MasukElara’s POV Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin lahat. Yung araw na isinakay nila ako sa eroplano papuntang America… wala talaga akong nagawa. Wala akong choice kundi sumunod, kahit buong pagkatao ko ang sumisigaw na ayaw ko, kahit nanginginig ang mga kamay ko habang tinitignan ko ang lupang Pilipinas na unti-unting lumiliit sa bintana. Sabi nila, “It’s for your own good, anak. We’re doing this to protect you.” But how can being away from the person I love be for my own good? How can this be protection when all I feel is emptiness? Pinipilit nila ang annulment. Gusto nilang tapusin ang kasal namin ni Kelly nang tuluyan, sabihin nilang “invalid” daw, na “hindi dapat nangyari ‘yan.” Pero sa puso ko, valid na valid. Tunay ang lahat ng pinagsamahan namin. Mahal na mahal ko siya—hindi dahil sa pera, hindi dahil sa status, kundi dahil siya ‘yung taong pinili ko, araw-araw. Tinatanggap ko ang mga pagkakamali niya. Tinatanggap ko rin yung bata—kasi wala naman kasalanan ang bata sa sitw
Elisse’s POVPagkagising ko, naramdaman ko agad ang bigat ng braso niya sa bewang ko. Yung mainit na hininga niya sa batok ko, at ang amoy ng alak at pabango niya ay tila bumabalot sa buong kwarto. Tahimik ang paligid, tanging ang mabagal na paghinga lang niya ang naririnig ko. At sa sandaling iyon, parang wala akong hiling kundi manatili na lang ganito—nakahiga sa tabi niya, ramdam ang init ng katawan niya, kahit alam kong panggising niya, magiging ibang tao na naman siya.Wala kaming pinag-usapan. Wala siyang sinabi kung bakit siya nandito, wala akong tinanong kung bakit niya ako pinuntahan. Wala kaming pinag-usapan tungkol sa amin—kung ano ba kami, kung may babalik ba kami sa dati, o kung hanggang dito na lang talaga kami. Just sex. Walang label, walang pangako, walang usapan kung ano ang status namin. Yung katawan lang ang magkadikit, pero yung mga puso namin—magkalayo pa rin, puno ng tanong na walang sagot.Habang nakatingin ako sa likod niya, habang inaayos niya ang sarili niya
Sobrang nasira ng araw ni Kelly dahil sa pangyayari sa kanyang opisina. Ang tensyon, ang sigawan, ang mga salitang binitiwan nila ni Elisse—lahat iyon ay parang mabigat na bato na pasan-pasan niya habang nagmamaneho pauwi. Ngunit sa kabila ng lahat, habang binabaybay niya ang daan, dahan-dahan siyang nakahanap ng isang uri ng katiwasayan sa kanyang isipan. Siguro, sa wakas, ito na nga ang pinakatamang hakbang na dapat niyang gawin. Tapusin na ang lahat ng kalituhan. Itigil na ang pagbibigay ng maling pag-asa na alam naman niyang hindi niya kayang tuparin nang buo. Ang tanging hangad na lamang niya ay maging tapat sa kanyang asawa, ayusin ang kanilang pagsasama, at ibalik ang tiwalang matagal nang bitak-bitak dahil sa kanyang sariling mga pagkakamali. Pagdating niya sa bahay, wala siyang itinago. Hinanap niya agad si Elara at niyaya itong umupo sa sala, kung saan dahan-dahan at diretsahan niyang ikinuwento ang bawat detalye ng nangyari kanina—mula sa biglaang pagpasok ni Elisse sa ka
Elisse’s POVNakangiti pa ako habang nakatayo sa harap ng salamin. I can’t help it—feeling ko nanalo na ako. I ryined their vacation. Sinadya kong magpadala ng text, nagsinungaling ako. sinabi kong delikado ang lagay ko, agad naman siyang tumugon. Iniwan niya ang bakasyon nila ni Elara. Agad-agad silang bumalik dito sa Manila. That proves it, doesn’t it? Iba ang halaga ko sa kanya. Kaya niyang iwan ang lahat para sa akin at sa anak namin.Feeling ko tama lang ang ginawa ko. Just testing the waters, right? And the result? He came running. So alam kong nandun pa rin ako sa puso niya. Hindi pa ako tuluyang nawawala.Kaya nag-ayos ako talaga ngayon. Pinaghandaan ko nang maayos. Nagsuot ako ng damit na alam kong magugustuhan niya—yung sexy at nakakaakit. yung bagay na ipaparamdam sa kanya na worth it ang pagpunta niya dito. Nilagyan ko ng pabango ang buong kwarto, naghanda ng meryenda at inumin sa mesa. I made sure everything was perfect. Kasi inaasahan ko—anytime now, darating na siya.
Elara’s POVPaglapag pa lang namin sa airport, parang hindi na ako makapagpigil. Ang bigat-bigat ng dibdib ko—halo-halo na ang pagod mula sa biyahe, ang pagkabahala kanina, at ngayon… isang bagong klase ng kirot na dahan-dahang pumapalit sa lahat ng emosyon ko. Agad kaming sumakay papunta sa ospital. Tahimik kami sa buong biyahe, pero hindi dahil kalmado kami—kundi dahil pareho kaming may dinadalang kaba sa dibdib. Si Kelly, siguro nag-aalala kung ano ba talaga ang nangyari. Ako naman… umaasa na sana, sana lang, may sapat na dahilan kung bakit kailangang masira ang bakasyon namin.Pagdating namin sa ospital, diretsong lumapit si Kelly sa reception desk. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya, hawak-hawak ko ang sarili ko, parang kailangan kong palakasin ang loob ko para makita kung ano man ang sasalubong sa amin doon."Magandang umaga po," bati ni Kelly sa nurse, medyo nanginginig pa ang boses niya sa pag-aalala. "May pasyente po bang pangalan Elisse na na-admit dito kagabi? Emergency p
KELLY’S POVPagkatapos ng mainit na tagpo namin sa kama, humiga kami nang magkatabi, parehong hinihingal pa. Nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko, at ramdam ko ang dahan-dahang pagguhit ng mga daliri niya sa balat ko. It was one of those quiet, perfect moments—yung tipong wala nang ibang mahalaga kundi yung nararamdaman namin sa oras na 'to. Sa loob ng kwarto, tahimik lang, bukod sa tunog ng alon sa labas at yung mabagal na tibok ng puso namin. She looked so peaceful, so happy. I kissed the top of her head, breathed in that scent—sun, salt, and her perfume. Just Elara."You sleep first, okay? I’ll just fix the pillows," bulong ko sa kanya, at dahan-dahan lang siyang tumango, pumikit na agad. Ilang minuto lang, narinig ko na yung mabagal na paghinga niya—tulog na talaga.Pero ako… hindi ako makatulog. Kanina pa rin kasi tumatak sa isip ko yung mga tawag na hindi ko sinagot kanina. I know Elisse wouldn’t call repeatedly kung walang seryosong dahilan. Alam niyang nasa Boracay kami. Alam
Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag
Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin a
Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal. Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tata
Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala







