Share

KABANATA 124 

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:11:32
Maagang pumasok si Mateo. Hindi pa man nagsisimula ang araw niya ay nakatanggap na siya ng tawag mula kay Irene. Matagal bago niya sinagot ito. “Hello?”

[Mateo,] malambing ang pagkakasabi ni Irene sa pangalan niya. [May dinner dito mamaya sa bahay. Gusto sana ni mama na imbitahan ka. Makakapunta ka ba? Sige na, birthday ni mama. Kung pupunta ka, magiging espesyal ang gabing ito. Please?]

“Sige, pupunta ako.”

 —

Pagsapit ng gabi, nakaramdam na ng kaba si Irene. “Ma, okay na ba ‘to?”

“Pwede ba, huwag ka ngang mag-alala dyan. Kung hindi mo kayang kumalma ngayon, paano pa kapag naging Mrs. Garcia ka na?”

“Sabagay, kinakabahan lang ako. Sa tingin mo ba gagana ang ginawa natin?” Itinuro nito ang essential oils na nilagay nila sa aromatherapy burner.

“Anak, huwag kang mag-alala. Proven and tested yan. Maniwala ka sa akin. Okay? Buksan mo na, para handa na sa pagdating ni Mateo. Pinaalis ko ang lahat ng katulong. Bukas pa sila babalik kaya solo niyo ang bahay. Wala nang kawala si Mat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (31)
goodnovel comment avatar
Eva Lebico
anung nangyari sa binabasa ko bat umulit sa umpisa
goodnovel comment avatar
Chen Ombrog
nakabwesit na episode may Ora's bago nmn mabasa need pa mag open patalastas ..hahaiii..nakaka omay
goodnovel comment avatar
Gigie Tabunar
wag sana magtagumpay ang irene na yan kawawa nmn c natalie pati yun balak nila mr chen malaman na sana ni mateo ang katotohanan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 125 

    Gumagana na ang insenso! Nagkunwari si Irene. “Naiinitan ka ba, Mateo?” Tumango si Mateo. “Mm.” “Bakit hindi mo tanggalin ang jacket mo?” Suhestyon ni Irene. Hindi pa nasiyahan, tumayo siya para alalayan ito sa pagtanggal ng jacket. Ngunit bago pa niya tuluyang maalis ang suot nito, nahila ni Mateo ang kamau niya. Galit ito, halos mag-apoy ang mga mata nito. “Anong ginagawa mo?” Imbes na matakot, lalong lumapit si Irene. Ang boses niya ang mas matamis, mas mapang-aakit. “Mateo…tinutulungan lang naman kitang tanggalin ang jacket mo. Naiinitan ka, diba?” Nakahanap ng buwelo si Irene. Nagpatumba siya sa kandungan ni Mateo. Sinamantala na niya ang pagkakataon at pinulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito para tuluyan ng dumampi ang katawan niya dito.                                            Nag-init ang buong katawan ni Mateo. Parang nasusunog ang kanyang lalamunan. Nauuhaw siya. Pero ibang klaseng uhaw iyon. Alam niyang hindi iyon mahuhupa ng pag-inom ng tubig lang.  “

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 126

    Wala nang ibang pagpipilian pa si Mateo kundi ang gumamit ng lakas. Bigla siyang tumayo sa kinuupuan. Si Irene naman ay naupo at humagulgol ng iyakNatulak siya ni Mateo at bumagsak siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ng lalaki. Galit na galit pa rin ito. “Hindi ko gustong saktan ka, Irene pero sa lahat ng ayaw ko ay ang mga taong gustong manipulahin ako!” Mabilis na umalis si Mateo kahit na tinatawag siya ni Irene ng paulit-ulit. “Mateo! Sandali!” Sinubukan pa nyang habulin sana ang lalaki pero natapilok siya at muling natumba sa sahig. Kahit na nasaktan ay patuloy pa rin siya sa pagtawag kay Mateo. Naiinis si Irene dahil konti na lang sana at magtatagumpay na sana siya! Samantala… Nasa labas ng isang sikat na hotel si Natalie. Hawak niya ang cellphone niya ng mahigpit. Masama ang kutob niya. “Bakit dito mo gustong magkita?” Sa kabilang linya ay si Janet. [Ang dami mo namang tanong, Natalie. Ano na? Gusto mo bang makuha ang mga gamit ng nanay mo o hindi?]

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 127   

    Kumulo ang dugo ni Mateo, at mas lalong sumeryoso at naging kontrolado ang kanyang kilos.  Mahina siyang natawa, pero halata ang inis sa kanyang boses.  “Isaac, bilisan mo ang pagmamaneho.” “Opo, Sir.” Pinadyak ni Isaac ang gas pedal ng sasakyan, mabilis na pinatakbo ang kotse.  Bigla niyang nakita si Natalie na inaakay papasok sa sasakyan ni Mr. Chen. Anong ginagawa niya? Wala na ba siyang tirahan? Bakit siya naroon at tila umaasa sa ibang lalaki?  Kailangan ba niya ng pera?  Kung oo, bakit hindi siya lumapit sa kanya?  Iniisip pa kaya niya ang dinadala niyang bata? Napailing si Mateo.  Kung hindi siya nakialam, matagal na sana niyang pinaalis ito. Ano kaya ang mangyayari? Kumawala ang galit sa puso ni Mateo nang maisip ang posibleng gawin ni Mr. Chen  kay Natalie. Palihim na sinulyapan ni Isaac ang mukha ng kanyang amo at napansin ang madilim nitong ekspresyon. “Sir, parang may kakaiba po.” “Oh?” Ngumisi si Mateo. Bakas ang sarkasmo sa kanyang boses. “Ipinagtatang

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 128  

    Dahan-dahang inilapit ni Mr. Chen ang mukha niya sa leeg ni Natalie, at naamoy niya ang pabango nito na mas lalong nagpainit sa kanya. “Mmm, ang bango mo. Nakakaakit ka…”  Nagningning ang kanyang mga mata na para bang nakakita ng isang kayamanan. Hinagod niya ng marahan ang pisnge ni Natalie gamit ang kanyang diliri, at nakakapanindig balahibo ang kanyang mga malisyosong ngiti. “Huwag kang mag-alala, magiging mahaba ang gabi natin. Sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka. Pag natikman mo, babalik at babalik ka pa. Hahaha!”  Ang kabastusan ng mga salita niya ay nagdulot ng matinding pandidiri na dumaloy sa katawan ni Natalie.  Wala na bang paraan para makatakas sa bangungot na ito?Habang papalapit ang pangit na mukha ni Mr. Chen sa kanya, napasigaw si Natalie at pilit na nagpupumiglas.  “Tulong! May tao ba diyan? Tulungan niyo ako! Wag kang lumapit! Ahh!”  Ang mga sigaw niya ay umalingawngaw sa silid habang patuloy siyang nagpupumiglas, ngunit agad na tinakpan ni Mr. Chen ang b

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 129  

    Nagpalitan ng tingin sina Isaac at ang iba pang mga kasama, at tahimik nilang napagkasunduan ang isang bagay. Sabay-sabay silang kumilos upang pigilan si Mateo.  “Sir! Mapapatay mo siya kung itutuloy mo ito!”  Ang dating kalmado na pigura ng lalaki ay naglabas ngayon ng isang awra ng karahasan, at ang kanyang imahe ay tila nabalot ng kadiliman. Nakakatakot itong pagmasdan.  “Tama, Sir! Hindi siya karapat-dapat!”  Kahit pa ang kanilang mga pakiusap, nanatiling malamig at hindi gumagalaw ang ekspresyon ni Mateo.  Biglang may naisip si Alex. “Sir, mukhang hindi na mabuti ang lagay ni Miss Natalie—parang may sinasabi siya.”  Ang pagbanggit kay Natalie ay nagpatigil kay Mateo sa kanyang galit. Nag-atubili siya bago ituloy ang isang malupit na huling sipa.  “Ahh!”  Ang sigaw ni Mr. Chen ay umabot sa buong kwarto, at nakahinga ng maluwag ang tatlong lalaki. Mukhang si Natalie lang ang makakapagpatigil sa kanya. ---Bumalik si Mateo at nagmadali patungo sa kama kung saan nak

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 130  

    Umupo si Mateo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang bahagyang panginginig ng mga mahahabang pilikmata ni Natalie, na pilit pinipigilan ang pagngiti.  “Nat, gising na.”  “Mm...”  Nagkunwari si Natalie na nagising, unti-unting binuksan ang mga mata, ngunit hindi ito tumingin sa kanya.  Pinigil niya ang labi ng ilang saglit, ngunit hindi pa rin nagsalita.  “Dahil gising ka na, bumangon ka na at maghanda. Naghihintay na si Grandpa para mag-agahan tayo.”  “Opo.”  Tumango si Natalie, tinitigan siya ng may pag-asa. Nang hindi siya gumalaw, nagmadali siya. “Kailangan ko pang magbihis, baka pwede ka nang umalis.”  Ang dalawang pangungusap na iyon ay sapat na para mag-init ang kanyang mga pisngi.  Natawa si Mateo. Nag-aalala pa rin ba siya na makita siya? Matapos ang lahat ng nangyari kagabi, may natira pa ba sa kanya na hindi niya nakita?  Hindi lang nakita...  Hmm, at nahalikan pa.  At marami pang iba...  Ngunit sumunod siya, tumayo. “Sige, aalis ako.”  Habang isin

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 131  

    Namayani ang katahimikan sa kotse.Walang ekspresyon si Mateo habang pinagmamasdan niya si Natalie,  madilim at matalim ang kan’yang mga tingin sa dalaga na para bang binabasa ng binata ang iniisip nito. Ang babaeng ito, ipinanganak upang pahirapan ang buhay niya!Noong ayaw niyang magpakasal sa dalaga, galit na galit ito. Ngayon namang magkasama na sila, galit pa rin ang babae!Ginawa na niya ang lahat ngunit hindi pa rin maintindihan ni Natalie kung ano ang sinabi nitong mali sa kan’ya.Hindi naman siya galit sa babae kaya bakit hindi pa rin ito masaya?"Nat," tawag niya sa dalaga.Pigil na pigil siya na makaramdam ng galit sa kan’yang dibdib para ba itong sasabog na. Ngunit biglang tumunog ang kan’yang telepono. Ang kan’yang Lolo pala ang tumatawag at pinapamadali sila. "Nasaan kayo? Hindi ba’t napagkasunduan natin na tayo ay maghahapunan?"  "Lolo, malapit na kami."  Pagkatapos niyang ibaba ang telepono, pumasok ang kotseng sinasakyan nila sa bayan ng Antipolo at bum

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 132  

    Kinagat ni Natalie ang kan’yang labi’t nagsalita ng may pag-aalinlangan. "Alam mo na ang tungkol sa aking nakaraan, ‘di ba?”Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pagiging komplikado ng nakaraan niya. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala kung gaano siya kinamumuhian ni Mateo noon.Dumilim ng bahagya ang mata niya. Kung sasabihin ng lalaki na wala naman itong pakialam sa nakaraan ng dalaga ay tiyak na magsisinungaling lamang siya ngunit ano ang magagawa niya? Mahal niya si Natalie."Lahat naman tayo ay may nakaraan, Mayroon ka at mayroon din ako. Pareho lang tayo."Hindi niya na kailangang alamin pa ang nakaraan ni Natalie at hindi rin niya hahatulan ang nakaraan niya. "Hindi, hindi tayo pareho.” Umiling si Natalie habang ang boses ng dalaga ay nanginginig.Nagsimulang mainis si Mateo, umigting ang panga ng lalaki at nagtanong ng mariin, "Anong naman ang kaibahan ng nakaraan nating dalawa?""Ako... ako..." Dahan-dahang inilapat ni Natalie ang mga kamay sa tiyan. "May anak ako..."

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 318

    “Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 317

    Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 316

    “Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status