Bago pa matapos ni Natalie ang naiisip niyang imungkahi, isang matalim na boses ang pumigil sa kanya.“Natalie!”Natigilan siya, nanatiling nakapatong ang mga daliri sa bukas na pahina ng binabasang libro. Dahan-dahan niyang sinalubong ang madilim at nag-aalab na tingin ni Mateo.Napalunok si Natalie bago maingat na tinuloy ang tanong. “Pwede naman sigurong hindi na pumunta, hindi ba?”“Hah.” Isang mapanuyang tawa ang lumabas mula kay Mateo---mababa, matalim at parang palo ng malakas na latigo. “Baka naman gusto mo pang maghanap ng proxy para sa sarili mong kasal nyan?”Ang lantad na panlilibak sa tono ni Mateo ay imposibleng hindi niya maramdaman. Nagulat si Natalie pero gaya ng dati, mabilis na nabawi ni Natalie ang sarili. Mabilis din ang naging sagot niya pabalik.“Oh, come on, Mateo. Hindi ba pareho lang naman nating gusto na matapos na ito kaagad? Ginagawa lang natin ito para matapos na.”Kahit na malamig at kalmado ang tinig ni Natalie at parang nagsasabi lang ito ng isang simp
Inakala ni Mateo na sa mga oras na ito, nasa university o nasa affiliated hospital si Natalie, kaya hindi dapat maging problema ang pagkikita nila. Ora-orada ang pag-alis niya noong nakaraang araw at ngayong nakabalik na siya ng bansa, naisip niyang tama lang na makipagkita siya sa babae.Pero tumanggi ito ng tawagan niya.[Mauna ka na. Napuntahan ko na si Lolo kaninang umaga. Marami pa akong dapat gawin. Pagkatapos ng lahat ng iyon, dadalawin ko siya bago umuwi sa Antipolo.] Klamado ang boses nito at walang bahid ng pagmamadali, walang pangongonsensya at wala ring pag-aalinlangan.Natahimik si Mateo sa kabilang linya. Iniisip niya kung totoong abala ito o baka naman gumagawa lang ng rason si Natalie para maiwasan ang makipagkita sa kanya.Matapos ang ilang segundo, natanong rin niya sa wakas ang bumabagabag sa kanya. “Nat, galit ka ba sa akin?”Tumawa si Natalie, mahina at may bahagyang pagdistansya. [Bakit ako magagalit? May ginawa ka bang dapat kong ikagalit?]Natigilan si Mateo.H
“Hay, hindi naman ito ganoon kasama, Natalie.” Sabi ni Doctora Cases habang nakakunot pa rin ang noo. Patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng medical report. “Pero hindi rin ito maganda. Ilang buwan ka pa lang! May ilang buwan ka pa lang at marami pang buwan na pagdadaanan. Kung magpapatuloy ito…hindi sa tinatakot kita---pero totoong may panganib.”Itinuro ng doktora ang ultrasound image sa screen, habang matamang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Natalie. Ang pagdadalang-tao ay hindi kailanman naging madali.Noong unang panahon, ito ay maituturing na pakikipaglaban sa pagitan ng buhay at kamatayan para sa mga kababaihan. Ang madalas nga na sinasabi noon ay, nasa hukay na ang isang paa kapag nagbubuntis ang isang babae.At kahit na may mga makabagong medisina na ngayon, hindi pa rin nawala nang tuluyan ang mga panganib.“Doc, ano po ang dapat na gawin? Sisiguraduhin ko pong masusunod lahat ng payo niyo sa kaibigan ko,” singit ni Nilly, puno pa rin ng pag-aalala ang boses.Matalim ang na
Kinabukasan, may nakatakdang surgery si Natalie. Mas lumakas na ang gana niya sa pagkain at mas maayos na ang tulog. Pakiramdam niya ay puno siya ng enerhiya. Walang anumang senyales ng problema.Ang mga surgery procedure sa research department ay kadalasang matagal. Iniwan niya ang telepono niya sa locker sa changing room. Ngunit patuloy ang pag-ring ng telepono niya ng hindi niya nalalaman.Matapos ang ilang hindi nasagot na tawag, ang linya ay awtomatikong nare-redirect. At dahil card ni Mateo ang ginamit pambili ng telepono ni Natalie, awtomatikong sa lalaki napupunta ang tawag.**Sa abroad.[Sir, hello. Sa private obstetrics hospital po ito. Pasensya na sa abala.]“Yes, ano ‘yon?” Tiningnan ni Mateo ang time difference ng Pilipinas at ng bansang kinaroroonan niya sa kasalukuyan.[Tumawag po kami tungkol kay Mrs. Garcia---] ang boses ng nurse at may halong pag-aalangan. [May schedule po siya para sa pre-natal check-up niya pero two days na po siyang late. Ilang beses na namin siy
“Natallie,” mabigat ang tinig na ginamit ni Nilly habang nilalapag ang telepono sa harapan niya. “Ikaw ba ang tinutukoy dito?”“Ha?” Inosenteng kumurap si Natalie at kinuha ang telepono.Pagkatapos ay ibinaba ang tingin sa screen ng telepono at binasa ang nag-trending na balita sa social media:--Ipinahayag na ng Presidente ng Garcia Group of Companies ang kanyang pagpapakasal!Pinindot ni Natalie ang article at nakita ang isang maikli at pormal na anunsyo, walang larawan, walang detalye. Ang tanging nakasaad lang doon, ay ang pagpapakasal ni Mateo Garcia sa kanyang kasintahan mula pagkabata---si Natalie Natividad.Iyon lang.Sakto sa istilo ng pamilya Garcia, direkta, walang ingay at walang paligoy-ligoy.Dahil nabanggit na ito ni Antonio dati pa, hindi na nagulat si Natalie. Inabot niya pabalik ang telepono ng kaibigan at kalmado siyang ngumiti. “Nakasulat naman ng malinaw ang Natalie Natividad, hindi ba? Syempre ako ‘yan, Nilly.”Biglang napikon si Nilly. “Bakit ka nakangiti? Paano
Walang iba kundi si Drake Pascual.Kakatapos lang ng meeting niya sa isang kliyente at pababa na siya mula sa restaurant sa itaas ng mall ng mapansin niya si Natalie na nakatayo sa harap ng isang jewelry store.Natigilan siya.Sa totoo lang, hindi pa naman ganoon katagal nang huli silang magkita---pero sa sandaling ito, pakiramdam niya ay parang buong buhay na niya ang lumipas. Nag-alinlangan siya kung lalapitan niya si Natalie o hahayaan na lang niya ito.Pero hindi niya mapigilan ang sarili.Walang pag-aalinlangan, lumapit siya sa kinaroroonan nito.Naramdaman ni Natalie ang paglapit ng isang tao mula sa likuran niya kaya itinaas niya ang tingin at nilingon ito. Wala pa ring emosyon ang emosyon ang mukha niya.Pagkatapos ay nginitian niya ang taong papalapit. “Hi.”“Hello.”Magaan ang tono na ginamit ni Natalie para batiin si Drake. Kalmado, ngunit wala na ang init ng dati nilang koneksyon. Isang komplikadong emosyon ang bumalot sa dibdib ni Drake---may sakit, panghihinayang at pait
Halos mabitawan ni Alex ang mga hawak niyang mga dokumento ng pumasok siya sa opisina ng CEO ng Garcia Group of Companies. Naroon si Natalie, tahimik na nagbabasa ng dala niyang medical books.“Nat?” Kumunot ang noo niya dahil sa gulat. “Anong ginagawa mo dito? Paalis na nga sana ako para sunduin ka.”Inangat ni Natalie ang paningin, walang naging pagbabago sa ekspresyon niya at tsaka marahang inilapag ang kanyang bag sa tabi ng couch. “Ayos lang, Alex. Alam kong marami kang trabaho. Hindi naman ako bata---kaya kong pumunta mag-isa dito.”“Pero…”Inayos ni Natalie ang pagkakaupo niya at tiningnan si Alex. “Nasa meeting pa ba si Mateo?”Tumango si Alex at itinuro ang conference room gamit ang hinlalaki. “Oo, nasa loob pa siya.”“Okay, sige.” Ipinagpatuloy na lang ni Natalie ang pagbabasa.Pinagmasdan siya ni Alex sandali, natuwa ito ng bahagya. Ang kapal ng medical books na binabasa niya---mukhang mas nakakatakot pa kaysa mga legal na kontrata na hinahawakan ni Meteo araw-araw.“Talaga
Ang malamig na tubig ay agad na nagpagising kay Mateo. Kumunot ang noo niya at awtomatikong pinahid ang palad niya sa basang-basang mukha. Ilang segundo rin itong natulala, naapektuhan ang paningin niya na nanlalab dahil sa epekto ng alak. Mabilis na luminaw iyon dahil sa ginawa ni Natalie.Ang akala ni Mateo, imahinasyon lang niya kanina ‘yon.Pero si Natalie talaga ang nakatayo sa harapan niya. May mapanuyang ngiti na nakakurba sa kanyang mga labi.“Okay, gising ka na. Tapos na ang trabaho ko dito. May dala akong damit na pamalit mo. Kung kaya mo na, pwede ka ng magbihis.” Magaan ang tono nito pero may halong pangungutya.Saglit na kumurap si Mateo, pumipintig pa rin ang sakit ng ulo niya. Malabo pa ang isip niya dahil sa natitirang epekto ng alak kaya nahihirapan siyang iproseso ang nangyayari maliban sa lamig at pagkabasa niya.Dahil sa pagkagulat, hindi siya kaagad nakapagsalita---tila isang batang inosente na tuluyang nagising.Napabuntong-hininga si Natalie.Mukhang hindi pa niya
Mula ng bumalik si Natalie sa bahay sa antipolo, hindi na nagkaroon ng kahit na isang araw ng katahimikan at kapayapaan sa pagitan nila ni Mateo.Kung hindi siya tinatabangan nito, siya naman ang hinahanapan ng away.Ang bawat pag-uusap nila ay laging puno ng tensyon---isang tahimik na digmaan sa pagitan ng dalawang tao na hindi dapat pinagsama sa umpisa pa lang.At ang gabing ito ay hindi naiiba.Naroon pa rin sa harapan ni Natalie si Mateo, ang mga mata ay nakatutok sa kanya. “Alam kong galit ka, pero sa tingin mo ba, ayos lang ako?”Natawa si Natalie---isang malungkot at walang buhay na tawa iyon. “Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung anong klase ng buhay meron ang isang babae na nakikisama sa isang lalaking may ibang mahal?”Isang malakas na suntok sa sikmura ang mga salitang iyon. Pero hindi iyon sinagot ni Mateo.Nagpatuloy siya, “mas gugustuhin ko pa nga na maging masaya kayo ni Irene, nang sa gayon, tantanan mo na ako at makalaya na ako!”Kalayaan at pagtakas.Huminto ang pag