Share

Chapter 57

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-04-21 11:13:48

Chapter 57

Harrison

Nagtaka ako dahil wala akong Marga na naabutan sa terrace na dapat ay naglilinis na siya sa oras na ito.

Nagtungo ako sa pool area, pero wala rin siya doon na naglilinis sa pool at nagwawalis sa paligid. Sa washing area, wala rin siya. Hindi na ako nakatiis na magtanong kay Manang Thelma.

Hindi ko rin kasi makita si Manang Thelma na kumakain sa kusina. Dalawang araw ko nang napapansin itong malungkot at nag-iisa.

"Manang?" tawag ko sa kanya.

Nagulat ito ng bahagya. "Yes, sir," maagap niyang sagot.

"Where's Marga?" tanong ko agad.

Nalungkot ito bigla, na pinagtaka ko. Kakaiba rin ang pakiramdam ko na baka may masamang nangyari na sa kanya. Masyado ko na yatang pinapahirapan siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil masaya pa akong nakikita siyang nahihirapan.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. 'Damn!'

Pangako na magiging mabait na ako sa kanya sa araw na ito. Gusto ko siyang makita, hindi ko rin alam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
sira ulo kapala,eehh kmi ang tumulong s knya n lumayas dyan s puder,,eh panu ba n mn may saltik ka,,may aning2 hahahha
goodnovel comment avatar
Azthy De mapacale
damn u krin atty buti nga sau mgdusa k din
goodnovel comment avatar
Wennie Sugot
update pa po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 58

    Chapter 58 Margarita Gulat na gulat ang mga magulang ko nang makita nila akong pagbaba sa tricycle. Hindi ba sila masaya na umuwi na ako? Dapat nga masaya sila, di ba? Normal lang naman na magulat sila dahil wala akong pasabi na uuwi ako ngayon. Biglaan kasi ang pag-uwi ko."Tay, Nay," bati ko sa kanila."Hindi ka nagpasabi na uuwi ka ngayon, anak?" tanong ni Nanay. "Wala po kasing battery ang cellphone ko, Nanay, kaya di ako nakatawag," mahina kong sagot. Nagmano na muna ako sa kanila bago ako pumasok sa loob. Wala yata silang balak na papasukin ako eh. Nagtungo na ako sa kwarto namin ng kapatid kong babae. Tulog pa ito kaya nagdahan-dahan akong naglakad palapit sa kama. Mukhang wala pa ring pinagbago ang bahay namin. Akala ko pa naman pakunti-kunti na nilang pinapaayos ang bahay. Naglatag na ako ng makapal na blanket sa sahig para makatulog man lang ako saglit. Siniksik ko sa ilalim ng kama ang dala kong bag dahil mga gamit ko lang naman iyon. Hapon na nang magising ako dahi

    Last Updated : 2025-04-21
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 59

    Chapter 59 Margarita Humagulhol ako sa sama ng loob sa kanila. Kaya hindi ko maiwasan na sigawan ang aking ina. Sampal na naman ang abot ko. Kahit pagsasampalin pa niya ako ng paulit-ulit, hindi pa rin nila maitatanggi na nilustay nila sa maling paraan ang pera na pinapadala ko sa kanila. "Niloko at inabuso ninyo ang kabaitan ko sa inyong lahat!" sigaw ko. "Wala kang karapatan na sigawan ako sa harapan ng ibang tao, Rita!" sigaw ng nanay ko. "May karapatan ako dahil ipinapahiya na ninyo ako sa mga kapitbahay nating mga chismosa! Naniniwala kayo sa chismis, pero ang mga sinasabi ko, hindi kayo naniniwala?!" ganting sigaw ko. Napabaling na naman ang mukha ko sa sampal ng aking ina. "Anak lang kita, kaya wala kang karapatan na bastusin ako, na ina mo," galit na sumbat ng nanay ko. "Anak mo ako na nagpapakahirap para mabigyan ko lang kayo ng magandang buhay na dapat kayo ang gumagawa no'n! Hindi niyo alam ang hirap ko sa pagtatrabaho para may maipadala lang sa inyo dito.

    Last Updated : 2025-04-21
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 60

    Chapter 60 Margarita Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa isang maliit na kabinet, naagaw ng pansin ko ang isang paper bag. Kinuha ko ito mula sa malaking bag na dala ko. Naalala ko, ito yung binigay ni Manang Thelma sa akin na pinamimigay raw yata ni Sir. Na-curious ako kaya inilabas ko ito mula sa malaking bag ko. Ang una kong kinuha ay isang papel. Curioso ako kung ano ang nakasulat. Nangunot ang noo ko, "Sorry?" basa ko sa nakasulat. Tinignan ko ang iba pang laman ng paper bag. Dalawang sobre iyon na kinuha ko at tinignan ang laman. Nagulat ako dahil pera ang laman ng dalawang sobre. "Baby ko, binayaran yata ng Tatay mo ang pananakit niya sa atin. Ayaw ko sanang kunin, pero kailangan natin ito. Para sa'yo ito, baby ko. Salamat at kumapit ka, hindi mo ako iniwan," haplos ko sa tiyan ko. "Pero baby ko, hindi ko matatanggap ang sorry ng Tatay mo. Kahit mahal ko siya, kailangan kong kalimutan na siya. Sana hindi na natin siya makikita pa kahit kailan," kausap ko sa tiyan ko.

    Last Updated : 2025-04-22
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 61

    Chapter 61 Margarita Masaya ako dahil kahit sinabi ko ang kalagayan ko, tinanggap pa rin ako ni Sir Mateo na maging isa sa mga chef cook niya sa kabubukas lang na restaurant niya. Bagong branch daw ito at malapit lang sa university. Isang sakay lang rin ito pauwi ng apartment ko. Tamang-tama dahil kulang pa sila sa waitress, kaya si Bela ang ni-recommend ko. Kinuha naman agad siya ni Sir Mateo, pero kailangan pa raw niya munang mag-training. Kabuuan ko na at nag-leave na ako sa trabaho. Kumuha siya ng 3 months leave para maalagaan ang baby ko. Nakakabahala na iisipin kung sino ang magbabantay sa baby ko. "Bela, manganganak na yata ako?" sabi ko kasi sunod-sunod na ang tadyak ng baby sa tiyan ko. Nagtitipid ako kaya hindi ko na pina-ultrasound ang tiyan ko para malaman ang gender ni baby. Unisex ang binili kong mga gamit ni baby. Normal delivery ang pinili ko dahil kaya ko naman siguro. "Ha?" taranta na ito agad. Dito kasi siya natulog para daw may kasama ako. "See, ang lakas m

    Last Updated : 2025-04-22
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 62

    Chapter 62 Margarita "K-Kambal ang anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Magiging magandang Ninang ako sa kanilang dalawa. Excited na akong makalaro sila," hagikhik nito. "Hindi ba pwedeng mabait na Ninang na lang? Ako lang dapat ang maganda sa paningin ng mga anak ko," taas-kilay ko pa. Tumawa naman ito, dahilan para magulat ang dalawang baby sabay na umiyak. "Hala, sorry baby, sorry baby ko. Anong gagawin ko? Tatawag ba ako ng nurse? Sorry babies ko. Paano ko ba bubuhatin, ang dede nila, nasaan? Saan ko nailagay? Waaaaahhh! Umiiyak na sila," pinapanood ko lang itong natataranta na parang baliw. Tumingin ito sa akin, pero sinimangutan ko lang siya. "Hilain mo dito palapit ang crib nila, Ninang pangit," saad ko. "What? Pa..." "Hilain mo na ang cribs nila. Kapag ma-dehydrate ang mga baby ko, ilulublob kita sa eredoro, Ninang pangit!" sigaw ko. Tuloy-tuloy ang simangot nito dahil sa pagtawag ko sa kanya ng Ninang pangit. Gusto kong tumawa, kaya lang pinigilan

    Last Updated : 2025-04-22
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 63

    Chapter 63 Margarita 3 Years Later Makukulit na ang dalawa kong anak. Unang beses ko silang ilabas, at sa trabaho ko pa sila isasama. Wala kasi ang bantay ng mga anak ko. Umuwi sa probinsya dahil namatay ang tatay niya. Ngayon, nahihirapan na ako kung kanino ko iiwan ang mga anak ko. Nag-message ako sa manager namin kung puwede kong isama sa trabaho ang dalawa kong anak. Mabait naman siya at nag-presenta na tatawagan ang boss namin. Pumayag naman si Sir Mateo. "Ilagay niyo na sa mga bag ninyo ang gusto ninyong ilagay, mga anak, para hindi kayo ma-bore sa paghihintay kay Nanay sa trabaho niya," bilin ko sa dalawa kong anak. Excited naman silang sumunod sa utos ko. Habang ako ay nagluluto ng kakainin nila kapag nagutom sila, handa na rin ang gatas nila at biscuits. May tubig naman doon, kaya tubig na para sa gatas na lang nila ang dinala ko. Kasama na rin ang damit at towel nila. "Nanay ko, dala ikaw po pakain namin doon, ah?" tanong ng anak kong lalaki. "Opo, baby ko," sabay pi

    Last Updated : 2025-04-23
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 64

    Chapter 64Margarita "Rita," glad your here. Bungad ng head chef sa kusina. "Po?" talaga namang papasok ako anong bago?"Kahapon may nagtatanong kung sino ang nagluto sa sinigang na hipon. Tapos 'yung adobong baboy, pakbet at igado, ikaw ang nagluto sa mga iyon di ba?" ngiti ng head chef."Tayo po ang nagluto ng mga ulam chef, hindi lang ako," sagot ko naman."Pero ikaw ang tumitikim sa mga luto natin, Rita," sagot ng isang chef pa. Bali Lima kaming lahat may assistant pa na apat. Iba pa sa mga taga hugas at waitress. Kaya may time kami mag pahinga kapag wala order na pagkain."Sana po huwag niyo po sana sasabihin ang pangalan ko Rita ay pwede na. Huwag lang po sa buong pangalan ko if ever na may magtatanong ulit," mahinahon kong sabi."Nasabi yata ng manager natin ang pangalan mo, Rita. Hayaan mo na para marecognize ang luto natin," ngiti ng head chef. Nanlumo ako sa narinig.May kutob kasi akong baka si Sir Harrison ang nagtanong. Ako lang naman ang nagluluto sa mga pagkain niya

    Last Updated : 2025-04-23
  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 65

    Chapter 65Margarita Habang busy ako sa kusina busy naman ang isip ko kakaisip sa dalawa kong anak. Hindi ako mapakali panaka-naka akong sumisilip sa kwarto. Tahimik lang rin silang nasa lamesa nagkukulay habang kumakain ng biscuits. May tubig akong binigay sa kanila kanina. Mamaya ko na sila bigyan ng gatas kapag gusto na nilang matulog.Sa pang-apat kong pagsilip sa loob ay hindi ko makita ang mga anak ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka may kumuha na sa kanila. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas. Baka nagbanyo lang sila."Relax," sambit ko. Napaparanoid na naman ako. Kinakabahan ako na naluluha na sa nerbyos.Pero paglabas ko gulat na gulat ako ng makasalubong ko ang lalaking matagal ko ng tinataguan. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakayuko ito kausap niya ang anak kong lalaki. Mabilis akong nagtago sa gilid. Napahawak ako sa dibdib ko. 'Nasaan ang anak kong babae?' tanong ko pa sa isip ko. "Salamat po, sa pagsama sa akin sa banyo po. Ba-bye po," rinig ko

    Last Updated : 2025-04-23

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 89

    Chapter 89 Margarita "Marga," tawag sa akin ni Harrison. "Yes, sir!" sagot ko naman habang abala sa pagluluto ng request nilang sinangag para sa umagahan namin. Nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng mapusok na halik sa labi. Mabuti na lang at wala akong kasama dito. Bago niya bitawan ang labi ko, kinagat pa niya ito nang bahagya."I told you to call me Aris if you are not comfortable calling me mahal," irita niyang sabi sa akin. "Tinawag mo akong Marga, kaya yes sir ang sagot ko! Katulong pa rin naman ako dito, di ba?" sagot ko. Tumalikod na ako nang makita kong mukhang pikon na naman. Malalim itong bumuntong-hininga. Napaigtad ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Idinantay pa ang mukha sa balikat ko. Naalala ko, dati ganito rin siya maglambing kapag nagluluto ako. At heto na naman, alam kong naglalambing na naman siya at iniiwasang mainis at magalit ako sa kanya. "I miss you a lot, my Margarita, my crazy woman, my Mahal na matigas ang ulo. Stop calling me sir, kap

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 88

    Chapter 88Margarita Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na ulit ako sa mansion ng dating amo ko. Pero hindi na niya ako kasambahay ngayon kundi taga-luto na lang ng pagkain niya at sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung anong papel ko dito sa mansion. Kung anong label na kami ni Harrison. Wala naman siyang sinasabi kahit man lang sana "I love you Margarita" kaso wala. Huwag na umasa pa!"Tangina talaga siya!" sambit ko."Ginawa niya akong clueless dito," sobrang inis na ako sa kanya. Ramdam naman niya siguro na iniiwasan ko siya. Anong gusto niyang mangyari, maglalambing ako sa kanya? Hahalikan na lang niya ako kung kailan niya gusto? Tapos sa bandang huli, ako na naman ang malandi? Ako na naman ang masama! "Nakakainis na talaga!" Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Kung inis lang ba, galit o frustration. "Kanina ka pa hinahanap ng mga bata, nandito ka lang pala," napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Nasa tabi ko na pala i

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 87

    Chapter 87 Margarita Biglang nag-flashback ang unang dating ko rito. Nakakahiya at nakakatanga ang unang pasok ko sa mansion na ito. Napangiti ako hanggang sa nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan ng galit, sakit, sama ng loob, at lungkot. Sa labas lang ako nakatanaw habang binabaybay namin ang daan patungong mansion. Masasabi kong na-miss ko ang lugar na 'to."Saan po, Tatay, ang bahay ninyo?" usisa ni baby Hollis. Hindi na naman siguro ito nakatiis.Tinuro naman ni Harrison ang mansyon mula sa di kalayuan. "Whoaah!" bulalas ng kambal. "Yan po ba ang bahay niyo, Tatay? Ang ganda! Ang laki pa, hindi kaya kami liligaw diyan, Tatay?" bulalas na tanong pa ni baby Hollis. "Diyan tayo titira, mga baby ko. Happy?" sagot ni Harrison."Whoaah, talaga po? Gusto ko po riyan tumira, Tatay. Ang ganda po ng bahay, parang bahay po ng Barbie," masayang bulalas ni baby Molly. "Ipapakita ko mamaya ang sarili ninyong kwarto, mga baby ko. Sana magustuhan ninyo," malamyos na sabi ni Harrison.

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 86

    Chapter 86 Margarita Kinabukasan, may mga tauhan si Harrison na kumuha sa mga gamit na gusto naming dalhin. Ang iba ay pinamigay na namin sa mga ka-close ko dito. Ang TV ay binigay ko kay Pal dahil wala pala silang TV nasira daw. Yung maliit na fridge ay binigay ko kay Bela. Lumiban sa trabaho si Bela para makita lang kami. Matutulungan din kaming mag-impake. Umiiyak na ang matalik kong kaibigan, niyayakap naman siya ng dalawang anak ko. Habang ako, masakit ang ulo ko dahil sa hangover. "Maraming malulungkot, panigurado, sa pag-alis niyong ito, Rita. Mamimiss namin ang masarap mong luto," nalulungkot na sabi ng landlady. "Kami rin po, mamimiss namin ang lugar na ito at ang mga mababait na suki namin. Alam ko na magugulat sila dahil wala nang nagbebenta ng ulam dito. Kailangan na po kasi naming umalis talaga dito," sagot ko. Nalungkot rin ito pati si Pal, at ng malaman niyang aalis na kami, dali-dali siyang nagtungo dito sa bahay. Binigay ko na din sa kanya ang ibang lagayan ng u

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 85

    Chapter 85 Margarita Kinahapunan pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako saglit na aalis. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nila, basta na lang ako umalis ng bahay. Tumayo agad ako nang makita ko ang kaibigan kong nagmamadaling magtungo sa apartment niya. Nasa labas kasi ako naghihintay sa kanya. "Pasok na, beh," sabi nito. "Anong problema?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Nahihirapan akong magdesisyon, friend," hinaing ko. "Ano bang nangyari?" usisa nito. Wala akong ibang pagsumbungan kundi kay Bela lang. Kaya naparito ako sa apartment niya. "Nasa bahay si Harrison, at may offer siya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Pero tatanggapin ko man o hindi ang alok niya, kukunin pa rin niya sa akin ang mga anak ko. Anong gagawin ko?" naluluha kong tanong sa kaibigan ko. "Ano bang offer? Aba, Margarita, ayusin mo 'yang sinasabi mo para maintindihan kita. Hindi manghuhula ang magandang babae sa harapan mo. Hind

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid    Chapter 84

    Chapter 84 Margarita Nilayasan ko na siya sa loob ng kusina. Pinahid ko na muna ang mga luhang tumagas sa pisngi ko bago lumabas patungong munting karenderya namin. "Nanay, okay na po kayo at nag-usap na kayo ni Tatay?" tanong agad ni baby Hollis. Ngumiti naman ako at tumango. "Puntahan niyo na siya sa loob. Tapos na kaming nag-usap, mga anak," sabi ko at hindi ko na sila pinansin pa. Mabilis na tumakbo ang mga bata papasok sa loob ng bahay. Nalungkot ako bigla at pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Tumayo ako para tingnan kung marami pa ang natirang ulam para iyon na lang ang ulam namin mamayang hapon. Pero paubos na lahat. "Ilagay mo na sa maliit na lagayan ang mga natirang ulam, Lala," utos ko. Sakto naman may bibili ng ulam. Bigay na lang na isang sukat ang natirang ulam. Iyon ang sabi ko kay Lala. "Masarap ang luto mo, Marga. Sana sa susunod, damihan mo na ang lulutuin mo. Maraming gustong bumili sa luto mong ulam," sabi ng ginang. "Salamat po. Balik po ulit kayo

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 83

    Chapter 83 Margarita "Titigan ba ang i-offer mo sa akin, Sir? Matira matibay?" taas kilay kong sabi.Nainis ang mukha nito sa pagtawag ko sa kanya ng Sir. "Call me Haris o Harrison. Pwede rin Aris, yan ang tawag ni baby Hollis sa akin, and I like it. You can call me that name too," seryosong sambit nito. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, ang dami mo pang daldal," sabi ko naman. "Pinag-isipan ko ito ng mabuti bago ako nagtungo dito. It's a give and take, na pareho tayong magbenepisyo dito. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gusto mo o hindi," sabi ni Sir Harrison. Pabitin ang lalaking ito, eh. Hindi pa niya ituloy-tuloy ang sasabihin. "Ano ako, manghuhula ng hindi mo pa sabihin ang gusto mong sabihin sa akin?" sabi ko naman. "Since your father..." "Bakit, anong nangyari kay Tatay?" tanong ko agad. "Baka gusto mo akong patapusin, pwede?" seryosong sabi ni Sir Harrison. "Oh siya, sige, tapusin mo agad ang gusto mong sabihin. Ang bagal mo kasi, ang dami mo pang pasakal

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 82

    Chapter 82Margarita Nag-solo kaming dalawa ni Sir Harrison. Dahil gusto kong malaman ang sinasabi nitong offer sa akin. Sana nakakabuti ito sa akin at sa mga anak ko. "Bago tayo magsimula sa gusto kong offer sa'yo, gusto ko munang pagbigyan ang sarili ko," tinawid na nito agad ang agwat naming dalawa. Alam ko na ang gusto nitong gawin, pero mas mabilis ito kesa sa pagtayo ko. Nahawakan na niya ako sa batok at mapusok niya akong hinalikan sa labi. Wala pa ring nag-iba sa halik ni Sir, masarap pa rin kagaya ng dati nitong paghalik sa akin. Matamis, malalim, maalab at mapusok. Halos kainin na niya ang labi ko. Kinagat niya ang ibabang labi ko. "Kiss me back, my crazy woman," utos nito sa akin sabay halik na naman niya sa akin."Uhmp!" pigil ko.Baka biglang pumasok ang mga bata. Makita nila kami sa ganitong tagpo. Ayoko pa namang makita nilang may dalawang naghahalikan na tao. Masyado pa silang inosente kaya hangga't maaari, sana hindi nila kami makita. Pinalo ko siya sa braso, p

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 81

    Chapter 81 Margarita Parang isang masayang pamilya kami kung titignan. Masayang-masaya ang dalawang bata na kausap si Sir Harrison. Ganoon din ang lalaki sa mga bata. Mukhang bumalik sa dating aura nito na maaliwalas at masayahin. Malambot ang ekspresyon ng mukha at laging nakangiti. Nakita ko na 'yang mukha niya dati noong wala pang nangyaring hindi maganda. Kumakain na silang tatlo habang ako ay naglalatag pa ng ibang ulam na requested nilang tatlo. Gusto ko sanang umangal, kaya lang nasa hapag-kainan kami. Feeling maasekasong ina naman ako sa mag-aama ko. "Hayyyy..." buntonghininga ko. Sabay-sabay silang tatlo na napatingin sa akin. Bahagya akong nagulat. Hindi ko na lang sila pinansin at lalabas na muna sana ako para tingnan si Lala sa labas nang sabay-sabay na naman silang nagsalita. "Huwag labas, Nanay," si baby Molly. "Saan ka pupunta, Nanay?" si baby Hollis. "Where are you going, Mahal?" feeling ng lalaking ito tawagin akong mahal! Pero ang puso ko kinikilig.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status