Share

KABANATA 13

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
“Garcia?” Bakas ang pagkamangha sa boses ni Roberto. Napatingin pa siya kay Mateo. “How interesting?”

“So, what brings you here with Xicheng today?” dagdag niya.

“Kinausap po ako ni Lolo Antonio para samahan si Mateo sa pag-attend ng birthday niyo, Mr. Wang,” pag-amin ni Natalie.

“Maraming salamat sa pagdalo, hija. At dahil narito ka ngayon, may naihanda ka bang regalo para sa ‘kin?”

Mahinang natawa si Mateo nang marinig ang tanong ng matanda nang maisip kung anong klaseng regalo ang bitbit nito ngayon. Sigurado siyang hindi naman iyong kasingmahal at kasinghalaga ng mga natanggap na regalo ni Roberto kanina.

Ang ipinag-aalala niya lang ay baka madungisan ang tingin sa kaniya ng matanda sa ibibigay na regalo ng babae.

“Mayroon po.” Confident na tumango si Natalie.

Napataas ng kilay si Mateo at saka bahagyang pinisil ang kamay niya. Binabalaan niyang maging maingat ito sa mga kilos niya.

“Don’t mess this up,” mahinang banta niya.

Binawi ni Natalie ang kamay niya at saka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (962)
goodnovel comment avatar
Majory Recto
next chapter pls
goodnovel comment avatar
Minerva Llorente
buti ka nga umabot kp dun Ako nun nalaman plang ni Mateo na ayaw na ni Nathalie sa guy n my gusto sa kanya kylan Kya UN ibabalik
goodnovel comment avatar
Minerva Llorente
bakit nawala UN chapter na binabasa ko bumalik ulit sa umpisa umay kumita nm na kayo samin sa mga ads
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 442

    Hindi agad binitiwan ni Justin ang pagkakagat niya sa braso ni Mateo. Pero hindi rin naman siya minadali ng lalaki—hinayaan niya itong pakawalan ang takot niya sa sarili niyang bilis. Matatawag na sakripisyo ang ginawa nito.Unti-unting lumuwag ang kagat ni Justin.Hudyat iyon na pwede na. Kaya agad lumapit ang doktor at mga nurse para kunan ng vital statistics ang pasyente at para mabigyan ito ng mga gamot, kabilang na ang pampakalma. Hindi pa nabibigyan ng sedative ang kapatid kahit kailan dahil masasabing manageable ang sitwasyon nito—maliban na lang ngayon.Si Natalie ang unang kumilos, agad niyang niyakap ang kapatid. “Justin, ayos na. Narito na ako. Nandito ang ate mo.”Mas kalmado na ito kumpara kanina. Kahit hindi siya sumagot, hindi na rin siya nagpumiglas. Kahit paano ay nakahinga na ng maluwag si Natalie.“Mrs. Garcia, kailangan naming siyang turukan ng gamot at simulan ang psychological intervention.” Paalam ng isang doktor sa kanya.“Sige, kayo na ang bahala sa kanya.” Bi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 441

    Nagulat si Alex sa biglaang pagtaas ng boses ng boss at agad na nagpaliwanag. “Kanina kasi… narinig ko si Miss Irene na sinabihan si Natalie na nagkita kayo. At na… noong tumawag siya sa inyo, naroon siya at may balak kayong mag-lunch.”Nanigas si Mateo. “Ano?! Kaya pala napakalamig ng pakikitungo ni Natalie sa akin simula ng makita niya ako doon pa lang sa storage room ng mga Natividad. Kaya pala parang tinutulak niya ako palayo ng milya-milya! Nalaman na niya!”Mariin ang pagkuyom ng kanyang mga kamao, pilit pinipigil ang nag-aapoy na galit sa loob niya, pero wala na itong silbi sa ngayon. Nasabi na ni Irene at nalaman na ni Natalie. Nasa isang alanganing posisyon na naman siya.“Bakit ngayon mo lang sinabi ‘to?” Singhal ni Mateo sa tauhan.Napangiwi si Alex. “Hindi ko… nagawa agad, sir. Ang dami kasing nangyari.”Nasa tabi lang lagi ni Mateo si Natalie o kaya naman ay si Irene. Kaya kung kailan niya dapat isingit ang impormasyong ito ay kasunod ng pagiging imposible. Kung magawa ma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 440

    Umiling si Irene. “Hindi na kailangan. Makakauwi ako ng mag-isa. Dala ko ang kotse ko.”“Makinig ka sa akin.” Hindi pumayag si Mateo na tanggihan siya. “Mag-convoy na lang kayo ni ni Tomas kung dala mo pala ang kotse mo. Sapat na ang gulong nangyari ngayong araw—huwag mo na sanang dagdagan ang inaalala ko, okay?”“Sige, susundin kita.” Tumango si Irene at hindi na kumontra.Nang umalis ito, nanatiling nakakunot ang noo ni Mateo. Ayon kay Irene, nagkataon lang na nakita ni Janet si Justin na mag-isa—sa Ocean Park? Napakalayo ng lugar na ‘yon sa rehabilitation center nito. Paanong napunta ito doon at bakit mag-isa ito?“Ano talaga ang nangyari bago iyon?”**Alas onse na ng gabi.Sa loob ng silid ng ospital, tahimik na ang lahat. Dahil sa gamot, nanatiling walang malay si Justin, habang si Natalie naman ay nakatulog na sa tabi niya, pagod na pagod ito.Sinadya niyang gabi ng pumasok sa silid, nagbabakasakali siyang sa loob ng ilang oras na distansya—lumamig na rin ang ulo ng asawa. Nasa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 439

    Bago pa tuluyang makaalis si Natalie, hinigpitan na ni Mateo ang hawak sa pulso niya. “Umupo ka. Please.”Tinitigan niya ang maputlang mukha ni Natalie, hindi nita maitago ang halong pagkabahala at kawalang magawa dahil sa mga pangyayari. “Isang pangungusap lang ang sinabi ko, at sinisisi mo na agad ako sa lahat? Sa tingin mo ba, wala akong pakialam kay Justin? Hindi mo ba talaga naiintindihan, o sinasadya mo lang akong galitin?”Lumingon palayo si Natalie, ayaw siyang tingnan at ayaw sumagot. Malinaw na iniiwasan siya nito pero wala siyang ideya bakit ganoon na lang ang pagkulo ng dugo nito sa kanya at sa estado ng asawa ngayon—mukhang hindi rin niya malalaman dahil wala itong balak na kausapin siya.Nagpakawala ng hangin si Mateo. “Hindi natin malalaman ang tunay na kalagayan ni Justin hanggang hindi pa siya nagigising. Hindi ako aalis dito. Pina-cancel ko na ang lahat ng lakad ko. Mananatili akong kasama mo. Hihintayin natin siya nang magkasama, okay?”“Ikaw?” Bahagyang tinaas ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 438

    “Anong ibig mong sabihin? Magpaliwanag ka!” Kailangan niya ng sagot.“K-kwan…ang ibig kong sabihin…” Napalunok si Irene, kita sa kanyang mukha ang kaba. “May lunch sana kami ni Mateo kanina. Nang tumawag ka sa kanya, nandoon ako…sa opisina niya…”Sa sandaling iyon, parang biglang lumiwanag ang lahat kay Natalie. Nagkaroon ng linaw ang lahat para sa kanya—nang tumawag siya kay Mateo kanina, kasama pala nito si Irene—ang babaeng orihinal na may-ari ng butterfly hairpin.Ibig sabihin, nagkita na naman silang dalawa kahit na nangako na si Mateo sa kanya. Malinaw na pinependeho siya nito. Ilang beses na kaya silang nagkikita ng hindi niya nalalaman? Marahil, higit pa sa kanyang inaakala.Isang malamig na pakiramdam ang bumalot sa kanya.Bago pa siya makapag-react at muling pagbuhatan ng kamay si Irene para malabas niya ang galit na nadagdagan, biglang may lumitaw na mga anino sa pasukan ng storage room. Dumating na si Mateo at kasama niya sina Isaac at Tomas.“Natalie!” Agad na nagtagpo an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 437

    “J-justin…” Nanlambot ang mga tuhod ni Natalie at tuluyan na siyang at bumagsak siya sa sahig. Dahan-dahan niyang inabot ang nanginginig niyang kamay sa kanyang kapatid, ngunit saglit siyang natigilan, takot na baka mas mapalala niya ang kanyang kalagayan. “A-anong nangyari sayo? Anong ginawa nila sayo?!”Napuno agad ng luha ang kanyang mga mata, at halos paos na ang kanyang tinig. “Justin, nandito na si ate. Gumising ka na… kausapin mo ako…sige na….”Pero hindi sumagot si Justin. Nanatiling sarado ang mga mata nito at mababa ang pagtaas-baba ng paghinga. Sa sandaling iyon, naglaho ang lahat ng pasensya at rason niya. Biglang tumayo si Natalie mula sa pagkakaluhod sa tabi ng walang malay na kapatid at ang kanyang mga mata ay namumula sa galit habang matalim niyang tinitigan sina Janet at Irene.“Kayong dalawa. Kayo ang may gawa nito.” Hindi ‘yon isang tanong—kundi isang tiyak na pahayag mula sa kanya.“H-Hindi…” Mabilis na umiling si Janet, takot na takot sa nakamamatay na tingin ni N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status