LOGIN
-Freya-
“I need a wife, and I want you to marry me as soon as possible.”
Ha? Ano daw?!
Ilang segundo akong natigilan sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa lalaking nasa harap ko, at seryosong nakatitig sa akin habang nakaupo sa likod ng kanyang swivel chair.
Hindi ako makapaniwalang narinig ko talaga ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Harry Anderson, ang CEO ng Anderson Industries at ang boss ko mismo.
Sa dami ng pwedeng sabihin ng isang boss sa kanyang empleyado, bakit naman kasal agad ang pinagsasabi niya?
Napakurap ako nang ilang beses, umaasang baka nagbibiro lang siya o kaya naman ay may hindi ako naintindihan sa mga sinabi niya. Pero nang makita kong nanatiling seryoso ang mukha niya, lalo akong nataranta.
“Excuse me, sir!” naguguluhan kong saad at bahagya pang napataas ang boses ko dahil hindi ko talaga maiproseso ang mga narinig ko. “Pwede po bang pakiulit ang sinabi niyo? Ahmm… I mean, baka kasi namali lang ako ng dinig, kasi hindi ako nakapaglinis ng tenga kaninang umaga. Naubusan kasi ako ng cotton buds.”
Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasasabi ko, at hindi man lang kumurap sang boss ko habang nakatitig sa akin.
“Ang sabi ko, kailangan ko ng asawa,” kalmado niyang pag-uulit. “Kailangan kong magpakasal within eight months, at ikaw ang napili ko. Because I think… you're the most suitable candidate to become my wife..”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Suitable candidate?
Ano ‘to, job interview? Miss Universe? May qualification requirements din ba ang pagiging asawa niya? Kailangan bang may college degree, limang taong work experience, at certificate of employment bago ako maging kuwalipikadong magpakasal sa isang katulad niya?
“Is this some kind of a joke?” tanong ko na hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi niya.
Biglang naningkit ang mga mata niya habang pinanlisikan ako ng mga mata. “When it comes to business matters, I never joke, Miss Dela Cruz.”
“Ah…” Tumango-tango ako na para bang may naunawaan ako, kahit ang totoo ay mas lalo lang akong naguluhan. “So, this is business?”
Tumango siya.
“Ah! Akala ko naman kung ano, sir!” natatawa kong sabi habang napapahawak sa tiyan ko. “Akala ko, bigla na lang kayong nagkaroon ng feelings sa akin! Akala ko, nainlove ka na lang bigla. ‘Yun pala, business proposal lang. Grabe ha! Muntikan na akong atakehin sa puso dun!”
Pero unti-unting namatay ang tawa ko nang mapansing hindi man lang gumalaw ang mga labi niya.
Hindi siya ngumiti at hindi rin siya nagpakita ng kahit na katiting na senyales na natutuwa siya sa mga sinabi ko.
Sa halip, nakatitig lamang siya sa akin na para bang ako na ang pinakawalang-kwentang empleyadong nakilala niya sa buong buhay niya.
Bigla akong napangiwi bago umiwas ng tingin sa kanya. “Ah… hindi nga po kayo nagbibiro?”
“This is pure business, Miss Dela Cruz.”
Sumandal siya sa kanyang swivel chair at saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang nakatitig pa rin sa akin, na para bang sinusuri niya kung talagang ako ang tamang taong napili niya para sa kanyang kakaibang proposal.
“Binigyan ako ng lolo ko ng ultimatum,” pagpapatuloy niya. “Kailangan kong magpakasal within eight months. Five months have already passed, which means I only have three months left to secure my position as CEO of Anderson Industries.”
“Ah...” Tumango-tango ako, saka dahan-dahang napabuntong-hininga. “So, kailangan ninyong mag-asawa para manatili kayong CEO dito sa kumpanya?”
“Exactly.”
Napakamot ako sa ulo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanya.
Isang lalaking halos lahat ng bagay na pinapangarap ng maraming tao ay nasa kanya na. Pera, kapangyarihan, gwapong mukha, at isang malaking kumpanya, pero kailangan pang magpakasal para lamang mapanatili ang posisyon niya.
Kung tutuusin, marami ang siguradong papayag na pakasalan siya nang hindi na niya kailangang magmakaawa o makipag-deal kagaya ng ginagawa niya sa akin ngayon, dahil sa itsura pa lang ni Harry Anderson, malamang ay may pila na ng mga babaeng handang magpakasal sa kanya.
Kaya ang tanong… Bakit ako?
Nilunok ko muna ang namuong laway sa bibig ko bago ako naglakas-loob na magtanong.
“Pero… bakit ako ang napili niyo, sir?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, nakatitig lamang siya sa akin habang bahagyang nakataas ang sulok ng kanyang mga labi, na para bang may alam siyang hindi ko alam.
Lalong sumama ang kutob ko.
“Marami naman pong ibang babae diyan,” pagpapatuloy ko. “I mean, bakit hindi na lang kayo mag-propose sa girlfriend niyo? Bakit sa akin niyo pa gustong magpakasal, na isang ordinaryong empleyado lang naman?”
“Sa tingin mo, kung may girlfriend ako, magpapakasal ako sa’yo?” nakataas ang kilay na tanong niya.
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Oo nga naman.
Kung may girlfriend pala siya, bakit pa niya ako guguluhin? Hindi ba mas madali kung ang sarili niyang kasintahan na lang ang hihingan niya ng pabor?
Napakamot ako sa ulo at pilit na ngumiti. “Eh, di maghanap kayo ng girlfriend, sir!”
Pagkasabi ko niyon ay bigla akong napatakip sa bibig nang mapagtanto kung sino ang kausap ko.
Naku, Freya! Wala ka bang preno sa bibig mo?!
Boss mo pa rin ang kaharap mo, at hindi basta-bastang boss. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Isang maling sagot lang, baka bukas ay wala ka nang trabaho!
Kaya naman mabilis kong binago ang tono ng boses ko at pinilit na maging malambing sa kanya.
“I mean… sir naman.” Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis habang bahagyang ikiniling ang ulo. “Kakahiwalay ko pa lang sa asawa ko. Six months pa lang kaming divorced. Kapag nalaman ng mga tao na ikakasal na naman ako, baka sabihin nilang atat na atat akong mag-asawa. Baka isipin nilang hindi ko kayang mabuhay nang walang lalaki sa buhay ko.”
Napangiwi ako sa mga sinabi ko.
Actually, hindi naman sa hindi ako mabubuhay nang walang lalaki sa buhay ko. Sa katunayan, mas payapa pa nga ang buhay ko ngayon mula nang iwan ko ang dati kong asawa.
Kaya bakit ko naman gugustuhing pasukin agad ang panibagong kasal?
Lalo na kung ang pakakasalan ko ay ang boss kong kung tumingin sa akin ay para akong hinuhubaran ng panty.
“Saka…” dagdag ko pa na mas lalo pang pinatamis ang boses ko. “Maghanap na lang po kayo ng iba, sir. Please? Huwag na lang ako.”
Bahagyang umangat ang katawan ni Harry mula sa pagkakasandal sa kanyang upuan nang marinig ang malambing kong tono.
Napansin kong nag-iba ang ekspresyon niya, bagaman hindi ko matiyak kung dahil ba sa sinabi ko o sa biglang pagbabago ng boses ko.
Ang hirap namang maging empleyado ng isang boss na bigla na lang mag-aalok ng kasal!
“Ayoko nang maghanap pa ng iba,” matigas niyang sagot. “Besides, alam kong pera lang ang magiging dahilan ng ibang babaeng papayag na pakasalan ako dahil CEO ako ng Anderson Industries.”
Agad na nawala ang pilit kong ngiti. Dahan-dahan kong itinaas ang isang kilay ko.
“At ako?” itinuro ko ang sarili ko. “Sa tingin niyo, hindi pera ang magiging dahilan ko kung sakaling pumayag akong pakasalan kayo?”
Ngumisi siya, na para bang hinihintay niya talaga ang tanong na iyon. “You're different, Miss Dela Cruz.”
“Different? Pano?”
“Basta.”
“Basta?!” Napataas ang boses ko. “Ano naman pong klaseng sagot ‘yan?”
Sa halip na sumagot agad, bahagya siyang yumuko at kinuha ang isang dokumentong nasa ibabaw ng mesa niya. Binuklat niya iyon na para bang wala siyang pakialam sa kalituhang idinudulot niya sa akin.
“Marami akong alam tungkol sa iyo, Miss Dela Cruz,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. “And the way you handled your ex-husband, I know you're the perfect woman for me.”
Napanganga ako sa sinabi niya.
Kung alam lang niya kung gaano ako kagulo sa totoong buhay, baka siya pa mismo ang bumawi sa alok niyang kasal!
“Pero paano ‘yan, sir?” mariin kong pagtanggi. “Ayoko pa ring magpakasal sa inyo kahit na anong sabihin niyo. Kahit ano pa ang ialok niyo, never akong magpapakasal ulit lalong-lalo na sa'yo!”
-Freya-Kinabukasan, ipinahanap niya ako at pinabantayan sa mga tauhan niya. Nakita nilang naghahanap ako ng trabaho at nagtatanong-tanong sa iba't ibang mga fast food chains kung may bakanteng trabaho.Dahil wala naman akong pinag-aralan, sa tingin ko ay doon lang ako nararapat na magtrabaho. Doon daw lalo pang humanga sa akin si Harry.Sa kabila raw ng lahat ng pinagdaanan ko, hindi ako nagpatinag at patuloy pa rin akong nagsikap na makahanap ng trabaho. Para bang hindi ako bagong hiwalay sa asawa at walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kinabukasan.Dahil doon, inutusan niya ang assistant niya na gumawa ng flyer tungkol sa Anderson Industries at ipinabigay iyon sa akin.Siyempre, dahil kailangan ko ng trabaho, at malaking kumpanya ang Anderson Industries, excited akong nag-apply doon. Hindi ko naman inakalang agad akong matatanggap, lalo na at wala akong gaanong karanasan pagdating sa pagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.Pero hindi ko alam na may nakatago pala siyang i
-Freya-“Freya! Ang aga mo yatang dumating ngayon?” nakangiting bati ni Mia nang pangbuksan niya ako ng pint0 ng apartment niya.Si Mia ay isa sa pinakamatagal ko nang kaibigan. Magkaibigan na kami mula pa noong high school, at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Alec. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok sa buhay, at kahit hindi kami palaging nagkikita noon dahil pareho kaming abala sa pagtatrabaho, hindi naman nabawasan ang pagiging malapit namin sa isa't isa.Isa na siyang elementary teacher ngayon. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil pareho kaming nagtrabaho noon para matustusan ang aming mga pangangailangan. Gayunpaman, lahat ng kinikita niya ay napupunta sa pambayad ng tuition at iba pang gastusin sa pag-aaral, samantalang ang sahod ko naman ay ipinapadala ko sa tatay ko sa probinsiya. May bahagi rin akong inilalaan para sa pag-aaral ni Adrian, ang nakababata kong kapatid. Kaya siya nakatapos ng college at ako ay hindi.Matagal nang pumanaw ang nanay ko. Nasagasaan siya
-Freya-Hindi na ako nag-overtime noong araw na ‘yon.Bakit pa? Hindi ko na rin naman kailangang maghabol ng dagdag na kita kapag naging asawa ko na si Harry. Pagkapirma ko pa lang sa kontrata, isang milyon na agad ang ibibigay niya sa akin. Sapat na iyon para kahit paano ay makahinga ako nang maluwag at masimulan nang bayaran ang mga utang ko, pero uunahin ko muna si tatay, siyempre.Isa pa, kinausap niya rin ako kanina tungkol sa palagi kong pag-o-overtime. Hindi naman daw sa pinagbabawalan niya akong magtrabaho nang lampas sa oras, pero ayaw lang niyang maabuso ang katawan ng mga empleyado niya. Baka raw magkasakit ako kapag palagi akong nagpupuyat at kulang sa pahinga.At least, may concern pa rin pala siya sa mga empleyado niya kahit paano.Kaya naman hindi nakapagtataka na nagulat ang mga kasamahan ko nang makita nilang tumayo na rin ako mula sa desk ko pagsapit na pagsapit ng alas-singko. Karaniwan kasi, ako ang isa sa mga huling umaalis sa departament namin. Minsan nga, halo
-Freya-“So, paano na ang gagawin natin? Hindi mo naman basta pwedeng ianunsyo na ikakasal na tayo, eh hindi naman nila tayo nakitang nag-date kahit minsan. Baka… baka hindi maniwala ang lolo mo kapag sinabi mong matagal na tayong mag-on.”Biglang lumiwanag ang mga mata ni Harry nang marinig ang sinabi ko. Dahil nagtanong ako ng ganon, iniisip niya na siguro na pumapayag na ako sa alok niya.“Well, pwede nating sabihin sa kanila na nagkakilala tayo sa isang coffee shop sa Amerika. Nabangga mo ako at nabuhusan ng kape. Tapos, nang punasan mo ang nabasang pantalon ko, aksidente mong nasagi ang ano ko… at doon nagsimula ang lahat.”Napatitig ako sa kanya.Ang pangit naman ng script nito! Bakit kailangan pang isingit ang pagsagi sa ano niya? Manyak ba ang lalaking ‘to?Hindi ba pwedeng simpleng love story na lang? Iyong nagkabanggaan kami, nagkausap, nagpalitan ng number, at unti-unting nahulog sa isa’t isa? Bakit kailangan pang magkaroon ng ganoong eksena? Juskolord! Baka naman sabihin
-Freya-Biglang bumigat ang mga dibdib ko sa sinabi niya, at pati ang mga ut0ng ko ay nanigas dahil sa sinabi niyang lalaki siya at may pangangailangan. Teka, bakit ganito na agad ang epekto sa akin ng lalaking ito? Eh ayoko ngang magpakasal sa kanya!Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing ngumingiti siya nang ganoon, parang bigla akong nawawalan ng kakayahang mag-isip nang maayos. Nakakainis! Dapat ay galit ako sa kanya dahil sa nakakainis niyang proposal, pero bakit parang mas nauuna pang mag-react ang puso ko kaysa sa utak ko?Napahalukipkip na lang ako at hindi inalis ang tingin sa kanya.“Lalong ayokong pumayag na magpakasal sa'yo dahil diyan, Mr. Anderson.”Bahagya siyang napangiti, na para bang hindi man lang siya naapektuhan sa pagtanggi ko. Sa halip, mahinahon niyang isinara ang folder na nasa ibabaw ng desk niya at saka ako muling hinrap.“Iuwi mo muna ang kontrata at pag-isipan mong mabuti ang alok ko,” sabi niya. “Ten million pesos ang matatanggap mo, at ipapaopera k
-Freya-Ano naman kaya itong bago niyang pakulo?“Anong meron diyan?” tanong ko habang nakataas ang isang kilay.“Draft ng agreement natin.” Umupo siya sa kanyang swivel chair at bahagyang sumandal. “Hindi pa finalized ‘yan, at gusto ko ring malaman ang opinyon mo sa mga nakasulat diyan bago ako magpagawa ng panibagong kopya.”Natawa ako nang mapakla. “Gumawa ka na ng agreement bago mo pa ako makausap nang maayos tungkol dito?”Ang galing din ng boss ko! Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung papayag ako sa alok niya, pero mayroon na siyang inihandang kontrata na para bang sigurado na siyang papayag ako.“Siyempre.” Mayabang siyang ngumiti. “I'm always prepared.”Napailing na lang ako. Magaling din!“Pwede mong iuwi 'yan sa bahay niyo at doon mo basahin ang nilalaman. Pagkatapos, sabihin mo sa akin ang magiging desisyon mo.”Saglit akong nag-isip.Hindi ko na siguro kailangan pang iuwi ito at baka makita pa ng tatay ko. Kaya naman dinampot ko ang folder at agad itong binuklat at bina







