Madeline's P. O. V. Kakatapos lang ako make-up-an ng isang hired professional make-up artist. Pabor naman sa akin dahil gumanda ako, isa pa, wala akong ginastos dito dahil sagot lahat ni Raven. Ngayong gabi ay pupunta na kami sa isang mamahaling 5 star hotel kung saan gaganapin ang celebration party ng may birthday."Napakaganda mo talaga, Mrs. Aguilar. Hindi na nakapagtataka kung bakit sa 'yo nahulog ang puso ni Mr. Raven," ani ng baklang make-up artist.Napangiti naman ako. Kanina niya pa binabati ang ganda ko, ng kutis ko, ng shape ng mukha ko. Bet na bet ko ang make-up artist na 'to, dahil sa humbleness niya."Thank you, ang galing mo rin mag-make up. I swear, sa lahat, ikaw talaga the best." "Sobrang overwhelming naman niyan, Mrs. Aguilar. It's my honor to touch your pretty face." Ngumiti ito sa akin."Tapos na ba kayo?" Natigil kami nang biglang dumating si Raven, nang mapatingin ako sa kaniya habang naglalakad pababa ng hagdanan ay tila ba bumagal ang ikot ng mundo ko. Nakaa
Madeline's P. O. V. Tumakbo ako, papalayo sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako papunta, pero tumatakbo ako, hanggang sa makarating ako sa kalsada. Pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao pero nagpatuloy ako sa pagtakas. Tuluyang bumuhos ang nagbabadya kong mga luha, hanggang sa tuluyang manghina ang katawan ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa malamig na simento. "Miss, okay ka lang?" May isang babae ang yumuko para tulungan akong tumayo.Yumuko lang ako habang lumuluha. Ramdam ko ang kirot sa kamay ko dahil tinukod ko ito sa magaspang na simento. Hindi ko matanggap na nagmukha na naman akong mali sa paningin ni Raven, sa kung bakit kailangan gawin at sabihin 'yon ni Rebecca. Wala akong ginagawang masama, pero sa paningin ng lahat, masama ako. "Miss?" Naramdaman ko ang kamay ng babae sa likod ko."T-Taxi..." nanghihina kong sambit at tinaas ang kamay ko."Miss, tulungan na kita tumayo... Kung ako man nangyare sa 'yo, sana malagpasan mo." Napatingin ako sa babaeng tumulong s
Madeline's P. O. V. Nagising ako na may kirot sa aking sentido. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, napahawak ako sa aking noo at dahan-dahang hinilot ito. "Aarrggh... Ang sakit ng ulo ko," daing ko at naupo sa aking kinahihigaan.Bigla akong napatigil, naalala ko bigla ang mga nangyare. Nagkaroon ako ng issue, galit sa akin si Raven kaya pumunta ako kala Roselle, pero bakit... Bakit nandito ako sa bahay ni Raven? Paano ako napunta dito? Nag-inom kami ni Roselle ng beer tapos---"Glad you're awake, uminom ka na ng gamot and I prepared a soup for you. Alam kong may hang-over ka." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Raven na lumabas ng dirty kitchen, hinuhubad nito ang suot niyang apron. Nakatitig lang ako sa kaniya. Bakit parang ang hinahon niyang magsalita? Hindi ba dapat galit siya sa akin dahil sa kapatid niyang bitch? Feeling victim na Rebecca."A-Anong... P-Paanong..." Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko, hirap akong magsalita dahil hindi ko matandaan ang mga na
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, lunch na parang ayoko makita si Raven. Nalulungkot lang ako, pero dahil gutom ako ay wala akong choice. Lumabas ako ng kwarto ko dala ko ang cellphone ko. Naabutan ko si Raven sa sofa habang nakaharap sa kaniyang laptop. Nang mapansin niya akong naglalakad sa hagdanan ay bigla niyang sinara ang kaniyang laptop.Bakit kaya? Siguro kausap niya yung babae niya? Takot ba siya na malaman kong may babae pala siyang foreigner? Ano ngayon? Wala akong pake."What did you do last night, when you're alone here?" bigla niyang tanong."Nanonood lang ako sa laptop ko, bakit ba?" irita kong sagot."Nothing." Tumayo siya.Dumiretso ako sa kusina, tinignan ko ang ulam. Mukhang nagluto si Raven, hindi ko lang alam ang tawag dito sa may sarsa na manok. Kumuha ako ng plato dahil gutom na ako. Napansin ko namang kumuha rin ng plato si Raven. Hindi pa ba siya kumakain?"Do you have a problem?" tanong niya.Umiling ako habang nagsasandok ng kanin mula sa rice cooker."Okay,
Madeline's P. O. V.Nagising ako sa aking kama. Bigla kong naalala ang plano ko kagabi, pero hindi na naman natuloy dahil nakatulog ako. Obviously, si Raven na naman malamang ang nagdala sa akin sa kama ko. "Aish!" Nilamukos ko ang aking kumot at nagdabog, hinampas ko ng malakas ang aking unan. Balak at plano ko pa namang gawin kagabi ang advice sa akin ni Roselle, ang akitin si Raven."Napakatagal niya kasing umuwi, nakatulog tuloy ako," reklamo ko.Bumangon na ako at nagtungo sa banyo, mabilis akong naligo at nagbihis ng school uniform. Nag-braid ako ng aking buhok saka naglagay ng mamahaling pin sa buhok para magmukha ako lalong maganda. Nag-shave ako ng excess kong kilay para maganda ang shape nito. Naglagay rin ako ng kulay pulang liptint."Kailangan mo makuha ang puso niya!" Tinuro ko ang sarili ko sa salamin. Taas-noo akong naglakad palabas ng kwarto dala ang aking bag. Nakita ko si Raven na nakaupo sa dining area habang hawak ang cellphone nito, humihigop siya ng kaniyang k
Madeline's P. O. V.Habang nagkuskos ako ng bulak sa illustration board ay hindi ko maiwasang hindi ma-distract kay Raven na nagkukulay kasabay ko. Bahagya akong napangiti sa ganda at galing niya sa arts. Hindi ko akalain na talented din pala siya. Tahimik kaming nakaupo sa carpet ng sala at nakaharap sa center table."Maddy, can you pass me the eraser?" Agad akong kumilos at kinuha ang pambura. Pinanood ko siyang burahin ang mga guhit ng lapis, sinimulan niyang kulayan ang binurahan niya. Napatigil naman siya at tumingin sa akin, tila ba may gulat sa kaniyang mga mata."Stop staring, I know you're in love." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Parang mapang-asar ang tono ng boses niya but he's saying a fact so, no comment."Psh..." inirapan ko siya at muli akong nagkuskos.Habang tumatagal ay nakakaramdam ako ng pagod, pero mas lalo akong namangha dahil mas pinaganda ni Raven ang gawa ko kaysa kanina. Lumipas ang isang oras at natapos namin ang ginagawa namin. It
Raven's P. O. V.While I'm having a lunch, I opened the files from the CCTV recording. Napapapadyak ako sa kaba, na baka magkagulo oras na malaman kong si Rebecca nga ang may kasalanan. I will admit that sometimes I have doubt feelings against the both of them, pero mas pinapaniwalaan ko si Madeline. Now I have an evidence. Pinlay ko ang recording sa sala ng araw na 'yon. Finast forward ko ito sa oras na gumagawa si Maddy ng kaniyang project. Base sa oras, tama nga si Maddy na tatlong oras na siya roon. Naka-ilang bura siya, ilang ulit at ilang beses nagpapantay. Kitang-kita kong sobrang tyaga niyang binubusisi ang kaniyang project. Bigla siyang napatigil at lumabas ng bahay. Mukhang ito na ang simula na dumating si Rebecca. Hindi nga ako nagkamali, nakita kong pinulot ni Maddy ang mga kalat nito at saka nagtungo sa kusina, pagbalik niya ay may dala na siyang juice at pistel. Inilayo niya pa kay Rebecca ang project nito, nag-usap sila. Nakikita ko ang pagbuka ng kanilang mga bibig.
Madeline's P. O. V.Kinakagat ko ang dulo ng aking kuko habang mabilis na pinapadyak ang kanan kong paa, nakatayo ako at hindi mapakali habang pinapanood ang pregnancy test na magkaroon ng guhit. It's either one line or two lines. "What's the result? Matagal pa ba?" rinig kong sambit ni Raven mula sa labas ng banyo.Humarap ako sa salamin, huminga ako ng malalim at pumikit. Lord, kayo na pong bahala sa akin. I know you will always have a plan on everything, anything..." Nang idilat ko ang mga mata ko, binalik ko ang tingin ko sa pregnancy test at napaawang ang labi ko nang makitang one line lamang iyon, hindi ako buntis."SHOCKS!" I shout out of excitement."What!? Anong nangyayare!?" biglang bumukas ang pinto at pumasok si Raven sa banyo, bakas ang pagkataranta sa kaniyang mukha.Hinawakan ko ang pregnancy test at pinakita kay Raven. "Ow... You're not pregnant," tila ba may lungkot sa kaniyang boses. Ngumiti rin siya agad at hinila ang braso ko para yakapin ako. "Now you would no