Share

Chapter 17

"May animal na nagkanulo sa atin!" paos ang boses ni Nana Conrada dahil kaninang hapon pa siya sigaw nang sigaw sa bukid na pag-aari ng kanyang anak. Minumura niya si Father Mer mula ulo hanggang paa. Maigi na lamang at walang ibang tao sa bukid noong mga oras na 'yon maliban na lang sa mga palaka at tagak na nanghihinain ng mga suso.

Kasama na naman niya muli si Manong Jerry. Kaninang alas-otso pa ng gabi sila nag-iinuman sa rooftop ng bahay ni Nana Conrada. Halos tatlong kaha na ng beer ang nauubos nila at pareho silang hindi pa lasing.

"Ssssshhh! Hinaan mo nga boses mo d'yan at baka marinig tayo. Puwede bang kumalma ka na muna," saway ni Manong Jerry sa kasama. Mag-a-alas dos na ng madaling araw at mga lamok na lang ang gising.

"Hindi ako nagnakaw ng santo na 'yon. Ibinintang na lang niya sa akin. Hindi na ako nakapalag dahil nagulat ako," nayayamot na sabi ni Nana.

"Bakit hindi mo sinabi na hindi ikaw ang kumuha ng rebulto ng birhen? Bakit hindi ka nangatwiran," balik ni Manong J
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status