ANMELDENAlexandra POV Nanatili ang kamay niya sa hita ko—mainit, mabigat, at parang hindi na ninais pang umalis doon. Sa bawat paghaplos niya ng dahan, parang kinikilabutan ako at gusto kong umilag, pero pilit kong pinanatili ang sarili ko sa pwesto. Isiniksik ko sa isip ko ang pangako ng pera na kailangang-kailangan namin. “Tiisin mo lang, Alexandra. Isang gabi lang ito. Para sa gamot mo, para sa pagkain nila,” bulong ko sa sarili ko habang pilit na pinapakalma ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Tinitigan niya ako nang maigi, ang mga mata niya ay puno ng paghanga at pagnanasa na tila ba tumatagos hanggang sa kaibuturan ng pagkatao ko. Pagkatapos ay ngumiti siya nang mas malapad at nagsalita. “You really are beautiful, Alex. You know what? You are the most beautiful woman I have ever met in this country. There is a light in your face—something genuine. Not painted on like the others. It shines from within.” Parang dinurog ako ng mga salita niya. Matatamis, oo, pero para sa akin, parang
Alexandra POVSa nagdaang isang linggo ko sa pagtratrabaho sa club bilang waitress, nakaipon ako ng 8000. labas na yung araw-araw na gastos namin. Yung pagkain, baon ko, tapos baon ng dalawa kong kapatid, labas na din. basta may 8000 na agad akong ipon. Sa maiksing panahon lang hindi ko akalain na makakaipon agad ako ng ganitong kalaki.Akala ko noong una, unti-unti na akong nasasanay at nalilibang sa trabahong ito. Akala ko, dahil nakakabili na ako ng masasarap na pagkain para sa pamilya ko, dahil nakikita ko na silang busog at nakangiti, ay doon na matatapos ang lahat ng pagdurusa ko at magiging masaya na ako nang lubusan.Pero mali ako. Hindi pa rin maalis sa puso at isipan ko si Artur. Hanggang ngayon, iniintindi ko siya. Hanggat maaari iintayin ko siya. Siya pa rin ang may-ari ng puso ko. Lagi kong hinihiling na sana ay matauhan siya at pananagutan niya ako. Tahimik pa rin akong umiiyak sa paghihiwalay namin. Nakatago sa likod ng bawat ngiti ko, sa ilalim ng makapal na kolore
Alexandra POV Parang hindi ako naramdaman ang antok at pagod ng katawan ko. Sa katunayan, mas maaga pa akong nagising kaysa sa nakasanayan ko. Bago pa man sumikat nang tuluyan ang araw, dilat na ang mga mata ko at nakangiti na ako habang nakatingin sa kisame ng aming maliit na bahay. Puno ng tuwa ang dibdib ko, parang may mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sobrang pananabik. Bumangon ako nang dahan-dahan para hindi magising ang dalawa kong kapatid na mahimbing pa ang tulog sa kabilang sulok. Nakahiga sila nang payapa, at ang makita silang ganun ay lalo pang nagpalakas ng loob ko. Nilapitan ko si Nanay na noon ay nagkakuskos pa ng mata at nag-uunat ng katawan. "Nay, samahan niyo po ako sa talipapa," yaya ko sa kanya na may malaking ngiti sa labi. Naguluhan pa siya sandali pero tumango rin agad. Pagkatapos maghilamos, sabay kaming naglakad papunta sa palengke na hindi kalayuan sa amin. Pagdating namin doon, dire-diretso ako sa tindahan n
Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa paligid. Hindi ako sanay. Hindi ito ang uri ng damit na suot ko noon kapag pumapasok ako sa eskwelahan o lumalabas kasama ang pamilya ko. Nakakahiya. Parang ibang tao ang nakikita ko sa salamin. Hindi ko akalain na dahil lang sa isang pagkakamali, dahil lang sa pagiging bulag ko sa pagmamahal, ay dadalhin ako ng kapalaran sa ganitong uri ng trabaho, sa ganitong uri ng lugar, at sa ganitong paraan ng pamumuhay. Yung dating Alexandra na puno ng pangarap at dangal, parang napalitan na ng babaeng kailangang ibaba ang sarili para lang mabuhay. Huminga ako nang malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Para sa kanila, Alexandra. Para kay Nanay, para sa mga kapatid mo, at para sa
Alexandra POV Nakahiga ako sa upuan gawa sa kawayan, tahimik ang paligid at malalim akong nag-iisip. Bawat tunog ng tiyan ko dahil sa gutom, bawat tingin ko sa payat na katawan ng mga kapatid ko, at bawat hininga ni Nanay na parang pasan ang buong mundo—lahat ‘yon ay parang tinik na tumutusok sa puso ko. Hindi pwedeng ganito na lang kami. Hindi pwedeng habambuhay kaming maghihintay ng awa sa iba, manghihingi ng kaunting toyo o bigas para lang may mailagay sa sikmura. Ako ang dumagdag sa pasanin nila, kaya ako rin ang dapat gumawa ng paraan para gumaan kahit paano ang buhay nila. Napabaling ang tingin ko sa dingding kung saan nakadikit ang lumang kalendaryo. Doon ko naisip ang solusyon. "Kailangan kong magtrabaho," bulong ko sa sarili ko, na parang isang ilaw na biglang sumilip sa gitna ng madilim kong mundo. "Oo! Magtatrabaho ako! Kahit ano pa, para lang kumita ng pera." At hindi lang iyon ang pangarap ko. Nariyan pa rin ang pagnanais kong makapagtapos ng pag-aaral. Kahit pa
Alexandra POV Wala akong dala kundi ang sarili ko at ang maliit na supot na naglalaman ng iilang damit. Walang ibang kasama kundi ang bigat ng dibdib ko at ang batang dinadala ko. Nilakad ko ang daan pabalik sa tanging ibang bahay na matatawag kong sarili—ang bahay ng nanay ko sa tabi ng ilog. Ang bahay na matagal ko nang hindi nauuwian, ang buhay na akala ko’y tuluyan ko nang naiwan at nakalimutan. Pagdating ko roon, tila ba bumalik ako sa nakaraan. Pareho pa rin ang tanawin—mga bahay na dikit-dikit, gawa sa magagaspang na materyales, at ang ilog na minsan ay malinaw pero ngayon ay tila sumasalamin sa dumi at hirap ng buhay dito. Ito ang buhay na pilit inilayo sa akin ni Daddy. Ito ang buhay na hiyang-hiya ako noon, pero ngayon, ito na lang ang tanging takbuhan ko. Pagkakita sa akin ni Nanay at ng mga kapatid ko, agad silang lumapit. Hindi sila nagtanong agad kung bakit ako naroon, nakita lang nila ang pagod at lungkot sa mukha ko kaya’t sinalubong nila ako ng mahigpit na yakap.







