"hija papasok kana ba sa kumpanya?"tanong ni mommy ng makita ako nitong pababa ng hagdan.
"yes po mommy, kahapon sana kaso na flat ang gulong ng sasakyan ko tas ang bagal pa ng kilos ang mecanikong umayos sa sasakyan ko.Kaya ayon,pinagalitan ko dahil hindi ako nakaabot sa meeting ko."nakaingos Kong sagot. "pambihira ka talaga anak.Pwede ka naman kasing kumuha ng driver mo para Kong sakaling masiraan ka ulit sa daan,may mag-aayos nito at pwede mong pag-iwanan para may magbantay."wika ni mom. "mom,alam naman ninyong muntik akong magahasa ng naging driver ko dati,kaya hindi ninyo ako masisisi Kong bakit ayaw Kong kumuha ng driver ko at Kong bakit wala akong tiwala sa kanila."sagot ko,dahil nanunumbalik na naman ang naging bangungot ko nagdaang sampong taong nakaraan,Kinse pa lang ako ng panahon na iyon. Muntik akong magahasa ng dati Kong driver,mabuti na lang may nakakita agad sa amin.Papasok Sana ako ng school ng araw na iyon, nagulat na lamang ako nang itinigil ng driver ang minamaneho niyang sasakyan at nagulat na lang ako ng mabilis itong bumaba ng sasakyan nagmamadali niyang binuksan ang back seat Kong saan ako nakaupo. Takot na takot ako ng panahon na iyon at nagka-truma pa ako.Kaya hanggang ngayon ayaw ko ng kumuha ng driver. Mabuti na lang bago man ako nagawan ng masama ang hayop na driver na iyon,may tumulong agad sakin.Isang batang lalaki na mas matanda lang nang kunti sa akin. Hindi ko man lang ito nakilala at napasalamatan ang tumulong sa akin dahil ng dumating sila mom at dad ay umalis din agad ito.Pero may naging palatandaan ako sa kanya.Ang bilog na nunal sa tagiliran nito kahit medyo maliit ay kitang-kita ko nang tinaas nito ang kanyang damit dahil ginawa niyang pamunas sa basa niyang mukha. Hiniling ko minsan na,kahit Isang beses lang muli ko siyang makita sa pinangyarihan ng ikamuntik ko nang magahasa at nagpabalik-balik ako duon,kaya lang hindi natupad ang hiling ko. Narinig kong bumuntong hininga ang mom ko saka ako niyakap at h******n ako sa pisngi "I'm sorry honey,h'wag mo nang isipin ang nangyari sayo noon.Ang mahalaga hindi ka niya nagawan ng masama."wika ng mom ko habang yakap-yakap pa rin niya ako. Nagpahid ako ng luha sa aking mata dahil may tumulo duon, pagkatapos ay nagpaalam na ako sa mahal kong ina upang pumasok sa opisina ko. Yes,I have own company,own business.Kaya iyon ang dahilan kaya umalis ako ng bansa at manatili ng limang taon sa ibang bansa. Bumuntong hininga ako.Limang taon na rin pala ang lumipas,kamusta na kaya siya?Sana hindi siya nagalit sa ginawa kong pag-alis na walang paalam. Ngunit bigla na lang gumewang ang minamaneho ko,mabuti na lang naka-kabit ang seatbelt sa katawan ko at agad akong nakapag preno ,Kong hindi baka hospital ang bagsak ko at maraming sugat. "oh god!"hintakutan kong bulong, ang bilis din ng kabog nang aking dibdib dahil sa takot. Lumabas ako ng aking sasakyan upang tingnan Kong anong nangyari. Ilang beses akong napamura ng makita kong flat na naman ang gulong ng aking sasakyan.Ito na naman ang pinaayos ko kahapon dahil na flat ito.Ngayon naulit na naman. Nagmamadali pa naman ako dahil may meeting ako na dapat kahapon nangyari,kaya lang malas dahil na flat ang gulong ko kahapon,ngayon flat na naman. "Pambihirang buhay to oh."bulong ko saka sinipa ang gulong ng aking sasakyan na ngayon ay flat.Kung kelan nagmamadali saka naman mapa-flat. "ineng may problema ba?"tanong ng isang matanda habang may bitbit itong supot na malaki at mukhang galing ito sa palengke dahil may laman itong gulay at Kong ano-ano pa. "meron nga po,na flat po kasi ang gulong ng aking sasakyan."sagot ko. "matutulongan kita d'yan ineng.Sandali at ipapasok ko lang sandali itong pinamili ko sa loob ng bahay namin."aniya Saka ito pumasok sa kanyang maliit na bahay na gawa sa flywood. Ilang minuto nang muling lumabas ang matanda saka ito lumapit sa akin. "sandali ineng,tawagin ko lang ang pamangkin Kong magdadala ng sasakyan mo sa talyer malapit lang rito."Sambit ng matanda kaya tumango ako rito. Bumalik ang matanda na kasama nito ang sinasabe niyang pamangkin.Pero infiarness ha, gwapo ang pamangkin ng matanda,kaya lang parang kauri ko naman yata ito dahil ang lambot ng paglalakad niya. Pero bakit ba Kong ano-ano na lang ang nakikita ko. "ineng sasamahan ka ni piter sa talyer ni boss Larry.Hayaan mong hihilahin niya ang sasakyan mo gamlt ang truck na minamaneho niya."ani sakin ng matanda. "maraming salamat PO manang."pasalamat ko rito. Ngumiti naman sa akin ang matanda,kaya sumakay na ako sa aking sasakyan dahil hihilahin na iyon ng truck. Ilang minuto ang nagdaan nang tumigil ang truck sa harapan kaya bumaba na rin ako upang ipaayos aking sasakyan Agad namang may lumapit na dalawang lalaki, ngunit namumukhaan ko ang Isa dahil ito lang naman ang napagalitan ko kahapon dahil ang bagal ng kilos. Sino na naman ang hindi magagalit,halos inabot ng Isang oras sa pagpapalit lang ng gulong. Ngunit napansin kong umiling ito saka pumasok sa loob ng talyer.Ang kasama naman nito ang siyang lumapit sa aking sasakyan at tiningnan ang na flat na gulong. "sige piter,tanggalin mo na ang pagkakatali nang sasakyan para maalis na ang truck mo sa harap baka magalit si boss."utos nito Kay piter. "ma'am pumasok muna kayo sa loob para maupo.Papalitan ko lang po ang gulong ng sasakyan mo."ani Sakin ng mecanico. Bumuntong hininga muna ako saka pumasok ako sa loob ng talyer.Namangha ako dahil malinis ang loob kahit may mga nakatambak na sasakyan na kasalukuyang Inaayos. Mukhang maganda ang pamamalakad ng may-ari ng talyer at masinop din ito. Naupo ako sa waiting area,sa mono block upang hintayin na matapos mapalitan ng gulong aking sasakyan. Nagmalikot aking paningin sa buong paligid at napansin ko ang lalaking nakahiga sa ilalim ng sasakyan habang may Inaayos nito. Kahit medyo madilim sa kanyang pwesto ay makikita mo talagang makisig ang katawan ng lalaki,moreno ang kulay at mukhang gwapo rin ito.Pero mabilis Kong pinilig aking ulo dahil Kong ano- ano na lang ang nakikita at napapansin ko. Nagdaan ang kalahating oras,sinabe sa'kin ng lalaking nagpalit ng gulong nang sasakyan ko na tapos na raw ito at sinabeng sa counter na lang ako magbabayad. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumapit sa counter. "magkano ang babayaran ko?"deretsang tanong ko sa lalaking nakaupo habang abala ito sa kanyang hawak na cellphone. "limang libo ma'am."sagot nito.Kaya agad Kong binuksan ang handbag kong dala saka kumuha ako ng limang libo upang ibayad sa cashier. "salamat ma'am."anito Papasakay na sana ako ng aking sasakyan nang isang bulto ng lalaki ang nakaagaw pansin sa akin.At hindi ako pwedeng magkamali dahil siya iyon,kahit limang taon na ang nakalipas.Hindi ko pa rin makakalimutan ang kanyang wangis. Alam ko ring hindi ito isang panaginip,dahil gising na gising ako. "Macky!"bulong ko sa hangin at napangiti pa ako dahil si Macky nga ito. Siya kasi ang first love ko kahit walang ligawan na nangyari at kahit araw lamang kaming nagkakilala. May naramdaman din akong kasiyahan sa puso ko nang muli ko itong makita.Balak ko sana siyang lapitan nang marinig Kong mag-ingay aking cellphone sa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon at sinagot dahil ang secretary ko pala ang tumatawag. "ma'am nasaan na po kayo,kanina pa kayo hinihintay ng mga board members sa conference room."kabadong wika niya. "sabihin mo sa kanila papunta na ako.Nasiraan na naman kasi ako ng sasakyan kaya pinaayos ko lang sandali."utos ko sa secretary ko. "sige PO ma'am Claire,baka kasi hindi na naman nila mahintay at magsialisan na naman sila tulad kahapo."anito. Bumuga ako ng hangin saka pinatay ang tawag at binalik sa loob ng bag ko. Ang hirap talagang humawak ng kumpanya na walang gumagabay sa akin na magulang ko dahil busy si daddy sa negosyo niya. Ito rin ang dahilan kaya umalis ako ng bansa upang mag-aral ng business administration sa Italy,akala ko kaya ko na pero hindi pa pala.. Muli akong nagpakawala ng malalim na paghinga. Saka tumingala ako sa karatulang nakalagay sa taas ng talyer.Nabasa Kong L.Talyer ang pangalan. Babalik na lamang ako rito upang kausapin siya at upang magpaliwanag sa kanya.Kung hindi lang ito importanteng meeting baka cancel ko muna, ngunit kailangan akong pumunta. Hello again ka readers.Ito na ang story nila Macky at Claire.Sana pakaabangan din ninyo tulad ng mga nauna Kong book nila. Pls support my new book again.Comment below after you read every chapter.. Ang magpinsan na Pakipot😄 (Book 4)Macky and Claire story (book 5)Larry and Fara story"hindi!hindi ko maaaring gawin ang nilalaman ng isipan ko at sa kanyang pakiusap.Hindi ko maaaring samantalahin ang kalasingan niya baka pagsisihan ko sa bandang huli at ako muli ang masaktan. Ibinaling ko sa ibang dereksyon aking tingin upang hindi ako matukso ng tuluyan sa babaeng nasa ilalim ko baka hindi ko na kayang magtimpi pa at mgawa ko ang hindi dapat sa kanya. Mabuti na lang hindi niya muling hiniling na halikan ko siya at baka hindi na ako makapag timpi pa. Ilang mimuto kami sa ganung ayos, nakaramdam na rin ako ng panganagwit sa braso ko at maging aking leeg kong saan nakakapit ang dalawang braso ni claire.Ngunit kailangan kong magtiis hanggang sa makatulog ang pasaway na dalaga. Nagtataka lang ako,bakit ang bilis niyang malasing gayong isang bote lang naman ng beer ang nainom niya samantalang mas matapang pa ang iniinom nilang alak na purong mamahalin.Pwera na lang kong kanina pa siya umiinom ng hindi ko namamalayan.Malalim ang ginawa kong paghinga. Naramdaman kon
Pagkatapos kong bihis,agad akong sumunod sa kanya.Naabutan ko siyang may kausap sa kanyang telopono,pero agad niyang binaba ng makita ako.Umupo ako sa pang-isahan, paharap sa kanya."may sasabihin ka ba sa'kin?"tanong ko dito."ahm!wala naman,pero gusto ko lang makipag kwentohan sana sayo.Wala pa kasi itong si Larry at mukhang hindi na yata makakauwi ngayong gabi."aniya.Tumango naman ako,kaya lang ano naman kaya ang pagku-kwentohan namin.Wala naman akong maisip.Ngunit ilang minuto na kaming magkaharap pero tahimik pa din siya at hindi pa rin naman siya nagsasalita o mag open man lang ng maaari naming pag-usapan.Tumingin ako sa gawi niya dahi ,sa Ibang direksiyon ako nakatingin.Iniiwasan ko kasing tumingin sa dalaga dahil hindi ko kayang pigilan aking sarili na makaramdam ng pagnanasa para rito.Narinig kong tumikhim siya at pinagsiklop pa nito ang kanyang kamay.Pati ang labi niyang mapupula ay bumuka'sara din.Parang gusto niyang magsalita na hindi.Muling natahimik ang pagitan na
Hindi na siya muling nagsalita pa at nilampasan niya lamang niya ako.Pumasok siya sa loob ng kusina, akala ko magtatagal siya duon pero lumabas din agad. Nagkasalubong pa aming mga paningin, ngunit siya ang unang nag-bitaw saka umakyat sa taas. Isang marahas na paghinga aking pinakawalan.Muli kong tinungga ang bote ng beer at sinaid ko ang laman nito. Muli akong nagbukas at nasundan pa iyon ng dalawang bote hanggang sa matapos akong uminom.Kaya lang, hindi pa muling bumaba ang dalaga.Kaya napagdesisyonan Kong akyatin na lang ito sa taas at yayain upang kumain.Wala pa naman si larry Ngunit naiwan sa ere ang kamay Kong kakatok Sana sa pinto ng silid niya ng kusa itong bumukas. "may sasabihin ka ba sa'kin Macky?"tanong niya sa'kin habang may ngiti sa kanyang labi. Napalunok ako at napailing."ano-bumaba ka muna para makakain tayo."sambit ko at tinuro ko pa ang baba gamit ang hinlalaki ko."damn!bakit nabubulol na naman ako".ani ng isipan ko. "halika na nga,baba na tayo.Parang
Matapos niyang maibaba ang dala niyang malaking paper bag sa mini table sa aking harapan,napansin kong mabilis niyang kinubli ang isang kamay niya sa kanyang likuran. "hmm,sa labas na muna ako,baka nagpapahinga ka at nakakaabala na ako sayo."Sabi niya at balak na sana niyang buksan ang pinto ng mabilis ko siyang pinigilan sa kanyang kamay. Hindi ko alam bakit ko siya pinigilan.Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ginawa ko iyon o baka dahil sa suot niyang kakarampot na tela kaya kailangan ko siyang pinigilang lumabas na baka bastusin siya ng mga lalaking halang ang kaluluwa.Kung bakit naman kasi ganyan ang sinusuot niya, kulang na kulang sa tela. Alam kong walang lalaki ang hindi makakaramdam ng pagnanasa Kong katulad niya ang makikita nila sa labas at ganung tela ang kanyang suot. " ah!hindi ako nagpapahinga,ano-dito kana lang muna.May gagawin pa ako sa labas."wika kong nabubulol at hindi ko alam Kong bakit."damn" "sige dito na lang muna ako."sagot naman niya.Tumango a
Nadatnan kong prenteng nakaupo si Claire sa sofa at agad ko ding napansin ang maliit nitong maleta sa kanyang harapan. Nakapamewang akong humarap sa kanya.Hindi ko lang alam bakit ako pa ang kinukulit niya,samantalang nasa kanya na ang lahat.Maganda,mayaman at mabait.Bakit hindi na lang siya maghanap ng nababagay sa kanya, tulad niyang mayaman. "anong ginagawa mo,bakit may dala Kang maleta?"agad kong tanong sa kanya. "diba sinabe ko naman sayo na bigyan mo ako ng Isang buwan upang iparamdam ko sayo na tunay ang pagmamahal ko."aniya na parang pinipilit lamang niyang ngumiti sa'kin. "Pero hindi ako pumayag at wala Kang sinabe na tumira ka rito."muli kong ani. "oo,pero paano ko magagawa iyon kong hindi tayo magkasama." "isang buwan lang Macky,pagsisilbihan kita hangga't kaya ko.Kung talagang wala ng pag-asa eh di ako ang susuko."dagdag pa niya. Napahilamos ako sa aking mukha, dahil ang kulit niya talaga. "pinsan pagbigyan mo na.Isang buwan lang naman eh.At saka ayaw mo nu
Mabagal lamang ang pagpapatakbo ko ng motor,baka kong saan kami mapadpad ng angkas kong dalaga at baka makarating pa kami sa labas ng syudad.Hindi naman kasi siya umiimik basta mahigpit lamang siyang nakayakap sa aking katawan. Pero habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin ay hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok sa sarili kong laway.Kahit ang pagkalalaki ko ay bumubukol na rin.Paano ba naman kasi,parang sinasadya niyang ipadama Sakin ang malulusog niyang dibdib sa likuran ko. Walang lalaking hindi titigasan kapag ganitong may nakayakap sayo at damang-dama mo pa ang malulusog niyang dibdib. Napapalunok at nagtitiis na lang ako.Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman kong ito.Hindi ako maaaring magpatukso sa kanya.Alam kong "Macky baby,ihinto mo ang motor sa tabi."sambit niya. Agad ko naman sinunod ang utos nito,inihinto ko sa gilid ng daan.Lumuwag ang pagkakayakap niya sa katawan ko at nauna siyang bumaba at agad na nag-alis ng kanyang helmet. Bumaba ako ng motor at