Ilang minuto pa lang mula nang magsimula ang kanilang date, pero ang pagkakamali ng server ay agad nang sumira sa mood ni Mateo. May sasabihin pa sana siya pero pinigilan siya ng kasama. Ipinatong nito ang kamay sa kamay niya. “Hayaan mo na. Maliit na bagay lang iyon. Gutom na ako… umorder na tayo.” Yaya ni Natalie sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Ang selos ay natural na reaksyon para sa mga babae, pero bakit wala siyang makitang selos sa reaksyon ni Natalie? “Kasalanan ko, dinala ko kasi si Irene dito dati.” Dahil nabuksan na ang paksa, nagpasya siyang maging tapat. “Pero matagal na iyon at kami pa noon…” Naputol ang mga salita niya, tila nahihirapan siyang tapusin ang sinasabi. “Huwag mo nang ipaliwanag,” Putol ni Natalie sa kanya at ngumiti. “Okay lang, naiintindihan ko.” Ang pagiging kalmado ni Natalie ay kabaligtaran ang epekto kay Mateo. Hindi niya masiguro kung saan siya hindi komportable. Ang tila walang pakialam na reaksyon ni Natalie ay lalong nagpagulo sa kalooba
Isang malakas na dagundong ng kulog ang umalingawngaw sa kalangitan. Ilang sandali pa, bumuhos ang malakas na ulan. Kumunot ang noo ni Natalie at sinabihan si Mateo, “Dapat ka nang magmadali. Sa ganito kalakas na ulan, mas mahihirapan kayong hanapin siya.” Wala siyang galit, ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang boses. Hindi tuloy alam ni Mateo kung dapat ba siyang maantig o mainis dahil sa ipinapakitang pag-aalala para kay Irene. Sa dami ng naging atraso nito kay Natalie, nagaalala pa rin siya dito. Tumayo na si Mateo at nakakunot ang kanyang kilay. “Aalis na ako. Kumain ka nang maayos, at huwag magmadali, baka hindi ka matunawan.” “Alam ko,” sagot ni Natalie na may bahagyang ngiti habang tumango. “Sige na.” Gayunpaman, hindi mapigilan ni Mateo na magbigay ng isa pang utos. “Sina Alex na ang maghahatid sa iyo pauwi.” Alam ni Natalie kung sino ang tinutukoy nito. Sila ang mga bodyguard nito, palaging tahimik na sumusunod kahit pa siya mismo ang nagmamaneho. Nasa labas lam
Natagalan sa pagligo si Natalie. Dahil malamig, na-enjoy niya ang hot shower na wala sa nakasanayan niya sa dorm ng university. Humigit kumulang trenta minutos din siya sa loob ng paliguan. Paglabas niya, pinunasan niya muna ang kanyang buhok at kinuha ang kanyang telepono. Naka-display sa screenang ilang missed calls mula kay Mateo. Inisip niya muna kung tatawagan niya ito para malaman kung may kailangan ba ito o wala pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang hindi na makaistorbo pa sa paghahanap kay Irene. Tiyak naman niya na kung importante ang pakay nito, tatawag ito muli. Naghintay siya ng ilang sandali, ngunit nanatiling tahimik ang telepono. Napabuntong-hininga na lang siya at muling itinuloy ang pagpapatuyo ng kanyang buhok bago humiga sa kama. Nitong mga nakalipas na araw, napansin niyang mas malalim ang kanyang tulog—marahil dahil sa kanyang pagbubuntis.Nakatulog siya. Kaya naman nang tumunog ang kanyang telepono at magising siya, irritable ang kanyang pakiramdam. “Hel
“Mmm,” isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Natalie. “Mabuti naman. At least hindi na sayang ang aksidente ni Mateo.” Nabigla si Ivan sa kanyang sinabi. Tapat ito sa amo kaya hindi nito gusto ang pananalita niya. “Natalie, huwag kang mag-isip ng ganyan.” “Paano ba ako dapat mag-isip, Ivan?” tanong niya, ang mga mata ay naghahanap ng sagot pero nanatiling kalmado. “Hindi ba totoo ang sinabi ko?” Ang pagiging prangka niya ay nag-iwan ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi makapagsalita si Ivan, ngunit sa kaloob-looban niya, alam niyang ayaw ng boss niya na ganito ang iniisip ni Natalie. Gayunpaman, labas siya sa pribadong relasyon ng amo, kaya nagpasya siyang huwag nang ipilit ang usapan. “Natalie,” sabi ni Ivan. “Gutom ka ba? Kukuha ako ng pagkain para sa’yo.” Nagpasalamat si Natalie sa kanya. “Sige, salamat.” Si Alex ang nagdala ng agahan. Nasa operating room pa rin si Mateo. Lahat sila ay masyadong nag-aalala kay Mateo at kahit na masarap pa ang almusal ay hind
Ang banayad na haplos ng mga daliri ni Mateo sa kanyang buhok ang nagpagising sa natutulog na babae. Itinaas nito ang ulo, at tumambad ang makinis at maamong mukha ni Irene. Bahagyang kumunot ang noo ni Mateo at nakaramdam siya agad ng pagkabalisa sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi si Irene ang inaasahan niyang naroon. “Mateo,” sabi ni Irene. Nagliwanag sa tuwa ang mga mat anito ng makitang bumalik na ang ulirat niya. “Gising ka na! Kumusta ang pakiramdam mo?” “Ayos lang ako,” sagot niya ng kalmado, matatag ang boses. “Eh, ikaw…?” May mga benda sa mukha niya, at ang kanang braso nito ay nababalot ng gasa na may bakas pa ng dugo. Marami din itong pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. “Malala ba ang sugat mo?” tanong ni Mateo, bakas ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Hindi naman,” malumanay na sagot ni Irenne, inayos pa ang isang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga. “Kaunting galos lang. Masakit lang ang katawan ko pero kaya naman.” Nang maal
Nang mabanggit ang pangalan ni Natalie, natahimik ang lahat. Nalaman niyang nanatili ito sa ospital hanggang matapos ang operasyon niya. Dito pa naalala ni Mateo na buntis nga pala ang babae at hindi sa kanya pwede ang mapagod. Tsaka pa lang gumaan ang pakiramdam niya. “Tama,” dagdag ni Ivan, sinunggaban n anito ang pagkakataon. “Nang tinawagan ko siya kagabi, pumunta siya agad dito. Labis ang pag-aalala niya sayo, sir. Sinabihan ko siyang umuwi at magpahinga muna. Malamang ay pabalik na siya dito at dahil nakapagpahinga na siya, mas magtatagal na siya dito. “O-oo nga,” dagdag pa ni Irene na may pilit na ngiti. “Mm.” Bahagyang lumuwag ang kunot sa noo ni Mateo, ngunit hindi niya napigilang magtanong, “Anong oras na?” Tiningnan ni Ivan ang relo niya. “Halos alas-sais na, sir.” Buong araw na wala si Natalie at hindi iyon maganda para kay Mateo. Kilala niya ito at hindi naman ito inaabot ng buong araw sa pagpapahinga lang. Kahit na may sakit nga ito ay mas gugustuhin pa nitong m
Ipinagtataka naman ni Natalie kung bakit bigla-bigla na namang naging bugnutin ang lalaki. Sinubukan niyang pagdugtung-dugtungin ang dahilan at inisip na baka may kinalaman ito sa oras ng pagdating niya. Baka na-bwisit na naman ito dahil na-late siya. O baka naman kaya ito galit ay dahil umalis si Irene dahil sa kanya. Kung iyon ang ikinainis ni Mateo, naiintindihan niya. “Pasensya na,” mahina niyang sabi, agad na niyang inako ang kasalanan. Pagkatapos, nagtanong siya, “Gusto mo na bang kumain ngayon?” Pagkabanggit pa lang sa pagkain ay halos magwala na ang tiyan niya. Halos matawa si Mateo sa pinaghalong inis at galit. Gutom na gutom na siya mula kagabi, at siya pa ang nagtanong kung gutom siya. Tumalikod siya at iritadong sumagot, “Hindi! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom!” Napansin ni Natalie ang malakas na tono ng boses ni Mateo. Malinaw na hindi malubha ang mga sugat nito kung kaya’t kaya pa nitong makipagtalo nang ganito. Wala na siyang sinabi at binuksan ang insu
Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo, halatang hindi siya natutuwa sa isinagot sa kanya ng babae. Pinalampas na sana niya ang maliit na engkwentro nila kanina pero nadagdagan na naman agad ng panibago. “ Uuwi ka na ba? Balak mo ba akong iwan mag-isa dito?” Ang katahimikan ni Natalie ay tila naging kumpirmasyon sa hinala niya. At kahit na nainsulto siya na mas gugustuhin nitong ipagkatiwala siya sa tauhan niya, idinaan na lang niya sa isang matalim na tawa. Napuno ang pribadong kwartong iyon ng tawang puno ng sarkasmo. “Naaksidente ang asawa mo, na-operahan at ngayon ay kailangan kong manatili dito sa pesteng kama na ito sa lintek na ospital na ito, pero ang asawa ko----mas gusto na ibang tao ang mag-alaga sa akin. Medyo masakit isipin pero ganoon yata talaga, ano? Mahirap pala. Lalo na kung walang pakialam ang isang tao sayo.” Tumama ang mga salita niya ng diretso, at hindi agad nakasagot si Natalie. Kung tutuusin, tama naman talaga si Mateo. Pero ang kasal nila ay hindi pan
“Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat
Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n
“Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil
Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or
Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala
Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw
Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon
Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa
“Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r