LOGINBumuga muna ako ng hangin bago ko hinarap ang babae'ng kaharap ko.
"anong pag-uusapan natin ma'am Claire?Sabihin muna dahil marami pa akong trabaho na naghihintay sa akin sa labas."seryoso kong tanong,binaling ko rin sa ibang dereksyon aking tingin dahil hindi ko makayanan na titigan ng matagal ang babaeng nasa aking harapan. "Macky I'm sorry..!panimula niya. "bakit ka humingi ng sorry mam?"kunot ang noo kong tumingin sa kanya. "kasi..umalis ako ng walang paalam sayo nuon."aniya na ikanatawa ko. "wala naman namagitan satin nuon,bakit Kailangan mo pang magpaalam sakin,diba!"aniko. Umayos ako sa pagkakaupo saka mataman ko siyang tiningnan, pero nakita ko ang lungkot sa kanyang mata.Pero pinagsawalang bahala ko lamang iyon. "may sasabihin ka pa mam?Kasi Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko."tanong ko dahil biglang natahimik ito. "akala ko..may nararamdaman ka noon Sakin Macky kahit sandali lamang tayong nagkita." Muli akong natawa sa sinabe niya at hinimas ko ang baba Ko. "akala mo lang iyon mam Claire.Hindi mo ba alam na marami ang nasasaktan dahil sa maling akala."aniko. "Pero ako...mahal kita..ikaw ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko kahit sandali lamang tayong nagkita."Sabi niya. Tumawa ako ng pagak dahil sa pag-amin nito na walang kasamang biro. "nagkamali ka ng minahal mam Claire,Kong ako sayo,ibaling mo na lang sa iba iyang pagmamahal mo."aniko sa kanya at iiling-iling akong tumawa. "Pero bumalik ako para sayo.Matagal akong naghintay na makita Kang muli."aniya Natigilan ako sa aking pagtawa saka tumingin sa kanya ng deretso at umayos ako ng pagkakaupo ko. "sigurado ka sa sinasabe mo!pero sa tingin ko hindi ako dapat ang binalikan mo."sagot ko sa kanya. "tapos na ang oras ng pag-uusap natin mam Claire at hindi mo na kailangang bayaran.Pwede kanang umal"- "please mahalin mo ako.Alam Kong minahal mo din ako noon pero nagpapakipot ka lang."aniya kaya mas lalo akong napatawa. "marami akong trabaho mam.Kong maaari,ito na ang huli nating pag-uusap.Para sabihin ko din sayo,may kasintahan na ako sa lugar namin.Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo para Sakin."aniko saka nilahad aking kamay upang palabasin na ito. Nakita Kong mabigat ang ginawa niyang pagtayo at ng tumapat ito sa aking harapan, nagulat ako ng basta na lang niyang hawakan ang mukha ko saka pinaglapat nito aming mga labi. "bye baby,babalik ako bukas."aniya saka ito lumabas ng silid. Kung hindi pa pumasok si Larry ay baka nakatanga pa rin ako hanggangang ngayon. "nakakatanga na pala ngayon ang mahalikan pinsan.Narinig ko din 'yon,Kelan ka pa bumalik sa pagiging baby ah?"panunudyong sabi ni Larry Sakin. Agad ko naman pinunasan ang labi kong hinalikan ni Claire,hindi naman sa maarte ako, pero hindi ko dapat maramdaman ang labi niyang dinikit nito sa labi ko.Baka kasi hahanap-hanapin ko na ito kapag natikman ko na. "napaka chismoso mo talaga."pairap kong wika sa pinsan ko. Makulit din pala ang Isang iyon.Pero anong sabi niya,babalik siya bukas?"napahilamos ako sa aking mukha dahil sa inis. Binalikan ko ang naudlot Kong trabaho kanina dahil may istorbong dumating. Gabi na ng matapos Kong kumponihin ang van na kaninang tanghali ko pa inaayos.Siguro hindi ko inabot ng gabi kong walang storbong bisita na hindi ko inaasahan.Nakaramdam ako ng pagod dahil ang hirap hanapin ang sakit nito.Kailangan ko pang tingnan ang mga wires nito. "pinsan bumili na lang tayo ng lutong ulam.Hindi na tayo makakapag luto nito dahil pareho tayong pagod."wika ng pinsan ko Sakin. Agad naman akong tumango upang sumang-ayon sa plano ng pinsan ko dahil totoong pagod kaming dalawa at gabi na rin. Para pagdating namin sa bahay,kakain na lang. Dumaan muna kami sa maliit na restaurant na nadaanan namin at umorder lang ng sapat na pagkain namin. Nang matapos naming makuha ang binili naming pagkain,agad din kaming umuwi. Pagdating namin sa bahay,nagpahinga muna kami sandali. Lumipas ang ilang sandali,tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa saka pumasok sa loob ng silid ko. Kailangan ko munang maligo upang guminhawa aking pakiramdam. Mabilis ang ginawa kong pagligo saka agad akong nagbihis.LumAbas ako ng silid Kong naka short at sando pero wala akong panloob. "Kain na tayo pinsan habang mainit-init pa ang pagkain."ani Sakin ni Larry na kalalabas lang din ng silid nito at nakaligo na rin. Palihim muli akong natatawa dahil malapit na akong matapos,nagdadasal pa rin ang pinsan ko. "ilabas mo na lang kaya ang tawa mo pinsan baka mautot ka pa dyan sa short mo."wika niya at nagsimula na ring kumain. "Ewan ko sayo Larry,ang haba kasi ng dinasal mo."natatawa kong ani sa kanya.Pero hindi na siya nagsalita pa at kumain lang. Tapos na akong kumain kaya bumalik na ako sa aking silid upang magpahinga.Saktong pasok ko sa loob ng silid ko na siyang pagring ng celpon ko mula sa ibabaw ng kama ko. Dinampot ko ito at tiningnan kong sino ang tumatawag.Napakunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang numero na kasalukuyan pa ring tumatawag. Hanggang sa tumigil ito.Ibaba ko na sana nang muli itong tumunog, ngunit txt na lamang iyon. Binuksan ko ang minsaheng dumating.Duon ko nalaman Kong kanino ang numerong tumatawag kanina.Walang iba kundi si Claire. "damn,paano niya nalaman ang number ko."bulong ko sa hangin.Hanggang sa mapagtanto ko ang lahat.Si Larry ang nagbigay ng numero ko sa kanya. Iiling-iling Kong binato sa ibabaw ng kama ko ang cellphone ko.Ngunit narinig Kong muling nagpadala ng mensahe ang dalaga,pero hindi ko na iyon pinansin pa. Humiga ako sa kama saka pinikit ko aking mata.Kaya lang naglalakbay ang isip ko Kong saan tutungo. "damn it.Pagod ako,bakit hindi ko makatulog."aniko Humarap ako sa kinaruruonan ng cellphone ko at parang may bumubulong sa akin na kunin ko iyon at tingnan Kong ano ang laman ng message na dumating. "ahhh, kainis."aniko saka ginulo ko pa ang buhok ko. "goodnyt baby, excited akong makita kita bukas."basa ko sa txt mula Kay Claire,kaya sa inis pinatay ko ang cellphone ko.Larry's pov Tatlong araw na akong nakakulong sa bahay ni farah matapos niya akong pikutin ng ganung kadali.At tatlong araw na ring hindi ko nakikita ang bulto nito-tanging ang mga tauhan lamang niyang nagbabantay sa labas ng bahay ang kasama ko sa tatlong araw na dumaan. Sa tatlong araw na wala siya rito- ilang beses kong tinangkang tumakas,ngunit palagi akong bigo dahil maysa pusa yata ang mga tauhan nito-palagi nila akong nahuhuli sa tuwing magtangka akong tumakas. Kaya sobrang galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon sa kaibigan ni claire.Hindi ko matatanggap ang mga pinaggagawa niya sakin.Matapos niyang sirain ang pangarap ko,ang ginawa niyang pagpikot sa'kin,ang ginawa niyang pagkukulong sakin rito sa bahay niya.Anong balak niyang gawin sa'kin,ikukulong lamang ba niya ako rito ng habang buhay. Hindi ako makakapayag,kailangan kong makaisip ng paraan upang makaalis ako sa lugar na 'to.Alam kong nagtataka na sila father gardo at Father Fausto dahil inaasahan nilang babali
Larry's pov "kumapit kang mabuti kong ayaw mong gumulong-gulong sa semento.Sayang ang lahi mo kapag natigok ka."pananakot niya sa'kin.Kaya ginawa ko ang utos niyang kumapit ako ng mabuti sa katawan niya-wala akong pakialam sa sinasabe niyang lahi dahil wala akong balak na magparami ng lahi. Magkakasunod na putok ng baril ang nakasunod sa amin,mabuti na lang hindi kami nagtatamaan ng bala ng baril dahil sa ginagawa niyang pagewang-gewang ang sinasakyan naming motor.Nakita kong naglabas ng baril ang babae- gumanti ng putok sa mga 'to.Hanggang sa biglang tumigil ang putok at ang kasunod ay mga pagsabog ng kong anong bagay.Paglingon ko-lumiliyab na ang sasakyang nakasunod sa amin. Manghang-mangha ako sa galing ng babae'ng naka itim.Ngunit ang problema ko lang ngayon ay paano ko matatakasan ang babae'ng 'to,panigurado tuluyan na niya akong hulihin at ikulong. Ano ba ang dapat kong gawin?Kailangan ko bang magpaliwanag sa kanya na hindi ako kasapi ng kahit na anong grupo o ano dahil m
Larry's pov "damn you,mask.H'wag mo akong pakialaman at hwag mo akong pangunahan.Magku-kwento lang ako sandali sa kanya kong gaanu ka walang kwenta ang minahal niyang ina bago siya sumunod rito na alam kong hinihintay na siya."naiinis niyang ani sa tinatawag niyang lance. Continue........... Matapos niyang barahin ang lalaking nakasuot ng mask-muli akong binalingan ng kamukha ko.Humahakbang siyang palapit sa akin-may inilabas siyang isang larawan basta na lang hinagis sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko sa larawang hinagis niya sa harapan ko-na halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita.Alam kong hindi 'yon magagawa ni mama.Kaya paano nangyari 'to? "ngayon,sabihin mo sakin kong ano ang mararamdaman mo matapos mong makita ang kawalanghiyaang ginawa ng minahal mong ina.At -hindi lang 'yan!alam mo kong ano pa ang ginawa niya sa taong nagpalaki at nag-aruga sakin.Pinadampot niya ang ama natin sa hindi nakikilalang grupo- lumaban siya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.Ngunit s
Larry's povMay ngiti sa aking labi habang kasama ko ang dalawang obispo na panay ang kanilang kwento.Kaya hindi namin namamalayan na nakarating kami sa may tarangkahan ng simbahan.Nang biglang mapunta ang usapan namin sa pagbabalik ko bukas ng kumbento upang ipagpatuloy pa ang pagiging seminarista ko at ilang lingo na lang aking hihintayin o-ordinahan na ako upang maging ganap na talaga akong pari.Kaya sobrang tuwa ko nang ibalita sakin iyon ni father gardo kagabi.Dahil sa wakas,matutupad ko na ang matagal ko nang pangarap."bukas na ang balik mo rito sa kumbento,brother larry.Anong maku-kwento mo sa naging buhay mo sa labas?Maganda ba at ano ang magiging desisyon mo?"tanong sakin ng isang obispo.Mahina akong tumawa."isa lang po ang maisasagot ko d'yan,father.Mas masaya akong maglingkod sa panginoon kesa ang mabuhay sa labas na puno ng karahasan,kasalanan at tukso."naging tugon.Nagkatinginan naman ang dalawang obispo pagkatapos ay tinapik-tapik ako sa balikat ni father Marlon."mag
ddFarah's pov "tang'inang butas yan,ang sakit ng mga braso ko, nagasgasan pa yata."reklamo ko matapos ang matagumpay kong makalabas sa mliit na butas- na siyang pinasukan ko rin kanina. Pinagsisipa ko pa ito dahil sa sobrang inis.Kapag talaga uulitin pang bumalik ni Larry sa silid na ito- babakbakin ko na lang para madali akong makalusot papasok at makalabas. Wala naman sana ako dapat ngayon dito kong hindi dahil sa mga storbo.Binulabog nila ang balak kong pagpapahinga sana ng ilang oras dahil mamayang hating gabi ay may hahantingin ako ng taong halang ang kaluluwa. Pero heto ako ngayon-sinundan ang pakipot na lalaking ito.Ang hirap niyang paamuin-para'ng siya ang babae sa'ming dalawa .Kahit anong gawin ko ayaw sumunod sa gusto ko.Binigay ko na nga katawan ko-kulang na lang pati kaluluwa ko ibigay ko.Para rin naman sa kanya ang ginagawa ko-inililihis ko lang naman siya sa maaaring mangyari sa kanya kapag nagpatuloy siya sa kanyang nais. Ngunit napaangat ang paningin ko nang may ma
Medyo madilim na ang paligid nang makarating ako ng simbahan.Nagulat pa si Father Gardo dahil sa biglang pagsulpot ko.Hindi ko maintindihan bakit may pagtataka sa mukha ng obispo-hindi ba dapat alam niya ang dahilan kaya ako nandito. "anong ginagawa mo rito, brother Larry?Wala pang isang lingo ah."tanong sa'kin ni father Gardo habang nakakunot ang noo nito. "hmm father!kaya ako nandito dahil sa natanggap kong sulat."panimula ko. "anong sulat?"may oagtatakang tanong sa'kin ng obispo. "may dumating po sa'kin na sulat galing po sa inyo."wika ko.Ngunit tumawa ang obispo kaya ako naman ang napakunot ang noo. "wala akong natatandaan na nagpadala ako ng sulat sayo, brother larry."paliwanag ng obispo sa'kin. Agad akong napailing at napaisip.Kung hindi si father Gardo ang nagpadala sa'kin ng sulat na may kasamang larawan....sino?Ang ibig sabihin lang din ay wala silang alam sa mga nagawa kong kasalanan. "salamat po father.Hwag na lang po ninyong isipin ang tinatanong ko sa inyo.N

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





