Share

KABANATA 222

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-01-28 21:19:00

“Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya.

Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”

Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.

“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.

“Pero, Nat—”

“Makinig ka muna sa a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (429)
goodnovel comment avatar
Christina Ybañez
ano Batu ang iksi ng episode..
goodnovel comment avatar
Martinez Mengay
ni hnd manlang alam San tinatakbo nang storya paulit ulit ni hnd padin nalalaman ni Mateo kung ano talaga katauhan ni Natalie kung sino talaga Ang pamilya nya saan sya nang galing
goodnovel comment avatar
Martinez Mengay
nakakainis Naman hangang ngayun nag lilihi padin si Natalie ni hnd padin lumalaki Ang tiyan ni Natalie para Namang shunga righter nito pagkahaba haba na nang storya Ang Dami nang nangyari ni hnd padin lumalaki Ang tiyan ni Natalie oh hnd padin Siya na nganganak ano ba Naman klaseng storya to.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 479

    Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 478

    Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 477

    Hinalikan siya ni Mateo ng mariin—puno ng emosyon, para bang doon niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang inis at galit na nararamdaman mula sa malamig niyang pagtrato sa kanya. At pagkatapos, kinagat niya si Natalie—hindi sobrang lakas, pero sapat para iparating ang punto niya.Masama na nga ang loob ni Natalie, lalo pang uminit ang ulo niya sa kagat na ‘yon. Bumuwelta siya—hindi siya papayag na hindi rin makaganti sa ginawa nito sa kanya—kaya kinagat din niya si Mateo, pero hindi banayad, kundi mas madiin, mas mabagsik. Sapat para ipakita ang punto niya.Kung ang kagat ng lalaki ay isang babala, ang sa kanya ay isang buo at totoong parusa. Ang intensyon niya ay makasakit talaga ng pisikal dahil inunahan siya.“Ugh—” napaungol si Mateo sa sakit, napasinghap, pero hindi pa rin bumitaw. Sa halip, lalo pang naging mapusok ang halik niya.“Nababaliw na ba siya? Imbes na bumitaw…lalo pa yatang ginanahan.” Galit na galit na si Natalie. Habang lalo siyang hinahalikan nito, lalo niyang kinagat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status