"anak, sigurado kana ba sa desisyon mong Iwan ang negosyo natin para lang d'yan sa trabaho mong iyan o may iba ka pang dahilan kaya gusto mong bumalik ng syudad?"
Lumingon ako sa aking ina habang itoy nakamasid at nakapamewang sa aking likuran. "anong klaseng tanong iyan ma."nilingon ko siya. "ang babaeng yon,hindi ka pa ba nadadala sa ginawa niya sayo ha." "ma,ilang beses ko pa bang sabihin sa Inyo ni papa na naka move on na ako Kay Olivia at magkaibigan na lang kami ngayon.Tanggap ko na ang kapalaran naming dalawa na hindi ako ang nakatadhana para sa kanya."sagot ko,Pero ang totoo hindi pa rin ako nakaka move on Kay Olivia. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagkukumpuni ko ng sasakyan pabalik ng Manila para siguradong hindi ako masisiraan sa dadaan, ngunit sige pa rin pagbubunganga ng ina ko. "ikaw naman kasi anak eh,marami namang babae d'yan.Nandyan pa si Nora na matagal nang may gusto sayo, kong bakit ang babaeng yon pa ang nagustuhan mo.At hindi lang 'yon,nagpakatanga ka pa talaga sa kanya." Umikot ako sa kabilang side,kaya lang sinundan ako ng ina ko at muling nagsalita. "kaya ano ka ngayon, umuwi ka rito sa atin na luhaan at wasak ang puso dahil hindi ka niya mahal.Dahil ang putang inang babaeng iyon,iba ang mahal dahil ginamit ka lang pala niya.Mas sabihing manggaga-"dagdag na wika ng ina ko ngunit tumigil ito ng magsalita ako. ",walang kasalanan si Olivia,Ako naman talaga ang may kasalanan Kong bakit ako nasaktan dahil ako ang nagpilit sa kanya na gamitin niya ako,dahil mahal ko siya."sagot ko dahil hindi ko gusto ang naririnig kong lumalabas mula sa bibig ng ina ko. "at saka tapos na po 'yon mah at h'wag niyo nang ipaalala sakin.Nagmahal lang naman ako.Kaya pwede ba,tumigil na kayo."naiinis kong sagot ngunit pinipigilan ko lamang aking sarili na makapag salita ako ng hindi maganda sa aking ina. Palagi na lang nilang pinapaalala sakin ang nakaraan ko.Pwede namang kalimutan na lang. "bahala ka macky,h'wag ka lang uuwi rito sa bahay na umiiyak dahil lang sa kanya Kong ayaw mong sugurin ko ang babae'ng iyon kahit mayaman pa ang asawa nito." Pagkasabi ni ng ina ko iyon ay umalis ito na nagdadabog pa. Tinapos ko na rin ang ginagawa ko upang makaligo na rin ako.Ngayo'ng umaga kasi ang balik ko ng Manila. Tumawag ang pinsan Kong si lary kahapon at binalitang maraming mga tambak na sasakyan sa talyer at hindi niya kayang gawin iyon mag-isa.Kahit sabihin pang may kinuha siyang mecanico na makakasama niya,pero hindi pa nila masyadong gamay ang pag-aayos ng sirang sasakyan. Pagbigyan ko na lang ang pinsan ko kahit ilang buwan at pagbalik ko rito,magbubukas rin ako ng sarili kong machine shop at talyer. Apat na oras ang naging byahe ko,nakakapagod at nangawit ang pang-upo ko. "mabuti dumating kana pinsan."wika ng pinsan ko ng salubongin ako. "ayaw pa nga akong payagan ni mama dahil ang akala niya,kaya ako babalik rito ay dahil Kay Olivia."wika ko. "si tita talaga.Ikaw naman kasi pinsan, bakit kasi ayaw mo dun sa manok niya.Maganda naman siguro ito,Kong hindi maganda,hindi gustohin ni tita na ireto sayo ang babaeng 'yo."natatawang ani ng pinsan ko. "si nora,ang ganung babae ba ang gusto ni mama para sakin.tsk!pinsan,pinaglawayan na yon ng Kong sino-sinong mga lalaki sa bar.Minsan akong nagawi sa bar sa Centro,nakita kong dala-dalawa ang lalaking kahalikan niya."pahayag ko at iiling-iling akong umupo sa couch at saka sinandal ko ang likod ko.Talagang napagod ako ng husto sa byahe. "Tama ka nga pinsan,hindi mo gustohin mapangasawa ang ganung klaseng babae Kong sino na lang ang nakalaway sa kanya.Baka nga may sakit na iyon na aids."wika niya. "magpahinga kana muna pinsan,magluluto lang ako.Akala ko kasi mamayang hapon pa ang dating mo,kaya hindi pa ako nagluto."dagdag pa ng pinsan ko. "sige lang pinsan.Napagod nga rin ako sa byahe ko."ani ko. ",maiwan na muna kita riyan."paalam ni lary saka ito umalis. Marahas akong napabuntong hininga. "kamusta na kaya si Olivia?"tanong ng isipan ko saka napahilamos ako sa aking mukha. Kahit ilang beses kong piliting kalimutan na si Olivia ay sobrang hirap dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.Ang hirap lang na tanggapin na hindi kami ang nakatadhana.Kung bakit kasi ang hirap niyang turuan ang puso niya upang kalimutan ang asawa nito.Sana kami ngayon ang kinasal at hindi si Hendrix. Bumuga ako ng hangin saka umayoz ako nang pagkakaupo ko at nahiga para makapag pahinga ako nang maayos. Mariin kong pinikit Aking mata hanggang sa sumulpot sa balintataw ko si Olivia na masaya kaming magkasama sa Isang lugar.Kasama pa ang dalawa naming anak. Parang totoong-totoo ang lahat,na kasama ko sila. "mahal na mahal kita Olivia!mahal na mahal,kayo ng mga anak natin!!wika ko at hinawakan ko pa ang kanyang dalawang kamay saka tinaas ito at hinalikan sa likod ng kamay niya. "mahal din kita,macky."matamis ang kanyang ngiti niyang sagot. Nagkatitigan kami pagkatapos ay dahan-dahang naglalapit ang aming mga mukha na may pananabik sa aming mga puso. Hanggang sa maglapat aming mga labi. Hinalikan ko siya dahil sa kaligayahan na aking nadarama pero sandali lamang iyon dahil nangungulit ang mga anak namin. Ngunit Isang nakasuot ng Bonet na itim ang biglang sumulpot sa harapan namin.Akala ko siya lang mag-isa ngunit may dalawa pa itong kasama na tulad din niya ay may suot na boet na itim sa buong mukha kaya hindi ko makikita kong sino ang mga ito. Natakot ako ng sobra dahil hawak na nila ang dalawang anak namin ni Olivia,at kahit si Olivia ay hawak rin ng unang lalaking sumulpot sa harapan namin. "sino kayo?anong kailangan ninyo?Kung pera ang kailangan ninyo,wala kami niyan dahil mahirap lamang kami."aniko. Ngunit malakas na tumawa ang lalaking kaharap ko na siyang may hawak Kay Olivia. "hindi ko kailangan ang pera dahil marami ako niyan." Nagtawanan pa silang tatlo. "anong kailangan ninyo,wala kaming maalalang naging kasalanan namin sa Inyo?"tanong ko. "wala nga,pero kukunin ko lang naman ang sa akin." "h'wag!hwag mong kunin ang Asawa at mga anak ko. H'wag mo silang kunin Sakin,nakikiusap ako sa Inyo."pakiusap ko at halos magmakaawa na ako sa kanila. Ngunit pinagtawanan lamang nila ako. "h'wag mong subukang sumunod."wika ng may hawak Kay Olivia saka tinutok sa mahal ko ang hawak nitong baril. "h'wag mong sasaktan ang asawa ko."umiiyak Kong pakiusap rito. "hindi sila masasaktan Kong hindi ka susunod sa amin."aniya Hanggang sa sinakay na nga sila sa Isang sasakyan at ito ay palayo na. Kaya nagsisigaw ako sa galit dahil wala akong nagawa.Hindi ko sila naipagtanggol. "Oliviaa!!!" "pinsan!pinsan gising." Nagmulat ako ng mata at napabalikwas ako ng bangon.Ang pinsan Kong si lary ang bumungad sa akin at hindi si Olivia. "nananaginip ka pinsan.Bakit mo binibigkas ang pangalan ni Olivia?Pawis na pawis ka rin."ani ng pinsan ko. "damn!!" Napahilamos ako sa aking mukha.Hindi ko namamalayan nakatulog pala ako. Hindi ako sumagot,tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumasok ako sa dati Kong silid.Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng banyo.At isa-isa kong inalis ang saplot ko sa aking katawan. Agad kong binuksan ang shower saka tumapat sa ilalim ng tubig. Ilang beses akong huminga ng malalim.Hanggang kelan ko makakalimutan at maiwawaglit ang pagmamahal ko Kay Olivia.Kahit sa aking pagtulog ay siya ang napapaginipan ko. Tinapos ko na ang pagligo ko dahil kumakatok sa pinto ang pinsan ko.Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil hindi pa pala ako kumakain ng lunch. Nang matapos akong magbihis, lumabas ako ng aking silid saka pumunta ng kusina. Nadatnan kong hinihintay na pala ako ng pinsan kong si lary. Tahimik lamang kaming magpinsan habang kumakain.At nang matapos kaming kumain,nagtulongan kaming iligpit ang mga ginamit namin. "pinsan,sasama ka ba sa talyer? Papunta ako ngayon duon para bisitahin." Lumingon ako sa pinsan ko saka dinampot ang cell phone kong nag-iingay.Nang makita kong hindi si Nora ang tumatawag ay agad Kong pinatay ang cell phone ko at pinasok sa loob ng suot Kong maong na pantalon. "oo pinsan,tara na."pagyaya ko Kay lary. Hello again ka readers,kamusta kayong lahat.Ito na po ang story nila Macky at Claire.Sana pakaabangan din ninyo tulad ng mga nauna Kong book. Pa comment na rin po sa front page Kong ano pong say nio😅 Pls support my new book again.Pls comment below after you read every chapter..thank you Ang magpinsan na Pakipot😄 (Book 4)Macky and Claire story (book 5)Larry and Fara story"hindi!hindi ko maaaring gawin ang nilalaman ng isipan ko at sa kanyang pakiusap.Hindi ko maaaring samantalahin ang kalasingan niya baka pagsisihan ko sa bandang huli at ako muli ang masaktan. Ibinaling ko sa ibang dereksyon aking tingin upang hindi ako matukso ng tuluyan sa babaeng nasa ilalim ko baka hindi ko na kayang magtimpi pa at mgawa ko ang hindi dapat sa kanya. Mabuti na lang hindi niya muling hiniling na halikan ko siya at baka hindi na ako makapag timpi pa. Ilang mimuto kami sa ganung ayos, nakaramdam na rin ako ng panganagwit sa braso ko at maging aking leeg kong saan nakakapit ang dalawang braso ni claire.Ngunit kailangan kong magtiis hanggang sa makatulog ang pasaway na dalaga. Nagtataka lang ako,bakit ang bilis niyang malasing gayong isang bote lang naman ng beer ang nainom niya samantalang mas matapang pa ang iniinom nilang alak na purong mamahalin.Pwera na lang kong kanina pa siya umiinom ng hindi ko namamalayan.Malalim ang ginawa kong paghinga. Naramdaman kon
Pagkatapos kong bihis,agad akong sumunod sa kanya.Naabutan ko siyang may kausap sa kanyang telopono,pero agad niyang binaba ng makita ako.Umupo ako sa pang-isahan, paharap sa kanya."may sasabihin ka ba sa'kin?"tanong ko dito."ahm!wala naman,pero gusto ko lang makipag kwentohan sana sayo.Wala pa kasi itong si Larry at mukhang hindi na yata makakauwi ngayong gabi."aniya.Tumango naman ako,kaya lang ano naman kaya ang pagku-kwentohan namin.Wala naman akong maisip.Ngunit ilang minuto na kaming magkaharap pero tahimik pa din siya at hindi pa rin naman siya nagsasalita o mag open man lang ng maaari naming pag-usapan.Tumingin ako sa gawi niya dahi ,sa Ibang direksiyon ako nakatingin.Iniiwasan ko kasing tumingin sa dalaga dahil hindi ko kayang pigilan aking sarili na makaramdam ng pagnanasa para rito.Narinig kong tumikhim siya at pinagsiklop pa nito ang kanyang kamay.Pati ang labi niyang mapupula ay bumuka'sara din.Parang gusto niyang magsalita na hindi.Muling natahimik ang pagitan na
Hindi na siya muling nagsalita pa at nilampasan niya lamang niya ako.Pumasok siya sa loob ng kusina, akala ko magtatagal siya duon pero lumabas din agad. Nagkasalubong pa aming mga paningin, ngunit siya ang unang nag-bitaw saka umakyat sa taas. Isang marahas na paghinga aking pinakawalan.Muli kong tinungga ang bote ng beer at sinaid ko ang laman nito. Muli akong nagbukas at nasundan pa iyon ng dalawang bote hanggang sa matapos akong uminom.Kaya lang, hindi pa muling bumaba ang dalaga.Kaya napagdesisyonan Kong akyatin na lang ito sa taas at yayain upang kumain.Wala pa naman si larry Ngunit naiwan sa ere ang kamay Kong kakatok Sana sa pinto ng silid niya ng kusa itong bumukas. "may sasabihin ka ba sa'kin Macky?"tanong niya sa'kin habang may ngiti sa kanyang labi. Napalunok ako at napailing."ano-bumaba ka muna para makakain tayo."sambit ko at tinuro ko pa ang baba gamit ang hinlalaki ko."damn!bakit nabubulol na naman ako".ani ng isipan ko. "halika na nga,baba na tayo.Parang
Matapos niyang maibaba ang dala niyang malaking paper bag sa mini table sa aking harapan,napansin kong mabilis niyang kinubli ang isang kamay niya sa kanyang likuran. "hmm,sa labas na muna ako,baka nagpapahinga ka at nakakaabala na ako sayo."Sabi niya at balak na sana niyang buksan ang pinto ng mabilis ko siyang pinigilan sa kanyang kamay. Hindi ko alam bakit ko siya pinigilan.Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ginawa ko iyon o baka dahil sa suot niyang kakarampot na tela kaya kailangan ko siyang pinigilang lumabas na baka bastusin siya ng mga lalaking halang ang kaluluwa.Kung bakit naman kasi ganyan ang sinusuot niya, kulang na kulang sa tela. Alam kong walang lalaki ang hindi makakaramdam ng pagnanasa Kong katulad niya ang makikita nila sa labas at ganung tela ang kanyang suot. " ah!hindi ako nagpapahinga,ano-dito kana lang muna.May gagawin pa ako sa labas."wika kong nabubulol at hindi ko alam Kong bakit."damn" "sige dito na lang muna ako."sagot naman niya.Tumango a
Nadatnan kong prenteng nakaupo si Claire sa sofa at agad ko ding napansin ang maliit nitong maleta sa kanyang harapan. Nakapamewang akong humarap sa kanya.Hindi ko lang alam bakit ako pa ang kinukulit niya,samantalang nasa kanya na ang lahat.Maganda,mayaman at mabait.Bakit hindi na lang siya maghanap ng nababagay sa kanya, tulad niyang mayaman. "anong ginagawa mo,bakit may dala Kang maleta?"agad kong tanong sa kanya. "diba sinabe ko naman sayo na bigyan mo ako ng Isang buwan upang iparamdam ko sayo na tunay ang pagmamahal ko."aniya na parang pinipilit lamang niyang ngumiti sa'kin. "Pero hindi ako pumayag at wala Kang sinabe na tumira ka rito."muli kong ani. "oo,pero paano ko magagawa iyon kong hindi tayo magkasama." "isang buwan lang Macky,pagsisilbihan kita hangga't kaya ko.Kung talagang wala ng pag-asa eh di ako ang susuko."dagdag pa niya. Napahilamos ako sa aking mukha, dahil ang kulit niya talaga. "pinsan pagbigyan mo na.Isang buwan lang naman eh.At saka ayaw mo nu
Mabagal lamang ang pagpapatakbo ko ng motor,baka kong saan kami mapadpad ng angkas kong dalaga at baka makarating pa kami sa labas ng syudad.Hindi naman kasi siya umiimik basta mahigpit lamang siyang nakayakap sa aking katawan. Pero habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin ay hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok sa sarili kong laway.Kahit ang pagkalalaki ko ay bumubukol na rin.Paano ba naman kasi,parang sinasadya niyang ipadama Sakin ang malulusog niyang dibdib sa likuran ko. Walang lalaking hindi titigasan kapag ganitong may nakayakap sayo at damang-dama mo pa ang malulusog niyang dibdib. Napapalunok at nagtitiis na lang ako.Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman kong ito.Hindi ako maaaring magpatukso sa kanya.Alam kong "Macky baby,ihinto mo ang motor sa tabi."sambit niya. Agad ko naman sinunod ang utos nito,inihinto ko sa gilid ng daan.Lumuwag ang pagkakayakap niya sa katawan ko at nauna siyang bumaba at agad na nag-alis ng kanyang helmet. Bumaba ako ng motor at