Napailing si Alkins pagkatapos mawala na lamang bigla sa ere si Eric. Hindi pa man nakakapasok sa kitchen upang ihatid si Yzabelle ay pinapapunta na siya agad sa kinarooonan nito kung kayat dinalian niya ang pagtotour sa dalaga sa kusina.
“Ikaw na lamang ang bahalang magluto kung anong gusto mong lutuin, nasa mahigit 50 katao pala ang mga tao rito.”, turan nito kay Yzabella at halos lumaki ang mata ng dalaga sa dami.
“Kaya?”, saad niya sa dalaga ng makitang nabigla ito.
“Okey lang po.”, tugon ni Yzabella dito. Kailangan niyang kayanin, wala naman siyang magagawa diba? Isa pa naranasan na din niyang nagluto ng pangmaramihan ng dalawang taon sa monesteryo kung saan ay nasa first level pa lamang sila ng pagkacloistered nun.
„Kung ganon, maiwan na kita dito at kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi saakin.”, si Alkins at bahagyang ngumiti siya dito.
„Salamat po, ipagdarasal ko po kayo sa kabaitan niyo.”, pahayag niya kung kayat mas malawak ang ginawa nitong pagngiti bago tuluyang lumabas sa kitchen.
Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin si Alkins ay hinagilap niya agad ang malaking rice cooker at nagsaing pagkatapos ay inilabas ang lahat ng gulay na nakita sa ref. Marami siyang nakitang karne sa freezer ngunit kumuha lang siya ng kaunti upang ipansahog sa gulay. Sa dami ay halos alas dose na ng tanghali ng natapos siya sa pagluluto. Kahit nakacentralized ang aircon ay naramdaman pa ang pawis na tumulo sa kanyang noo at dahil first time na naman niyang magluto ng madami ay nakaramdam siya ng pagod. Naisandal pa niya ang sarili sa may wall kasabay ng pagpikit ng mata. Nagulantang siya ng may biglang pumasok hinahanap ang nalutong pagkain.
“Asan ang nalutong pagkain, bakit ang tagal?”, narinig niyang pahayag ng bagong dating kung kayat nagulantang siya mula sa pagkakasandal sa wall.
“Andiyan na po sir, saglit lang po.”, mabilis niyang pahayag pagkakita kay Eric. Nakapalit na ito ng damit at napakaganda lalaki subalit tila walang kapayapaan ang pag-iisip kaya palagi itong galit. Pagkatapos maglagay ng kanin at ulam sa serving plate at bowl ay dali dali siyang lumapit sa dining table na kinaroroonan nito. Halos panghinaan siya ng tuhod habang papalapit dito sapagkat mas lalong kumunot ang noo nito habang mariing nakatingin sa kanya.
“Eto na po ang pagkain niyo sir.”, saad niya sabay lapag sa tray na kinalalagyan ng pagkain pagkatapos ay isa isang itong inilapag sa mesa mula sa tray.
“What is this?”, turan nito sa kanyang inihanda at nabitin sa ere ang kanyang paghinga.
“Naggisa po ako ng gulay na sinahugan ko po ng karne.”, mahinang saad niya pagkatapos ay napakagat siya ng labi.
“And you call this food? Anong akala mo saamin mga baboy?”, turan nito at nanlalaki ang mata niyang tumingin dito.
“Naku hindi po sir…”, hindi pa man niya natatapos ang sasabihn ay nagsiliparan ang mga inilapag niyang pagkain. Napakuros siya ng wala sa oras sapagkat di man lang nito iginalang ang pagkain.
“Kainin mo lahat ng niluto mo, kung hindi ay hindi ka kakain ng isang lingo!”, galit nitong pahayag ng makatayo mula sa pagkakaupo. Sa nerbiyos ay tumango tango na lamang siya dito habang nakayuko.
“What happen?”, mula sa may pinto ng komedor ay pumasok si Alkins na bagong ligo, halatang nagulat sa galit na itsura ng lalaki at ang nagkalat na pagkain.
“Ipakain mo sa kanya ang lahat ng kanyang niluto, kung may matapon pati ikaw hindi kakain ng isang linggo!”, banta nito sa bagong dating pagkatapos ay nagmartsa na itong lumabas sa komedor. Napalunok si Ysabella habang napakibit lamang si Alkin sa sinabi ng lalaki. Pakiwari niya ay lumabas lamang sa kaliwang tainga nito ang pagbabanta ng mamamatay tao.
“Let me guess, hindi niya nagustuhan ang niluto mo?”, baling ni Alkins sa kanya mula sa kanyang pagkaistatwa sa pagkakatayo.
“Patawarin siya ng Diyos pero ganun na nga, hindi man lang niya rinespeto ang pagkain.”, wala sa sariling turan niya at naitaas nito ang noo habang unti unting ngumiti dahil sa kanyang sinabi.
“Ano ba kasing niluto mo?”, si Alkin pa rin na hindi maitago ang pagkakangiti habang nakatingin dito.
“Naggisa ako ng gulay at sinahugan ng karne, masustansiya naman yun”, inosenteng pahayag niya kung kayat mas lalong tumaas ang dalawang kilay nito.
“Hindi lang mahilig sa gulay si Eric, hayaan mo na magpapadeliver na lang iyon ng pagkain.”, pahayag ni Alkins at napatingin siya dito. Magpapadeliver nga ngunit ipapakain naman lahat sa kanya ang niluto.
“ Pero sobrang dami yung niluto ko.”, problemadong turan niya dito.
„It’s okey, magugustuhan yan ng mga kasama ko.”, kalmadong pahayag ni Alkins kung kayat biglang sumigla ang kanyang mga mata.
„Talaga?”, tila excited niyang pahayag at nagthumbs up ito sa kanya.
Maya maya lamang ay kinalikot nito ang hawak na gadget at pagkatapos ng ilang sandal ay isa isang nagsilitawan ang mga kasamahan nito sa komedor. Ipinakilala siya ni Alkins sa mga ito pagkatapos ay nagpatulong ito sa iba upang ilabas sa kitchen ang kanyang niluto. Nang mailapag ang pagkain sa komedor ay biglang nagsitahimik ang lahat ng sabihin niyang magdasal muna sila para magpasalamat sa nakahaing pagkain. Tila nafreeze pa sa pagkuha ng pagkain ang iba ng magsimula ang kanyang pagdarasal.
"Heavenly Father, we thank you for the food before us, for the hands that prepared it, and for your abundant provision. Bless this meal, nourish our bodies, and strengthen our spirits. May our conversation be filled with love and gratitude. In Jesus' name, we pray. Amen."
“AMEN!”, halos sabay sabay na turan ng mga ito at hindi niya naiwasang magbigay ng ngiti pagkatapos. Nakatingin kasi sa kanya ang lahat na tila naghihintay ng iba pa niyang programa bago kumain.
“Sige po, pwede na po kayong kumain. Pasensiya na po sa aking luto.”, pahayag niya at hindi niya inaasahang ngitian siya ng mga ito.
“Thank you, miss.”, turan pa ng iba at magalang siyang nagbow sa mga ito.
“Happy?”, si Alkins ng makitang paubos na ang kanyang niluto.
“Salamat saiyo, Ginoong Alkins; akala ko hindi na ako makakain ng isang linggo.”, saad niya at ngumiti ito.
“Haist! Huwag mo na lamang pansinin si Eric, masyadong maraming iniisip kayo ganon. Masakit pa ba ang pasa sa pisngi mo?”, pansin nito sa kanyang pisngi. Sa sobrang dami ng kanyang ginawa sa pagluluto ay nakalimutan niyang masakit ito.
“Okey lang po, mawawala din to.”, turan niya habang pasimplemg kinapa kapa ang pisngi. Masakit din kasi nabugbog nga ito. Ngayon lang niya maranasan ang masaktan physically sapagkat hindi kailanman nakatanggap ng kahit konting kurot sa kanyang pamilya. She’s the baby of the family and everyone in the house treat her preciously. Lalo na ang kanyang kapatid na agad pumayag sa kanyang desisyon na pumasok sa kumbento at magmadre. Mas safe daw siya doon sapagkat marami daw naglipanang masasamang tao sa labas. Mukhang tama nga ang kapatid. Halos kalalabas lang niya sa monesteryo ay nakaranas na siya ng kalupitan ng ibang tao.
“Sabagay, pero mas maganda kung dampian mo ng ice mamaya. Sige, ikaw na muna ang bahala dito. Siya nga pala, yung mga labahin pinalagay ko na sa laundry room. Tignan mo na lang pagkatapos mong magligpit dito.”, saad ni Alkins at tumango tango siya dito.
“Sige po, maraming salamat sa tulong niyo. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.”, tugon niya. Saglit itong natigilan ngunit ngumiti din pagkatapos ay nagbow sa kanya bago umalis.
Mataas na ang araw ng magising si Yzabella. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagising ng lampas lampas sa alas singko. Matagal silang nag-usap at nagkwentuhan ni Eric kagabi at sa ilang buwang napupuyat dahil sa kaiisip dito ay ngayon lamang siya nakatulog ng nakangiti at matiwasay. She was wrapped by Eric’s arm the whole night kung kayat umaapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Inextend niya ang braso sa katabi upang siya naman ang magbigay ng mainit at mahigpit na yakap dito ngunit naimulat niya ng bahagya ang mata sapagkat wala naman ang binata sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumaling sa kabilang side and came to realized na napagitnaan siya ng dalawang unan na malalaki.“Eric?!”, agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap sa loob ng kuwarto ang bulto ng binata. Tinignan niya sa ibat ibang sulok ng kuwarto, sa likod ng mga kurtina at maging sa ilalim ng kama ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Sapo ang ulo ay napaupo siya sa gilid ng higaan kasabay ng pa
“I’m sorry, sweetheart; I’m really sorry!”, si Eric na pinupog ng halik ang ulo ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Akala niya hindi tanggap ni Yzabella ang kanyang pagkatao kaya bigla itong nagdesisyong lumayo sa kanya. Si Yzabella ang una at tanging babaing kanyang minahal kaya sobra siyang nagalit sa gainagalawang mundo, feeling niya siya ang pinakamasamang tao sa mundo at hindi siya nararapat sa pagmamahal nito. Pero mahal na mahal niya ang dalaga at kaya niyang talikuran ang lahat upang maging karapat dapat lamang siya dito.“I love you so much, hindi ko na alam ang mabuhay kung wala ka.”, madamdaming turan niya dito. Sa halos mahigit dalawang buwan nilang hindi pagkikita ay tila walang saysay ang kanyang buhay dahil walang oras na lumipas na hindi niya ito iniisip.“Wait lang, anong pinagsasabi mo?”, ang dalagang biglang kumawala mula sa kanyang pagkakayakap at bahagyang idinistansiya ang sarili. Sa inasal ng dalaga ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. Still, t
After 5 minutes’ drive ay narating din nila ang maraming kabahayan, hindi niya inexpect na may malaking community na nakatago sa loob ng isang private property. Halatang may magaganap na special occasion dahil maraming nakasabit na banderitas at nagkalat sa paligid ang maraming tao. Nang makitang parating ang kanilang sasakyan ay nagsipagtabi ang mga ito upang bigyan ng madadaanan hanggang sa kung saan nagpark ang binata.“We’re here, I hope you’ll enjoy.”, bago tinanggal ang seatbelt ay tumingin muna sa kanya ang binata.“Surely, I will.”, pahayag naman niya habang nakangiti. Ngayon lamang siya mkaattend ng pista sa bayan at kanina pa siya naeexcite ng makakita ng banderitas at maraming tao.“I’m happy to hear that because this will be your home.”, nakangiting wika ng binata at bahagya siyang natawa dito.“Baba na tayo, kanina pa yata namamaga ang mga mata ng mga tao sa kahihintay saiyo , ilang minuto na lang mahihigblood ang mga yan saiyo.”, turan niya pagkatapos ay binalingan na an
Mula sa pagkaidlip ay nagisng si Yzabella ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok. Parang ayaw pa niyang ibuka ang mga mata dahil feeling niya ay gusto pa ng kanyang katawan ang magpahinga at matulog. Ngunit hindi tumitigil ang humahaplos sa kanyang buhok kung kayat unti unti niyang ibinuka ang mga mata; napakunot siya ngunit bigla ring pinanlakihan ng mata ng mamulatan si Earl Rick habang nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatunghay sa kanya.“Time to get up sweetie, were going to attend the program in the farm.”, saad nito habang hindi matanggal tanggal ang magandang pagkakangiti sa mga mukha. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon ngunit ng maramdamang walang siyang kahit na anumang saplot sa katawan ay mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili. Ngunit ng maalala ang mga nangyari ay agad siyang bumaba sa higaan at kumaripas ng takbong tinungo ang banyo at naglock ng pinto.Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasandal sa likod ng dahon ng pinto n
Pagdating nila sa malawak na komedor ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nakahain, ang sasarap at iba’t ibang putahe. May tinolang manok, may inihaw na isda, may hipon, meron ding alimango, mga gulay. Parang may pista sa dami ng pagkain at parang gusto niya agad maupo at kumain.“Wow! ang mga paborito kong pagkain, ang sasarap.”, tila hindi rin napigilan ni Eric ang sarili, tinungo niya agad ang gripo at naghugas ng kamay pagkatapos ay tila hindi na nakapaghintay na kumurot ng inihaw na hito at isinawsaw sa nagawang sawsawan. Natuwa naman si Yzabella sa sobrang excitement ng binata sa pagkain kung kayat di niya napigiling mapangiti habang pinagmamasdan ito. Maya maya lamang ay bigla itong bumaling sa kanya at inilapit sa kanyang bunganga ang kinurot na isda.“Sobrang sarap, tikman mo.”, saad nito at hindi siya nakahindi, bagkus ay ibinuka niya ang bibig at kinain ang isinubo nito.“Masarap?”, masayang tanong nito pagkatapos niyang magnguya at tumango tango siya dahil totoo namang
“Feeling better?”, bigla ay nagising ang diwa ni Yzabella mula sa pagkakayakap sa lalaking inaakalang si Eric. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at dahan dahang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito at pasimpleng inilayo ang sarili. Nang humarap ito sa kanya ay parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan.“So…sorry, pa…sensiya na kasi...”, halos nawala ang kanyang dila at maging ang kanyang isip ay hindi makapagprocess ng sasabihin. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng labis na pagkapahiya dahil nakangiti ito na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaction niya.“It’s alright.”, turan nito na tila tuwang tuwa at wala siyang nagawa kundi tawanan na lamang ang sarili habang napapailing na hinawakan ang noo.“Sorry talaga.”, saad niya at tumango tango ito habang hindi maialis ang tuwa sa mukha.“And I said it’s alright, you can hug me day and night if you want.”, panunukso nito at napailang siya habang nakatawa.“Bakit ka nga pala nandito?”, maya ma