Share

KABANATA 167

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:12:58
Natigilan si Natalie ng marinig ang paratang na iyon galing kay Mateo. Pumunta siya sa ospital upang alagaan ito, pero sa itsura nito, mukhang maayos naman siya at nabasa din niya ang chart nito kanina. Wala naman siyang nakitang kakaiba. Marahil ay naghahanap lang ito ng away.

“Tama ka. Ako ang may mali. Ano ang gusto mong gawin ko?” Muli na namang nagpakumbaba si Natalie.

“Lumapit ka rito.” Mababa ang boses ni Mateo at puno ng awtoridad.

“Yun lang pala, sige.” Lumapit siya at tumayo sa tabi ni Mateo.

Matalim ang tono nito ng muling magsalita, “Gusto kong maligo.”

“Huwag,” sagot niya agad, umandar ang professional instincts ni Natalie bilang isang doktor. “Hindi pwedeng mabasa ang sugat mo.”

Ngumisi si Mateo, may halong hamon ngiti nito. “Wala akong pakialam. Kung hindi ako maliligo, hindi ako komportable at hindi ako makakatulog. At kung hindi ako makakatulog ng komportable, paano ako gagaling?” Umupo ito na ito at tiniklop ang mga kamay sa likod ng ulo. “Mamili ka.”

Na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (69)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
PARANG TANGA LANG ANG STORY NA TO AYAW SABIHIN PURO NASA ISIP LANG!! GINAGAWA MO KAMING TANGA AUTHOR!!!
goodnovel comment avatar
Ginalyn Miranda
walang katapusang kwento paulit ulit nlng,ayusin mo nman author kakairita na nagsasayang lng ako ng oras burahin ko na nga lng
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
bakit KC Hindi mo sabihin Kay Mateo na nag sisilos ka Kay Irene
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 577

    “S-sir Antonio?” Gulat na gulat si Tess ng makita ang matanda sa bungad ng pintuan ng mansyon. “A-ano pong ginagawa niyo dito?”“Hmph!” Singhal nito. “Natural, bahay ko ito! Ano ka ba, Tess?”Nang makabawi sa pagkagulat, napangiti si Tess at nakipagpalitan ng matalas na tingin kay Ben. Hindi pa dapat nakauwi si Antonio kahit na maayos na ang lagay nito. Umiwas ng tingin si Ben at sumenyas na mamaya na sila mag-usap. Maging siya ay walang ideya na nagpadischarge na ang matanda. Pagdating niya kaninang umaga sa ospital, nakahanda na ito at siya na lang ang hinihintay.Ang mga malamlam ngunit aktibong mga mata ni Antonio ay nilibot ang buong kabahayan. Tila nakikiramdam—tila may pinapakiramdaman na kung ano na tanging siya lang ang nakakaalam. Wala ni isa ang nagsasalita. Kilala nilang lahat si Antonio. Mabait ito ngunit may tinatagong bagsik.“Tess?”“Sir?” Kabadong tugon ni Tess.“Maayos naman ang kwarto ko dito?” Tanong ni Antonio ng hindi tinitingnan ang katiwala ng bahay. Tumango it

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 576

    Nang makaalis na si Mateo, tsaka pa lang nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Natalie. Ang pagdating ni Mateo sa bahay niya ay kagulat-gulat lalo pa at noong huling punta nito doon ay nagkagulo sila ng tatay niya. Noong mga panahong iyon ay inakala ng lalaki na kerida siya ng sariling ama.[Anong nakain niya at bigla yatang bumait?] Palatak ni Nilly sa cellphone nang tawagan niya ito para ibalita ang nangyari. [Mas okay na rin siguro ‘yon, Nat. Kasi mukhang dead end ako ulit. In fairness sa babaeng ‘yon, ha? Ang husay magtago.]Sa halip na panghinaan ng loob, nakaramdam ng ginhawa si Natalie dahil alam niyang kahit paano ay mababawasan ang abala na dulot niya sa kaibigan. “Salamat, Nilly, ha. Umuwi ka na. Siguro naman may mahahanap si Mateo. Sana nga.”[Dapat lang, matapos ka niyang paghinalaan…’yan na lang ang pwede niyang gawin para makabawi sayo!] Nagngingitngit pa rin sa galit si Nilly.Alam ni Natalie na wala na talagang pag-asa na magkaroon ng kahit konting tiwala ang ka

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 575

    Napasinghap si Natalie sa biglaang pagputok ng damdamin ni Mateo. “Teka, sandali lang. Bakit mo naman biglang idinadawit si Drake dito?”“Oh?” Lalo pang dumilim ang ekspresyon ni Mateo. Natawa siya ng malamig at sarkastiko. “Bakit? Dalawang salita pa lang ang nasasabi ko tungkol sa kanya, apektado ka na agad?”“Ano na naman ‘tong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Una, susugod dito tapos magagalit, tapos mandadamay na naman ng tao.” Napairap si Natalie. Malinaw na bumalik na naman sa pagiging irasyonal itong si Mateo at imposibleng kausap.“Tapos ka na ba sa pagsigaw mo?” Malamig niyang tanong. “Kung oo, pwede ka ng umalis. Hindi ka nakakatulong, eh.”Sobrang bigat na ng iniisip niya dahil sa isyu ng plagiarism niiya—hindi na niya kailangan ng isa pang walang kwentang pagtatalo. Gusto lang ni Natalie na mag-focus sa isa sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap niya ngayon. Umupo siya sa sofa at tumalikod, ayaw na niyang lingunin ang lalaki.Ang totoo, kanina pa niya gustong alukin ito ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 574

    “Sino ang may lakas ng loob na suspindihin si Natalie? Ang tibay naman ng sikmura ng taong ‘yon para gawin iyon sa isang Garcia?”[Ganito kasi ‘yon—may nagreklamo laban sa kanya!] Sa kabilang linya, buong detalye namang ikinuwento ni Marie ang nangyari. Kahit na hindi nagkwento sa kanya si Natalie ng personal, mabilis kumalat ang balita sa ospital lalo pa at hindi na bago sa eskandalo si Natalie. Nalaman na lang din niya ang kabuuan ng storya mula sa mga kasamahan sa trabaho.Tahimik lang na nakinig si Mateo, ngunit unti-unting dumilim ang kanyang mukha sa bawat salitang naririnig. “Naintindihan ko.”[So…ayun nga…]Pero bago pa man ibaba ni Mateo ang tawag, malamig niyang idinugtong, “Marie, hindi ba may usapan tayo? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”Isa sa mga tungkulin ni Marie kay Mateo ay bantayan si Natalie sa ospital—pero hindi man lang siya nag-ulat ng ganitong kalaking isyu. Dismayado siya dahil hindi naman ito pumapalya sa pagpapadala ng schedule ng asawa.[Ano kasi…] Napa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 573

    “Ha?” Nagsalubong ang mga kilay ni Natalie. “May nagawa ba akong mali?”“Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Sigaw ng isang nagtitinda ng mga buko habang itinutulak ang kanyang kariton. “Uy, buntis! Ang laki na nga ng tiyan mo, tapos lakad ka ng lakad na parang walang pakialam? Tinawag na nga kita, ‘di ka pa tumigil! Tapos kapag naaksidente ka, kasalanan ko pa dahil wala akong ginawa! Muntik ka ng mahulog sa manhole, oh!”Ah—kaya pala. Nagmamalasakit lang ito at medyo napikon dahil hindi niya pinansin. Nang maisip niya ang nangyari, agad siyang yumuko at nag-sorry sa lalaki.“Pasensya na po talaga.”“Ayos lang, pero sa susunod, mag-ingat ka ha.”Pag-angat niya ng tingin, tsaka niya lang lubos na naintindihan kung bakit nakakunot ang noo ni Mateo. Pero sana naman, pwede na niyang bawiin ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Mukhang wala itong balak na bitawan siya kaya hinila niya ang braso.“Salamat. Ayos na ako.”Tinitigan siya ni Mateo, halatang gulat at naiinis. “Wala ka na bang pak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 572

    “Hindi pa tapos ang lahat. Nandito pa ako bilang mentor mo, nangangako ako na hindi kita iiwan—hahanap tayo ng paraan para mapatunayan na hindi ka nameke, Natalie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”“Maraming salamat po, sir.”Ngunit alam ni Natalie na pinapagaan lang ng direktor ang loob niya—na kung wala siyang maihahain na panibagong ebidensya sa lalong madaling panahon, kahit si Director Tolentiona ay limitado lamang ang magagawa. Mas malakas pa rin ang kapangyarihan at impluwensya ng academic at medical board.**At gaya ng inaasahan, kinabukasan ay dumating ang opisyal na abiso ng suspension niya mula sa ospital. Personal siyang pinuntahan ni Director Tolentino sa opisina para iabot sa kanya ang sulat.Halos hindi maigalaw ni Natalie ang mga kamay. Hindi niya gustong tanggapin ang sulat na iyon dahil para na rin niyang inamin na ninakaw nga niya ang akdang thesis ni Maurice Flores. Hindi niya pa ito nakikita buhat ng maghiwalay sila ng dorm at mahigpit na ipinagbabawal ni Dir

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status