Mag-log inIsang hapon, umuwi si Elara galing sa trabaho na masama ang pakiramdam. Nahihilo siya, pagod na pagod, at ang init ng panahon ay tila lalong nagpabigat sa kanyang pakiramdam. Akala niya ay makakayanan pa niyang maghanda ng pagkain para sa sarili, pero nang makarating siya sa pintuan ng kanyang apartment, doon na siya napaupo sa sahig, hawak ang kanyang noo, humihinga nang mabigat. Nagkataong dumaan si Louie—dahil sinabi niyang may ipapasa siyang dokumento mula sa opisina ng ama ni Elara. Nang makita niya ang kalagayan ng dalaga, agad siyang lumapit, walang pag-aalinlangan. "Elara! Ayos ka lang ba?" tanong niya nang may tunay na pag-aalala. Agad niyang inalalayan si Elara na tumayo at dahan-dahang pumasok sa loob. "Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali. Hinga ka nang malalim." "Nahihilo lang… siguro dahil sa init at pagod," mahinang sagot ni Elara, hindi makatingin nang diretso dahil sa hiya. "Masyado lang akong naging abala sa trabaho ngayong araw. mamaya okay na rin ako," Hindi
Ang Bagong SimulaIlang linggo na ang lumipas mula noong kumalat ang balita sa social media tungkol sa kasal nina Kelly at Elisse. Sa harap ng huwes lang—walang grand church wedding, walang bonggang handaan, walang mahabang listahan ng bisita, walang mamahaling gown o barong. Simple lang, tahimik, parang sadyang itinago nila mula sa mundo para walang makialam o humusga. Pero sa kabila ng pagiging simple nito, totoo at sagrado ang bawat pangakong binitawan nila sa isa’t isa. Nagulat ang lahat—mga kaibigan, kamag-anak, mga dating katrabaho, mga taong sanay na sanay na makita sila sa mga malalaking okasyon at magagarang kainan. Pero sa kabila ng mga bulungan at usap-usapan na umikot sa buong lungsod, unti-unti ring naintindihan ng marami na minsan, ang pag-ibig ay hindi laging sumusunod sa mga inaasahan ng iba. It doesn’t follow society’s timeline, hindi ito laging sumusunod sa plano ng pamilya o sa dikta ng tradisyon. Ito ay sumusunod lamang sa tibok ng pusong tapat—pusong nasaktan, ngu
Elara’s POVSa oras na ito, alam ko na. Alam ko nang hindi na babalik si Kelly. Not because he doesn’t love me anymore—kundi dahil nasaktan ko siya nang sobra. Sobrang mali ng ginawa ko. At alam kong hindi na siya babalik, because I know him very well. Hindi niya ipipilit ang isang bagay na alam niyang hindi na maaari. Hindi 'yon ang ugali niya. Kapag nakita niyang wala nang saysay ang paglaban, tahimik lang siyang aalis—hindi dahil sumuko siya agad, kundi dahil nirerespeto niya ang sarili niya enough to walk away from something that keeps hurting him.Siguro iniisip niya yung bata sa sinapupunan ko. Hindi sa ayaw niya itong tanggapin. Maybe he just doesn’t want to be unfair—ipipilit pa ba naman niya yung relasyon namin kahit alam niyang maraming masasaktan sa huli? Ito yung bagay na hindi ko ginawa dati. I was selfish. Oo, pinatawad ko siya ng paulit-ulit noon sa mga pagkakamali niya kay Elisse, tinanggap ko ang lahat kahit ang bigat-bigat, pero ngayon ko lang narealize na naging mak
KELLY’S POVNakaupo lang ako sa bench sa labas ng bahay namin, nakatingin sa kawalan, hawak ang phone na parang bigat-bigat sa kamay. Kanina pa ako ganito—binubuksan ko ang messages, tinitignan ang contact number ni Elara, tapos isasara ko ulit. hindi ko na kasi alam kung ano pang sasabihin ko. Ano nga ba ang sasabihin ko? Na Sorry, pero kailangan na nating maghiwalay kasi nagpabuntis ka sa iba? Sorry, pero pumayag na akong mag-give way kasi yan ang gusto ng pamilya mo? Wala naman akong karapatang magalit nang todo, kasi sa huli, ako rin naman ang may pagkukulang sa umpisa. May mga anak ako kay Elisse, may responsibilidad ako doon, at hindi ko naman pwedeng itanggi 'yon.Huminga ako nang malalim, parang gusto kong huminga ng hangin hanggang sa kailaliman ng dibdib ko para lang mabawasan kahit konti yung bigat na dala-dala ko. Pero hindi. Nandoon pa rin. Parang nakadagan sa akin yung buong mundo.Tumunog ang phone ko. Si Elisse ang nagchat."Kelly, pwede ka dumaan? Nagcraving kasi ak
KELLY’S POVPagkagaling ko sa ospital, dumiretso ako sa bahay nina Mommy at Daddy kung saan din ako umuuwi. Pagpasok ko pa lang sa pinto, agad nilang napansin na may mali. Namumugto ang mga mata ko, parang ubos na ubos ang lakas ko, parang dala ko ang bigat ng buong mundo sa balikat ko."Anak? Bakit ganyan itsura mo? What happened?" tanong agad ni Mommy, lumapit agad at hinawakan ang braso ko, punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. "You look sick,"Gusto kong sumagot, pero pagbukas ng bibig ko, walang lumabas kundi hikbi. Umupo na lang ako sa sofa at doon na bumuhos ang lahat—umiyak ako nang hindi ko na napigilan, parang batang matagal nang pinipigilan ang luha. Paulit-ulit silang nagtatanong. "Anak, bakit kako? anong problema? may masakit ba sa 'yo? ha, anak?"Pero umiiyak lang ako. Hindi ko kayang sabihin agad ang totoo. It’s so hard to say it out loud. Ang hirap aminin na niloko ako, na ang nabuntis si Elara ng ibang lalaki.Maya-maya, nang humupa nang konti ang bigat at sama n
Louie’s POV Hindi naman ako basta basta lang kaibigan ng daddy niya. I’m more than that—family friend talaga ako nila. Mula pagkabata, kilala ko na si Elara. Nakita ko siyang lumaki, mula sa batang mahilig tumakbo sa garden nila hanggang sa naging ganito siya kaganda ngayon. At totoo naman… dati pa man, may lihim na akong pagtingin sa kanya. Pero noon kasi, torpe pa ako. Wala akong lakas ng loob na aminin. Si Elara naman, suplada minsan, lalo na sa mga taong hindi niya masyadong kilala nang lubusan. Kaya hindi talaga kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close nung nagdalaga at nagbinata na kami. Tapos dumating si Kelly. Nung pumasok siya sa buhay ni Elara, parang doon na lumayo lalo ang loob niya sa akin. Busy na siya—sobra. Palaging kay Kelly ang atensyon niya, palaging kay Kelly ang oras niya. And I understood that, of course. Mahal niya yung lalaki, at mukhang masaya naman siya kasama ito. Kaya wala akong ginawa kundi tumabi lang, manood, at magmasid sa gilid. Tahimik lang a
Umuwi ako sa bahay at suwerte na walang tao maliban kay kuya na kanina pa ako hinihintay. "Saan ka galing? Anong oras na, ha? uwi pa ba yan ng estudyante?" sita niya sa akin. Dito sa bahay, kami lang ng Kuya ko ang magkakampi palibhasa ay pareho kaming sampid dito pero this time, kailangan kong mag
Dumating na ang oras ng uwian. Gaya ng napag-usapan namin kanina, sasama ako sa kanya sa bahay nila Artur. Sabi niya gusto daw akong makilala ng mga magulang niya, gusto raw nilang makilala ang babaeng mahal niya.Kahit kinakabahan ako at parang gusto ko nang umatras dahil sa takot, sumama pa rin a
Alexandra POV Hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko habang suot ko ang ibinigay nilang uniporme. Isang simpleng puting polo shirt na bahagyang maluwag sa akin, at isang itim na palda na sadyang napakaikli—halos umabot lang sa itaas ng tuhod ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa maliit na sala
Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal. Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tata







