Chapter 6
Margarita "Margarita!" sigaw ng amo ko. "Yes, Your Honor?" sigaw ko rin dahil nasa loob ako ng banyo naglilinis. Napasimangot na lang ako kapag pumapasok ako dito sa napakaganda niyang banyo. Ang lawak at ang ganda nito. Yayamanin talaga. "Faster cleaning my bathroom. I need you to clean my gym studio," "Bakit ngayon mo lang sinabi, sir?" "Nagrereklamo ka ba?" pagsusungit na naman ng amo ko. "Nagtatanong lang po ako, sir," "Bilisan mo na diyan! Lahat na lang ng iutos ko sa'yo, may tanong ka. Wala na ba akong karapatan na utusan ka, Margarita?" pagalit na tanong ni sir Harrison. "Hindi naman po sa gano'n, Sir, gusto ko lang din magkomento. Kasi may schedule po ang paglilinis ko sa mansyon mo, sir," sagot ko. "Nagdadahilan ka pa! Kung ayaw mong mautusan, pwede ka ng umalis dito para makahanap ako ng bagong kapalit mo," galit na sabi ni sir. "Huwag naman po, sir, sorry po," maamo kong sabi. "Faster cleaning! Kailangan kalahating oras tapos mo nang linisan ang gym studio ko," pagalit na sabi ni sir. Tumalikod na ito at umalis. Hindi na lang ako umimik. Binilisan ko na lang ang paglilinis sa banyo niya. Hindi nga siya maarte sa pagkain, pero ang arte naman sa paglilinis ng banyo niya. Kailangan na malinis na malinis ang sahig, tapos makintab na makintab ang mga salamin at lahat na. Kahit basang-basa ang harapan ng damit ko, nagtungo pa rin ako sa gym ng amo ko. Bitbit ko ang mga gagamitin kong panlinis sa loob. Malawak rin ito at ang daming iba't ibang gamit na pang-exercise. Hindi ko pa alam ang mga pangalan ng mga gamit na 'yan. "Ay wow, may bike pa. Bike na hindi umaalis sa pwesto. Statwa?" Bulalas ko pa. "Ito pa, nakalimutan ko na ang pangalan, parang running mills, yata? Tanungin ko na lang si sir mamaya," sabi ko pa sa sarili. "Hindi pala kami bati ni sir," umirap pa ako sa hangin. Inuna ko na muna ang nag-vacuum, tapos nagpunas na ako ng mga salamin at mga kagamitan na pang-exercise ni sir Harrison. Syempre, hindi nawawala ang patugtog ng mga kanta para ganahan akong maglinis at hindi mapansin ang pagod kong katawan. "Baby, baby, baby, can I touch you like this, ahh, can I kiss you like this, yay," dagdag ko pa sa kinakanta ko. Mabuti, wala ang amo ko dito dahil nagko-concert na naman ako mag-isa. Favorite talaga ng mga taga-probinsya ang mag-videoke. Nakakamiss din ang kumanta. Iyon na lang kasi ang asset ko, bukod sa maganda na ako, sawi pa sa pag-ibig. Ay, bwisit! Nagtungo na ako sa running mills, umapak ako sa ibabaw at pinunasan ko ang hawakan at sa gitna na parang laptop ang laki. Gano'n na lang ang sigaw at gulat ko ng tumunog at gumalaw ang inaapakan kong foot rail. "Ahhh!" sigaw ko habang mahigpit na nakayakap sa isang hawakan ng treadmills. Kapag iapak ko ang paa ko, natatama sa gumagalaw na riles ng paa. Nadudulas ako. Kamalas-malas pa dahil bumilis ang galaw ng inaapakan kong riles ng paa. May napindot na naman yata ako kaya lalong bumilis. Hindi ko alam saan ako aapak dahil natatalisod na ako. Hindi ko rin alam paano ito patigilin. "Tulong! Tulong!" sigaw ko na naman. "Sir Harrison, Manang Thelma, Manong Bobot, tulungan ninyo ako dito. Ayoko pang mamatay dahil sa pang-exercise na ito. Tulooong!" Malakas kong sigaw. Gumawa ako ng paraan pero hindi ko ma-control ang bilis ng galaw ng foot rail na ito. "What the fvck!" sigaw na sambit ni Sir Harrison. Salamat sa Diyos at dumating ang taga-pagligtas ko. Sigurado akong mabubuhay pa ako sa mundo. Mag-iingat na ako sa susunod, Panginoon. "Anong ginagawa mo diyan?! Sinong may sabing buksan mo 'yan? Pinapalinis ko ang gym ko, hindi ko sinabi na gamitin mo iyan!" sigaw niyang galit sa akin. Napabitaw ako sa gulat, akala ko titilapon ako sa sahig, pero may sumalo sa akin. Dahil na-out balance si Sir Harrison, pareho kaming natumba sa sahig. Pasubsob akong padagan sa dibdib nito. Napatigil silang dalawa sa awkward nilang posisyon. Dahil sa pagkapahiya, agad akong bumangon pero hindi ko sinasadyang masagi ng tuhod ko ang pagkalalaki nito. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya, lalo na't may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko dahil sa pagkakadikit naming dalawa. "Sorry, at sorry Sir Harrison," tinago ko ang pagkapahiya ko. Tutulongan ko sana itong bumangon, kaso tinabig niya ang kamay ko. Nasaktan yata ito dahil napangiwi nang bumangon sa sahig. "May masakit ba sa'yo, Sir?" nag-aalala kong tanong. Pero hindi niya ako pinansin. "Ang sabi ko, maglinis ka dito, hindi ko sinabi na pwede mong gamitin ang mga equipment dito," galit na sermon nito sa akin. "Hindi ko ginamit 'yan, Sir, umapak lang ako sa ibabaw habang nililinisan ang hawakan at ang parang laptop sa gitna. Tapos biglang tumunog at gumalaw, Sir." Paliwanag ko. "Dapat, Sir, pinatay mo muna ang lahat dahil hindi ko naman alam kung de-battery o de-kuryente ang mga iyan. Hindi ko nga alam ang mga pangalan, eh. Tapos pagagalitan mo ako, e muntik na nga ako mamatay kanina," "Nasaan ba ang kukuti mo ha? Hindi ba't kapag naglilinis ka sa sala at kwarto ko gano'n ang ginagawa mo? Sinasara mo ang mga pindutan ng mga nakasaksak na tv, humidifier, telepono, at iba pa. Dapat ganito rin ang ginawa mo dito, asan ang mga mata mo? Hindi mo ba nakita na may mga nakasaksak sa gilid? Tapos, kapag may nangyaring masama sa'yo dito, ako ang sisisihin mo?" seryosong sabi nito, pero matalim ang mga matang nakatingin sa akin. "You know the 'Law of negligence' is primarily governed by article 2*** of the civil code. Ang ibig sabihin ay sinuman ang nagpabaya sa kanilang trabaho at nagkaroon ng problema dahil sa kapabayaan ay pwedeng patawan ng parusa?" "Pero sir Harrison, hindi po ba dapat ay bago mo gamitin ang running mills na ito ay pinatay mo muna ang saksakan bago mo ito iwan? Dahil ang nakabukas na saksakan ay minsan ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sunog. Tama ako, di ba, sir?" "Pero dahil ikaw ang nandito, hindi mo tinignan kung nakasara ang saksakan ng kuryente. Sabi mo nga, give and take. Sinasara mo ang saksakan sa kwarto ko, pero hindi mo naman ibinabalik sa dati. Still, may pagkukulang ka pa rin dahil sa kapabayaan mo," seryoso pa ring sabi ni sir. Ayaw rin niya magpatalo, dahil amo ko siya, ako na lang ang umako sa kapabayaan na hindi ko naman ginawa. Para wala nang maraming sagutan pa. Idinadaan na naman kasi niya sa mga batas, at artikulo, rules and regulations, na 'yan.Hello mga beshy... pa-support po ang bagong book ko. Your presence, like, comment, follow, support and vote gems ay malaking bagay na iyon sa akin, masaya na ako. Thank you in advance 🫶🏼🫶🏼
Chapter 164 Margarita "May nangyari na ba sa inyo ni Mateo?" alanganin kong tanong. Tumitig ako sa kanya ang mga mata nito'y may takot at pandidiri sa sarili. 'Tama ba ang hula ko?' tanong ko sa sarili. "G-Ginahasa niya ako," sabay yuko niya ng ulo. Napasinghap ako at napanganga sa siniwalat ng kaibigan ko. "G-Galit na galit siya noong umalis ka sa restaurant niya. Nagwala siya sa restaurant isang beses at alam ko na ikaw ang dahilan ng ikinagagalit niya noon," huminga siya ng malalim. Masamang-masama ang loob na tumingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niyang hirap sa buhay. "Lahat sila sinaktan ako. Wala akong laban. Wala akong magawa. Wala akong ginawa kundi tanggapin na lang ang pananakit sa akin ni Mateo. Kapag umangal at magreklamo ako, sampal at suntok ang matatanggap ko mula sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang babuyin niya ako! Takot na takot ako dahil parang baliw na talaga siya," masakit na masakit sa dibdib ang kwento nito. "S
Chapter 163 Margarita Biglang natawa si Harrison nang may maalala siguro. Bumulong ako sa kanya habang nasa elevator kami. "May naalala ka na naman bang katangahan ko ha?" kurot ko ng mahina sa tagiliran nito. Tumawa lang naman ito sa sinabi ko. Umakbay sa akin. Napalingon ako kay Bella na tahimik lang sa gilid. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya, parang biglang bumagsak ang katawan niya. Nangangati na talaga akong magtanong sa kanya. "Ang tagal naman ng elevator na ito. Next month pa yata tayo makakarating sa opisina ni Attorney Harrison Dela Berde. Kung sakaling natatae na ako, baka di na ako umabot sa toilet, dito na lang sa elevator ako nagdumi! My gosssss!" sabay paypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Niyakap naman ako ni Harrison mula sa likuran ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal, Mahal! Nagugutom ka na ba?" natatawang puna ni Harrison. Tumingala ako sa kanya sabay ngiti at bumulong, "Gusto kong kainin si ampalaya," sabay kindat ko! Sumama na naman ang
Chapter 162 Margarita Sumimangot ako habang nakahaplos sa labi ko. "You’re teasing me! You know that my baby is Marupok, di ba? Niloloko-loko mo pa kung wala lang akong respeto sayo. Kanina pa kita inangkin dito kahit pa may kasama tayo!" inis na sambit nito. Gigil na gigil e. "Ang gwapo mo kasi, mainis," hagikhik ko. "Oh, sorry na! Nagsungit ka na naman. Tignan mo na ang reply ni Bella," sabi ko na lang at malambing na yumakap kay Harrison. Bumuntong-hininga ito. "Alam kong gwapo ako kaya tigilan mo na ang pabiro at pang-aakit mo sa akin, Mahal," seryosong sabi nito. "Bakit ayaw mo ba?" nguso ko. "God! Of course gusto ko, lalo na kapag ikaw ang umaakit sa akin. But, please, wag dito sa loob ng sasakyan. Pwede sa mansyon dahil kaya lang kitang ipuslit agad-agad. Mapagbigyan ko lang ang sarili ko," sagot niya agad. "Okay, sa mansyon na lang mamayang gabi," biro ko naman. Napatigil ako. "Iyon lang, inagawan na ako ni baby Molly, hindi siya nakakatulog kapag hindi
Chapter 161 Margarita Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Harrison sa mansyon. Nandito si Lala, kasama si Lolo at Lola, na magbabantay sa mga bata with Hershey. "Saan mo siya kikitain, Mahal?" tanong ni Harrison habang nasa loob na kami ng sasakyan. "Sa labas daw ng Alin Mall sa Cubao," sagot ko. "Saan kayo mag-uusap? Natanong mo ba kung may communication pa sila ni Mateo?" usisa nito. "Hindi ko na tinanong eh. Tsaka empleyado siya at amo niya ang lalaking iyon. May gano'ng communication? Hindi naman siya secretary o manager sa restaurant, eh," tanong ko. "Sabi mo ayaw siyang payagan na umalis sa trabaho niya. So it means ginagamit niya si Bella para makakuha ng impormasyon tungkol sayo," seryosong sabi ni Harrison sa akin. Hindi ko naisip iyon. Kaya ba siya nagpumilit na samahan ako? "At isa pa, bakit hindi niya papayagan na mag-resign ang isang empleyado niya? Hindi naman niya pagmamay-ari si Bella, na ayaw nitong payagan na umalis sa trabaho. Ayon lang kun
Chapter 160 Margarita Ilang buwan bago bumalik sa dati ang anak kong si baby Molly. Grabe ang trauma nito halos ayaw na niyang maligo, baka daw malunod. Hirap namin siyang paliguan, kahit ang uminom ng tubig natatakot na rin. Naiiyak na lang ako kapag bigla na lang siyang sumisigaw at umiiyak ng malakas. Si Harisson madalas ang umaagapay sa anak namin, matyagang kinakarga siya. May mga gabi rin na hindi makatulog ang anak namin. Ang ama ang ginawang higaan niya hanggang sa makatulog na siya. Ngayon ay medyo maayos na siya. Nakakalaro na at masigla na ulit. "Happy na ba ang baby namin na iyan?" lambing ko, dahil may mga regalo na naman silang natanggap mula sa Lolo at Lola nila. Malaking stuffed toy ang pinabili nila na puwedeng higaan na rin. Tuwang-tuwa silang dalawa sa sorpresa ng mag-asawa. "Lambot po, Nanay! Ganda-ganda pa!" matinis na sigaw nito. Masayang nagtatalon sa ibabaw ng malaking stuffed toy. Napangiti ako dahil bumalik na ang sigla niya. Pero patulo
Chapter 159 Margarita Bumisita ang mga kaibigan ni Harrison dito sa hospital at nagpahayag ng suporta kay Harrison. Tutulong raw sila para mahanap na agad si Mateo. Kahit ang mga ito ay hindi makapaniwala na magagawa ni Mateo na saktan ang inosenteng bata. "Takot na takot 'yung asawa ko nang mapanood nito ang ginawa ni Mateo sa bata. Close rin kasi si Mateo sa mga anak namin. Tapos pinagbantaan ako ng asawa ko na hihiwalayan niya ako kapag patuloy pa rin akong makipagkaibigan kay Mateo," napakamot pa na saad ni Stephen. Mahina silang natawa sa kwento ni Stephen. "No wonder kapag magkasama kami, sometimes nababanggit niya ang pangalan ni Marga. Tapos ang bitter niya dahil biglang umalis si Marga sa restaurant niya dahil kay Harrison. Ang dami niyang hanas sa buhay," kwento naman ni Oliver. "Parang alam na namin ang dahilan ng pag-iiba ng ugali niya. At parang na-trigger ang ego niya." Hindi ko naman binigyan ng pahiwatig ang kabaitan ni Mateo sa akin noon. Nababa