Hello guys! Heto na ang Story ni Ralph and Hershey. Hoping na magustuhan ninyo. Medyo drama siya. Happy reading 🫶
4. Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga "Wow, ang ganda ng lyrics. I'm so in love. Sobrang na-touch ako sa kanta na ginawa mo para sa ating dalawa. God! I love you so much! Sana pagdikitin mo na lang kami para hindi na magkalayo pa," puno ng saya ang boses niya.Kilig na kilig siya. Teary-eyed pa habang pinapakinggan ang bawat stansa at bigkas ng kasintahan nito."Do you like it?" Malamyos na tanong ni Ralph."My God, I super love it," bulalas naman niya.Kinilig naman si Ralph sa sinabi ni Hershey. Nagniningning ang mga mata at mas lalo pang kumislap ng tumatama ang ilaw ng apoy sa mga mata niya."Sinasabi mo lang yata iyan kasi boyfriend mo ako. Like you want to praise me," biro ni Ralph.Bumusangot siya. "Kelan pa ako nagsinungaling sa sinasabi ko? Vocal ako sa pagpuri sayo, huh! Perfect ang pagkakablend ng boses mo. Sinasabi ko naman kung may mali o pangit sa pagbigkas mo, lalo na sa tono," ingos niya.Natatawa naman itong itinabi ang gitara at lumapit siya kay Hershey.
Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Nang tapos na silang kumain, tinulungan na niya ang kasintahan na maglinis sa kusina. Pinagpunas lang niya ako sa mesa at ang iba ay si Ralph na ang gumawa. Maliksi ito at ang bilis niyang gumalaw. Gamay na gamay na nito ang ginagawa, samantalang ako wala pa ring alam sa kusina. Kahit maghugas, hindi pa siya marunong. Noong nagpresinta siya na maghugas, isang oras niyang natapos. Tapos, pagod na pagod at nangalay ang mga kamay sa paghugas ng mga plato. Eh, ang kunti lang naman 'yung hugasan. Proud na proud naman si Ralph kahit papaano kasi nakagawa raw ako ng mabuti nang walang nababasag na baso o plato sa lababo. "Tulungan na kita maghugas," presinta ni Hershey. Umiling agad si Ralph. "I can do it, babe," sagot niya. "Para magamay ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan natin. At kapag nasanay ako, hindi na ako aabot pa sa isang oras mahigit sa paghuhugas," saad niya. Hindi kasi siya pinapayagan magtrabaho sa b
2. Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Tapos na silang naligo, at nagtungo na sila sa kusina. Saktong laki lang ang beach house niya dito. Private resort niya ito na regalo pa raw ng yumao niyang mga grandparents. Ang cute ng kitchen niya, very organized rin ang mga condiments at mga gamit sa kusina. Maaliwalas tingnan. First time niyang pumunta dito dahil ngayon lang siya nakatakas sa mga bodyguards niya. Alam niyang galit na galit na ang Mommy niya at ang Kuya niya sa kanya. Sigurado siyang baka idamay na naman nila ang boyfriend niya. "Anong gusto mong ulamin ngayon, babe? Ipagluluto kita ng masarap na ulam with love," kindat ni Ralph sa kanya. Matamis siyang napangiti at yumakap sa likuran ng kasintahan. Humalik siya sa malapad nitong likuran bago humiwalay at tumabi sa kanya. "Kahit ano, hindi naman ako maarte sa pagkain. Ikaw lang naman ang napaka-peaky sa mga pagkain eh," ingos niya. "You know the reason, babe," sagot naman nito. "Yeah. Kaya mag-aaral
1. Ang Mapagmahal na Binata at Ang Nawalang Dalaga. Puno ng halakhakan sa tabi ng dagat na kung saan ang dalawang taong nagmamahalan ay masayang naghaharutan, puno ng saya at tawanan. "Nandiyan na ako!" natatawang sigaw ni Ralph habang hinahabol niya si Hershey. Tumili siya at natatawang tumakbo palayo kay Ralph. Silang dalawa lang ang tao dito at libre sila sa lahat ng gusto nilang gawin. Walang sisita sa kanila, walang makikialam o kokontra. "Huli ka!" malakas na tawa ang bumalot sa kapaligiran dahil sa pangingiliti ni Ralph sa kanya. "Ang daya!" tili ni Hershey habang natatawa siyang na-corner ni Ralph. Mabilis na pinulupot ni Ralph ang mga kamay sa bewang ni Hershey. Nagpaikot-ikot silang dalawa hanggang sa matumba sila sa buhanginan. Nakadagan si Hershey sa ibabaw ni Ralph. Alam na naman niya na ayaw siyang masaktan kapag siya ang naunang natumba at tumama sa buhanginan. Very caring talaga ang boyfriend niya. Malambing at mapagmahal na lalaki. Napangiti siya habang n
Special Chapter 3 Masaya akong pinapanood sila ng lumapit sa akin si Marge kasama sina Melody at Lala. Masaya ako na kahit papaano ay mga mababait na babae ang napuntahan ng mga kapatid ko. Si bunso Marge ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Gaya ni Lala, itong si Melody ay hanggang ngayon ay nahihiya pa rin sa akin. Kahit noon pa, na bago lang sila na kinupkop ni Tatay. "Ate Marga, pwede raw bang ikaw ang kakanta mamaya sa party?" tanong ni Marge. Katatapos lang ang selebrasyon ng birthday ng anak ni Lala at Marlon. Sinabay na namin ang birthday ng kambal ko. Kaya maingay at masaya kanina. Mamayang gabi naman ang party ni Dolan at Melody para sa engagement party nila. "Sino may sabi?" tanong ko. "Ah, eh, ahm... gusto ko kasi ang boses mo ate. Maganda at very soulful kapag kumakanta ka. At gustong-gusto ko po ang boses mo Ate Marga," nahihiyang sagot naman ni Melody. "Huwag ka ng sumipsïp sa akin. Alam mo naman na gusto kita para sa kapatid ko. Iba na lang wag ako!" sabay irap ko. Tum
Special Chapter 2 One week bago kami umuwi sa Pangasinan dahil birthday ng anak ni Marlon at Lala. Engagement party naman ni Dolan at ang anak ni Tita Carmen sa bunso niya. Kakagraduate lang nila last year at engaged na.Matagal na pala ang lihim nilang dalawa na magkasintahan kahit noong nasa La Union pa kami nakatira. Umamin lang sila noong naka-graduate na silang dalawa sa kolehiyo. Ganoon sila kagaling magtago sa relasyon nila. Mabuti na lang rin dahil hindi namin sila kaano-ano at kaibigan lang ni Tatay ang asawa ni Tita Carmen.Sa resort nila Harrison sa Alaminos, Pangasinan idaraos ang celebration dahil malapit na rin ang birthday ng bunsong kambal, isinama na rin namin para minsanang selebrasyon na."Masaya ako dahil naging dedicated na sa pamilya at pagpapalago ng business ang pamilya mo. Nakakatuwa lang na talagang dinibdib nila ang sinabi nila sa akin at masaya ako dahil successful na sila sa pagpapalago ng business nila," proud na sabi ni Harrison sa pamilya ko."Salamat