Share

KABANATA 225

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-02-02 19:23:27

Pinagmasdan na Mateo ang maamong mukha ni Natalie. Halos alam na niya na magiging ganito ang reaksyon nito. Kahit pa nag-aatubili, nagtanong pa rin siya. “Ayaw mo na ba nito? Hindi ba ito ang gusto mo?”

Totoo na sandaling panahon lamang sila namuhay bilang mag-asawa. Pero sa kapiranggot na sandaling iyon, masasabi niyang natutunan niya ang mga gusto at hindi gusto nito. Mapagmasid siyang tao. Batid niyang hindi basta-bastang naghahangad si Natalie ng isang bagay ng walang dahilan. Lagi itong meron. Kung nag-abala itong halughugin ang mall para sa puto-bumbong, siguradong gusto niya iyon.

Ngunit ngayon ay tahasan nitong tinatanggi ang bigay niya. Hindi dahil sa ayaw nito ng puto-bumbong kundi dahil galing ito sa kanya.

Muli, isang punyal ang tumarak sa dibdib ni Mateo. Pilit niyang pinagaan ang tinig kahit na bigat na bigat siya, umaasa pa rin siyang makakapag-usap sila. “Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Galit ka ba? Nung sinabi kong…maghati na lang kayo ni Irene? Diba gusto mo ‘yon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (219)
goodnovel comment avatar
aj.austria08
nakakatamad na basahin sa totoo lang . kundi ko lang naumpisahan . paubos na pasensya ko sayo author ahh kainaman ka Kamag Anak mo ba si Coco Martin dameng ikot ng kwento 🫣
goodnovel comment avatar
Lyn Zainel
Ang OA na.. hayyyyyyy naumpisahan ko lng na basahin.. puro nalng paikot ikot ang kwento walang ang haba na pero wala excitement hayyyyyyy author ano nahhhhhhh
goodnovel comment avatar
glazelannmanila
matalinong obob .. minsan nakakairita nalang basahin dahil sa katangahan ni natalie wala na sa matinong kwento..nasa 200 plus pages na pero wala paring improvement puro lang kaartrhan ni natali e nababasa ko
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 226

    “Mmm,” kinilig si Natalie hindi dahil sa kasama niya si Drake kundi dahil sa kinakain niya. “Ang asim.” Kahit na nagrereklamo ito, kumuha pa rin ito ng manggang hilaw at isinawsaw sa sauce na kapares nito. Naglalaway siya. Naaliw naman si Drake sa reaksyon niya. “Gusto mo pa ba?”“Oo,” mabilis na sagot ni Natalie. Nasasabik siya sa malutong na mangga. Pansamantala niyang nakalimutan ang lungkot niya kanina lang.“Sige, susubuan kita,” sabi ni Drake sabay subo ng maliit na hiwa ng hilaw na mangga na may sawsawan.Sunud-sunuran si Natalie, binuka rin niya ang bibig at hinayaang subuan siya ng lalaki ng maasim na prutas. Ang asim ay nagpapikit ng kanyang mga mata ngunit parang bata itong tuwa-tuwa sa natuklasang bagong paboritong pagkain.Tinitigan siya ni Drake ng may pag-aalala. “Kung masyadong maasim, itigil na natin, ha?”“Huwag! Masarap nga!” Umiling si Natalie. Sarap na sarap ito. “Masarap yung sauce. Sino ang gumawa?”“Gawa ko. Yung mangga, binili ko lang. Ang sabi kasi ng tinder

    Last Updated : 2025-02-03
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 227

    Biyernes ng gabi. Dumating si Mateo sa bahay nina Irene dahil naimbitahan siyang makisalo sa hapunan. Maayos at malinis ang bahay at napakaayos ng hapag-kainan. Halatang pinaghandaan ni Janet ang gabing iyon. Ang aroma ng bagong lutong pagkain ay pumuno sa buong kabahayan. Maingat na pinili ni Janet ang tradisyunal at modernong mga pagkain.Naupo na si Mateo matapos na magalang na bumati si pamilya ni Irene. Abot-tainga ang ngiti ni Janet, napakagiliw nito at laging nakangiti habang inaalok ang isang pinggan ng naglalakihang sugpo.“Mateo, mabuti naman at pumayag kang saluhan kami,” umpisa nito.Habang tumatagal ang hapunan, ginamit ni Janet ang pagkakataong iyon upang simulan ang isang planadong pag-uusap. “Rigor, naalala ko lang…hindi ba malapit na ang birthday mo?” Kaswal nitong sabi sa asawa. “Anong balak mo? Aba, hindi naman natin pwedeng palampasin na lang ang araw ng kapanganakan mo. Mas gusto mo ba na dito na lang tayo sa bahay o sa ibang lugar?”Sinadya ni Janet iyon. Layuni

    Last Updated : 2025-02-04
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 228

    Para kay Drake, wala siyang hindi kayang gawin para makakain lang si Natalie. Balewala sa kanya ang perang magagastos niya, distansya, oras at pagod niya---walang halaga ito basta’t masiguro lang niya na maayos ang kalagayan nito. Naalala niyang nabanggit nito ang tungkol sa hinog at nagkukulay pula na papaya. Naisip ni Drake na baka iyon ang kailangan ni Natalie. Nagmaneho siya ng humigit kumulang dalawang oras papunta sa isang farm ng papaya. Doon, nakapamili siya ng pinakamalaki at pinakasariwang papaya. Maingat din niyang ipinalagay sa kahon iyon para hindi malamog at nagmaneho pabalik.Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ni Nilly. Napanganga din ito sa gulat ng nakita ang dala niya. “Wow! Ibang klase, perfect na perfect ang papayang ito, ah! Ang kinis at mukhang matamis! Parang papaya from heaven ang atake!”Napangiti ng malapad si Drake. “Syempre. Sa farm ko mismo binili ‘yan. Siguro, ito na ang pinakamalapit sa langit na kaya kong gawin.”Hindi nga nagbibiro si Drake.

    Last Updated : 2025-02-05
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 229

    Binalot ng matinding kaba si Mateo nang mabuhat na niya sa mga bisig ang halos walang malay na si Natalie. Nanghihina ito, mas magaan pa kaysa huling pagkakatanda niya. Balingkinitan itong babae pero mula ng mabuntis ito, imbis na tumaba ay lalo itong namayat. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito umabot sa ganoong timbang. “Anong nangyari sayo, Natalie? Bakit ka nagkaganito?” Tanong ni Mateo sa isipan.Hindi ito ang babaeng kilala niya---ang Natalie na bitbit niya ngayon ay mistulang ibang tao na. Ubos ang lakas at halos hindi na kayang dalhin ang sarili. Pero sa mga oras na iyon, wala ng oras pa si Mateo para magdalamhati at magnilay-nilay.“May dala ka bang kendi? O kahit anong matamis sa bag?” Madiin ang tanong niya para marinig siya nito.Nagawa pang tumango ni Natalie at ibuka ang bibig para ipakita ang kendi sa bibig niya. Sa kabila ng pagkain nito, naguguluhan pa rin si Mateo kung bakit ito ganoon kahina. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalala, kasabay ng pagkadisma

    Last Updated : 2025-02-07
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 230

    “Sige, pumapayag ako sa gusto mo,” sa wakas ay naisatinig na din ni Natalie ang kanina pa niya gustong sabihin. Mahina iyon pero may kasiguruhan. Tumango si Mateo, tsaka sinenyasan ang nurse na lumapit na. “Simulan niyo na.”Biglang pagtupad sa usapan nila, lumabas siya ng kwarto para tawagan si Drake. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang muli. Apat na magkakasunod na tawag ang ginawa niya pero hindi pa rin ito sumasagot.Unti-unting nawala ang pagiging kalmado niya at napalitan na iyon inis para sa lalaki. Muli niyang sinubukan ngunit ganoon pa din. Wala siyang ibang magagawa kundi ang bumalik sa kwarto at sabihin kay Natalie ang totoo.Naturukan na ng nutritional IV si Natalie, nakapwesto na rin ito. Hindi ito tulog pero mas kalmado na. Nang makita siya nito ulit, bumalik ang pagsasalubong ng kilay nito.“Aalis ka na?” Paniniguro nito.Natawa si Mateo dahil sa hindi maikailang kagustuhan nitong makita siyang umalis na. “Pasensya, pe

    Last Updated : 2025-02-08
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 231

    Hanggang maari, tuwing weekend, dumadalaw si Natalie sa bunsong kapatid. Ang tahimik na daan papunta sa rehabilitation center ng kapatid ay na napapaligiran ng mga namumulaklak na mga bougainvillea. Sari-sari ang kulay at ang mga talulot ay sumasabay sa ihip ng hangin. Gaano man kaganda ang tanawin, ang isipan niya ay malayong-malayo sa kalmadong daan na tinatahak.Pagpasok niya sa gusali, agad siyang sinalubong ng isang nurse na may magiliw na ngiti. “Hi, Miss Natalie, maaga ka yata ngayon.”“Ah, oo.” Ngiting tugon din niya dito. “Tapos na ang internship ko kaya mas marami na akong libreng oras para makasama si Justin.”“Yung lalaki, nauna lang siya sa iyo ng kaunti,” dagdag ng nurse ng pabulong.Napahinto si Natalie sa paglalakad. Diretso na sana siya sa kwarto ng kapatid pero ng marinig ang sinabi ng nurse, napatigil siya sa paghakbang. “Nurse, sinong lalaki?”“Yung nagsabing siya raw ang tatay niyo ni Justin. Nandito rin siya mga ilang araw lang ang lumipas.”Nawala ang ngiti ni N

    Last Updated : 2025-02-10
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 232

    Halos tumagos ang tingin ni Natalie sa ama, litong-lito siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang parehong lalaki na mas pinili ang pangalawang pamilya at tinalikuran ang obligasyon sa kanila ni Justin ilang taon na ang nakalipas. Iniwan sila nito at napilitan silang harapin ang hamon ng buhay ng silang dalawa lang. At ngayon, narito ito, nag-aalok ng suporta para sa kinabukasan ni Justin. Para kay Natalie, isa itong panaginip o di kaya ay isang biro.Hindi nakatakas sa pandinig ni Rigor ang pagaalinlangang iyon ni Natalie. Kaya inulit nito ang mga sinabi. Matatag ngunit may bahid ng pagsusumamo.“Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Justin sa Wells Institute.”Sinuri ni Natalie ang mukha ng ama. Ang hinahanap niya doon ay ang bakas ng kasinungalingan, ngunit wala siyang makita kundi sinseridad na hindi niya gustong paniwalaan. Nagdududa pa rin siya.“Bakit?” Sa wakas ay naitanong niya.“Bakit?” Natawa si Rigor ngunit hindi iyon tawa na may kasiyahan. “Kailangan pa bang may dahilan

    Last Updated : 2025-02-10
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 233

    Halos lahat ng tao ay napatigil sa pagtutulukan sa abalang sakayan ng pumara ang isang bago at magarang sasakyan sa harapan. Bumaba ang bintana sa passenger’s seat at bumungad ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Isaac, ang mga mata nito ay nakatuon sa iisang tao lamang.“Nat!” masaya nitong tawag. “Saan ka pupunta? Sumabay ka na sa amin, ihahatid ka na namin.”Napakurap si Natalie sa gulat. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niya. Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin niya mula kay Isaac at sa lalaking nakaupo sa harapang upuan---si Mateo. Hindi naman ito umuupo doon. Iyon ang nakatalagang pwesto ni Isaac.Mariin siyang umiling at ngumiti ng bahagya. “Salamat, may paparating naman na bus. Kaya ko na.”Lalong lumawak ang ngiti ni Isaac, tila aliw na aliw ito sa pinapakitang pagtanggi niya sa paanyaya. “Halika na, isang sakay lang naman ‘yan. Huwag mo na akong piliting bumaba. Sige ka.”Nakaharang ang sasakyan nina Mateo kaya hindi makausad ang ibang pampublikong sasakyan.

    Last Updated : 2025-02-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status