MasukChapter 2
Isang linggo ko na dito sa mansyon nakakapagod, nakakatakot, at nagagalit ang amo. Nakakawalang lakas ng katawan ang palaging pagsigaw ni sir. Parang araw-araw may regla. Nakakaubos siya ng lakas at pasensya. Kaya para gumaan ang paligid nagpatugtog na lang ako ng kanta. Wala namang sinabing bawal ang magbukas ng musika sa cellphone. Para kahit papaano, gumanda ang mood ko sa paglilinis ng buong bahay na ito. Anong akala ng amo kong ito, robot siya na isa lang ang kinuhang katulong? Ang kuripot naman ng gwapong gorilla na ito. Dahil Ilocano siya, Ilocano na kanta ang pinatugtog ko. May bigay kasi si Manang na cellphone para sa akin. Kapag may kailangang bilhin, isulat na lang sa cellphone dahil wala silang notebook at pen sa mansyon. Tsee! Kaloka ang yaman ng amo namin, pati papel at pen hindi kayang bilhin. Makabili nga kapag magpalengke kami ni Manang. "Isem, isem, umisem ka man biagko," kanta ko habang naglilinis sa sala. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at feel na feel ko ang pagsayaw na parang may kasayaw akong lalaki. "What the hell are you doing?" Napapitlag ako sa lakas ng sigaw ng amo ko. Nag-echo pa sa buong sala ang nakakatakot nitong boses. Nakita kong busangot ang mukha at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Mukhang bagong gising lang si amo. "Magandang umaga po sir," bati ko agad. Bahagya pa akong yumuko. "What the hell you listening to? Turn off the music right now!" utos niyang sigaw sa akin. "Okay. Okay sir. Ilocano na kanta ito sir. Lagi pinapatugtog sa kasal. Kapag makarinig kami ng tugtog na ganito, inaakala namin na may kainan at ikinasal na nagaganap. Tapos pupunta kami kahit hindi invited. Makikikain, at makikisayaw, at mag-uwi pa ng pagkain," kwento ko sa amo ko kahit hindi nagtatanong. Pero 'yong kaba sa dibdib ko nakakabingi sa sobrang pagkabog. "I don't care what you saying! Turn off the music now! Now!" dumagundong ang sigaw na naman ng amo ko sa sala. Kay aga-aga nagagalit na naman. Pwede naman niyang sabihin ng maayos sa akin. "Oo na sir! Kalma and relax. Heto na, I'll kill the music na," sambit ko. Nangunot ang noo ulit ng amo ko. Kahit may takot sa amo, nagawa ko pa ring biruin ito. "Ngumiti ka naman, sir, para hindi ka pumangit. Ang aga-aga, busangot agad ang mukha. Exhale, inhale, and smile, sir, para ang buhay ay masaya at pumalakpak. Ayan, nagmumukha ka ng ampalaya na kulubot ang noo," sabay ngiti ko sa kanya. "What the..." Kumaripas agad ako ng takbo nang makita kong uusok na naman ang ilong ng amo. Baka mag-ala gorilyang dragon na ito. Hingal na hingal pa ako nang makarating sa kusina. Sobrang lawak kasi ng bahay. Ang dami pang pasikot-sikot na daan para makarating lang sa kusina. Bwisit na bahay na 'to. "Oh, anong nangyari sa'yo? Tapos ka na maglinis at mukhang pagod na pagod ka? Pawisan ka pa. Kumain ka na nang makaalis na tayo," utos niya sa akin. "Aalis? Pinapaalis na ba ako ng amo natin, ha, Manang? Nagmamakaawa ako, Manang, tulungan mo akong pakiusapan si Sir. Kailangan na kailangan ko ang trabahong ito. Naggagamot ang nanay ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, Manang! Masipag naman ako, magaling magluto, mapagpasensya at inuunawa ang mala-dragon na dinosaur na ugali ng amo natin, tapos--- aray ko," napatigil ako sa sinasabi ko nang batukan ako ni Manang. "Hindi ba't sinabi ko kanina na mamamalengke tayo? Ang dami mong kaartehan sa buhay, hala, bilisan mong kumain para makapalengke na tayo!" sermon ni Manang Thelma. Nakahinga ako ng maayos. Ang overacting ko naman. Habang kumakain kami ni Manang, nagkukwento ito tungkol sa amo namin. "Gising na po si Sir, Manang. Masama ang gising, baka kulang sa himas kaya mainit ang ulo," bungisngis ko dahil naalala ko ang sinabi ko sa amo ko. "Walang magandang gising ang amo natin. Stress sa trabaho at sa buhay niya, kaya hayaan natin siya," sabi naman ni Manang. Patapos na kaming kumain nang pumasok sa kusina si Sir. Busangot pa rin ang mukha. Pero ang cute niya pa rin, sarap niyang asarin kaso baka tuluyan na niya akong masesante kapag pinikon ko pa. "Here, Manang, ang bibilhin ninyo for my lunch later," sabay lapag sa isang papel na may mga nakasulat na ingredients na bibilhin namin mamaya. Pati penmanship, ang sosyal, ang ganda. Dinaig pa ang sulat-kamay ko na parang hinalukay ng manok sa gulo ng penmanship ko. "Sir, may pen at papel naman pala kayo. Dapat meron rin po dito sa kusina para maisulat rin namin ang bibilhin naming grocery dito sa bahay natin... este, mansyon mo, Sir," Napatigil naman si Sir sa paghakbang paalis ng kusina. "Hindi ba't may gamit ka naman na cellphone? Hindi ba sinabi sa'yo ni Manang na..." "Eh, Sir, kasi nabubura ko eh. Hindi ko pa kasi gaano alam gamitin ang touch screen ng cellphone na ito at-" "Anong karapatan mong sumabad habang nagsasalita pa ang amo mo? Kabastusan 'yang ginagawa mo, Margarita! Ako ang boss dito at 'wag na 'wag mong pinuputol ang sinasabi ko. Katulong ka lang at ako ang amo dito! Naiintindihan mo ba?!" galit na sigaw ng amo ko. "Yes, your honor, Sir," yuko ko. "Bilisan ninyo ang kumain. Hindi ko kayo binabayaran dito para magkwentuhan lang. Time is gold, at ayaw kong masayang ang bawat oras na wala kayong ginagawa dito sa pamamahay ko! Mamamalengke lang kayo at bawal ang gumala dahil hindi naman ninyo rest day!" sermon sa amin ni Sir. Pati si Manang Thelma, dinamay pa. "Sorry, Sir," mahina naming paumanhin sa amo namin. Tumalikod naman na ito at lumabas ng kusina. "Pasensya ka na, Manang, pati ikaw nadamay pa sa galit sa akin ni Sir," paumanhin ko. "Matuto ka na sana next time na 'wag sumasabad kapag nagsasalita ang amo natin. Hala, bilisan mo na diyan para makapalengke na tayo," Nagmadali naman kaming kumilos para makapagpalengke na kami ni Manang.Ang Mapagmahal na Binata at ang Nawalang Dalaga Third Pov Nandito siya sa private room ni Hershey dahil bigla na lang itong nag-collapse nang malaman niyang gumuho ang construction site na ipinapatayo ni Ralph sa Amerika. Wala pang balita si Jorge sa nangyari kay Ralph. Hindi raw nila mahanap ang katawan nito sa gumuhong gusali. Pero ginagawa naman raw ng mga rescuer ang makakaya nila para mahanap ang katawan ni Ralph. Tahimik ang buong kwarto ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng heart monitor. Nakahiga si Hershey sa hospital bed, maputla, pumayat ito, at parang wala sa sarili sa nabalitaan. Halata na namamaga ang mata niya sa kakaiyak.Anong dapat niyang gawin para maibsan ang kalungkutan ni Hershey. Para hindi siya masyadong mag-alala sa nangyari kay Ralph. Tatlong araw na kasi mula nang gumuho ang gusali sa Amerika. Tatlong araw na rin mula nang ibalita sa kanila na hindi pa rin natatagpuan si Ralph. Kaya heto si Hershey nagbreakdown na. Kagabi lang, tuluyan n
Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Ralph Pov Mainit ang araw nang dumating ako sa construction site. Amoy semento, bakal, at alikabok ang paligid. Lahat ay abala sa trabaho may nagbubuhat, may nagmamasid, may sumisigaw ng instructions. Pero ang utak ko? Nasa Pilipinas, nasa kay Hershey, ang mahal ko. Aminado ako na hindi ko nasasagot ang tawag niya dahil sa sobrang busy ko dito. Siguro sa mga oras na ito, baka tulog pa siya. Baka nag-alala na siya sa akin dito dahil madalang na lang ang tawag ko sa kanya. Hanggang sa hindi na ako nakakatawag dahil maraming anomalya sa kompanya ni Daddy. At inaalam ko pa kung sino-sino ang mga kasabwat at may pakana nito. Kaya sobrang busy ko dito. Sobrang stress ako. Ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat para makauwi na ako ng Pilipinas. I miss my wife Hershey. Napangiti ako dahil siguradong sesermonan na naman niya ako. Gusto ko sana siyang tawagan, pero may meeting akong kailangan harapin kasama ang engineer at si
Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Ilang buwan na ang lumipas mula nang makarating si Ralph sa Amerika. Sa una, regular ang tawag niya sa akin, palaging pagod pero nakangiti, pilit niya akong pinapakalma. Hanggang isang araw, basta na lang wala itong paramdam at tumigil na sa pagtawag sa akin. Kaya't iniisip ko na baka sobrang busy lang niya sa trabaho. Noong una, hindi niya sinagot ang tawag ko. "Baka busy lang," sabi ko sa sarili ko. Sa pangalawa naman, wala ring reply sa mga mensahe ko. "Baka may meeting siguro o nakalimutan lang niyang dalhin ang cellphone niya." Pinapalakas ko na lang ang sarili ko na huwag mag-isip ng kung ano-ano. Sa pangatlong araw, medyo... kaba na ang namamayani sa dibdib ko. Kaya hindi ako mapakali dito sa opisina ko. Busy ako sa ginagawa kong report nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Isang unknown number ang tumatawag. Hindi ko sana sasagutin, pero curious ako dahil ibang number ang tumatawag. Baka si Ralph ito, sa
Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Sobrang nag-aalala ako kay Ralph dahil wala pa rin akong balita sa kanya. Lumuwas ng bansa si Jorge at pinuntahan niya si Ralph sa Amerika dahil kahit ito'y hindi niya makontak. Nasa Pilipinas ang personal assistant nito at si Ralph lang pala ang nagtungo sa Amerika para sa kumpanya niya roon. May assistant naman siya sa Amerika, kaso walang kontak si Jorge sa assistant ni Ralph doon. Gusto kong sumama, kaso hindi ako pinayagan nila Kuya. Mas mabuti raw na dito na muna ako. Dahil kapag nag-breakdown ako roon, walang titingin sa akin. Parang gusto ko na namang paghinalaan ang aking ina na siya ang may pakana ng lahat ng ito. Na siya ang gumawa ng ikakasira ng kumpanya ni Ralph sa ibang bansa para paglayuin niya kaming dalawa. Hindi pa rin kami okay dahil nagiging masungit pa rin siya sa akin dahil nga hindi ko siya pinapansin. Anong gusto niya? Ako na ang mag-sorry o magpakumbaba na lang palagi? Nakakapagod rin iyon.Anak lan
4 months later Hershey Araw-araw kaming nagtatawagan ni Ralph, walang palya. Kita ko sa mukha nito ang pagod. Naawa naman ako sa kanya, kaya sinabi ko na okay lang na ako ang magpuyat para sa kanya para makapagpahinga siya sa gabi. Kahit mahirap, ay okay lang. Kakayanin ko para sa kanya. Sanay naman ako sa puyat, at mostly talaga hatinggabi na ako natutulog, kahit noon magkasama pa kami palagi sa condo nito. Nagmamarathon kami sa gabi. Pero dumalang na ang tawag niya sa akin at naiintindihan ko iyon. Sobrang marami siyang ginagawa para malutas ang kaso na isinampa sa kompanya ng ama niya. Ang mga salarin ay nagtatago na kaya pinaghahanap na sila ng mga autoridad ng bansang Amerika sa San Francisco. Apat na buwan na, pero bigla na lang nawala ang communication naming dalawa. Hindi ko na rin ito matawagan sa cellphone o telepono ng condo niya. Nagriring ang telepono, pero walang sumasagot. Ang cellphone niya ay out of coverage na. Sobrang nag-aalala na ako na baka may mas
Eksena sa Airport Hershey Mas bumalatay ang lungkot sa aking mukha ng ilang oras na lang aalis na ng bansa si Ralph. Kumikirot ang puso ko ng hindi ko alam ang dahilan. Nasasaktan ako na wala akong magawa para matulungan siya, samahan siya, o kaya ay pigilan siya sa pag-alis. Sobrang mamimiss ko siya hindi ako sanay na malayo siya sa piling ko. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang dahil ayoko naman maging selfish sa kanya. Alam kong mahalaga ito sa kanya, kaya kahit masakit, kakayanin ko na lang. Hindi naman siguro siya magtatagal sa abroad. May cellphone naman para sa komunikasyon naming dalawa. Maaga kaming nagtungo sa terminal, pero puno na ng tao ang Terminal 3. May mga pamilya na nagbibiruan, may mga nagmamadali, at may mga umiiyak na naghahatid. Pero ako? Tahimik lang habang hawak ang braso ni Ralph, na para bang kapag binitiwan ko ay mawawala siya agad. 'Yung ganitong pakiramdam na takot na takot akong mawala siya sa paningin ko. Suot niya ang dark blue jacket at bac







