Pagdating nila sa labas ay agad silang sumakay sa nakabukas na sasakyan. Nagkusa siyang sumakay sapagkat ayaw niyang magalit sa kanya ang lalaki kung magmamatokpal pa siya sa mga gusto nito. Maliwanag pa sa sikat ng araw na mamatay tao ito at ipinagpasalamat niyang hindi siya sinaktan maging ang kanyang mommy sa kabila ng masidhing galit nito sa kanyang kapatid. Agad namang umandar ang sasakyan ng makaupo sila sa likod at mabilis na lumayo sa kanilang mansion. Maya maya ay nag-abot ng alcohol ang lalaking nasa tabi ng driver sa kanyang katabi. Nilinis nito ang kamay na tila mawawala ang bakas ng ginawa nitong pagkitil ng buhay sa loob ng kanilang pamamahay kanina. Tinanggal din nito ang suot na coat, niluwagan ang pagkakabuhol ng suot na necktie pagkatapos ay isinandal ang ulo sa headboard ng upuan. Siya naman ay walang imik na nakaupo sa tabi nito habang pinapakalma ang sarili. Ang pangyayari kanina ay maituturing niyang pinakaistress sa kanyang buhay sapagkat nakalimutan niyang kumalma at nakaramdam ng matinding pagkatakot. Sa isiping iyon ay napahawak siya sa bracelet niyang may rosaryo at ipinikit ang mata upang magpasalamat at humingi ng tawad sa Diyos.
Isinandal ni Eric ang ulo sa headboard, gusto niyang irelax ang utak mula sa pangyayari kanina. Hindi siya basta basta pumapatay ngunit basta na lamang nagdilim ang paningin kanina at pinaputukan sa ulo ang kasamahan nila sa grupong nanunutok ng baril sa babaing katabi. Wala naman siyang pagsisi sa nagawa ngunit hindi niya ubos maisip na nakalabas na pala ang babaing ito sa kumbento. Kailan pa? Bakit hindi niya nalaman na may kapatid si Yzekiel at ito ang kapatid niya? Itinago ba ni Yzekiel ang kapatid sa kanya? Kung hindi siya magkamali si Yzekiel ang inutusan niyang maghanap sa babaing ito noong hindi na niya makita sa venue ng “Operation Tulong Program”, nalaman na lamang niya dito na pumasok na ito sa monesteryo bilang cloistered nun. Huh! Bastard. Noon pa pala ay niloko na siya ng itinuring niyang kapatid. Napatiimbagang siya pagkaalala sa traidor niyang kaibigan ngunit biglang napukaw ang atensiyon ng makitang nakahawak ng rosaryo ang katabi at tila taimtim na nagdarasal. Hindi niya tuloy naiwasang pag-aralan ang kabuuan nito. She’s wearing white long sleeves and black trouser pero kahit balot na balot ito ay kitang kita pa rin ang labis na kaputian at napakinis nitong balat. She does not wear belo just like before kung kayat tumambad sa kanyang mata ang makintab at kulay brownies nitong buhok. Despite sa pasa sa pisngi nito na ngayon ay tila namamaga, hindi pa rin maitago ang pinkish cheeks and reddish lips nito. She does not wear any accessories or make-up but is still holding the spot for the most beautiful scenery. Halos hindi siya kumarap mula sa pagkakatitig dito subalit bigla niyang ibinaling sa ibang direction ang paningin ng itaas nito ang mukha at isandal ang ulo sa headboard. Nang ibalik niya ang paningin dito ay nakasalungayngay sa kanang bahagi ang ulo, lihim siyang nangiti dahil nakatulog pala ito. Pagkurba ng sasakyan sa kaliwa ay sumunod ang ulo nitong sumalungangay sa kaliwa, at dahil walang masasandalan ang ulo sa pagitan nila ay unti unti niyang inilapit ang balikat hanggang tuluyang sumandal ang ulo nito sa kanyang balikat. Parang biglang nagkaroon ng malakas na boltahe ang kuryente sa kanyang katawan pagkatadantay ng ulo nito sa kanyang balikat. Lahat yata ng natutulog niyang ugat ay nagising at hindi niya alam kung bakit. Kakaiba ang bangong nagmumula sa buhok nito at sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya makaamoy ng ganito. Hindi masyadong matamis, napakafresh at napakasarap ang pasok nito sa kanyang ilong. Available kaya ang amoy nito sa market? Parang gusto niyang freshener at isabit sa loob ng kanyang silid at upisina.
Unti unting iminulat ni Ysabella ang mga mata mula sa pagkaidlip, parang sumasakit ang isa niyang pisngi at dahan dahan siyang napahawak dito. Parang nangangapal ang pisngi at napaungol siya ng mas lalong makaramdam ng sakit. Linakihan niya ang pagbukas ng mata. Napakunot noo siya sapagkat nasa loob siya ng nakahintong sasakyan at nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng isang lalaki. Sa kanyang pagkakaidlip ay parang nakalimutan niya ang mga pangyayari, akala niya nananaginip siya kung kayat unti unti siyang napaangat ng mukha upang tignan kung sino ang may-ari ng balikat na kinasasandalan niya. Para kasing ang gaan ng kanyang pakiramdam habang nakahilig dito. Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanyang mata ang napakaseryosong mukha ng lalaki habang abot hanggang noo sa taas ang isang kilay nito. Bigla siyang napabalikwas mula sa pagkakasandal dito at tumuwid sa pagkakaupo.
„Sorry po! Hindi ko namalayang nakaidlip ako, pasensiya na.”, agad niyang paghingi ng paumanhin dito. Gising na ang kanyang diwa at naalala na niya ang mga pangyayari. Tinignan lamang siya ng lalaki pagkatapos ay binigyan siya ng napakasarkastikong ngiti. Napahawak tuloy sa kanyang mukha upang takpan ang kanyang bibig ngunit napaungol siya pagdantay ng kamay sa kanyang namamagang pisngi.
„Aww!”, naturan niya habang naipikit ang mata.
“What’s wrong?”, mabilis na pahayag ng lalaki na nasa himig ang tila pag-aalala at naimulat niya ang kanyang mata.
“Wala po.”, agad niyang turan dahil halos magkadikit ang mga kilay ng lalaki dahil sa labis na pagkakakunot ng noo. Tinitigan siya ng mariin nito na tila tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay bumaling na sa kabila at kinatok ang pinto. Agad namang bumukas ang sasakyan pagkatapos ay walang lingong bumaba ito pagkatapos ay tila haring naglakad sa gitna ng mga nakihilerang lalaki.
Nawindang siya sa dami ng bodyguard nito, ang lalaki pa ng mga katawan at may mga armas na bitbit kung kayat bigla siyang kinilabutan. Agad siyang kumilos at bumaba pagkatapos ay kumaripas ng takbo upang sumunod sa lalaki. Napatingin pa ito sa kanya habang nakakunot ang noo dahil hindi niya namalayang kumapit siyang parang bata sa bisig nito.
“Pocket your smile!”, pasupladong turan ni Eric kay Alkins. Hindi niya nagustuhan ang pagsilay ng ngiti nito ng biglang lumapit sa kanya ang babae at wala sa sariling kumapit sa kanyang bisig. Natakot yata sa dami ng kanyang mga tauhan habang nakabitbit ng malalaking baril. Sumeryoso naman ang mukha ni Alkins ngunit nasa mata ang panunudyo. Parang gusto na niya tuloy itong tadyakan upang magdisappear sa kanyang paningin.
“What’s your plan?”, si Alkin habang pasimpleng tumingin sa babaing tila kuting na nakahawak pa rin sa kanyang bisig. Hindi ba ito natatakot sa kanya? Bat parang mas komportable itong nakahawak sa kanya kesa tumingin sa iba?
“Nagbakasyon ang ating mga katulong ngayon. Samahan mo siya sa kusina upang ipagluto tayong lahat ng makakain .”, turan niya habang tuloy tuloy sa pagpasok sa loob ng mansion ng kanyang ama. Simula ng manirahan sa Italy ang kanyang ama kasama ang bago nitong pamilya ay ginawa na niyang hide out ang bahay nito. Meron din siya iba’t ibang bahay depende sa kanyang mood ngunit ang pinakapaborito niya at pinakaiingatan ay ang bahay ng kanyang ina na minana pa nito sa kanyang abuelo. Tahimik at malayo sa city at pumupunta lamang siya doon kung gusto niyang makaramdam ng mapayapang pag-iisip.
“Okey. Halika Yzabella, ihahatid na kita sa kusina.”, saad ni Alkins at napataas kilay siya sa pagtawag nito sa pangalan ng babae na parang matagal na silang magkakilala. Agad naman bumitaw si Ysabella mula sa pagkakakapit sa kanya at ngumiti ito ng bahagya na tila nawala na ang pagkatakot sa mukha kanina.
„Pagkatapos niyang magluto, kunin mo lahat ng damit ng mga kasamahan natin at lalabhan niya.”, bigla siyang nainis ng todo at napatingin si Alkin sa pangalawang utos nito. Mahigit singkwenta ang mga kasahaman nila at nag-aalala yata ito sa dami ng labhan ni Yzabella. Magsasalita pa sana ang kaibigan ngunit lumakad na siya patungo sa may hagdan kung kayat nakita na lamang niya sa sulok ng kanyang mata na umiling iyon.
„Hi, ako nga pala si Alkins. Kaibigan din ako ng iyong kapatid.”, narinig niyang turan ni Alkins kung kayat bigla siyang napahinto sa pag-akyat, ngunit ng lingunin niya ang mga ito ay palayo na din papunta sa kitchen. Mas lalong sumama ang kayang timpla. Hindi pa man nakakarating sa kusina ang mga ito ay tinawagan niya si Alkins.
“Come over here, right away!”, turan niya ng iangat nito ang cellphone at agad ding niyang ibinaba pagkatapos. Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat sa may hagdan at dumirecho siya sa kanyang kuwarto. Tinanggal ang suot na damit at nagtuloy sa banyo.
Mataas na ang araw ng magising si Yzabella. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagising ng lampas lampas sa alas singko. Matagal silang nag-usap at nagkwentuhan ni Eric kagabi at sa ilang buwang napupuyat dahil sa kaiisip dito ay ngayon lamang siya nakatulog ng nakangiti at matiwasay. She was wrapped by Eric’s arm the whole night kung kayat umaapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Inextend niya ang braso sa katabi upang siya naman ang magbigay ng mainit at mahigpit na yakap dito ngunit naimulat niya ng bahagya ang mata sapagkat wala naman ang binata sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumaling sa kabilang side and came to realized na napagitnaan siya ng dalawang unan na malalaki.“Eric?!”, agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap sa loob ng kuwarto ang bulto ng binata. Tinignan niya sa ibat ibang sulok ng kuwarto, sa likod ng mga kurtina at maging sa ilalim ng kama ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Sapo ang ulo ay napaupo siya sa gilid ng higaan kasabay ng pa
“I’m sorry, sweetheart; I’m really sorry!”, si Eric na pinupog ng halik ang ulo ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Akala niya hindi tanggap ni Yzabella ang kanyang pagkatao kaya bigla itong nagdesisyong lumayo sa kanya. Si Yzabella ang una at tanging babaing kanyang minahal kaya sobra siyang nagalit sa gainagalawang mundo, feeling niya siya ang pinakamasamang tao sa mundo at hindi siya nararapat sa pagmamahal nito. Pero mahal na mahal niya ang dalaga at kaya niyang talikuran ang lahat upang maging karapat dapat lamang siya dito.“I love you so much, hindi ko na alam ang mabuhay kung wala ka.”, madamdaming turan niya dito. Sa halos mahigit dalawang buwan nilang hindi pagkikita ay tila walang saysay ang kanyang buhay dahil walang oras na lumipas na hindi niya ito iniisip.“Wait lang, anong pinagsasabi mo?”, ang dalagang biglang kumawala mula sa kanyang pagkakayakap at bahagyang idinistansiya ang sarili. Sa inasal ng dalaga ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. Still, t
After 5 minutes’ drive ay narating din nila ang maraming kabahayan, hindi niya inexpect na may malaking community na nakatago sa loob ng isang private property. Halatang may magaganap na special occasion dahil maraming nakasabit na banderitas at nagkalat sa paligid ang maraming tao. Nang makitang parating ang kanilang sasakyan ay nagsipagtabi ang mga ito upang bigyan ng madadaanan hanggang sa kung saan nagpark ang binata.“We’re here, I hope you’ll enjoy.”, bago tinanggal ang seatbelt ay tumingin muna sa kanya ang binata.“Surely, I will.”, pahayag naman niya habang nakangiti. Ngayon lamang siya mkaattend ng pista sa bayan at kanina pa siya naeexcite ng makakita ng banderitas at maraming tao.“I’m happy to hear that because this will be your home.”, nakangiting wika ng binata at bahagya siyang natawa dito.“Baba na tayo, kanina pa yata namamaga ang mga mata ng mga tao sa kahihintay saiyo , ilang minuto na lang mahihigblood ang mga yan saiyo.”, turan niya pagkatapos ay binalingan na an
Mula sa pagkaidlip ay nagisng si Yzabella ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok. Parang ayaw pa niyang ibuka ang mga mata dahil feeling niya ay gusto pa ng kanyang katawan ang magpahinga at matulog. Ngunit hindi tumitigil ang humahaplos sa kanyang buhok kung kayat unti unti niyang ibinuka ang mga mata; napakunot siya ngunit bigla ring pinanlakihan ng mata ng mamulatan si Earl Rick habang nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatunghay sa kanya.“Time to get up sweetie, were going to attend the program in the farm.”, saad nito habang hindi matanggal tanggal ang magandang pagkakangiti sa mga mukha. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon ngunit ng maramdamang walang siyang kahit na anumang saplot sa katawan ay mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili. Ngunit ng maalala ang mga nangyari ay agad siyang bumaba sa higaan at kumaripas ng takbong tinungo ang banyo at naglock ng pinto.Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasandal sa likod ng dahon ng pinto n
Pagdating nila sa malawak na komedor ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nakahain, ang sasarap at iba’t ibang putahe. May tinolang manok, may inihaw na isda, may hipon, meron ding alimango, mga gulay. Parang may pista sa dami ng pagkain at parang gusto niya agad maupo at kumain.“Wow! ang mga paborito kong pagkain, ang sasarap.”, tila hindi rin napigilan ni Eric ang sarili, tinungo niya agad ang gripo at naghugas ng kamay pagkatapos ay tila hindi na nakapaghintay na kumurot ng inihaw na hito at isinawsaw sa nagawang sawsawan. Natuwa naman si Yzabella sa sobrang excitement ng binata sa pagkain kung kayat di niya napigiling mapangiti habang pinagmamasdan ito. Maya maya lamang ay bigla itong bumaling sa kanya at inilapit sa kanyang bunganga ang kinurot na isda.“Sobrang sarap, tikman mo.”, saad nito at hindi siya nakahindi, bagkus ay ibinuka niya ang bibig at kinain ang isinubo nito.“Masarap?”, masayang tanong nito pagkatapos niyang magnguya at tumango tango siya dahil totoo namang
“Feeling better?”, bigla ay nagising ang diwa ni Yzabella mula sa pagkakayakap sa lalaking inaakalang si Eric. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at dahan dahang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito at pasimpleng inilayo ang sarili. Nang humarap ito sa kanya ay parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan.“So…sorry, pa…sensiya na kasi...”, halos nawala ang kanyang dila at maging ang kanyang isip ay hindi makapagprocess ng sasabihin. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng labis na pagkapahiya dahil nakangiti ito na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaction niya.“It’s alright.”, turan nito na tila tuwang tuwa at wala siyang nagawa kundi tawanan na lamang ang sarili habang napapailing na hinawakan ang noo.“Sorry talaga.”, saad niya at tumango tango ito habang hindi maialis ang tuwa sa mukha.“And I said it’s alright, you can hug me day and night if you want.”, panunukso nito at napailang siya habang nakatawa.“Bakit ka nga pala nandito?”, maya ma