Share

Chapter 03

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-10-25 02:14:02

-Freya-

Hindi ko mapigilang manginig sa galit. Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalaman niya tungkol sa akin, kung sino ang mga nakausap niya, o kung may iba pa siyang impormasyong hawak na hindi ko man lang alam.

Hindi dahil CEO siya ay may karapatan na siyang pakialaman ang buong buhay ko.

Pero sa halip na magalit sa banta ko, tumaas pa ang sulok ng mga labi niya, na para bang natutuwa siya sa nakikita niyang reaksyon ko.

“So, ilang buwan ka pa lang dito, nag-apply ka na agad ng company loan,” sabi niya, na para bang wala siyang narinig sa mga sinabi ko. Binalewala niya lang ang galit ko! “At alam mo bang ako ang pumirma para maaprubahan iyon?”

Napanganga ako. Ano?! Siya ang pumirma sa loan application ko? Well, sino pa ba? Eh siya ang boss dito!

Biglang nagbalik sa isip ko ang araw na natanggap ko ang balita mula sa HR na aprubado na ang hinihingi kong loan kahit wala pa akong isang taon na nagtatrabaho dito. Halos maiyak ako noon sa tuwa dahil malaking tulong iyon para sa mga gastusin ng tatay ko.

Hindi ko naman inakalang personal na nakialam si Harry sa aplikasyon ko.

“Tapos…” patuloy niya, “sa loob ng isang linggo, umaabot sa sixty hours ang trabaho mo, kahit ang normal na iskedyul mo ay forty hours lang. Kapag nagpatuloy iyan, maaaring pilitin ng HR na limitahan ang oras ng trabaho mo dahil sa liability concerns. Posible ding magkaroon ng problema sa pag-apruba at pagbabayad ng overtime mo kung hindi maayos ang pagproseso nito.”

Napalunok muna ako sa sinabi niya bago ako sumagot. “Pero sila naman po ang nagsabing puwede akong mag-overtime…”

“Pwede naman,” putol niya. “Pero hindi ibig sabihin non ay dapat mo nang abusuhin ang sarili mo sa pagtatrabaho.”

Napatingin ako sa kanya.

“I don't want my employees to end up burned out,” dagdag pa niya. “Lalo na kung ang dahilan ay pinipilit nilang magtrabaho nang lampas sa kaya ng kanilang katawan.”

Saglit akong natahimik.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi naman ako nag-oovertime para magpakitang-gilas sa trabaho. Hindi rin dahil gusto kong mapansin niya ako o umangat sa posisyon.

Kailangan ko lang talaga ng pera. Para sa tatay ko at sa mga bayarin. At para sa mga utang na hindi ko kayang takasan.

“Okay lang naman po ako, sir,” mahina kong sagot habang ibinababa ang tingin sa mga kamay ko. “Kailangan ko lang talaga ng pera.”

Pagkasabi ko non ay agad kong kinagat ang ibabang labi ko.

Naku! Bakit ko ba sinabi iyon?

Baka mamaya, mag-alok siya sa akin ng pera kapalit ng kasal at tuluyan na akong malalagay sa alanganin. 

Kung alam ko lang na mauuwi sa ganitong usapan ang pagpasok ko dito sa opisina niya, sana nagkunwari na lang akong may sakit at hindi na ako pumasok ngayon!

Ngunit tila iyon mismo ang hinihintay niyang marinig.

“So, you have to marry me if you really need the money.” Bigla akong napatingin sa kaniya. “Don't worry. One year lang naman ang kasal natin. After that, we can file for divorce, and I'll give you ten million pesos as compensation.”

“Ten million?” Halos lumundag ang puso ko sa dibdib.

Sandali. Tama ba ang narinig ko? Sampung milyong piso?

Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o sadyang nagiging makapangyarihan na sa pandinig ko ang salitang million. 

Para bang biglang nagkaroon ng sariling buhay ang mga mata ko at kusang kumislap ang mga ito habang iniisip ko kung gaano karaming problema ang kayang solusyonan ng ganoong kalaking halaga.

Napansin ni Harry ang pagbabago sa mukha ko. Hindi ko man aminin, alam kong kitang-kita niya sa mukha ko na natukso ako sa alok niya dahil sa bahagyang pagngiti niya.

“Yes,” natatawang sagot niya. “Ten million pesos. Walang labis, walang kulang.”

Agad akong umiling at pilit na ibinalik sa dati ang ekspresyon ng mukha ko. “Pero hindi pa rin pwede, sir!”

Agad na nawala ang ngiti niya. “It’s only one year, Miss Dela Cruz!”

“Kahit na!” malakas kong sagot.

“Hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa operasyon ng tatay mo. Hindi mo na rin kailangang magtrabaho ng sixty hours a week para lang makabayad sa mga utang mo.”

Napakagat ako sa labi ko.

Napakagandang pakinggan ng mga salitang iyon. Para bang may taong biglang nag-alok na alisin ang lahat ng bigat na matagal ko nang pasan. Isang taon lamang ang kailangan kong ibigay, at pagkatapos ay maaari na akong bumalik sa dati kong buhay. 

Mas mayaman, mas malaya, at wala nang utang na kailangang isipin. Pero hindi pera ang tanging dahilan kung bakit nag-aalangan ako.

Ayokong muling pumasok sa isang kasal nang hindi alam kung ano ang naghihintay sa akin. Ayokong magising isang araw at matuklasang muli akong nakatali sa isang lalaking hindi ko naman talaga mahal, kahit pa may malinaw kaming kasunduan.

Naranasan ko na ang masaktan sa loob ng kasal. Hindi ko gustong ulitin iyon dahil lamang sa pangakong pera.

“One year lang pala, eh,” sabi ko, pilit na nag-iisip ng ibang paraan. “Kumuha na lang kayo ng artista o modelo, sir. Ang dami kayang magagandang babae sa showbiz. Sigurado akong magkakandarapa ang mga iyon para pakasalan ang isang bilyonaryong katulad ninyo.”

Bahagya siyang natawa. “Ayoko ng artista o modelo. They would be easily recognized, and like I said, anyone who agrees to marry me would only be after my money and position.”

“At ako? Hindi ba pera rin ang magiging dahilan ko kung sakaling pumayag akong magpakasal sa inyo?” paulit-ulit?!

“You need the money,” kalmado niyang sagot. “But that doesn't mean you're the same as everyone else.”

Napakunot-noo ako. “Paano niyo nasabi?”

“Dahil kung pera lang ang habol mo, Miss Dela Cruz, matagal mo na sana akong nilapitan at hiniling na taasan ang suweldo mo. O kaya naman ay ginamit mo ang pagkakataong makilala mo ako sa airport para humingi ng tulong.”

Napahinto ako. May punto siya doon, pero hindi ibig sabihin na gusto kong pakasalan siya.

“Isa pa,” pagpapatuloy niya, “may sarili nang pera at kasikatan ang mga artistang sinasabi mo. Hindi ko alam kung ano ang magiging dahilan nila para pumayag sa isang kasunduang tulad nito. At kapag natapos ang isang taon, baka maging komplikado pa ang paghihiwalay namin dahil sa publicity.”

Sandali siyang tumigil bago muling tumingin sa akin.

“Samantalang ikaw, gusto mong maoperahan ang tatay mo. May mga utang kang kailangang bayaran, at nagsusumikap kang makaipon sa kabila ng maliit mong sweldo. Sa tingin ko, hindi mo gugustuhing manatili sa isang pekeng kasal nang mas matagal kaysa sa napagkasunduan natin. After one year, you'll be free to leave.”

Napatitig ako sa kanya.

Ang kapal talaga ng mukha niya! Para bang kabisado na niya ang buong pagkatao ko at kaya na niyang hulaan kung ano ang gagawin ko sa hinaharap.

Pero ang mas nakakainis, tila pinag-isipan niya nang mabuti ang lahat ng ito.

Hindi siya basta nagising isang umaga at naisipang magpakasal sa isang empleyado. May dahilan siya sa pagpili sa akin, at malinaw na alam niya kung paano niya ako mahihikayat na pag-isipan ang alok niya.

Alam niya kung saan ako mahina, at ginagamit niya ang kaalamang iyon upang kumbinsihin akong tanggapin ang gusto niya.

Kahit pa sabihing makikinabang din ako, hindi ko pa rin matanggap na kinalkal niya ang buhay ko nang hindi man lang ako kinakausap.

“May punto naman kayo,” pag-amin ko bago ako bahagyang yumuko. “Pero hindi ibig sabihin non ay tama ang ginawa ninyong pag-iimbestiga sa akin. Hindi niyo puwedeng basta-bastang alamin ang personal kong buhay dahil lang boss ko kayo.”

“I understand your concern.”

“Talaga po?”

“Yes. So, what's your answer, Miss Dela Cruz?” tanong niya, sabay taas ng kilay. “Will you marry me?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 010

    -Freya-Kinabukasan, ipinahanap niya ako at pinabantayan sa mga tauhan niya. Nakita nilang naghahanap ako ng trabaho at nagtatanong-tanong sa iba't ibang mga fast food chains kung may bakanteng trabaho.Dahil wala naman akong pinag-aralan, sa tingin ko ay doon lang ako nararapat na magtrabaho. Doon daw lalo pang humanga sa akin si Harry.Sa kabila raw ng lahat ng pinagdaanan ko, hindi ako nagpatinag at patuloy pa rin akong nagsikap na makahanap ng trabaho. Para bang hindi ako bagong hiwalay sa asawa at walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kinabukasan.Dahil doon, inutusan niya ang assistant niya na gumawa ng flyer tungkol sa Anderson Industries at ipinabigay iyon sa akin.Siyempre, dahil kailangan ko ng trabaho, at malaking kumpanya ang Anderson Industries, excited akong nag-apply doon. Hindi ko naman inakalang agad akong matatanggap, lalo na at wala akong gaanong karanasan pagdating sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.Pero hindi ko alam na may nakatago pala siyang i

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 09

    -Freya-“Freya! Ang aga mo yatang dumating ngayon?” nakangiting bati ni Mia nang pangbuksan niya ako ng pint0 ng apartment niya.Si Mia ay isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan. Magkaibigan na kami mula pa noong high school, at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Alec. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay, at kahit hindi kami palaging nagkikita noon dahil pareho kaming abala sa pagtatrabaho, hindi naman nabawasan ang pagiging malapit namin sa isa't isa.Isa na siyang elementary teacher ngayon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil pareho kaming nagtrabaho noon para matustusan ang aming mga pangangailangan. Gayunpaman, lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pambayad ng tuition at iba pang gastusin sa pag-aaral, samantalang ang sahod ko naman ay ipinapadala ko sa tatay ko sa probinsiya. May bahagi rin akong inilalaan para sa pag-aaral ni Adrian, ang nakababata kong kapatid. Kaya siya nakatapos ng college at ako ay hindi.Matagal nang pumanaw ang nanay ko. Nasagasaan siya

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 08

    -Freya-Hindi na ako nag-overtime noong araw na ‘yon.Bakit pa? Hindi ko na rin naman kailangang maghabol ng dagdag na kita kapag naging asawa ko na si Harry. Pagkapirma ko pa lang sa kontrata, isang milyon na agad ang ibibigay niya sa akin. Sapat na iyon para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag at masimulan nang bayaran ang mga utang ko, pero uunahin ko muna si tatay, siyempre.Isa pa, kinausap niya rin ako kanina tungkol sa palagi kong pag-o-overtime. Hindi naman daw sa pinagbabawalan niya akong magtrabaho nang lampas sa oras, pero ayaw lang niyang maabuso ang katawan ng mga empleyado niya. Baka raw magkasakit ako kapag palagi akong nagpupuyat at kulang sa pahinga.At least, may concern pa rin pala siya sa mga empleyado niya kahit paano.Kaya naman hindi nakapagtataka na nagulat ang mga kasamahan ko nang makita nilang tumayo na rin ako mula sa desk ko pagsapit na pagsapit ng alas-singko. Karaniwan kasi, ako ang isa sa mga huling umaalis sa departament namin. Minsan nga, halo

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 07

    -Freya-“So, paano na ang gagawin natin? Hindi mo naman basta pwedeng ianunsyo na ikakasal na tayo, eh hindi naman nila tayo nakitang nag-date kahit minsan. Baka… baka hindi maniwala ang lolo mo kapag sinabi mong matagal na tayong mag-on.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Harry nang marinig ang sinabi ko. Dahil nagtanong ako ng ganon, iniisip niya na siguro na pumapayag na ako sa alok niya.“Well, pwede nating sabihin sa kanila na nagkakilala tayo sa isang coffee shop sa Amerika. Nabangga mo ako at nabuhusan ng kape. Tapos, nang punasan mo ang nabasang pantalon ko, aksidente mong nasagi ang ano ko… at doon nagsimula ang lahat.”Napatitig ako sa kanya.Ang pangit naman ng script nito! Bakit kailangan pang isingit ang pagsagi sa ano niya? Manyak ba ang lalaking ‘to?Hindi ba pwedeng simpleng love story na lang? Iyong nagkabanggaan kami, nagkausap, nagpalitan ng number, at unti-unting nahulog sa isa’t isa? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong eksena? Juskolord! Baka naman sabihin

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 06

    -Freya-Biglang bumigat ang mga dibdib ko sa sinabi niya, at pati ang mga ut0ng ko ay nanigas dahil sa sinabi niyang lalaki siya at may pangangailangan. Teka, bakit ganito na agad ang epekto sa akin ng lalaking ito? Eh ayoko ngang magpakasal sa kanya!Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ngumingiti siya nang ganoon, parang bigla akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang maayos. Nakakainis! Dapat ay galit ako sa kanya dahil sa nakakainis niyang proposal, pero bakit parang mas nauuna pang mag-react ang puso ko kaysa sa utak ko?Napahalukipkip na lang ako at hindi inalis ang tingin sa kanya.“Lalong ayokong pumayag na magpakasal sa'yo dahil diyan, Mr. Anderson.”Bahagya siyang napangiti, na para bang hindi man lang siya naapektuhan sa pagtanggi ko. Sa halip, mahinahon niyang isinara ang folder na nasa ibabaw ng desk niya at saka ako muling hinrap.“Iuwi mo muna ang kontrata at pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” sabi niya. “Ten million pesos ang matatanggap mo, at ipapaopera k

  • Ang Pasaway na Bride ng Boss Ko   Chapter 05

    -Freya-Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”Napailing na lang ako. Magaling din!“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”Saglit akong nag-isip.Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at bina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status