Share

KABANATA 32  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:21
“Anong problema mo?!” Sigaw ni Chandon kay Mateo.

Sa puntong ito ay wala na itong pakialam sa estado ni Mateo. Kung tutuusin ay hindi rin naman siya basta-bastang tao din lang. Prominente din ang pamilyang kinabibilangan ni Chandon. Kaya hindi siya makakapayag na walang ano-ano ay sinuntok siya nito.

“Nahihibang ka na ba? Anong atraso ko sa’yo? Bakit mo ako sinugod at sinuntok, Mateo?” Tumayo si Chandon para ibalik din sana ang suntok na binigay sa kaniya ni Mateo ngunit mabilis na naharang ito nina Tomas at Alex.

“Teka lang!” Sabay na sigaw ng dalawa.

Napagtanto ni Chandon na wala siyang panama sa mga tauhan ni Mateo. Bukod sa mukhang sanay sa basag-ulo ay halatang mga dating sundalo ang mga ito base sa tikas at tindig. Dehado siya kung tatangkain niyang gumanti.

“Hindi pwede ito! Tatawag ako ng pulis!” Galit na sigaw ni Chandon.

“At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis, ha?” Sarkastikong sabi ni Mateo. Napatawa pa ito ng bahagya habang umiiling. “May mas nakaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (35)
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
naku matheo, nagsi selos ka pero bskit di mo pakitunguhan ng maayos si nathalie. magbago ka na
goodnovel comment avatar
Babycharla Barutil
tagal matapos daming unlock episode haba pa ng ads
goodnovel comment avatar
Nur-aine Hadjula
the story is ......️......️......️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 33

    Matapos nilang magtarayan ay natawa na lamang si Natalie. “I mean, thank you. Thank you for standing up for me, Mateo.”Sa pagkakataong ito ay si Mateo naman ang nagulat sa biglaang kambyo ng ihip ng hangin. May sasabihin pa sana siya ngunit nakaramdam siya ng matinding sakit galing sa sugat niya sa tagiliran. Nasapo niya ito ng wala sa oras. Napansin naman ito agad ni Natalie. “Mateo? Okay ka lang?” Sinaklolohan ni Natalie si Mateo kaagad. Doktor siya at alam niya kung ano ang dapat gawin. Idiniin niya ang isang kamay sa tagiliran ng lalaki. Sa ginawa niyang iyon ay nagtamang muli ang kanilang mga mata. Puno ang mga mata ni Natalie ng samu’t saring emosyon, ng pag-aalala at may iba pa…sa mga mata nito, wala nang iba pang naroon kundi si Mateo. Batid ni Natalie na panandaliang lumambot ang puso niya, na agad namang napalitan ng inis agad-agad. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata. “Diba, sabi ko sa iyo, huwag kang magpupwersa? Tapos anong ginawa mo? Nakipagsuntukan ka!

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 34  

    Dahil sa sinabing iyon ni Mateo, tila bumalik si Natalie sa kasalukuyan. Ramdam niyang namula at uminit ang mga pisngi niya sa nakita kaya nagmadali siyang lisanin ang banyo.Anong nangyayari sa kaniya? Kinailangan niyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. “Natalie, doktor ka. Walang malisya sa iyo dapat ang mga bagay na ganito. Lagi ka namang nakakakita ng ganun sa linya ng trabaho mo!” Unti-unting bumalik ang kumpyansa niya sa sarili kahit na malakas pa rin ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin lumalabas ng banyo si Mateo at wala siyang planong pumasok ulit. Wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ito. “Sa susunod, Natalie, huwag kang papasok ng basta-basta kasi!” Muling paalala niya sa sarili. Habang hinihintay si Mateo, inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kwarto nito. Hanggang sa mahanap ng mga mata niya ang isang jewelry box sa ibabaw ng bedside table nito. Nakabukas ito at kitang-kita ang isang napakagandang platinum diamond bracelet na nakahimlay sa loo

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 35

    Sandaling nagatubili si Natalie kung sasakay ba siya o hindi. Palaisipan sa kaniya kung bakit nasa bansa si Drake. Ganoon pa man ay hindi ito ang panahon para pagtuunan niya ng pansin kung bakit naroon ito. May mas importanteng bagay siyang dapat asikasuhin at nauubusan na siya ng oras. “Thank you. Pwede mo ba akong ihatid sa San Sebastian Bridge? Malapit lang naman iyon.” Ang Sebastian Bridge Paano makakalimutan ni Drake ang lugar na iyon? Naging bahagi ang lugar na iyon ng kanilang kabataan. Ng kanilang pag-iibigan. Malapit iyon sa Forest Lake cemetery kung saan nakahimlay ang namayapang ina ni Natalie. Lagi niyang sinasamahan ang nobya doon lalo na kung napagiinitan si Natalie ng madrasta. Gusto sanang tanungin ni Drake kung bakit tila nagmamadali si Natalie. Pero hindi niya itinuloy. “Okay, sakay na.” Nang makarating sila, halos hindi na nahintay ni Natalie na tumigil ang sasakyan bago ito bumaba “Natalie!” Mabuti na lang at nahawakan siya ni Drake bago siya madapa. “Daha

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   CHAPTER 36  

    Ang malakas na sigaw ni Janet sa mga manggagawang inupahan ang umagaw sa atensyon ng mag-ama. “Oy, kayo! Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Binabayaran kayo para maghukay at hindi makiusyoso sa drama ng mga taong walang magawa sa buhay! Hala! Sige, huyakin niyo na yan! Ang babagal!” Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ni Janet na magsalita pa si Rigor kahit na hinihintay ni Natalie ang magiging pasya ng ama. Hindi pa ito nakuntento, “sinasabi ko sa inyo, huwag niyo akong ginagalit! Baka hindi niyo kilala si Mateo Garcia? 'yong big time, 'yong mayaman. Boyfriend siya ng anak ko! Kapag ginalit niyo ako, ginalit niyo rin si Irene. At kapag galit si Irene, kayo ang mananagot kay Mateo! Ayaw na ayaw pa naman ni Mateo na nagagalit si Irene!” Nang marinig ang pananakot na ito, tila ginanahan ang mga tao na tapusin ang gawain nila. Kahit na ordinaryong tao ay kilala si Mateo at ang pamilyang kinabibilangan nito. Natuwa naman si Janet dahil nakitang gumana ang pananakot niya. “Maghukay na

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 37  

    Ngayong magkaharap na sila, tsaka lamang pinakawalan ni Natalie ang mapait na tawang kanina pa niya pinipigilan bago mag-umpisa sa mga gusto niyang sabihin kay Mateo. “Nagkamali ako. Inisip kong para sa akin ang bracelet na ‘yan. Sana sinabi mo sa akin na mali ako para hindi mo na kailangang ibigay pa sa akin.” “Ha?” Hindi pa tapos sa mga gusto niyang iparating si Natalie. “Mr. Garcia, please lang. Sa susunod, huwag kang mamimigay ng mga bagay na ganito. Tingnan mo tuloy kung anong nangyari…kinuha ko ang para sana sa nobya mo tapos kailangan mo pang bumili tuloy ng bago. Oo, alam kong mayaman kayo, pero hindi ba sobrang abala ‘yon?” Naiwang nagiisip si Mateo habang papalabas si Natalie. Nagpagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari ng mabilis. Maaring nagkita sina Natalie at Irene. Hindi mahalaga kung saan at paano nagkita ang dalawa para sa kaniya. Ang bumabagabag kay Mateo ngayon ay kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni Natalie. Ang bracelet na iyon ay para sa kaniya naman

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 38

    “Huy, Natalie.” Tinabig siya ni Nilly.  “Dito ba papunta yang sasakyan na ‘yan?” Isang itim na Range Rover ang tinutukoy ni Natalie. Paroon nga ito sa kinatatayuan nila. Dahil naglalakad sila habang naghihintay ng masasakyan, tila sinabayan din sila ng sasakyan na iyon. “Nilly, nagbook ka ba ng Uber? Ito na siguro ‘yon.”“Ha, sabi mo magtaxi na lang tayo. Hindi ako nag-book.” Ilang sandali pa ang lumipas, sinusundan pa din sila ng sasakyan. Hindi na kumportable si Natalie kaya hindi na siya nakatiis. Hindi fully tinted ang salamin sa harapan kaya sinilip na niya kung sino ang driver ng sasakyan, mabagal lang naman ang patakbo nito kaya pwede niyang gawin iyon. Pero bago pa niya magawa ay tumigil na ito at bumaba si Isaac. “Nat, saan ang punta niyo? Ang dami niyo namang dala. Ganito na lang, sumakay na kayo. Sabi ni sir, ihahatid daw namin kayo.” Binuksan pa nito ang trunk compartment ng sasakyan kung saan ilalagay ang mga suitcase na dala nila. “Hindi na. Kaya na namin, Isaac.

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 39  

    Magkalapit ang mga mukha nilang dalawa dahil hinablot ni Natalie ang album sa mga kamay ni Mateo. Kitang-kita din niya na hindi ito natutuwa sa ginawa niya pero wala siyang pakialam. Para kay Mateo, ang pinapakitang kagaspangan ni Natalie ay dahil pa din sa bracelet. Bilang lalaki, batid din niyang hindi niya naipaliwanag ang tungkol doon ng maayos kaya ito nagkakaganoon. Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. “Nat, look…inaamin kong nagkamali ako sa bracelet. Pero may hindi ka naiintindihan---para sayo talaga ‘yon.” Ikinagulat ito ni Natalie. Halata sa boses ni Mateo na may pag-aalangan ito. Kung bakit nito ibinabalik ang tungkol sa bracelet ay wala siyang ka-ide-ideya. “Anong…anong sinabi mo?” Hindi siya makapaniwala na nagpapaliwanag sa kaniya si Mateo Garcia. Umismid ito. “Narinig mo kung anong sinabi ko! Hindi ka bingi, Natalie.” Minsan lang magpaliwanag ng ganito si Mateo. Hindi siya sanay na nagpapaliwanag at ngayon ay gustong ipa-ulit sa kaniya ni Natalie ang si

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 40  

    Ang preparasyong ipinangako ni Drake kay Chandon ay hindi basta-basta. Hindi lang siya basta naghanap ng bagong libingan para sa nanay ni Natalie, sinigurado din nito na maayos at maganda ang bagong paghihimlayan ni Emma. Maganda ang sementeryong napili niya at malawak, may mapagtatambayan pa sila kapag bibisita. May mga puting bulaklak din doon at may pari para magmisa. Sa araw na muling ililibing ito, naroon na si Drake nang dumating sina Natalie, Nilly at Chandon. Hindi ito inaasahan ni Natalie kaya napatigil siya sa paglalakad nang makita si Drake na mukhang hinihintay sila. Nagtama ang kanilang mga mata pero agad din namang binawi ito ni Natalie. “Hala, anong ginagawa niya dito?” Tanong ni Nilly na halos pandilatan si Drake. “Aba, malay ko.” Pagtatanggi pa ni Chandon. Kahit na dama niya na hindi siya tanggap sa lugar na iyon, hindi pa din nagpatinag si Drake. “Andito ako kasi gusto kong magpakita ng respeto kay tita Emma. Wala ako nang una siyang inilibing at hindi ko rin

    Last Updated : 2024-09-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 301

    Humigop ng tsaa si Antonio. Dahan-dahan. Ang matalas niyang mata ay bahagyang napako ng sandali kay Ben. May bahagyang aliw ito sa mukha.“Ah. Pagkatapos ng napakaraming taon, mahusay ka pa rin. Wala kang kupas.” Sabi ni Antonio.Ngumisi si Ben, ni hindi man lang nabahala. Isa itong papuri para sa kanya. “Sir, kalabaw lang daw ang tumatanda. Naninibago nga ako. Ngayon na lang ulit, kulang na yata ako sa ensayo.”Lumapit ang isa sa mga lalaking nakaitim sa kanila. “Sir Ben, narito na sila.”Tumango si Ben at ikinumpas ang kamay. “Sige, pwede ng alisin ang mga blindfold.”“Yes, sir.”Mabilis na sinunod ng mga nakamaskarang lalaki ang utos ni Ben. Agad nilang hinila ang mga blindfond ng mga panauhin nila ngayong gabi.Kanina lang ay nag-sasalo sa hapunan ang mag-anak nang biglang sumugod ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan sa bahay nila. Hindi na nakalaban ang tatlo at wala ring nagawa ang mga kasambahay. Ginapos sila, binusalan sa bibig at nilagyan ng blindfold sa mga mata bago

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 300

    Hindi alam ni Natalie kung paano niya tatanggihan o tatanggapin ang alok nito sa kanya.Kahit na hindi pa sila pormal na hiwalay ni Mateo, para sa kanya, kakalaya lang niya sa isang hindi malusog na pagsasama—-pagkatapos ay babalik na naman siya sa parehong bangungot?Nakita ni Antonio ang mga senyales ng pangamba at pag-aalinlangan niya kaya napabuntong-hininga ito ulit. Ang matatalas ngunit mabait na mga mata ay bahagyang lumambot habang nagsasalita ito. Mabagal at maingat ang bawat salita.“Hindi mo kailangang sumagot ngayon, apo. Mahalagang desisyon ito at alam kong kailangan mong pag-isipang mabuti. Tama ba ako?”Binigyan ni Natalie ng isang tipid at makahulugang ngiti ang matanda dahil alam na kaagad nito ang isasagot niya bago pa man siya magsalita.“Ganito, bibigyan kita ng dalawang araw. Pagkatapos, sabihin mo sa akin angs agot mo.” Sandaling tumigil si Antonio bago nagpatuloy, mas maingat na ang mga salita. “Sa ngayon, ano man ang perang kailangan mo ay ibibigay ko. Wala kan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 299

    May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 298

    “Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 297

    “Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status