”M-Mateo…”Parang kamatis ang mukha ni Natalie dahil sa hiya. Dinig na dinig niya ang tibok ng puso ng lalaki dahil sa pagkakasubsob niya sa dibdib ng lalaki. “P-Pwede mo na akong bitiwan. Okay lang ako.”“Okay?” Kinunotan siya ng noo ni Mateo. “Mukha ka ngang mahihimatay.”Tipid na ngumiti si Natalie. Nagsisimula niya nang maintindihan na sa kabila ng matabil nitong dila at maikling pasensya ay napakagandang lalaki ni Mateo. Mateo. “Okay lang talaga ako. Gutom lang with low blood sugar at nanghihinang mga paa.”“Then let’s get something to eat.”Malapit sa baba ng Mount Lorenzo ang ospital na pinagdalhan nila kay Roberto. At mahihirapan silang makabalik sa villa kung sakali. Kaya naman naghanap na lang sila ng kalapit na restaurant. Dahil sa lokasyon ng bundok, mangilan-ngilan lang ang restaurant dito. At hindi pa ganoon ka-high-end ang mga lasa ng pagkain dito. Halata ang iritasyon sa mukha ni Mateo. “Hindi gaanong masarap ang pagkain dito pero pwede na.”“Okay na ako ri
Hindi nalungkot si Natalie sa isiping magkasama sina Mateo at Irene dahil normal lang naman ‘yon. Ang nagpalungkot sa kaniya ay ang agarang pagbaba nito ng tawag nang tawagin siya ni Irene. Mukhang wala na siyang intensyong balikan siya rito. Siya na ang bahala sa sarili niya. Umalis na siya sa restaurant. Nang makalabas na siya roon at tinanaw ang paligid ay saka niya lang napagtanto na hindi siya pamilyar sa lugar na ito. Hindi niya rin kasi pinansin ang daan dahil bukod sa kotse ang ginamit nila para makarating dito ay sobra rin ang panlalambot niya kanina.Wala pa naman siyang makitang malapit na bus stop o kahit taxi sana. Sinubukan niyang tumawag sa mga drivers sa cab hiring apps kaso walang tumatanggap sa booking niya dahil sa malayo at liblib ang lugar na kinaroroonan niya. “Mukhang kailangan ko lakarin ‘to,” bulong niya sa sarili. Balak niyang lakarin na lang ang main road at aasa na lang siyang may dadaan na sasakyan na pwede niyang makisabayan. Kaya lang, masyadong ma
“Bitiwan mo ako!”Napaiyak na si Natalie dahil sa higpit ng hawak ni Mateo sa palapulsuhan niya. “Ano bang ginagawa mo?!”Halatang-halata ang inis sa mukha ni Mateo. Alam niya naman na kasalanan niyang bigla niya na lang iniwan ang babae kanina sa restaurant. Pero pinangunahan siya nang makita niya si Natalie na nakikipag-usap sa ibang lalaki kanina lang. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para sana ay humingi ng tawad sa kaniyang asawa. “I-I’m–”“Ayaw na kitang makausap!” putol ni Natalie sa sasabihin ni Mateo. Galit na galit siya sa lalaki dahil ang kapal nitong iwan siya roon mag-isa tapos siya pa ang may ganang magalit sa kaniya. Buong lakas niyang binawa ang kaniyang kamay sa lalaki. Ang kaso ay nawalan siya ng balanse dahilan para gumewang siya. Dahil do’n ay mas lalong sumakit ang injured niyang paa. “Ah!” iyak niya sa sakit. Tumaas ang kilay ni Mateo nang makita ang inasta ng babae. “Ano na namang klase ng pag-iinarte ‘yan, Natalie?”Sinamaan ni Natalie ng tingin si Ma
Kalmadong tumingin si Natalie kay Mateo. “Hinihintay ko lang maluto ‘yong instant noodles.”Sinubukang pigilin ni Mateo ang iritasyon niya sa mga sandaling iyon. Sa kabila ng hindi nila maayos na relasyon, hindi niya pwedeng balewalain na napakalaki ng naitulong ni Natalie sa kaniya nito nakaraan. Nagtataka lang siya sa paghahanap nito ng trabaho at pagkain nito ng instant noodles gayong binigyan naman siya nito ng card na naglalaman ng malaking halaga. “Huwag mong kainin ‘yan. Hindi ‘yan masustansya para sa ‘yo. Bibilhan na lang kita nang mas maayos na pagkain.”Nagprotesta si Natalie ngunit pinalabas lang ‘yon ni Mateo sa kabilang tainga niya. “Anong gusto mong kainin?”Nanataling tahimik si Natalie habang pinupukulan ng malamig na titig si Mateo. “Hindi ka magsasalita?” Napairap si Mateo. “Ako na lang ang pipili para sa ‘yo.”Pinili niya ‘yong salmon sushi, fresh milk, steamed eggs saka niya iyon binayaran at inabot sa babae. “‘Yan ang kainin mo.”Napakagat labi si Natalie.
Kinumpirma ng doktor ang pagbubuntis ni Natalie nang muli iyong itanong ni Mateo. “Pero bago pa lang ang pagbubuntis niya. She’s just a five weeks pregnant. She fainted due to low blood sugar, which mimicked early pregnancy symptoms.”Walang mabasang emosyon sa mga mata ni Mateo. Bigla ay hinawi niya ang kurtina ng higaan ni Natalie. “Narinig mo ba ‘yon, Natalie?”Nanghihina at lutang na tumango ang babae. “Oo.”“Ano nang gagawin mo ngayon?” Nag-alangan si Natalie. Napakagulo ng utak niya ngayon. Nabigla siya sa rebelasyong buntis siya. Nabuo ‘yon noong gabing may nangyari sa kanila ng misteryosong lalaki sa Golden Palace Hotel. Dahil sa sobrang kabat at takot ay hindi na siya nakapag-take ng contraception. Na-disappoint siya sa kaniyang sarili dahil bilang doktor ay napakalaking kapabayaan no’n. Mas lalong nanlamig ang tingin ni Mateo nang mapansin ang katahimikan ng asawa. “Talaga bang naiisip mong ipagpatuloy ang pagbubuntis mo?”Sa kabila ng relasyon nilang dalawa, hindi m
Nitong mga nakaraan, laging malalim ang iniisip ni Natalie dahil sa kaniyang pagbubuntis. Kaya naman hindi niya magawang magpokus sa mga ibang bagay. Kahit ang paghahanap niya ng trabaho ay naging mas mahirap. Nagsimula na rin ang mood swings niya. At lagi siyang pumupunta sa bahay nina Nilly. Nang makauwi si Nilly ay napatayo si Natalie sa tuwa. “Buti naman at nandito ka na. Nagugutom na si baby eh.”“Sakto. Gutom na rin ako,” nakangiting sagot ni Nilly. “Tara kain?”“Tara!”Nagtungo silang dalawa sa plaza kung saan may mga night stalls ng sari-sari, pagkain at kagamitan. May mga high-end restaurants din sa palibot nito. Pinag-uusapan pa nilang dalawa kung saan sila kakain nang biglang may tumapik sa balikat ni Natalie. “Nilly, Natalie, what a coincidence!”Nakilala nila ito bilang isa sa mga kaklase nila noong high school at college. Ngumiti si Natalie ngunit nanatili siyang tahimik. Habang si Nilly naman ay tinaasan siya ng kilay. “Coincidence? Normal lang naman na rumam
Nanatiling tahimik si Natalie. Pinanlisikan naman ng mata ni Nilly si Andrew. “Kalalaking tao mo pero napakadaldal mo!”Ngumisi lang si Andrew at hindi nagpatinag. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Naalala ko pa nga no’n, halos lahat ng tao sa school, kinaiinggitan ang closeness nilang dalawa.”“Tama na nga ‘yan!” bulyaw ni Nilly sa kaniya. Ngunit nag-e-enjoy si Andrew sa nakikita mula sa dalawa. “Bakit nga ba kayo naghiwalay? Akala pa naman naming lahat, sa kasalan na kayo matutuloy.”Ang tahimik na si Drake ay napatingin kay Natalie. “Siya ang may desisyon no’n, hindi ako.”Napatigil sa pagnguya si Natalie dahil sa narinig. Anong ibig sabihin nito ro’n? Parang ipinaparating niyang hindi niya na ito mahal noon kaya siya nakipaghiwalay. Pero siguro nga ay gano’n ‘yon. “Talaga?” Ibinaling ni Andrew ang tingin kay Natalie. “Bakit mo naman siya hiniwalayan, Natalie? May mali ba kay pareng Drake?”Nakaramdam si Natalie ng pait sa bibig niya. Kapagkuwa’y nagpakawala siya ng mai
“Boss, dalawa nga pong tapsilog!” order ni Nilly habang hawak si Natalie gamit ang isa niyang kamay. Ang isa naman ay pinaghaplos niya sa tiyan niya. “Gutom na ‘ko. Maraming salamat kay Drake at hindi ko nagawang kainin ‘yong pagkain ko ro’n,” sarkatikong komento niya. Napalunok si Natalie. Kumakalam na rin kasi ang tiyan niya. “Nilly, gusto ko rin ng barbeque.”“O sige bibilhan kita.” Pero napatigil siya at napatitig kay Natalie. “Ang dami mo laging kinakain nitong mga nakaraan. Hindi ka ba natatakot manaba?”Napabuntong hininga si Natalie. Talaga napaparami ang kain niya nitong nakaraan. At isa iyong senyales ng kaniyang pagbubuntis. “Napapansin ko nga. Dahil ‘yon sa nasa sinapupunan ko.”“Tapos na ‘yong dalawang tapsilog!” anunsyo ng tindero. “Nice!” “Magkano lahat?” tanong ni Natalie. Umiling si Nilly. “Huwag na.”“Ako na magbabayad,” pilit ni Natalie. Pero bago pa muling tumanggi si Nilly ay may nauna na sa kaniya. “Boss, ako na magbabayad sa mga order nila,” ani D
Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo
Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya
Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in
“Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo
Humigop ng tsaa si Antonio. Dahan-dahan. Ang matalas niyang mata ay bahagyang napako ng sandali kay Ben. May bahagyang aliw ito sa mukha.“Ah. Pagkatapos ng napakaraming taon, mahusay ka pa rin. Wala kang kupas.” Sabi ni Antonio.Ngumisi si Ben, ni hindi man lang nabahala. Isa itong papuri para sa kanya. “Sir, kalabaw lang daw ang tumatanda. Naninibago nga ako. Ngayon na lang ulit, kulang na yata ako sa ensayo.”Lumapit ang isa sa mga lalaking nakaitim sa kanila. “Sir Ben, narito na sila.”Tumango si Ben at ikinumpas ang kamay. “Sige, pwede ng alisin ang mga blindfold.”“Yes, sir.”Mabilis na sinunod ng mga nakamaskarang lalaki ang utos ni Ben. Agad nilang hinila ang mga blindfond ng mga panauhin nila ngayong gabi.Kanina lang ay nag-sasalo sa hapunan ang mag-anak nang biglang sumugod ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan sa bahay nila. Hindi na nakalaban ang tatlo at wala ring nagawa ang mga kasambahay. Ginapos sila, binusalan sa bibig at nilagyan ng blindfold sa mga mata bago
Hindi alam ni Natalie kung paano niya tatanggihan o tatanggapin ang alok nito sa kanya.Kahit na hindi pa sila pormal na hiwalay ni Mateo, para sa kanya, kakalaya lang niya sa isang hindi malusog na pagsasama—-pagkatapos ay babalik na naman siya sa parehong bangungot?Nakita ni Antonio ang mga senyales ng pangamba at pag-aalinlangan niya kaya napabuntong-hininga ito ulit. Ang matatalas ngunit mabait na mga mata ay bahagyang lumambot habang nagsasalita ito. Mabagal at maingat ang bawat salita.“Hindi mo kailangang sumagot ngayon, apo. Mahalagang desisyon ito at alam kong kailangan mong pag-isipang mabuti. Tama ba ako?”Binigyan ni Natalie ng isang tipid at makahulugang ngiti ang matanda dahil alam na kaagad nito ang isasagot niya bago pa man siya magsalita.“Ganito, bibigyan kita ng dalawang araw. Pagkatapos, sabihin mo sa akin angs agot mo.” Sandaling tumigil si Antonio bago nagpatuloy, mas maingat na ang mga salita. “Sa ngayon, ano man ang perang kailangan mo ay ibibigay ko. Wala kan
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni