LOGINSa unang araw ko ng trabaho, isa sa mga bago kong katrabaho ang nagpapakita sa amin ng mga senyales na siya ang anak ng chairman. Sumipsip at pinuri siya ng lahat nang marinig nila iyon. At hindi pa rito nagtatapos ang lahat—dahil pinalabas din nila na isa akong sugar baby ng isang mayamang matanda! Galit akong tumawag sa chairman. “Tinawag ka nilang matanda na may sugar baby, Dad!”
View More“Gusto kong malaman kung sino ang gumagawa ng gulo sa kumpanya ko!” Tumayo ang aking ama sa gitna ng conference room para magpakita ng awtoridad.Agad namang lumapit ang nagpapakumbabang si Garreth kay Dad.“Sir, isa lang po itong batang babae na hindi nakapasa sa kaniyang internship. Hindi po naging maganda ang personal niyang buhay at muntik na niyang malugi ang kumpanya ng ilang milyon nang dahil sa ginawa niyang pananabotahe sa kaniyang kasamahan. Walang lugar ang ganito kawalang modo na tao sa ating kumpanya!”“Walang modo?”Nang maisip niya na nakuha niya ang suporta ng CEO, mas lumakas ang loob ni Garreth na putikan nang husto ang aking pangalan sa harap ng lahat.Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, isang sampal ang direktang tumama sa kaniyang pisngi.“Sino ang nagbigay sa iyo ng lakas ng loob para insultuhin ang anak ko?”Natigilan dito si Garreth, at maging ang buong kuwarto, kabilang na si Johannes at ang iba pang mga empleyado ng kumpanya na natahimik sa kanilan
“Ang pinakaimportanteng bagay ngayon ay ang paghahanap ng paraan para maayos ito. Mayroon akong hawak na isa pang proposal. Bakit hindi niyo muna ito tingnan? Aalis ako nang tahimik sa sandaling makita ninyo na hindi ito pasok sa inyong standards.”Habang nagsasalita, isinaksak ko ang USB drive sa computer sa kabila ng pagsubok ni Garreth na pigilan ako.Sumimangot siya habang galit niya akong hinaharangan. “Yvonne, hindi mo ba alam kung nasaan tayo ngayon? Huwag mo nang sayangin ang oras ng lahat!”“Hayaan mo siya. Gusto kong makita kung ano talaga ang kaya niyang gawin,” Kalmadong isinagot ni Johannes habang naglalakad ito palapit sa conference table para umupo.Sa totoo lang, natapos ko ang proposal na ito nang may gabay mula sa aking ama. Bago ako umalis kaninang umaga, ipinakita ko ito sa kaniya sa huling pagkakataon, at maging siya ay naimpress sa aking ginagawa. Ito ang nagbigay sa akin ng mas matinding confidence.Nabalot ng katahimikan ang paligid habang nagpapakita ang m
Punong puno ako ng confidence kanina pero agad na nagbago ang aking itsura noong mga sandaling iyon.“Congratulations sa mga nakapasa sa internship. Welcome sa kumpanya! Para naman sa hindi nakapasa, huwag kang mapanghinaan ng loob. Nangangahulugan lang ito na hindi nakaalign sa values mo ang kumpanya.”Pangalan ko lang ang hindi natawag ni Garreth. Maingat na tumingin ang lahat sa akin.Nabalot ng awa o panglalait ang tingin ng mga ito.Sabagay, naniniwala sila na nabastos ko ang anak ng CEO mula noong unang araw ko sa internship program. Kaya kahit na manatili pa ako rito, hindi na magiging maganda ang future ko sa kumpanya.Pero hindi ko ito matatanggap nang hindi lumalaban kaya agad akong tumayo para humingi ng kasagutan sa kanila.“Ano ang rason? Bakit ako lang ang hindi nakapasa sa internship program?”Maliban sa mga kasamahan ko na palaging late o maagang umaalis, hindi ako nagday off nang kahit isang beses. Hindi man perpekto ang aking output, mas angat pa rin ito kaysa
“Yvonne! Ganito na lang, ngayong ikaw naman ang naghirap para sa mga project plan na ito, kakausapin ko si Garreth para makiusap na ilagay ang pangalan mo sa mga ito. Ano sa tingin mo?”Suminghal naman ako sa kaniya. “Pinaghirapan ko ang mga iyon!”“Desisyon ito ng upper management. Sabagay, kilala mo naman kung sino ako…”Ibinandera nanaman niya kung “sino” siya! Siguradong masusuntok ang isang ito ni dad sa mukha kung naririnig niya lang ang mga sinasabi nito.Tumingin ako sa pekeng ngiti nito sa mukha bago ako direktang magtanong ng, “Kung ganoon, ano ang gusto mong mangyari?”Hinding hindi magkukusa si Tiffany na magalok para idagdag ang aking pangalan sa mga project. At gaya ng inaasahan, sa mga susunod na sandali, sinabi nito na, “Kailangan pang mafinalize ng tatlong mga project plan na ito. Kaya paano kung ikaw ang magfinalize sa mga ito at ako naman ang titingin sa ginawa mo? Sa pamamagitan nito ay masasabi natin na nagkaroon tayo ng collaboration.”Gusto niyang tapusin k






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.