LOGIN-Freya-
Kahit pa halos makalaglag-panty ang kagwapuhan niya, kahit pa bilyonaryo siya, at kahit pa kaya niyang bilhin ang buong Pilipinas, hindi ibig sabihin nun ay papayag na akong maging asawa niya.
No way!
Anim na buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maghiwalay kami ni Alec, ang dati kong asawa. Oo, divorce ang nangyari sa amin, dahil sa Amerika niya ako pinakasalan at doon din kami namuhay nang ilang taon.
Akala ko noon, iyon na ang magiging buhay ko. Akala ko, kapag nagpakasal ako sa lalaking mahal ko, sapat na iyon upang mapanatiling buo ang aming pagsasama.
Pero nagkamali ako.
Ilang taon niya akong pinaniwala na hindi tumatayo yung tit! niya, kaya ayaw niyang makipagsiping sa akin. Ginawa ko ang lahat para maakit siya.
Nandiyang bumili ako ng mga sexy lingerie, bumili din ako ng mga nakakaakit na pabango, at halos maghubad na ako sa harap niya para lang kantvtin niya ako, pero wala talaga. Ay hindi pala halos. Naghuhubad talaga ako, pero mars! Ayaw pa ring tumayo!
Hanggang sa narinig ko siyang kausap ang best friend niyang si Gavin sa study room ng bahay. Na matatapos na daw ang pustahan nila ni Victoria, three months na lang.
At alam niyo ba kung anong pustahan nila? Na hindi niya ako kakantvtin sa loob ng limang taon, at papaniwalaing hindi tumatayo yung bvrat niya!
At kaya pala ayaw tumayo, bago siya umuwi galing trabaho, si Victoria muna ang kinakant0t niya. Siyempre pagdating sa akin, luntoy na!
Kaya bago pa matapos ang sinasabi nilang pustahan nila, pinapirma ko siya ng dokumento na hindi niya alam ay divorce paper pala at saka ko ito finile nang hindi niya alam.
Nagulat din siya nung nalamang divorced na kami. At tinanong pa talaga ako ng kumag kung ano daw ang kasalanan niya. Ang kapal ng mukha!
Nung sinabi ko ang lahat ng narinig ko, halos hindi siya makapagsalita. Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata, pero huli na. Ni hindi niya man lang ako natikman, so magsisisi talaga siya.
Ang sarap-sarap ko kaya.
Iniwan ko si Alec sa Amerika at umuwi akong mag-isa dito sa Pilipinas matapos ang aming diborsiyo. Wala naman siyang kakayahang pigilan ako dahil wala naman na siyang karapatan sa akin.
Isa pa, wala akong kinuha sa pera niya kahit isang kusing. Yung ticket na pinambili ko pauwi ay galing sa mga alahas na niregalo niya sa akin. Binenta ko lahat! Wala akong itinira. Regalo yun eh, so akin na ang mga yun, di ba?
Masakit? Oo, napakasakit!
Pero mas masakit manatili sa isang relasyong araw-araw kang pinagmumukhang tanga ng taong ipinangako sa’yo ang pagmamahal at katapatan.
Pagbalik ko sa Pilipinas, nagsimula akong muli sa buhay. Dahil hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo, wala akong gaanong pagpipilian sa paghahanap ng trabaho. Mabuti na lang at tinanggap ako ng Anderson Industries bilang encoder kahit wala akong diploma.
Limang buwan pa lamang akong nagtatrabaho dito, at kahit papaano ay nakakaraos na ako. Hindi man malaki ang sweldo ko, nagsisikap akong mag-overtime at mag-online selling tuwing weekend upang makapag-ipon para sa operasyon ng tatay ko.
Simple lang ang pangarap ko ngayon. Ang magkaroon ng sapat na pera para sa pagpapagamot niya, mabayaran ang mga utang ko, at mabuhay nang mapayapa nang walang lalaki sa buhay ko.
Wala sa mga pangarap kong iyon ang magpakasal ulit. Lalong-lalo na sa boss ko! Juskolord! Wala pang one year akong diborsiyo!
“Take a seat first, Miss Dela Cruz.” utos ng boss ko na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, at saka itinuro ang upuang nasa tapat ng kanyang mesa. “Alam kong ang arrangement na ito ay pareho nating mapapakinabangan.”
Ha? Paanong pati ako eh makikinabang?
Gusto ko na sanang lumabas ng opisina niya, pero may kung anong nagsabi sa akin na mas mabuting pakinggan ko muna ang sasabihin niya. Baka sakaling may katuturan ang plano niyang ito, kahit sa ngayon ay para lamang akong nasa isang teleserye at nangangambang maging asawa nang wala sa oras ang boss ko.
Kaya naman napilitan akong umupo sa harap niya.
“Paano niyo nasabing makikinabang din ako dito, sir?” tanong ko, habang inaayos ang pagkakaupo ko at sinusubukang huwag ipahalata ang kabang nararamdaman ko.
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. “Hindi ba kailangang maoperahan sa puso ang tatay mo?”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko, at agad na nawala ang anumang bakas ng ngiti sa mukha ko. Pano niya nalaman ang tungkol dito?
“Napansin ko din na palagi kang nag-oovertime. Kapag weekend naman, nag-oonline selling ka para mas mabilis kang makaipon ng pera.”
Pakiramdam ko ay unti-unting naubos ang dugo sa mukha ko. Nanlamig ang mga palad ko habang nakatitig sa kanya, at pilit inuunawa kung paano niya nalaman ang mga bagay na hindi ko naman basta-basta ikinukuwento sa ibang tao.
“P-paano niyo nalaman ang lahat ng ito, sir?” nauutal kong tanong. “Pinaimbestigahan niyo ba ako?”
“Yes,” diretsahan niyang sagot, at napasinghap ako.
Wala man lang pag-aalinlangan sa boses niya. Para bang normal lang sa kaniya na paimbestigahan ang personal na buhay ng empleyado niya.
“Pagkatapos kitang makatagpo sa airport, nakita kitang umiiyak dahil sa paghihiwalay ninyo ng asawa mo,” paliwanag niya. “Naalala kita kinabukasan nang makita kitang nag-aapply ng trabaho.”
Napatitig ako sa kaniya. Biglang bumalik sa isip ko ang araw na iyon sa airport.
Halos hindi ko na nga maalala kung paano ako nakauwi matapos kong makumpirmang tuluyan nang gumuho ang pagsasama namin ni Alec. Hindi ko mapigilang umiyak habang hinihintay ang sasakyan, at doon ko nakilala si Harry. Siya ang nag-alok na ihatid ako sa bahay ng kaibigan kong si Mia, na pansamantala kong tutuluyan habang naghahanap ng trabaho.
Noong una, inakala kong simpleng kabaitan lamang iyon. Na isa lang siyang taong nakakita ng babaeng umiiyak at nag-alok ng tulong.
Pero ngayon, lumalabas na may iba pala siyang dahilan.
“Ibig sabihin…” dahan-dahan kong sabi, halos hindi makapaniwala sa sarili kong konklusyon. “Noong nakita niyo akong umiiyak sa airport, at inalok ninyo akong ihatid sa bahay ng kaibigan ko, pinagmamasdan niyo na pala ako?”
Hindi siya sumagot agad. At ang katahimikan niya ay sapat nang sagot para lalo akong magalit.
“Wait a minute.” Napatuwid ako ng upo. “Kayo din ba ang dahilan kung bakit may nag-abot sa akin ng flyer at nagsabing mag-apply ako dito sa Anderson Industries?”
Bahagya niyang ikiniling ang ulo. “Possible.”
“Possible?!” halos mapatalon ako sa upuan ko. “Ano pong ibig sabihin ng possible niyo? Kayo ba o hindi?”
“May mga tao akong inatasan para maghanap ng angkop na empleyado para sa ilang bakanteng posisyon. Kung may nagrekomenda sa iyo, hindi ko na matandaan kung sino.”
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi.
Pero habang pinag-iisipan ko ang mga sinabi niya, lalo kong nararamdaman na hindi basta nagkataon ang lahat.
Mula sa pagkikita namin sa airport hanggang sa pagkakatanggap ko sa kumpanyang ito, tila may mga bagay na hindi ko nalaman. Mukhang plinano niya ang lahat.
Tinanggap niya ako sa kumpanyang ito kahit wala naman akong pinag-aralan dahil plano niya akong alukin ng kasal.
“So, kinalkal niyo ang buhay ko nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?” galit kong tanong. “Puwede ko kayong kasuhan sa ginawa ninyo, sir! That's an invasion of privacy!”
-Freya-Kinabukasan, ipinahanap niya ako at pinabantayan sa mga tauhan niya. Nakita nilang naghahanap ako ng trabaho at nagtatanong-tanong sa iba't ibang mga fast food chains kung may bakanteng trabaho.Dahil wala naman akong pinag-aralan, sa tingin ko ay doon lang ako nararapat na magtrabaho. Doon daw lalo pang humanga sa akin si Harry.Sa kabila raw ng lahat ng pinagdaanan ko, hindi ako nagpatinag at patuloy pa rin akong nagsikap na makahanap ng trabaho. Para bang hindi ako bagong hiwalay sa asawa at walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kinabukasan.Dahil doon, inutusan niya ang assistant niya na gumawa ng flyer tungkol sa Anderson Industries at ipinabigay iyon sa akin.Siyempre, dahil kailangan ko ng trabaho, at malaking kumpanya ang Anderson Industries, excited akong nag-apply doon. Hindi ko naman inakalang agad akong matatanggap, lalo na at wala akong gaanong karanasan pagdating sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.Pero hindi ko alam na may nakatago pala siyang i
-Freya-“Freya! Ang aga mo yatang dumating ngayon?” nakangiting bati ni Mia nang pangbuksan niya ako ng pint0 ng apartment niya.Si Mia ay isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan. Magkaibigan na kami mula pa noong high school, at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Alec. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay, at kahit hindi kami palaging nagkikita noon dahil pareho kaming abala sa pagtatrabaho, hindi naman nabawasan ang pagiging malapit namin sa isa't isa.Isa na siyang elementary teacher ngayon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil pareho kaming nagtrabaho noon para matustusan ang aming mga pangangailangan. Gayunpaman, lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pambayad ng tuition at iba pang gastusin sa pag-aaral, samantalang ang sahod ko naman ay ipinapadala ko sa tatay ko sa probinsiya. May bahagi rin akong inilalaan para sa pag-aaral ni Adrian, ang nakababata kong kapatid. Kaya siya nakatapos ng college at ako ay hindi.Matagal nang pumanaw ang nanay ko. Nasagasaan siya
-Freya-Hindi na ako nag-overtime noong araw na ‘yon.Bakit pa? Hindi ko na rin naman kailangang maghabol ng dagdag na kita kapag naging asawa ko na si Harry. Pagkapirma ko pa lang sa kontrata, isang milyon na agad ang ibibigay niya sa akin. Sapat na iyon para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag at masimulan nang bayaran ang mga utang ko, pero uunahin ko muna si tatay, siyempre.Isa pa, kinausap niya rin ako kanina tungkol sa palagi kong pag-o-overtime. Hindi naman daw sa pinagbabawalan niya akong magtrabaho nang lampas sa oras, pero ayaw lang niyang maabuso ang katawan ng mga empleyado niya. Baka raw magkasakit ako kapag palagi akong nagpupuyat at kulang sa pahinga.At least, may concern pa rin pala siya sa mga empleyado niya kahit paano.Kaya naman hindi nakapagtataka na nagulat ang mga kasamahan ko nang makita nilang tumayo na rin ako mula sa desk ko pagsapit na pagsapit ng alas-singko. Karaniwan kasi, ako ang isa sa mga huling umaalis sa departament namin. Minsan nga, halo
-Freya-“So, paano na ang gagawin natin? Hindi mo naman basta pwedeng ianunsyo na ikakasal na tayo, eh hindi naman nila tayo nakitang nag-date kahit minsan. Baka… baka hindi maniwala ang lolo mo kapag sinabi mong matagal na tayong mag-on.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Harry nang marinig ang sinabi ko. Dahil nagtanong ako ng ganon, iniisip niya na siguro na pumapayag na ako sa alok niya.“Well, pwede nating sabihin sa kanila na nagkakilala tayo sa isang coffee shop sa Amerika. Nabangga mo ako at nabuhusan ng kape. Tapos, nang punasan mo ang nabasang pantalon ko, aksidente mong nasagi ang ano ko… at doon nagsimula ang lahat.”Napatitig ako sa kanya.Ang pangit naman ng script nito! Bakit kailangan pang isingit ang pagsagi sa ano niya? Manyak ba ang lalaking ‘to?Hindi ba pwedeng simpleng love story na lang? Iyong nagkabanggaan kami, nagkausap, nagpalitan ng number, at unti-unting nahulog sa isa’t isa? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong eksena? Juskolord! Baka naman sabihin
-Freya-Biglang bumigat ang mga dibdib ko sa sinabi niya, at pati ang mga ut0ng ko ay nanigas dahil sa sinabi niyang lalaki siya at may pangangailangan. Teka, bakit ganito na agad ang epekto sa akin ng lalaking ito? Eh ayoko ngang magpakasal sa kanya!Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ngumingiti siya nang ganoon, parang bigla akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang maayos. Nakakainis! Dapat ay galit ako sa kanya dahil sa nakakainis niyang proposal, pero bakit parang mas nauuna pang mag-react ang puso ko kaysa sa utak ko?Napahalukipkip na lang ako at hindi inalis ang tingin sa kanya.“Lalong ayokong pumayag na magpakasal sa'yo dahil diyan, Mr. Anderson.”Bahagya siyang napangiti, na para bang hindi man lang siya naapektuhan sa pagtanggi ko. Sa halip, mahinahon niyang isinara ang folder na nasa ibabaw ng desk niya at saka ako muling hinrap.“Iuwi mo muna ang kontrata at pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” sabi niya. “Ten million pesos ang matatanggap mo, at ipapaopera k
-Freya-Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”Napailing na lang ako. Magaling din!“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”Saglit akong nag-isip.Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at bina
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






