Share

KABANATA 184

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:13:32
Pagkatapos magsalita, muling humiga si Natalie. “Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Gusto ko lang magpahinga ngayon.”

Ngunit hindi siya basta-basta tinantanan ni Mateo. Matalim ang tingin nito sa kanya, matigas at hindi natitinag. Nang muli itong magsalita, puno ito ng malamig na pang-uuyam. “Ang pagiging patas ba para sayo ay hindi ko na dapat inaalam kung sinu-sino ang mga lalaking kinikita mo, tulad ng sinasabi mong hindi ka nakikialam sa mga babaeng kasama ko? Sinasabi mo bang pikit-mata na lang akong manonood habang naglalambingan kayo ng ibang lalaki? Iyon ba?”

Natigilan si Natalie sa gulat. Iba ang pagkakaunawa nito sa pagkakasabi niya. Kung sa bagay, sa mata ni Mateo, ganoong klase ng babae siya. Nakaramdam siya ng matinding kirot sa puso sa isiping iyon.

Bago pa siya makasagot, nagpatuloy na muli si Mateo, tumataas ang boses na puno ng awtoridad. “Kung iyon ang gusto mo, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo na hinding-hindi ako papayag! Sinabi ko ng hindi k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (23)
goodnovel comment avatar
luz fediles
cge maganda ang kwento yan ang gusto.ni author lahat ng tauhan nya mamatay dito jeheheh d ba author patayin mo na lahat ng tauhan dito unang una si nat at mateo tpos ang kwento
goodnovel comment avatar
Geneve Aguirre
tanga ka talaga Mateo bwisit ka..tapusin na yan
goodnovel comment avatar
Bebz Albiar
bwissit ka tlga mateo ang bobo mo nagpa uto kapa Kay erine na ubod ng sinungaling gumising kna mat.kawawa c Natalie haysss writer gandahan mo nman ang story dapat hndi bobo c mat,dapat malaman na nya na pinagluluto lng cxa ng Ina na yon haysss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 185

    Ang sampal ni iyon ay hindi masakit sa pisikal, ngunit ito ang nagpaalab sa galit na matagal ng itinatago ni Mateo. Sa loob ng dalawang araw, binabagabag siya ng pagbubuntis ni Irene at ang mahirap na desisyon na kaakibat nito. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi niya kayang bitawan si Natalie. Ngunit may kasalanan din naman si Natalie. Tumanggi itong pumili ng wedding dress at nakipagkita pa sa dating kasintahan. Higit sa lahat, walang ipinakitang malasakit sa kanya. Ang pagmamahal niya dito tila isang biro lang. Mas nanaig ang galit niya kaysa sa lohika. Yumuko si Mateo at mariing hinalikan si Natalie kahit na ayaw pa nito. “Ano ba, tigilan mo—mmph…” Nagpupumiglas si Natalie, ang mga sigaw niya ay napipi sa ilalim ng kanyang halik, ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Lalo lang nitong pinalakas ang determinasyon na magawa ang gusto niya. Nang matapos ito, nakahiga pa rin si Natalie at walang buhay na nakatingin sa kisame. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay natuyo n

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 186

    “Wow.” Pagpasok ni Leo sa kwarto, agad siyang kumaway kay Ivan. “Buksan mo ang mga bintana, bilis. Sigurado ba kayong ospital pa ang lugar na ito? Dinaig pa ang club sa usok, eh.” Napatitig siya sa ashtray sa ibabaw ng mesa, punong-puno ng upos ng sigarilyo ito. Malinaw na indikasyon na hindi tumigil si Mateo sa paninigarilyo. Nang itinuon ni Leo ang kanyang tingin sa kaibigan, halos ayaw nitong salubungin ang mga titig niya. Puno ng panunuya ang ekspresyon ni Leo. “Hoy, Mateo. Sinisira mo ba ang sarili mong kalusugan? Nawawala lang siya ng pansamantala, pero parang katapusan na ng mundo para sayo. Malay mo naman, lumabas lang si Natalie saglit.” Tahimik si Mateo. Dahan-dahan siyang bumuga ng usok at sumandal sa kanyang upuan, isang bihirang tagpo para sa isang taong laging kalmado at maayos ang kilos. Naging seryoso si Leo at nawala ang mapaglaro niyang tono. Umupo siya sa tapat ng kaibigan. “Ano ang ginawa mo sa kanya? Sabi ni Ivan, hindi raw maganda ang kalagayan niya.” Ib

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 187

    Tahimik na tahimik ang loob ng kwartong iyon. Wala ni isa ang nangahas na magsalita dahil alam nilang hindi maipinta ang mukha ni Mateo. Ramdam din ang init ng galit niya kahit wala pa siyang sabihin. Ibinagsak niya ang telepono niya mesa ng may kalakasan at ang matalim niyang tingin ay parang kutsilyo na humihiwa sa katahimikan. Sinuklay din niya ang buhok niya gamit ang daliri. Nang magsalita siya, ang boses niya ay malamig at walang patawad. “Hanapin niyo ang demonyong iyon.” “Yes, boss!” Maagap na sagot ni Tomas at nagmamadaling saluhin ang telepono. “Gumagalaw na po si Leo. May balita na tayo anumang sandali.” Tumango si Mateo at lumapit sa balkonahe. Kinuha niya ang isa pang sigarilyo mula sa bulsa at sinindihan ito gamit ang matatag na mga kamay, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng gulo sa kanyang kalooban. Tahimik na pinapanood ni Irene ang lahat mula sa sulok, unti-unting nabuo sa isip niya ang sitwasyon: nawawala si Natalie. Paano nangyari iyon? Dahil ba

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 188

    Tanging ang mga pinakamalapit kay Mateo lang ang nakakaalam na ang kasalukuyan niyang anyo—kalmado sa labas ngunit puno ng galit sa loob—ay senyales na narating na niya ang sukdulan ng kanyang galit. At kung kanino man nakatuon ang galit na iyon---ay inabot ng kamalasan. “S-sir…hindi ko po alam…!” pautal na sagot ng lalaki, halatang nalilito. Umiiling ito nang mabilis. “Sinabi ko na sa inyo ng paulit-ulit, wala akong alam—ah!” Bago pa niya matapos ang sinasabi, binitiwan siya ni Mateo. Bumagsak ang lalaki sa sahig ng malakas, ang dibdib nito ay tumama ng malakas sa lupa. “Ugh, ugh…” Pilit na inaayos ng lalaki ang kanyang hininga habang sinusubukang bumangon. Ngunit bago pa siya makagalaw, ipinatong na ni Mateo ang paa niya sa likod nito, pinipigilan siyang tumayo. “Ibalik mo siya,” mariing sabi ni Mateo, mababa at puno ng banta ang boses. “Buhay, walang galos, kahit isang hibla ng buhok niya ay hindi dapat nagalaw.” Nanlaki sa takot ang mukha ng lalaki. Alam niyang nakaharap

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 189

    “Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman ginusto ito,” malumanay na sabi ni Irene, may bahagyang kunot ang kanyang noo. Matapos ang saglit na pag-aalangan, nagtanong na siya, “Ang nangyari ba ngayon… ay dahil sa akin?” Nanlaki ang mga mata ni Mateo, at ang manipis niyang labi ay nanatiling mahigpit na nakatikom sa umpisa bago ito nagsalita. “Wala itong kinalaman sa’yo. Kasalanan ko ito.” Hindi siya ang tipo ng tao na iniiwasan ang responsibilidad. Ang kanyang mga aksyon ang nagdulot ng pagbubuntis ni Irene, at ang mga pagkakamali niya ang nanakit kay Natalie. Siya ang naiipit sa pagitan ng isang tungkulin at ng makasarili niyang kagustuhan kay Natalie. Ang sariling demonyo niya ang nagtulak sa kanya sa ganitong kaguluhan. Tumunog ang kanyang telepono, binasag nito katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tawag iyon mula kay Leo. Tiningnan muna ni Mateo si Irene ngunit hindi pa niya sinasagot ang tawag. “Sagutin mo,” sabi ni Irene na may mahinang ngiti. “Alam kong mas maha

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 190

    “Hahanapin na namin siya agad, sir.” Sabi ni Ivan habang abalang paghahanda sa pagalis. “Hintayin niyo ako. Sasama ako,” madiing sabi ni Mateo. “Sigurado ka?” Tanong ni Leo sa kaibigan. “Mukha ba akong nagbibiro?” “Paunahin mo na sila. Tapusin mo muna ang IV drip mo. Wala ring patutunguhan ang paghahanap kung pati ikaw ay hindi maganda ang lagay, Mateo.” Pangungumbinsi pa ni Leo. Pumayag rin si Mateo sa bandang huli dahil may punto nga naman ang kaibigan. Mahigit isang oras ang inabot ng paghahanap nina Ivan, ngunit wala pa rin silang balita. Naiinis na si Mateo, kaya’t nagpasya siyang siya mismo ang kikilos. Matapos tapusin ang IV drip, nagpalit siya ng damit at nagtungo sa likurang bahagi ng unibersidad kasama si Tomas. Habang naglalakad, tinawagan ni Tomas si Ivan upang alamin kung aling mga inn ang nasuri na upang maiwasan ang pag-uulit. “Naiintindihan ko,” sagot ni Tomas bago ibinaba ang tawag. “Sir, tanong ko lang—” Naputol ang sinasabi niya ng mapansin niyang hindi

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 191

    Masikip ang dormitoryong iyon, may mga kama na nakahanay sa pader at isang maliit na mesa sa gitna, halos wala ng natitirang espasyo para tumanggap ng bisita sa silid na iyon. Nakakapaso rin init ang roon, walang air conditioning na pwedeng magpalamig sa loob. Isang lumang ceiling fan lang ang umiikot ng mabagal, na parang may kasabay pang pag-iyak sa bawat pag-ikot, ngunit halos walang nabawas sa init ng hangin. Pinagpapawisan na siya kahit ilang saglit pa lang siya doon. Sa ibabaw ng mesa, may nakapatong na takure at ilang baso. Kumuha si Mateo ng tubig at tumingin sa paligid para maghanap ng honey ngunit wala siyang makita. Tumalikod siya at tinanong, “Nat, nasaan ang honey?” Nang marinig ang boses niya, naestatwa si Natalie, nakahiga siya ng patagilid at paharap sa dingding ngunit hindi siya pwedeng magkamali. Hindi makapaniwala ang kanyang ekspresyon ng dahan-dahan siyang bumaling paharap sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig na iyon. Siya nga. Naroon nga siya. Nagtagpo a

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 192

    “Ha?” Halatang na gulat si Marie. Agad niyang ikinaway ang kanyang mga kamay bilang pagtanggi. “Hindi na kailangan talaga. Bukod sa kaklase ko siya, kaibigan ko si Nat. Responsibilidad ko na alagaan siya—” “Tama na,” malamig na putol ni Mateo, halatang nawawalan na ng pasensya. “Kung hindi mo ibibigay ang detalye mo, hahanapin ko na lang mismo. Huwag mong sayangin ang oras ko. Ikaw ang nag-aalaga sa kanya at ayaw kong magkaroon kami ng utang na loob sayo. Tama lang ito.” “Ah… s-sige po,” pag-ayon ni Marie na halatang nag-aalangan. “Ibibigay ko na lang po. Salamat, Mr. Garcia.” “Mag-ingat ka,” maikling sagot ni Mateo bago ito lumabas. Sa labas ng dormitoryo, sandaling tumigil siya at tumingin pabalik sa lumang gusali. Malalim siyang nag-isip bago lumingon kay Ivan. “May ipapagawa ako sayo. Gawin mo kaagad.” “Naiintindihan ko, sir.” Mabilis na sagot ni Ivan.  ** Sa dormitoryo. Makalipas ang ilang oras, abala si Marie sa pag-akyat-baba sa hagdan, habol ang hininga dahil sa

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 318

    “Kailangan kong pumunta!” Matigas at walang pagdadalawang-isip ang boses ni Mateo. Napatigil siya sandali bago nagdagdag, “sinasabi ko sayo ito dahil kailangan mo akong pagtakpan kay Lolo.”Alam ni Antonio na magkasama silang dalawa at kung makakarating sa matanda na iniwan niya si Natalie para puntahan si Irene, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan. Nangako siya sa lolo niya at kung susuwayin na naman niya ito, hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ng matanda. Ngunit importante din ang kailangan niyang puntahan.“Si Alex na ang maghahatid sayo.”Nanikip ang dibdib ni Natalie. Isang malalim at hindi maiwasang pakiramdam ng kawalang-magawa ang lumukob sa kanya. Kilala niya si Mateo, kapag nagpasya na itong umalis, wala na siyang magagawa para pigilan pa ito.Kaya sa halip, hindi na siya lumaban pa o nakipagtalo. Isa iyong tahimik na pagtanggap. Nakatigil na ang kotse kaya bumaba na lang siya.Nagkuyom ang mga kamao ni Mateo. Tumigil siya sandali---isang segundo lang at pagkat

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 317

    Isang tawag lang naman---hindi mahirap gawin. Wala namang mawawala sa kanya kung tatawagan niya ang lalaki. Tumulong na din naman siya, lulubus-lubusin na niya.Naiwan raw ni Janet ang telepono niya kanina dahil sa pagmamadali. Naiintindihan niya iyon. Sa oras ng emergency, napakaraming mga bagay ang nakakalimutan. Wala ring binigay na paliwanag si Janet sa nangyari sa anak kaya hindi na rin nagtanong pa si Drake. Tinawagan na niya si Mateo.**Sa mga sandaling iyon, nasa ospital sina Mateo at Natalie para bisitahin si Antonio. Maaga pa lang ay ipinatawag na sila nito para paalalahan na kailangan silang makausap nito. Naroon din si Ben, nasa gilid ito ng kama ng matanda. May hawak itong kalendaryo na tinitingnan ni Antonio. Abalang-abala ang dalawa nang pumasok sina Mateo sa loob ng silid.Nang makita ang dalawa, agad na nagliwanag ang mukha ng matandang lalaki. “Ah, tamang-tama ang dating ninyo,” itinaas nito ang hawak na kalendaryo. “Tinitingnan ko na ang mga petsa. Actually, kami n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 316

    “Saan niyo ako dadalhin?!”Muling binalik ang duct tape sa bibig niya para hindi na siya magtangkang sumigaw pa. Pakiramdam ni Irene, bawat bahagi ng katawan niya ay masakit. Nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos dahil sa pinaghalong takot at kirot.Nag-aapoy ang kanyang lalamunan, pero kahit anong pilit niya, walang boses na lumalabas sa kanya. Pinipiga ng tape ang kanyang paghinga. Wala na rin siyang ideya kung gaano katagal na silang bumabyahe.Ang dilim sa labas ng bintana ng van ay tila walang katapusan, at tanging ang papalit-palit na liwanag ng mga street lights lang ang nakikita niya.Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ni Irene.Hindi pwedeng dito na lang matapos ang buhay niya. Kahit hindi sinabi ng dalawang lalaki, alam niyang hawak nila ang buhay niya at pwedeng magbago ang isip nila at imbis na pakawalan siya, baka patayin na lang siya. Kailangan niyang mag-isip at makahanap ng paraan para mabuhay.Hindi pa siya nakakabuo ng maayos na plano, tumigil

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status