Share

Chapter 5

Author: Delicate8
last update Huling Na-update: 2022-08-04 16:52:25

"Ano bang nangyari sa'yo kanina? Bigla mo na lang nilayasan parishioners mo," tanong ni Ate Isabel. Nasa loob sila ng kuwarto ni Father Mer. Dumating na pala ito sa Villapureza galing Malolos apat na araw na ang nakararaan, pero hindi niya ito sinabi sa kapatid dahil balak niya sana itong surpresahin.

"I'm okay. Nahilo lang ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina." Pa-simpleng inaayos ni Father Mer ang mga kalat niya sa kuwarto. Ayaw kasi ng Ate Isabel niya ang burara.

"Are you sure? Puwede kitang samahan sa duktor para magpa-check up. Just tell me when para ma-set aside ko na iba kong schedule." Dinampot ng ate niya ang isang puting t-shirt na parang basahang nakasuksok sa isang sulok. "Ano 'to?"

"Ah, akin na Ate. I'm sorry." Hinablot ni Father Mer ang damit at saka inilagay sa hamper sa likod ng pinto ng banyo.

Naglibot-libot pa si Isabel. Kuntento naman siya sa hitsura ng kuwarto. Malaki, marangya at bukod sa naka-kalat na t-shirt kanina, mukha namang nasa ayos. Hanggang sa may nakita niya ang isang kulay brown na kumpol ng balahibo ng aso sa ibabaw ng side table katabi ng kama. "Pinapapasok mo pa rin ba ang mga aso mo dito? 'Di ba napag-usapan na natin 'to. Ang mga aso ay dapat nasa labas, nakatali. Bawal sila sa loob. Pampadumi lang 'yang mga yan ng bahay. At itong mga bintana mo, lakihan mo ng bukas para maglabas-masok ang hangin. Hindi 'yung maghapon kang naka-aircon."

Hinawi ni Isabel ang kurtina at binuksan ang sliding glass window. Pumasok ang preskong hangin galing sa hardin. "See? See the difference?"

Tama naman si Ate Isabel Mas naging maaliwalas ang paligid. Pero, hindi na siya kinibo ni Mer. Kahit gaano kasi kaaliwalas ang lahat mas gusto na lang ng pari na magkulong sa dilim dahil sa nakakahiyang nangyari  kaninang umaga sa misa.

Hindi pa tapos ang nakakasakal na litanya ng kanyang ate. "Kumakain ka ba ng sapat dito? Ang payat mo na. Gusto mo ihanap kita ng bagong katulong? 'Yung pinakilala mo sa akin kanina, si Manang Conrada, that's her name, right? Matanda na masyado. Kailangan na sigurong mag-retire."

Ang ate niyang si Isabel ang isa sa mga rason kung bakit nagpakalayo-layo noon si Mer. Hindi na kasi maatim ang pangingialam nito kahit sa pinakamaliliit na detalye ng kanyang buhay. Nakaka-pressure. Parang hindi siya puwedeng magkamali. Kung ituring siya ay masahol pa sa isang tatlong taong gulang na bata.

"Ate, it's fine. Matagal na siyang nagtatrabaho dito at siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Just let her be." Sa ganito nagpatuloy ang tono ng kanilang pag-uusap. May pupunahin si Ate Isabel sa kapatid at dedepensa naman si Father Mer. Paulit-ulit.

Umalis din si Isabel bandang alas-sais na ng gabi. Hindi na siya naghapunan sa Casa dahil baka hindi raw niya magustuhan ang luto ni Nana Conrada.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Pagkatapos maghapunan, kinuha na ni Father Mer ang mga alaga na pansamantala muna niyang ikinulong sa may kural sa hardin habang nariyan ang Ate. Ipinasok niya ang mga ito sa kanyang silid at pagkatapos ay nilutuan sila ng simpleng chicken dog food recipe para sa kanilang hapunan.

Nang mabusog na ang mga aso, sama-sama silang humimlay sa kanilang mga puwesto. Sina Kape at Ulan sa ilalim ng kama at si Father Mer naman ang sa ibabaw.

Akala ni Father Mer ay madali siyang makakatulog pagkatapos ng disaster na nangyari sa kanya kaninang umaga. Malamang pinagtatawanan na siya ng mga parokyano niya. Baka hindi na sila sumipot sa susunod niyang misa. Nagmukha lang siyang tanga sa harap ng napakaraming tao.

Nagtalukbong siya sa ilalim ng kumot. Ipinikit niya ang mga mata at nagbilang ng hanggang isandaang tupa. Pero hindi pa rin siya makatulog. Baka dahil sa bedside lamp. Papatayin niya na sana ito nang mahagip ng kanyang mga mata ang cabinet na pinagpapatungan nito. At sa isa sa nga tukador nito, naalala niyang nakatago ang diary ni Padre Mauricio Espejo.

"Puwede sigurong pampa-antok."

Bumangon si Father Mer. Binuksan niya ang main light ng silid at kinuha ang notebook. Umupo siya sa kanyang study table at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga nilalaman nito.

Bagaman nababahala siya sa mga nakaguhit na imahe rito noong una, hindi pa rin maalis ni Father Mer ang mga mata mula rito. Mas marami pang imahe ng mga demonyo na may paikot na sungay, demonyo na may tuwid at patusok na sungay, demonyong may pakpak, demonyong may katawan ng ahas, Star of David, mga ulap, malaking kawan at kung ano-ano pa.

At sa bawat pahina nakasulat ang mga saloobin at iniisip ni Father noong mga panahong iyon na hindi niya maunawaan ang kahulugan at hindi magkaka-ugnay. Mas marami pang pangungusap gaya ng:

"Kami ay manananghalian sa plaza."

"Ang mga bituin ay magsisipaghulugan na parang mga hinog na prutas upang tayo ay parusahan."

"Ang pighati ng paglisan sa akin ay isang matamis na pulot na kailangan kong malasahan."

"Hindi sa iyo ang balaraw."

Pero mayroon din namang mga gaya nito na parang bugtong na gusto niyang pahulaan sa makakabasa.

"Isang anghel ang sumuway. Pakpak ay hindi na naikampay. Siya ay inihagis sa malayong lupain. Upang doo'y sariling kaharian ang kanya'y tatagin."

"Hindi pantay na mga ngipin. Minsan diretso pero madalas bako-bako. Pero ito ay kailangan para makapasok sa kandadong pinto."

"Ilog na dumadaloy, nagbibigay buhay.

Pero minsan ay kinakatakutan, madalas pinandidirihan dahil sa pula nitong kulay."

Naaaliw na sana si Father Mer sa pagbabasa at pagsagot sa mga bugtong na nakakalat sa mga pahina ng notebook. Ang kaso, bigla siyang inistorbo nang malakas na kalabog mula sa ikalawang palapag.

Huminto siya sa ginagawa at napatingala. Isa pang malakas na kalabog at yabag ng mga paa. Bahagyang naalog ang chandelier.

"Ano 'yun?"

'Di ba walang tao sa second floor? Lumabas si Father Mer para puntahan ang hagdanan. Selyado na ito pagdating niya roon. Tinapos na ni Manong Jerry ang pagtatakip dito noong isang araw pa. May tao ba sa taas?

"Hello, may tao ba d'yan sa loob?" Kinatok-katok ni Father Mer ang harang. Inilapat rin niya ang kaliwang tenga dito. Wala naman siyang narinig na kakaiba maliban na lamang sa napansin niyang mainit ang plywood.

Ipinagpalagay na lang ni Father Mer na baka nahulog lang yung isa sa mga gamit na nakatambak doon. Tama. Baka ganoon nga. Pumasok na lang siya ulit sa kanyang kuwarto at saka ini-lock ang pinto.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 41

    2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 40

    Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 39

    Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 38

    Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 37

    Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan

  • Ang Santo Sa Likod Ng Pinto 2: Si Father Mer   Chapter 36

    "Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status