Share

KABANATA 104 

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-27 16:10:52
Dahil sa sinabing iyon ng boss nila, parehong nalito sina Alex at Tomas. Hindi nila lubos akalain na ganon ang mangyayari. Malayong-malayo ito sa gusto sana  nilang maging takbo ng senaryo. Ang buong akala nila ay hihintayin nila ang pagdating ni Natalie doon at magpapasalamat ito sa kanila lalo na sa boss nila dahil ito naman talaga ang nakahanap at nakapagpababa ng bata mula sa batuhan.

“Drake, huwag mo na sanang sasabihin pa kay Natalie ang tungkol dito.” Paalala ni Mateo.

Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hiniling sa kanya ni Natalie na huwag maging mabait sa kanya kaya iyon ang ginagawa niya.

“Justin!” Humahangos si Natalie. Matapos niyang matanggap ang tawag galing kay Drake ay halos liparin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang kapatid kaya agad niyang sinuri ang buong katawan nito para makasigurong talagang ligtas ito.

Tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. “Thank you, Drake. Pasensya na tal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (20)
goodnovel comment avatar
sara sanico
Ang tagalog n boring n ko
goodnovel comment avatar
Norma Lunzaran
Ang tagal nmn po nsa 104 n ako d p din tapos
goodnovel comment avatar
Princess Camilla
hindi lang matagal ang storya kundi matagal din manganak si Natalie ...... tapos grabe ang chapter ang bilis ang iksi
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 430

    “Ganoon ba?” Nagulat si Natalie—hindi niya iyon alam at hindi iyon nabanggit ni Mateo sa kanya. Hindi siya sigurado kung nakaligtaan lang nito o wala talagang intensyon na sabihin sa kanya. Pero kahit na ano pa man ang dahilan nito—malinaw ang intensyon ng asawa at kahit na naglihim ito sa kanya, hindi niya makapa ang galit.“Alam mo kung ano ang nakikita ko? Halata naman na mahalaga ka sa kanya, at masaya ako dahil gusto ko ‘yon para sayo. Wala pa ring nagbago, hangad ko pa rin ang kaligayahan mo.” May banayad na ngiti si Drake. “Nat, pahalagahan mo ang meron ka at mabuhay ka ng maayos.”“Ikaw rin, salamat sa pagliligtas sa amin.” Biglang may naalala si Natalie. “Oo nga pala, nasa ospital ka na bago pa mangyari ang insidente kahapon. May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Drake. Pero mabilis din siyang ngumiti na parang wala lang. “Hindi, maayos naman ako. Kumuha lang ako ng vitamins ko. Naubusan na kasi ako at hindi siya nabibili over the

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 429

    “Oh… okay.”Hindi makapaniwala si Nilly sa sinabi nito. Hindi lang simpleng pagkain ang dala nito—ang sabi niya pagkaing galing sa bahay ang dala niya—ibig sabihin, hindi lang ito basta binili sa kung saan kundi galing pa ng Antipolo. Hindi imposibleng gawin ‘yon ni Mateo dahil mas marami na itong ginawa na higit pa sa pagdadala ng almusal.Pero may isang bagay na gumugulo sa isipan ni Nilly, kaya hindi na niya napigilan pang magtanong. “Mateo…pwede bang magtanong?”“Hmm?”“Nandito ka ba sa labas buong gabi?”“Oo.” Agad na tumango si Mateo, seryoso ang tingin. “Siguraduhin mong mababanggit mo ‘yan kay Natalie.”“Ano?” Nagtatakang tanong niya.“Kaibigan ka niya, mas maniniwala siya kung sayo galing ang katotohanang ‘yon. Kaya gusto kong sabihin mo sa kanya ang nakita mo.”“Tama nga si Natalie. Napakawalanghiya ng taong ‘to.” Bulong ni Nilly sa sarili.**Sa loob ng apartment, nakaupo na sa kama si Natalie, antok na antok pa siya. Napakarami nilang pinag-usapan kagabi ng kaibigan kaya p

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 428

    “Pero kailangan ko pa rin siyang makita. Iba pa rin kapag personal akong nagpasalamat. Nilly. Kasalanan itong lahat ni Mateo—hindi ko siya maintindihan. Napaka-unreasonable niyang tao.” Sumandal si Natalie sa sofa, yakap ang isang unan. Habang pinag-iisipan niya ang ginawa nitong pagpipigil sa kanya, lalong lumalala ang inis niya. “Pwede ba akong manatili rito ngayong gabi?”“Syempre naman. Kailan ba kita tinanggihan?” Naningkit ang mga mata ni Nilly, halatang naaaliw. “Nariyan pa ang pajama na lagi mong ginagamit kapag nandito ka. Magkatabi tayong matutulog, tapos magchichikahan ng maayos. Gaya ng dati.”“Uy, gusto ko ‘yan. Magandang ideya ‘yan. Kaysa mabwisit lang ako sa mansyon. Ewan ko ba. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!”“Baka naman siya ang pinaglilihian mo, ha? Baka paglabas ng pamangkin kong ‘yan, carbon copy niya, ha!” Tukso ni Nilly.Napa-sign of the cross si Natalie bigla. “Diyos ko, laging nakasimangot? Huwag na, uy!”“Kung lalaki ‘yan, at least gwapo kaya hindi ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 427

    [Teka. Anong ibig mong sabihin sa ‘walang silbi’?] Lumamig din ang boses ni Mateo.“Hindi mo naiintindihan? Kailangan ko pa bang isa-isahin para sayo? O nakalimutan mo na ang huling pag-uusap natin kanina?” Isang mapanuyang tawa ang kumawala mula kay Natalie. “Sige, pagbibigyan kita, magiging direkta na ako. Hindi mo naman talaga sinasabi kung saan ka talaga pumupunta. Kaya ano pa ang silbi ng pag-a-update mo?”Ang tinutukoy niya ay ang tatlong beses na palihim na pagkikita ni Mateo at Irene simula ng ikasal sila. Bilang na bilang niya ‘yon. Detalyado lahat.“Tatlong beses na. Hindi na ako maniniwala sa mga update na ‘yan. Kung hindi mo kayang maging totoo sa akin, wala ng silbi ang pagpapaalam sa akin ng kinaroroonan mo.”Hindi agad nakakibo si Mateo. Pero ramdam niyang nag-iinit ang kanyang dugo. Tinawagan niya ito para mag-update na mahuhuli siya ng uwi, pero siya pa rin ang mali. [Sige, kung ganyan ang iniisip mo, hindi na kita tatawagan ulit!]Agad nitong ibinaba ang tawag.Tinin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 426

    Natigilan si Natalie dahil sa mga sinabi ni Mateo. “Talaga bang sinabi niya ‘yon? Anong klaseng lalaki ito? Dinamay pa niya si lolo!”Pagdating sa mansyon, halos hindi pa humihinto ang kotse, bumaba na agad si Mateo, halatang hindi pa rin nawawala ang inis nito. Binuksan ni Natalie ang pinto, ngunit bago pa man siya makababa, yumuko si Mateo at agad siyang binuhat papasok.Gaano man ito kagalit, hindi niya hahayaang basta na lang maiwan ang kanyang asawang gulat at hindi pa rin makabawi.Binuhat niya ito papasok sa bahay, paakyat sa silid sa ikalawang palapag, at dahan-dahang inilapag sa kama at tinanggal ang suot nitong sapatos. Maingat niyang itinakip ang kumot kay Natalie at tiniyak na komportable ito. Madilim pa rin ang kanyang mukha dahil sa iritasyon, pero ang kilos niya ay nanatiling banayad at puno ng pag-aalaga.“Magpahinga ka muna dito,” sabi niya. “Babalik ako sa ospital.”Pagkasabi niyon, pinatay niya ang ilaw at lumabas ng silid. Tahimik na bumalot ang kadiliman sa kwarto

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 425

    Biglang nawala ang ngiti ni Natalie at napalitan ito ng ismid. Tinitigan niya ang lalaki ng seryoso. Mata sa mata. Nanunuot. Tila doon hinahanap ang kasagutan na tila ayaw ibigay sa kanya. “Ano sa tingin mo? Anong hairpin kaya ang tinutukoy ko?”“Hindi kaya…?” Naningkit ang mga mata ni Mateo at gumulo lalo ang utak niya. Isa lang ang naisip niyang pwedeng nangyari. “Hindi… Imposible…pero paano? Sa ospital? Kailan nangyari ‘to?“Tama ka.” Alam ni Natalie na naunawaan na ito ni Mateo. Bago pa siya makasagot, nauna siyang magsalita ulit. “Kung hindi mo na maalala, hayaan mong ako ang magpa-alala sayo. Ang hairpin na tinutukoy ko ay—ang ibinigay mo sa dalagitang ‘ubod ng espesya’ sayo. Ang dalagitang hinanap mo ng kay tagal.”Sa sandaling iyon, nanuyo ang kanyang lalamunan. Para bang hindi niya maigalaw ang kanyang dila, at wala siyang masabi. Nagpawis ng malamig ang kanyang likod.Malamlam ang tinig ni Natalie, halos parang isang bulong. “Nakita ko siya. Binabati kita… nahanap mo na pala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status