"Good morning, Minggay. Magaling ka na ba?" bati ni Father Mer sa dalaga. Alas siyete 'y medya pa lang pero naabutan na niyang naglalampaso na ito ng sahig.
Gumanti rin ito ng bati. "Good morning, Father. Medyo sumasakit pa rin po yung pilay ko, pero bumubuti na siya."Alam naman ni Father Mer na nagsisinungaling ang isang 'to sa kanya. May pilay bang kumakandirit? May benda pa rin ang paa ni Minggay pero kung oobserbahan, mukhang naigagalaw na niya ito nang maayos. Maayos na maayos na parang hindi naman talaga ito nabalian. Pero pinalampas na lang niya ito."Kanino 'yan?" Ang tinutukoy ng pari ay ang pulang bayong na nasa tabi ni Minggay. "Anong laman n'yan?""Wala pong laman. Pinakuha lang po ni Lola dahil lalagyan daw po ng mga pinamili niya mamaya. Uuwi siya sa kanila... Ummm sa amin mamaya. Pero babalik din daw po siya agad dito."Hindi napansin ni Father Mer ang pagkadulas ni Minggay. "Ah gano'n ba. Uuwi lang pala. Akala ko aalis na siya nang tuluyan. As in iiwan na niya rito. Hindi na siya babalik.""Nyek! Father naman. Sa gabi po talaga siya namamalengke ng mga gulay at karne. Sa gabi raw po kasi dating ng mga sariwang gulay at karne galing Quezon at Baguio. Isa pa, konti lang ang tao.""Ganu'n pala yun. O siya at maiwan na muna kita d'yan at ako'y may misa pa.""Sige po, Father." Tumayo si Minggay at dire-dretso itong naglakad papunta sa kusina. Nakalimutan na yata na may pilay siya.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+Magaan at maaliwalas ang araw ni Father Mer. Hindi niya kailangang uminom ng gamot niya. Kalmado siya ngayong umaga at sana ganoon siya buong maghapon dahil ubos na ang kanyang anti-anxiety pill. Hindi pa naipapadala ng kaibigan niya sa Maynila ang dalawang bagong botelya.Isinantabi na niya ang nangyari noong una niyang misa dito sa Villapureza. Lalo pang tumaas ang kanyang kumpyansa nang makitang puno ulit ang simbahan ng mga parokyano at lahat ay nakangiti sa kanya. Ang iba, nangangamusta kung okay na ba ang pakiramdam niya. Sinasagot naman sila ng pari ng isang simpleng ngiti na may kasamang tango.Habang naghahanda si Father Mer para sa liturgy of the Eucharist, napansin niyang nawawala ang kaisa-isang candelabra sa altar. Noong huling misa niya ay naroon pa iyon. Bagaman nagtataka na rin siya nu'n kung bakit isa lang ang candelabra ng simbahan sa halip na dalawa.Baka nililinis lang o nailagay sa ibang lugar. Iyon na lang ang idinahilan ni Father Mer sa tanong niya.Maayos niyang nairaos ang misa. Hindi siya inatake ng anxiety. Nilapitan siya ng Ate Isabel niya at katulad ng nakasanayan na nito, pinaulanan na naman niya ng puna ang kapatid. Bakit tabingi naman kasi ang amice mo? Hindi ka ba nanalamin kanina bago ka lumabas? Bakit naman walang kabuhay-buhay yung sermon mo? Dapat haluan mo ng mga joke para hindi antukin mga tao. 'Yung lakad mo dapat ayusin mo. Tuwid dapat. Hindi 'yung para kang otsenta anyos na matanda. Pari ka, hindi ka kuba.Tiniis lang lahat 'yon ni Father Mer. Pero kahit na matagal na siyang tina-trato nang ganito ng kanyang Ate, hindi pa rin siya nasanay. Naaalibadbaran pa rin siya. Hindi na niya mahintay ang araw na mag-impake ito at bumalik na sa Bulacan kung saan nabubuhay ito nang mag-isa kasama ang koleksyon niya ng mga litrato at rebulto ng poong Nazareno.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+"Tara na't bigyan niyo ng libreng shower at fertilizer ang mga halaman sa garden." Kinarga ni Father Mer ang mas maliit na si Ulan habang nakasunod sa kanila si Kape. Ilalabas lang niya saglit ang mga alaga para makapagbawas. Ayaw na niyang maulit na ang nangyari kaninang umaga kung saan nagkalat ang tae at ihi sa kama niya. Hindi niya alam kung sino sa dalawang aso niya ang may sala.Nadaanan nila palabas ang selyado nang hagdanan. Napahinto bigla si Father Mer sa tapat nito at nakiramdam. Hinawakan niya ang plywood. Bakit kaya 'to mainit? 'Yung init na parang ibinilad ito buong araw. Saan nanggagaling ang init samantalang hindi naman ito nasisikatan ng araw. Puwera na lang kung butas pala ang bubong nila sa kisame na katapat ng hagdan. Pero umulan nang malakas kagabi. Kung butas nga ang bubong dapat sana basa na ang sahig. Kinapa ni Father Mer ang sahig sa pamamagitan ng paa. Tuyo ito.Pero bakit mainit ang plywood? Ang totoo, hindi lang ang plywood ang mainit. Ang buong puwesto kung nasaan ang hagdanan ay mainit ang singaw. Siya lang ba ang nakakapansin na sa tuwing dadaan sa lugar na iyon, iba ang buga ng hangin pati na rin ang amoy nito na amoy asupre.Kinapa-kapa pa ni Father Mer ang harang na plywood. Pinakikiramdaman kung mainit lang ba isang bahagi nito at sa ibang bahagi naman ay normal lang o mainit ito kahit saan pa hawakan. Sa kaka-kapa, nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang isang bahagi ng harang sa bandang kaliwa. Parang lihim na pintuan dala ng wala itong doorknob at hindi agad-agad ito mapapansin nang sinuman. Secret doorway? Bakit kailangan pang isekreto? Bakit hindi na lang gawing totoong pintuan? Napaisip tuloy si Father Mer.Ginawa siguro iyon ni Manong Jerry para puwede pa rin nilang lagusan iyon kung sakaling may itatambak o kukunin na mga gamit sa mga bodega sa second floor. Pero 'yun nga, bakit hindi na lang itong gawing tunay na pintuan? Style ba 'yun? Para sa seguridad? Para kunwari kung sakaling looban sila ng masasamang tao, puwede silang pumasok sa secret doorway na iyon para magtago at hindi sila mapapansin.Hindi alam ni Father Mer ang sagot kaya isinara na lang niya ang nadiskubreng sikretong pintuan, pero bago niya ito naipinid may narinig siyang mga boses. Mga iyak at palahaw ng mga tao. Marami sila. Parang galing ito sa malayo subalit parang nasa malapit lang din. Malapit na malayo.Biglang umalulong ang mga alaga niyang aso. Maya-maya pa, walang tigil na ito sa pagtahol. Nakalabas na ang mga pangil nila at nakatayo na lahat ng balahibo sa likod."Bakit? Anong meron, ha?" Inaawat niya ang mga alaga. "S-sige labas na tayo."Tuluyan nang isinara ni Father Mer ang secret doorway at saka niya pinasunod ang dalawang alaga sa hardin para tumae at umihi.2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."
Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W
Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am
Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang
Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan
"Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los