Share

KABANATA 239

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-02-14 18:55:05

Pakiramdam ni Mateo ay lalo lang siyang nawalan ng gana. Hindi na niya gustong makipaghalubilo pa sa ibang mga panauhin doon. Bagot na bagot na siya at mahaba ang araw niya. Bago magpunta doon ay nag-opisina muna siya. Bukod doon, ang masiglang enerhiya ng gabi ay tila hungkag, ang maingay na usapan mula sa mga kumpol ng tao at kumikinang na chandelier ay parang naglaho sa kanyang isipan.

“Wala namang kwenta ang event na ‘to,” mahinang wika ni Mateo. Hindi halos marinig ang sinabi niya dahil sa ingay ng paligid.

Dahil magkalapit sila, narinig ni Irene ang tono niya at bahagyang tumingala. May bahid ng pag-aalala ang mukha. “Ha? May sinasabi ka ba, Mateo? Hindi ko masyadong narinig, eh.”

“Wala,” palki ni Mateo at mabilis na sinulyapan ang tiyan ni Irene. “Gabi na. Kailangan mo ng magpahinga at ang pananatili dito ay hindi maganda para sayo o sa bata. Puno ng usok ng sigarilyo at takaw-disgrasya.”

Kahit na tumango si Irene bilang pagsang-ayon kay Mateo, hindi niya maiwasang makonsensya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
Ms.Ai
parang ang tagal nmn manganak ni nathalie,,
goodnovel comment avatar
Cas Shera
Sabi ng author nitong kuwento. Ginawa niyo itong kuwento pabor ito kay irene himdi kay natalie. Last chapter ma daw ang kay Natalie. Para marami pang mag abang .........
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kr
sana mag kabulgaran na kc
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 479

    Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 478

    Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 477

    Hinalikan siya ni Mateo ng mariin—puno ng emosyon, para bang doon niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang inis at galit na nararamdaman mula sa malamig niyang pagtrato sa kanya. At pagkatapos, kinagat niya si Natalie—hindi sobrang lakas, pero sapat para iparating ang punto niya.Masama na nga ang loob ni Natalie, lalo pang uminit ang ulo niya sa kagat na ‘yon. Bumuwelta siya—hindi siya papayag na hindi rin makaganti sa ginawa nito sa kanya—kaya kinagat din niya si Mateo, pero hindi banayad, kundi mas madiin, mas mabagsik. Sapat para ipakita ang punto niya.Kung ang kagat ng lalaki ay isang babala, ang sa kanya ay isang buo at totoong parusa. Ang intensyon niya ay makasakit talaga ng pisikal dahil inunahan siya.“Ugh—” napaungol si Mateo sa sakit, napasinghap, pero hindi pa rin bumitaw. Sa halip, lalo pang naging mapusok ang halik niya.“Nababaliw na ba siya? Imbes na bumitaw…lalo pa yatang ginanahan.” Galit na galit na si Natalie. Habang lalo siyang hinahalikan nito, lalo niyang kinagat

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 476

    “Ayaw mo talagang tumigil, ano? Wala ka talagang balak na bigyan ako ng tahimik na buhay kahit na ‘yon ang gusto ko para sa ating lahat. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo.” Napabuntong-hininga si Natalie at tahimik na dinampot ang chopsticks at naupo. “Sige na nga. Tapusin na natin ang dramang ‘to. Sa totoo lang, kumpara sayo, hindi naman malaking isyu ang hindi masarap na pagkain sa akin. Hindi ako anak mayaman kaya wala akong karapatang mag-inarte.”Nagsimula siyang kumain—kaunting gulay, kaunting kanin. Gaya ng nakagawian. Habang kumakain siya, hindi na siya pinigilan ni Mateo. Tahimik lang itong nagsalin ng ulam sa plato niya, gaya ng dati nitong ginagawa para sa kanya.Tahimik na inubos ni Natalie ang pagkain niya, mabilis at walang imik. Ni hindi sila nag-usap. Sa kabilang banda, halos hindi man lang nakakain si Mateo, nakapaglagay siya ng pagkain sa plato niya pero hindi naman niya nagalaw—mas naging abala siya sa pagtingin sa babae.Matapos punasan ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 475

    Maingat na kumatok si Leo sa pinto ng silid ospital. “Mateo, alam kong gising ka, papasok ako. May kasama nga pala ako!” Binuksan niya ang pinto at hinihila si Natalie papasok. “Ayan, dinala ko na siya sayo para hindi mo ako laging binubulyawan. Ako na nga ang nagmamalasakit sayo, susungitan mo pa ako.”Diretso siyang lumapit sa kama, binitiwan ang kamay ng babae, at bahagyang itinulak ito palapit kay Mateo.“Ay!” Napasubsob si Natalie, muntik nang matumba sa kama. Sa gulat, kumapit siya sa una at tanging bagay na abot ng kanyang kamay—ang pasyente mismo—kay Mateo.Hindi naman nagreklamo si Mateo, kahit na medyo nabigla sa pagdating ni Leo pati na rin sa kasama nito. Hindi naman talaga siya natutulog, nang makaalis si Leo, ipinagpatuloy niya ang panonood ng basketball game nito. Agad niyang iniakbay ang nag-iisa niyang malusog na braso sa asawa bago pa ito tuluyang sumubsob.“Ayos ka lang?” Tanong ni Mateo habang inaalalayan ang babae. Pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Leo. “Ingat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status