Chapter 5
Napa-facepalm ako ng maalala ko na naman ang sinabi kong nag-violet si sir. Naalala ko kulay pala ang violet. Nakakahiya. "Huhuhu... bwesit na 'yan. Paano kasi ang daming magkakatunog na salita sa English. Violet, Violence, Violent, Violins, and many, many more. Nagkandabali-bali na ang dila ko sa pagsalita ng English na 'yan. Nakakaintindi naman ako kaya lang, hindi nag-exercise ang dila ko sa pagsasalita ng English. Tagalog lang talaga at Ilocano ang kaya ng dila ko," maktol ko habang kausap ko ang sarili ko. Tapos na akong nagluto ng pananghalian ng amo namin. Master ang tawag ng ibang bodyguard at security guard ni sir Harrison. Pero kami ni manang Thelma, 'sir' ang tawag namin. Ano siya, tagapagmana ng mundo na master rin ang itatawag namin. Masyado naman siyang above the law. Pero napapikit ako ng maalala ko na naman ang paggulong-gulong ko sa sahig sa harapan ng amo namin. "Nakakahiya ka, self, talaga!" Kinutusan ko pa ang ulo ko. At least tumagal naman ako dito. Naka-apat na buwan na nga ako, e. Pero ang amo ko hindi pa rin nagbabago. Mukhang stressed pa rin sa trabaho. Alam ko na sobrang busy nito bilang isang professor-lawyer, tapos may mga hinahawakan pang mga kaso. Iyon ang kwento ni manang sa akin noong bago pa lang ako dito. Nagmadali na akong naghain ng pagkain ng amo ko dahil mamayang hapon ay may lakad raw ito. Naglalagay pa lang ako ng mga pagkain niya sa dining room ay nakita ko nang paupo na sa hapag-kainan. Hindi ko pa nga tapos maghain. Simple lang naman ang mga paborito na ulam ng amo namin. Hindi rin maarte, basta masarap ang pagkakaluto ng ulam. Kaya plus one sa langit ang amo ko. Hindi maarte. Pero minus one thousand sa langit dahil suplado na nga, masungit pa. "Heto na ang huli na ulam, sir, kumain po ng mabuti. Smile before sandok sa kanin," sabi ko pa. Masamang tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Ako naman, na hindi mahiyain, tumayo pa ako na parang Miss Universe ang tindig. Sabay chin-up ko sa mukha ko. "Mukha kang basahan sa harapan ko. Kung mag-serve ka man lang ng pagkain, sana naman ayusin mo ang itsura mo para ganahan akong kumain dito," sikmat ni sir Harrison. "Ay, grabe ka naman sir. Hindi ko alam na marunong rin pala manlait ang isang abogado," simangot ko. "Observation ko lang, hindi iyon panlalait. Look at yourself in the mirror, saka mo ako sabihan na nanlalait," seryoso nitong sambit. Kakain na sana ito ng masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Alam kasi niya na ayaw niyang may mga tao sa paligid niya habang kumakain. "Opo, your honor, aalis na po ako. Ngumiti po habang kumakain para maganahan ang pagkain sa iyo. Magiging masarap ang ulam kapag maganda ang awra ng mukha mo, sir. Smile while ngumunguya, smile kapag sumubo ng kanin at ulam... Smile, sir... sige sir, enjoy sa pagkain." Kumaway pa ako sabay takbo. "Damn!" rinig kong sambit ng amo ko. "Okay na rin iyon kasi hindi siya nagmura sa hapagkainan," mahina kong bulong. Natatawa akong nagtungo sa kusina. Nagluto pa ako ng ibang ulam para sa ibang mga trabahador dito. Sa dirty kitchen sila kumakain, pero kami ni Manang ay dito na mismo sa kusina kumakain. Hindi naman iyon bawal kay Sir Harrison. Patapos na ako nang dumating na si Manang Thelma at Manong Bobbit. Tinulungan ko na sila sa pagbuhat ng mga pinamili nila. "Dapat talaga, Manang, isinama ninyo ako, e. Ayan tuloy, napagod ka ng sobra," pangungunsensya ko pa. "Baka gabihin na tayo kapag ikaw ang kasama namin. Hindi ka pa naman masabihan ng maayos," sabi naman ni Manong Bobbit. "Grabe naman kayo, excited rin kaya akong makapasok sa mall dito. Sana isinama ninyo ako para sa sunod na labas ko hindi na lang dito sa subdivision ako gumagala. Gusto ko rin 'yung medyo malayo at sa mall iyon. Gusto ko gumala at mamasyal sa mall rin," mahaba kong litanya. "Tulungan mo na muna ako dito, tama na ang maraming daldal, Marga," utos ni Manang Thelma. "Sige po," simangot ko. "Manong, nakaluto na pala ako ng pananghalian. Baka nagugutom na sila Kuya sa labas," "Salamat, Eneng," "Marga po, Manong," "Hindi pangit ang salitang Eneng, kaya 'wag ka na magreklamo pa, Margarita," sagot naman ni Manong. "Oo na po, Manong Bobot," "Bobbit, Eneng," "Ewan ko sa inyong dalawa. Ang lala ng ng trust issue ninyo sa mga pagtawag sa mga pangalan niyo. Ang aarte ninyo, nagutom tuloy ako sa inyo," pagtataray ni Manang Thelma. "Kain na tayo, Manang, nagugutom na rin ako. Pero mauna ka muna, Manang. Hindi pa kasi tapos kumain si Sir," sabi ko. Tinulungan ko na siyang bigyan ng plato at kutsara. Nagsandok na rin ako ng ulam at kanin para sa kay Manang. Nagmadali ako nang makarinig ako ng tawag sa intercom. Kaya agad akong pumasok sa dining room. "Kilig, siguro sinunod mo ang utos ko 'no, Sir?" matamis na ngiti kong tanong. "Ang hinihingi ko, ang atupagin mo!" pasuplado nitong sagot sa akin. Nakairap pa talaga. Ang gwapo pa rin naman niya. Sarap mo sanang gayumahin, Sir Harrison, kaso idaan ko na lang sa mano-manong paglalandi. 'Slow motion but slowly?' Tama ba ito? Tanong ko pa sa isipan ko. May gano'n na quotes eh. Basta gano'n iyon. Dahan-dahan lang. Hinay-hinay gano'n. Idaan sa kwelang paraan. 'Fighting self. Para sayo ang laban na 'to. Laban lang kahit gaano pa kasungit ang amo, 'wag magpasindak sa takot. Kailangan na palaban ka self, kahit gaano kahirap ang trabaho at pagod, kakayanin para sa pangarap at pamilya.'Chapter 167 Margarita "Daddy, alis po ikaw?" lambing na tanong ni baby Molly habang nasa hapag-kainan kami. "Yes, baby ko. May importante na lakad lang si Daddy. Why, anak?" masuyong tanong ni Harrison sa anak. Lumingon si baby Molly sa kakambal niya. Mukhang nagpapatulong ito. Mukhang may gusto silang gawin pero nahihiya silang magsabi. "Gusto po namin mag-babekiyo, Daddy. 'Yung ihaw-ihaw po, may hotdog, paa ng manok, 'yung zigzag na kain namin noon sa maliit naming bahay. Nanay, ano tawag ng bili natin lagi sa ihaw-ihaw ni ate Pal?" Ang cute ng anak ko dahil hindi pa pala niya nakakalimutan ang mabait naming kapitbahay. "Isaw, anak. Na-miss niyo ba kumain ng gano'n? Ewan ko kung pwede kayo kumain ng gano'n mga anak," sabay tingin ko kay Harrison. Bago pa magsalita si Harrison, ay sumabad na si Lolo. "We can ihaw-ihaw outside, mga apo. Ihaw natin lahat ng gusto ninyong ihawin," magiliw na sabi naman ni Lolo. "Whoaaaa talaga po!" sigaw ng kambal. "Yes,
Chapter 167 Margarita "Okay ka lang ba dito?" tanong ko kay Bella ng hinatid na namin siya sa matitirhan niya. Kasama niya si Nanay Diday sa bahay para may kasama si Bella. "Okay na ako dito. Sure naman akong safe ako dito. Maraming salamat sa inyo," pasasalamat ni Bella. "Walang anuman, friend. Walang ibang magtutulungan kundi tayong dalawa na lang. Sabihin mo lang sa akin o kay Nanay Diday kapag may kailangan ka, ha," sabi ko at yumakap sa kanya. "Safe ka dito, hija. Walang nakakapasok dito na outsider dahil may electrical ground ang bakod. Kaya kung may magtangka na pumasok, makukuryente sila," sabi naman ni Nanay Diday. "Ipapadala na lang namin ang ibang damit mo dito para may susuotin ka," sabi naman ni Harrison. "Mauna na kami, baka hinahanap na kami ng kambal. Umiiyak pa naman si baby Molly kapag hindi niya agad makita ang Daddy niya," sabi ko pa. Tumango naman si Bella. Mukhang guminhawa pa ang pakiramdam nito. Hindi na gaanong nag-worry sa anumang pang
Chapter 165 Margarita "Sana matulungan niyo akong umalis na dito sa Manila," pakiusap ni Bella. "Ayoko ng madamay pa sa mga gulong wala naman akong mapapala at kinalaman," sabi ni Bella. "We bring you home, Bella," sagot ni Harrison. "Oo, kung hindi ka comfortable sa mansion, meron naman yata extra na kwarto pa sa taniman mo, di ba, Harrison Mahal?" tanong ko. "Tatawagan ko mamaya si Manang Diday na linisan ang isang bahay roon para sa'yo. Ligtas ka roon kaya wag kang mag-alala. Hindi ka pa pwedeng umalis ng hindi pa nahuhuli ang mga siraulong mga iyon," paalala pa ni Harrison kay Bella. "Hindi ba kayo galit sa akin dahil ngayon lang ako nagsabi sa inyo?" nahihiya niyang tanong. "Bakit naman kami magagalit sa'yo, eh wala ka namang ginawang masama sa amin? Kasi kung masama kang kaibigan, di sana pinahamak mo na ako. Hindi ka dapat nagsinungaling kay Mateo para sa kaligtasan ko, yun pa lang, thankful na ako," nakakaunawang pahayag ko. "Ikaw ang isa sa totoo kong kaibigan
Chapter 164 Margarita "May nangyari na ba sa inyo ni Mateo?" alanganin kong tanong. Tumitig ako sa kanya ang mga mata nito'y may takot at pandidiri sa sarili. 'Tama ba ang hula ko?' tanong ko sa sarili. "G-Ginahasa niya ako," sabay yuko niya ng ulo. Napasinghap ako at napanganga sa siniwalat ng kaibigan ko. "G-Galit na galit siya noong umalis ka sa restaurant niya. Nagwala siya sa restaurant isang beses at alam ko na ikaw ang dahilan ng ikinagagalit niya noon," huminga siya ng malalim. Masamang-masama ang loob na tumingin sa akin. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niyang hirap sa buhay. "Lahat sila sinaktan ako. Wala akong laban. Wala akong magawa. Wala akong ginawa kundi tanggapin na lang ang pananakit sa akin ni Mateo. Kapag umangal at magreklamo ako, sampal at suntok ang matatanggap ko mula sa kanya. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang babuyin niya ako! Takot na takot ako dahil parang baliw na talaga siya," masakit na masakit sa dibdib ang kwento nito. "S
Chapter 163 Margarita Biglang natawa si Harrison nang may maalala siguro. Bumulong ako sa kanya habang nasa elevator kami. "May naalala ka na naman bang katangahan ko ha?" kurot ko ng mahina sa tagiliran nito. Tumawa lang naman ito sa sinabi ko. Umakbay sa akin. Napalingon ako kay Bella na tahimik lang sa gilid. Ang laki na ng pinagbago ng katawan niya, parang biglang bumagsak ang katawan niya. Nangangati na talaga akong magtanong sa kanya. "Ang tagal naman ng elevator na ito. Next month pa yata tayo makakarating sa opisina ni Attorney Harrison Dela Berde. Kung sakaling natatae na ako, baka di na ako umabot sa toilet, dito na lang sa elevator ako nagdumi! My gosssss!" sabay paypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko. Niyakap naman ako ni Harrison mula sa likuran ko. "Kanina ka pa daldal nang daldal, Mahal! Nagugutom ka na ba?" natatawang puna ni Harrison. Tumingala ako sa kanya sabay ngiti at bumulong, "Gusto kong kainin si ampalaya," sabay kindat ko! Sumama na naman ang
Chapter 162 Margarita Sumimangot ako habang nakahaplos sa labi ko. "You’re teasing me! You know that my baby is Marupok, di ba? Niloloko-loko mo pa kung wala lang akong respeto sayo. Kanina pa kita inangkin dito kahit pa may kasama tayo!" inis na sambit nito. Gigil na gigil e. "Ang gwapo mo kasi, mainis," hagikhik ko. "Oh, sorry na! Nagsungit ka na naman. Tignan mo na ang reply ni Bella," sabi ko na lang at malambing na yumakap kay Harrison. Bumuntong-hininga ito. "Alam kong gwapo ako kaya tigilan mo na ang pabiro at pang-aakit mo sa akin, Mahal," seryosong sabi nito. "Bakit ayaw mo ba?" nguso ko. "God! Of course gusto ko, lalo na kapag ikaw ang umaakit sa akin. But, please, wag dito sa loob ng sasakyan. Pwede sa mansyon dahil kaya lang kitang ipuslit agad-agad. Mapagbigyan ko lang ang sarili ko," sagot niya agad. "Okay, sa mansyon na lang mamayang gabi," biro ko naman. Napatigil ako. "Iyon lang, inagawan na ako ni baby Molly, hindi siya nakakatulog kapag hindi