang kasama ko sa tatlong araw na dumaan. Sa tatlong araw na wala siya rito- ilang beses kong tinangkang tumakas,ngunit palagi akong bigo dahil maysa pusa yata ang mga tauhan nito-palagi nila akong nahuhuli sa tuwing magtangka akong tumakas. Kaya sobrang galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon sa kaibigan ni claire.Hindi ko matatanggap ang mga pinaggagawa niya sakin.Matapos niyang sirain ang pangarap ko,ang ginawa niyang pagpikot sa'kin,ang ginawa niyang pagkukulong sakin rito sa bahay niya.Anong balak niyang gawin sa'kin,ikukulong lamang ba niya ako rito ng habang buhay. Hindi ako makakapayag,kailangan kong makaisip ng paraan upang makaalis ako sa lugar na 'to.Alam kong nagtataka na sila father gardo at Father Fausto dahil inaasahan nilang babali
Larry's pov "kumapit kang mabuti kong ayaw mong gumulong-gulong sa semento.Sayang ang lahi mo kapag natigok ka."pananakot niya sa'kin.Kaya ginawa ko ang utos niyang kumapit ako ng mabuti sa katawan niya-wala akong pakialam sa sinasabe niyang lahi dahil wala akong balak na magparami ng lahi. Magkakasunod na putok ng baril ang nakasunod sa amin,mabuti na lang hindi kami nagtatamaan ng bala ng baril dahil sa ginagawa niyang pagewang-gewang ang sinasakyan naming motor.Nakita kong naglabas ng baril ang babae- gumanti ng putok sa mga 'to.Hanggang sa biglang tumigil ang putok at ang kasunod ay mga pagsabog ng kong anong bagay.Paglingon ko-lumiliyab na ang sasakyang nakasunod sa amin. Manghang-mangha ako sa galing ng babae'ng naka itim.Ngunit ang problema ko lang ngayon ay paano ko matatakasan ang babae'ng 'to,panigurado tuluyan na niya akong hulihin at ikulong. Ano ba ang dapat kong gawin?Kailangan ko bang magpaliwanag sa kanya na hindi ako kasapi ng kahit na anong grupo o ano dahil m
Larry's pov "damn you,mask.H'wag mo akong pakialaman at hwag mo akong pangunahan.Magku-kwento lang ako sandali sa kanya kong gaanu ka walang kwenta ang minahal niyang ina bago siya sumunod rito na alam kong hinihintay na siya."naiinis niyang ani sa tinatawag niyang lance. Continue........... Matapos niyang barahin ang lalaking nakasuot ng mask-muli akong binalingan ng kamukha ko.Humahakbang siyang palapit sa akin-may inilabas siyang isang larawan basta na lang hinagis sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa larawang hinagis niya sa harapan ko-na halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Alam kong hindi 'yon magagawa ni mama.Kaya paano nangyari 'to? "ngayon,sabihin mo sakin kong ano ang mararamdaman mo matapos mong makita ang kawalanghiyaang ginawa ng minahal mong ina.At -hindi lang 'yan!alam mo kong ano pa ang ginawa niya sa taong nagpalaki at nag-aruga sakin.Pinadampot niya ang ama natin sa hindi nakikilalang grupo- lumaban siya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Ngunit s
Larry's povMay ngiti sa aking labi habang kasama ko ang dalawang obispo na panay ang kanilang kwento.Kaya hindi namin namamalayan na nakarating kami sa may tarangkahan ng simbahan.Nang biglang mapunta ang usapan namin sa pagbabalik ko bukas ng kumbento upang ipagpatuloy pa ang pagiging seminarista ko at ilang lingo na lang aking hihintayin o-ordinahan na ako upang maging ganap na talaga akong pari.Kaya sobrang tuwa ko nang ibalita sakin iyon ni father gardo kagabi.Dahil sa wakas,matutupad ko na ang matagal ko nang pangarap."bukas na ang balik mo rito sa kumbento,brother larry.Anong maku-kwento mo sa naging buhay mo sa labas?Maganda ba at ano ang magiging desisyon mo?"tanong sakin ng isang obispo.Mahina akong tumawa."isa lang po ang maisasagot ko d'yan,father.Mas masaya akong maglingkod sa panginoon kesa ang mabuhay sa labas na puno ng karahasan,kasalanan at tukso."naging tugon.Nagkatinginan naman ang dalawang obispo pagkatapos ay tinapik-tapik ako sa balikat ni father Marlon."mag
ddFarah's pov "tang'inang butas yan,ang sakit ng mga braso ko, nagasgasan pa yata."reklamo ko matapos ang matagumpay kong makalabas sa mliit na butas- na siyang pinasukan ko rin kanina. Pinagsisipa ko pa ito dahil sa sobrang inis.Kapag talaga uulitin pang bumalik ni Larry sa silid na ito- babakbakin ko na lang para madali akong makalusot papasok at makalabas. Wala naman sana ako dapat ngayon dito kong hindi dahil sa mga storbo.Binulabog nila ang balak kong pagpapahinga sana ng ilang oras dahil mamayang hating gabi ay may hahantingin ako ng taong halang ang kaluluwa. Pero heto ako ngayon-sinundan ang pakipot na lalaking ito.Ang hirap niyang paamuin-para'ng siya ang babae sa'ming dalawa .Kahit anong gawin ko ayaw sumunod sa gusto ko.Binigay ko na nga katawan ko-kulang na lang pati kaluluwa ko ibigay ko.Para rin naman sa kanya ang ginagawa ko-inililihis ko lang naman siya sa maaaring mangyari sa kanya kapag nagpatuloy siya sa kanyang nais. Ngunit napaangat ang paningin ko nang may ma
Medyo madilim na ang paligid nang makarating ako ng simbahan.Nagulat pa si Father Gardo dahil sa biglang pagsulpot ko.Hindi ko maintindihan bakit may pagtataka sa mukha ng obispo-hindi ba dapat alam niya ang dahilan kaya ako nandito. "anong ginagawa mo rito, brother Larry?Wala pang isang lingo ah."tanong sa'kin ni father Gardo habang nakakunot ang noo nito. "hmm father!kaya ako nandito dahil sa natanggap kong sulat."panimula ko. "anong sulat?"may oagtatakang tanong sa'kin ng obispo. "may dumating po sa'kin na sulat galing po sa inyo."wika ko.Ngunit tumawa ang obispo kaya ako naman ang napakunot ang noo. "wala akong natatandaan na nagpadala ako ng sulat sayo, brother larry."paliwanag ng obispo sa'kin. Agad akong napailing at napaisip.Kung hindi si father Gardo ang nagpadala sa'kin ng sulat na may kasamang larawan....sino?Ang ibig sabihin lang din ay wala silang alam sa mga nagawa kong kasalanan. "salamat po father.Hwag na lang po ninyong isipin ang tinatanong ko sa inyo.N







