Share

Chapter 32

Ibinaba ng tricycle si Father Mer at ang kanyang ate sa harap mismo ng Villapureza Inn kung saan kasalukuyang tumutuloy si Isabel. Nagpunta ang pari sa reception desk area at kinausap ang receptionist doon kung puwedeng lumipat sila mula sa single room papunta sa double room. Maigi na lamang may bakante na ulit at pinayagan sila. Kaaalis lang kasi ng mag-inang umuukupa sa kuwartong gustong lipatan ni Father Mer kaninang umaga.

Napansin ng magandang receptionist si Isabel at binati niya ito gaya nang madalas niyang ginagawa kahit na ni minsan hindi siya nginitian nito. Ganoon kasi ang turo sa kanila sa training. "Good evening, Ma'am. We hope you're enjoying your stay here."

Tinignan lang ni Isabel ang receptionist. Nakatikom lang bibig nito at diretsong nakatitig sa kanya. Si Father Mer na ang sumalo. "I'm sorry, Miss. Medyo masama kasi pakiramdam niya. I hope you don't mind. Puwede ko na bang makuha ang susi ng room? Also, puwede ko bang makuha 'yung susi ng room ng kapatid ko para m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status