Share

Part 8 - Picture Frame

Nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa sina Father Eman at Father Tonyo. Alas tres na ng madaling araw at nasa loob sila ng meeting room sa unang palapag.

"Itigil mo na ang kahibangang ito, Father Tonyo. Sa malao't madali may makakadiskubre sa mga ginagawa natin at kapag nangyari 'yun katapusan na na nating lahat," mahinahon ang boses ni Father Eman. Sa harapan niya ang isang bote ng red wine na nangangalahati na ang laman. Nitong mga nagdaang mga buwan napapadalas ang kanyang pag-inom.

"Itigil ang alin, Father Eman? Ginagawa ko lang naman ang huling habilin sa atin ni Father Greg. Sa akin niya ipinagkatiwala ang misyon. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ko pinagpatuloy ang sinabi niya. Matinding trahedya ang dadanasin ng mundo kung hindi natin susundin ang mga sinabi niya. Alam kong alam mo 'yan dahil kinausap ka rin niya bago siya mamatay." Hindi direktang nakatingin si Father Tonyo kay Father Eman habang nagsasalita. Abala kasi ito sa pagpirma ng mga liham na ipapadala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status