Chapter 3
Sa palengke na malapit lang sa exclusive subdivision kami namalengke. May dala kaming parang trolley para sa mga binili namin. Strikto na kasi ang lugar na ito. Bawal na ang paggamit ng maraming plastic. "Manang, may banyo ba dito?" tanong ko. Naiihi na kasi ako. "Diretso lang ito, tapos kanan ka, makikita mo ang tindahan ng mga daing. Tabing-tabi lang iyon. Dalian mo dahil kailangan pa nating magluto ng ulam para sa amo natin," bilin pa nito. "Sige po," nagmadali na akong nagtungo sa banyo. Pero paglabas ko sa banyo, nagkagulo ang mga tao. Dahil curious ako, sumunod naman ako sa mga nagtakbuhan. May sunog lang naman pala. Dahil chismosa ako at first time na makanood ng nasusunog na bahay, heto ako, nanonood na sa mga bombero na nakahawak sa hose na tinututok sa apoy. Pati ako, nakikisigaw na rin. Nalimutan ko na ang bumalik pa kay Manang. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kaya dali-dali kong sinagot ang tawag. Napa-facepalm ako at tumakbo na pabalik sa pinag-iwanan ko kay Manang. Alam ko naman ang pabalik sa sasakyan kaya patakbo na akong nagtungo roon. "Sorry po," sabi ko na lang at sumakay na sa sasakyan. Panay sermon sa akin ni Manang at Manong driver. Nakikinig lang ako kasi kasalanan ko naman, e. Sino ba kasing may sabi na manood ng sunog? Pagpasok pa lang namin sa mansyon, sermon na agad ang bumungad sa amin ni Sir. "Pasensya na, ser Harrison," paumanhin ni manong. "Ako po ang may kasalanan, sir. Naligaw po ako sa palengke," pagsisinungaling ko. "Ayaw na ayaw ko ang nagsisinungaling kayo!" sigaw na galit na sabi ni Sir. "Eh, sir kasi po... ano kasi, sir." Napakamot ako ng kilay. "Paglabas ko ng banyo, nakita kong nagtakbuhan ang mga tao. Na-curious po ako, akala ko may nag-aaway, wala naman pala, sir. Pero sunog meron po, hindi ko po sinasadya na manood ng sunog sa tabi ng palengke. Nailigtas ko pa po ang daga na naipit sa kanal. Buti na lang po nabuhay at iniwan ako ng hindi nagpapasalamat. Tsaka..." "Stop! Stop now! Fvck!" sumakit na naman yata ang ulo ni sir sa paliwanag niya. Totoo naman iyon. "This is the last time na pagbibigyan ko 'yang walang kwentang alibi mo! Once na ako ang napikon, palalayasin kita dito sa bahay ko!" Ang boses ni sir, abot hanggang ibang planeta sa lakas. "Huwag naman po, sir. Kailangan ko po ng trabaho. Pasensya na po, sorry na po, hindi na mauulit. Kapag sabihin mong luluhod ako, gagawin ko po, sir, kahit ang gumulong -gulong pa sa sahig," At gumulong-gulong nga siya sa sahig. "Do it one more time, palalayasin na talaga kita! 'Yong pagkain ko, bilisan ninyong magluto. Ako na nga lang ang amo ninyo dito, hindi pa ninyo naaasikaso ng maayos! Damn it!" Padabog na itong lumabas ng kusina. Pati 'yong pinto na wala namang kasalanan, dinamay pa nito. "Tumayo ka na diyan, pasaway ka talagang bata ka!" iiling iling na sabi ni Manang Thelma. Ngumiti lang naman ako at tumayo na. Nagtulungan na kaming dalawa sa pagluluto ng gustong ulam ng amo namin. Sinigang na hipon lamang ang nais niya. Sisiguradahin kong masarap ang lulutuin ko para hindi na magalit si sir sa akin. Alam ko ang kahinaan ng mga lalaki, basta masarap ang pagkain sa hapag kainan, okay na. Hihirit pa siya siguradong kapag natikman niya ang luto ko. Matamis akong napangiti nang matikman ko na ang sinigang na hipon. "Tikman mo, Manang, kung tama lang 'yong timpla ko," sabi ko. Sumunod naman ito. "Hmm... masarap nga, hija," puri niya. "Kitam naging mabait ka bigla sa akin Manang. Hija na ang tinawag mo sa akin," tawa ko. "Puro ka kalokohan. Dalian mo na ang pagsandok ng pagkain ni Sir para mai-serve na natin sa dining room. Baka nagugutom na iyon. Pasado ala una na ng hapon siya kumain. Pasaway ka kasi," Hindi na ako umimik pa. Binuhat ko na lang ang sinigang at sumunod naman si Manang sa akin. "Smile, Your Honor, bago ka kumain. Para ganahan ka po kumain. Pasensiya na, late..." "Get out of here! Don't disturb me and stop talking to me as if we are family. Nawawalan ako ng gana sa pagkain," sigaw ni Sir sa akin. "Masusunod, Your Honor. Ikaw na po bahalang litisin ang niluto ko. Don't be judgemental my cook by its look, you must trying to taste it. Eat well, Sir," sabay takbo palabas ng dining room. Nag-ala tiger na naman kasi ang mukha. Sana mabusog ka, Sir, para mabawasan naman ang pagkayamot mo sa buhay. Humalakhak ako nang makarating ako sa kusina. Nagluluto pa lang si Manang ng pagkain namin dito. Dahil nagugutom na ako, kumain na muna ako ng tinapay bago ako naglinis sa lababo. "Manang, gano'n ba talaga ang mga abogado, laging nakasigaw at masungit na suplado pa?" tanong ko. "Stress lang siguro siya sa trabaho niya," sagot ni Manang. "Siguro ganito rin si Sir sa mga empleyado niya sa opisina, di ba? Tapos kapag nasa korte siya at may pinagtatanggol na biktima, baka mukha na siyang mabangis na hayop kapag aataki ng salita at sisigaw ng, 'No, Your Honor!' ratatatattat," halakhak ko pa. "Kapag tayo narinig ni Sir dito, magagalit na naman at sasabihin wala tayong ginagawa. Tumahimik ka na muna diyan sa tabi. Pahinga muna ang tainga ko!" sita sa akin ni Manang pero nakangiti naman siya. "Sige po," sabi ko naman. Pati ako napagod rin kasasalita dito. Natuwa ako ng tumawag sa intercom si Sir, gusto pa raw niya ng sinigang na hipon. Ay, sabi ko na nga nasarapan siya sa ulam niya. "Ang galing mo talaga magluto Margarita," puri ko sa sarili. Pero si Manang ang nag-serve ng ulam kay Sir sa dining room. Baka kung ano na naman daw ang sasabihin ko sa amo namin. Pagkatapos kumain ng amo namin, kumain naman kami agad ni Manang. Gutom na gutom ako at halos ubusin ko na ang kanin na nasa rice cooker kung hindi lang ako pinigilan ni Manang. Kailangan ko ng lakas dahil marami pa akong trabaho. Bukas naman ay magpapalit ako ng bedsheet at kurtina sa kwarto ni Sir.Chapter 4"Oh, ang galing! Galing mong sumayaw, galing mong gumiling, galing mong tumuwad, galing mong tumambling. Pabibo ka talaga, la, la, la, la," kanta ko habang nagpapalit ng bedsheet ng amo ko. Wala ang amo ko, nasa gym ito nag-eensayo. Kaya ang yummy ng katawan niya, panay ensayo sa umaga ang ginagawa. Tapos, suplado na nga, masungit pa. Kaya bansag ko gorilyang dragon na dinosaur. Bagay na bagay niya ang pangalan, idagdag pa na yummy siya. Kasi bako-bako ang katawan, sobrang tigas, siguro ang mga muscle niya. Nakaka-excite siguro na panoorin siya habang nasa korte, nakikipag-debate sa kabilang kampo para lang ipagtanggol ang hawak niyang biktima. Ang hot at ang angas siguro ni sir. Baka ang pagsigaw niya sa akin ay ganoon din kapag nagtuturo siya sa university. Pero iba pa rin kapag nasa ganoon na field siya, alam kong professional ito. Dito lang sa bahay niya pinapakita ang masamang ugali."Mapisil nga minsan, yay," kinilig pa niyang sambit."Mapisil ang alin?" "Ay, tangi
Chapter 5 Napa-facepalm ako ng maalala ko na naman ang sinabi kong nag-violet si sir. Naalala ko kulay pala ang violet. Nakakahiya."Huhuhu... bwesit na 'yan. Paano kasi ang daming magkakatunog na salita sa English. Violet, Violence, Violent, Violins, and many, many more. Nagkandabali-bali na ang dila ko sa pagsalita ng English na 'yan. Nakakaintindi naman ako kaya lang, hindi nag-exercise ang dila ko sa pagsasalita ng English. Tagalog lang talaga at Ilocano ang kaya ng dila ko," maktol ko habang kausap ko ang sarili ko.Tapos na akong nagluto ng pananghalian ng amo namin. Master ang tawag ng ibang bodyguard at security guard ni sir Harrison. Pero kami ni manang Thelma, 'sir' ang tawag namin. Ano siya, tagapagmana ng mundo na master rin ang itatawag namin. Masyado naman siyang above the law. Pero napapikit ako ng maalala ko na naman ang paggulong-gulong ko sa sahig sa harapan ng amo namin. "Nakakahiya ka, self, talaga!" Kinutusan ko pa ang ulo ko. At least tumagal naman ako dito.
Chapter 6 Margarita "Margarita!" sigaw ng amo ko. "Yes, Your Honor?" sigaw ko rin dahil nasa loob ako ng banyo naglilinis. Napasimangot na lang ako kapag pumapasok ako dito sa napakaganda niyang banyo. Ang lawak at ang ganda nito. Yayamanin talaga. "Faster cleaning my bathroom. I need you to clean my gym studio," "Bakit ngayon mo lang sinabi, sir?" "Nagrereklamo ka ba?" pagsusungit na naman ng amo ko. "Nagtatanong lang po ako, sir," "Bilisan mo na diyan! Lahat na lang ng iutos ko sa'yo, may tanong ka. Wala na ba akong karapatan na utusan ka, Margarita?" pagalit na tanong ni sir Harrison. "Hindi naman po sa gano'n, Sir, gusto ko lang din magkomento. Kasi may schedule po ang paglilinis ko sa mansyon mo, sir," sagot ko. "Nagdadahilan ka pa! Kung ayaw mong mautusan, pwede ka ng umalis dito para makahanap ako ng bagong kapalit mo," galit na sabi ni sir. "Huwag naman po, sir, sorry po," maamo kong sabi. "Faster cleaning! Kailangan kalahating oras tapos mo nang linisan ang g
Chapter 7Margarita Busy kaming dalawa ni Manang sa paghahanda ng mga request ni Sir na mga ulam para sa lulutuin namin. Dahil mamayang hapon daw, may mga darating siyang bisita dito sa mansyon niya.Mabuti na lang, maaga kaming namalengke kanina para hindi kami magahol sa oras ni Manang. Naghihiwa na kami ngayon para mabilis na lang magluto mamaya.Mga kaibigan daw niya ang mga iyon. Kaya heto kami ni Manang, abala sa kusina ngayon. Maaga rin akong natapos maglinis sa buong bahay kanina dahil alas kwatro pa lang ng umaga, gising na ako para lang maglinis."Margarita?" Narinig ko na tawag sa akin ni Sir."Yes, Sir. Busy po si Inday Margarita sa kusina, naghihiwa ng lulutuin namin mamaya po. Ano pong maipaglilingkod ko sa'yo, Your Honor?" sagot ko naman habang naghihiwa ng patatas.Lumingon ako sa gawi ng amo ko dahil hindi ito sumagot. Sakto naman na nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kakaiba akong nakita sa kanyang mga mata, pero nang makita niyang
Chapter 8"Pasensya na, mga sir, late dumating ang mga pambara sa lalamunan, nauna ang pantulak," sabi ko na biro sa mga bisita ni sir Harrison.Humalakhak naman ang mga bisita ni sir sa sinabi ko. Pero si sir Harrison, killjoy, ayaw tumawa. Masamang tingin lang ang ibinigay niya sa akin."You're funny," puri ng isang bisita ni sir sa akin."Ah, hindi naman po, sir. Bawal ang magbiro sa tahanan na ito, seryoso masyado ang amo ko. Nambabato ng mga article number, act number, rules, at disciplinary action. Baka bagsak ko sa kulungan," naging seryoso ang boses ko kunwari.Natawa na naman sila sa sinabi ko. Masiyahin ang mga kaibigan ni sir, pero siya lang ang bugnutin. Hindi marunong tumawa. Gusto ko siyang i-offer ang pera para tumawa lang kaso mas mayaman pala ang amo ko sa akin. Baka ako ang ma-offeran ng pera, tumahimik lang ako sa kadadaldal o baka palalayasin na."Makakaalis ka na dito! Nakakaistorbo ka na," pa-inis na sabi ni sir."Relax, bro," awat ng kaibigan ni sir Harrison."
Chapter 9Alas-siyete ng gabi nang sabihin ni Sir Harrison na maghain na kami sa hapagkainan. Nagmadali na kaming kumilos ni Manang. Si Manang na ang nag-ayos sa mesa at ako naman ang nagdala ng mga nilutong pagkain. Nagulat pa ako nang makasalubong ko si Sir pagpasok ko sa kusina. Saan ba ito galing? Sabi ko sa sarili ko.Nagyuko ako ng ulo at mabilis na nilampasan ang amo ko. Ayoko siyang tingnan ng matagal kaya't hindi ko na lang siya pinansin. Baka pagagalitan na naman niya ako o baka magsabi na naman ng hindi maganda sa pandinig ko. Kuta na ako ngayon kaya kailangan ko munang magpakabait. Dapat talaga matuto akong lumugar. Kunti pa lang ang ipon ko at nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Si Kuya may asawa na kaya wala nang ibang aasahan kundi ako na lang. Kaya kailangan kong maging maingat dito dahil baka mainis ko na naman ang amo ko at tuluyan na niya akong paalisin.Hindi sapat na masipag lang ako. Dapat maging mabait din at piliin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para w
Chapter 10Nawala ang kaba ko at agad napatingala nang magsalita ulit ang bisita ni Sir na nagtanong kung ako ang nagluto sa pagkain nakahain sa mesa."I was just asking because I like the food you cook. I have a restaurant, and I like the taste of the food you cook. Masarap at ganitong panlasa ang hanap ko dahil local dish naman ang ilalagay ko bagong bukas kong restaurant. If you are interested, please let me know," sabay abot sa akin ng isang maliit na papel. Basta ko na lang rin iyon kinuha at binulsa. Kita ko ang pagsunod ng mata ng amo ko sa kinuha kong papel at pagbulsa ko. Parang napatiim-bagang pa na nakikinig lang sa sinasabi ng kaibigan nito sa akin."Me too, gusto ko ang pagkain na niluto mo. Nabusog ako ng sobra, nasira tuloy ang diet ko dahil sa masarap na ulam. Pwede na kitang i-hire na taga-luto sa condo ko," sabi pa ng isa. Lahat sila agree na masarap ang luto ko. May kanya-kanya silang offer sa akin. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang luto ko. Akala ko
Chapter 11Harrison Nais niyang manatili sa kanyang mansyon dahil sa makulit at madaldal niyang kasambahay. Napakakulit at sobrang lakas ng loob na sumagot-sagot sa akin. May mga pagkakataong gusto kong tumawa sa kalokohan ng babaeng ito.Ako, na seryoso sa buhay, nakatuon lamang sa trabaho at sa sarili kong negosyo, ay napukaw niya ang tahimik kong buhay. Nakakapawi siya ng pagod. Para na akong tanga, nakangiti mag-isa.Kahit ang mga magulang ko, hindi ko na rin nakukumusta dahil sa sobrang busy ko. Pero simula noong nag-hire ako ng makakasama ni Manang dito na kasambahay, nagulo ang buhay ko.Walang araw na hindi ko siya masigawan dahil sa mga kwela niyang banat sa akin. Aminado akong suplado, pero hindi naman ako talaga nakasigaw palagi. Kay Margarita ko pa lang nagawa ang sumigaw araw-araw dahil sa inis. Pasaway masyado.Wala si Margarita sa mansyon ngayong rest day nito. Nagpaalam sa akin kahapon na gusto niyang mamasyal sa mall. Malapit lang naman dito, isang sakayan lang ng j
Chapter 88Margarita Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa mansion ng dating amo ko. Pero hindi na niya ako kasambahay ngayon kundi taga-luto na lang ng pagkain niya at sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung anong papel ko dito sa mansion. Kung anong label na kami ni Harrison. Wala naman siyang sinasabi kahit man lang sana "I love you Margarita" kaso wala. Huwag na umasa pa!"Tangina talaga siya!" sambit ko."Ginawa niya akong clueless dito," sobrang inis na ako sa kanya. Ramdam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Anong gusto niyang mangyari, maglalambing ako sa kanya? Hahalikan na lang niya ako kung kailan niya gusto? Tapos sa bandang huli, ako na naman ang malandi? Ako na naman ang masama! "Nakakainis na talaga!" Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Kung inis lang ba, galit o frustration. "Kanina ka pa hinahanap ng mga bata, nandito ka lang pala," napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Nasa tabi ko na pala i
Chapter 87 Margarita Biglang nag-flashback ang unang dating ko rito. Nakakahiya at nakakatanga ang unang pasok ko sa mansion na ito. Napangiti ako hanggang sa nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng galit, sakit, sama ng loob, at lungkot. Sa labas lang ako nakatanaw habang binabaybay namin ang daan patungong mansion. Masasabi kong na-miss ko ang lugar na 'to."Saan po, Tatay, ang bahay ninyo?" usisa ni baby Hollis. Hindi na naman siguro ito nakatiis.Tinuro naman ni Harrison ang mansyon mula sa di kalayuan. "Whoaah!" bulalas ng kambal. "Yan po ba ang bahay niyo, Tatay? Ang ganda! Ang laki pa, hindi kaya kami liligaw diyan, Tatay?" bulalas na tanong pa ni baby Hollis. "Diyan tayo titira, mga baby ko. Happy?" sagot ni Harrison."Whoaah, talaga po? Gusto ko po riyan tumira, Tatay. Ang ganda po ng bahay, parang bahay po ng Barbie," masayang bulalas ni baby Molly. "Ipapakita ko mamaya ang sarili ninyong kwarto, mga baby ko. Sana magustuhan ninyo," malamyos na sabi ni Harrison.
Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u
Chapter 85 Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hind
Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo
Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal
Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p
Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly. "Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis. "Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig.
Chapter 80 Margarita Naging normal ulit ang takbo ng buhay ko dahil hindi na nagpakita pang muli si Sir Harrison. Pero sa kaibuturan ng puso ko, umaasam na sana dumalaw siya dito. Sa isip ko naman, ayaw ko na lang siyang makita. Heto at may komunikasyon ulit ako sa pamilya ko at nakikibalita sa bahay tungkol kay Tatay. Sana matulungan kami ng PAO. Sa linggong nagdaan, may palaging nagbibigay ng bulaklak sa aming dalawa ni baby Molly. Iba rin ang binibigay kay baby Hollis. Palagi silang natutuwa at masayang-masaya sa mga natatanggap nilang mga laruan, pagkain, at kung ano-ano pa. May kutob na ako kung sino ang salarin kundi si Sir Harrison. Siya lang naman ang nasa isip ko na magbigay ng mga ito sa aming mag-iina. Sino pa nga ba? "Hello po, anong bibilhin niyo?" rinig kong tanong ni baby Molly sa lalaking nakatayo sa harapan ng mga tinda naming ulam. "Pwede bang bilhin ang Nanay mo?" biro ng lalaki. "Bawal po. Hindi po siya pakain at hindi puwedeng bilhin. May Tatay na po kami