Share

KABANATA 339

Auteur: Lin Kong
last update Dernière mise à jour: 2025-05-21 18:56:28

Kinabukasan, huling nagising si Natalie.

Ang sinag ng araw ay mataas na at dumadaan sa manipis na kurtina, nagbigay ito ng gintong liwanag sa malawak na suite. Ipinikit niya muli ang mga maya at nag-unat, hindi pa siya handang bumangon mula sa malambot na kama.

Namilog ang mga mata niya ng makita niya ang digital clock sa ibabaw ng bedside table---lampas na ng alas diyes ng umaga.

“Tsk, kaya pala maliwanag na.” Palatak niya.

Maaga naman siyang natulog kagabi, pero hindi pa rin niya maintindihan kung paano siya na-late ng gising. Nitong mga nakaraang araw ay takaw-tulog talaga siya.

Nagbuga ng hangin si Natalie at minasahe ang sentido bago dahan-dahang bumangon. Sa palagay niya ay bumabawi pa ang katawan niya mula sa pagod ng nakalipas na mga araw. Matapos ng isang mabilisang paghahanda, lumabas na siya ng silid at napansin agad na nasa sala sina Mateo at Isaac, may tinitingnan ang dalawa sa laptop.

Nang marinig nila ang mga yapak niya, naunang tumingala si Mateo. Walang pagbabago sa e
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Bebelyn Bregondo Bres
sana tuloy tuloy na yan,wla ng away na mangyayari
goodnovel comment avatar
Rosie Li
hay naku Natalie Ang qierd mo naman
goodnovel comment avatar
Lorellin Gonzales Oliveros
happy ending na author...masisiyahan kming mga readers mo pagwinakasan mo na. ang haba na kasi paulit-:ulit lang ang eksena walang nabago. away bati 2x lang ang eksena palagi
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 423

    “Huh?” Namilog ang mga mata ni Natalie nang makita kung sino ang naglayo sa kanya sa tiyak na kapahamakan—si Drake!Ngumiti ito, “Nat, ayos ka lang ba—ugh…” Pagkatapos ay napangiwi ito, halatang tinitiis ang sakit.Kumaripas ng kabog ang dibdib niya at saglit na nablangko ang kanyang isipan. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi niya agad naproseso ang lahat. Napako siya sa kinatatayuan habang yakap pa rin siya ni Drake.Mula sa CR, narinig niya ang kaguluhan, mabilis na tinungo ni Alex ang pinagmumulan ng gulo at kung saan nagkukumpulan ang mga tao--kasing bilis ng isang palaso. Ang mga mata niya ay sinuyod ang OPD hall at hinahanap si Natalie.“Natalie! Nandito na ako!” Nakita niya ang lalaking naka-engkwentro noong huli. At dahil may Military background at nakita ang patalim na hawak nito, alam na niya kung ano ang pakay nito. “Ikaw na naman!?”“Ayaw mo talagang magtanda, ha?!” Sa isang swak na galaw, napabagsak niya ang lalaking may dalang kutsilyo sa sahig. “Huwag kang kikilos!”Nags

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 422

    “Patawad. Kasalanan ko ito. Tinatanggap ko ang parusa.”**Kinabukasan, habang nasa kalagitnaan ng tulog, naramdaman ni Natalie ang kakaibang pakiramdam sa kanyang kamay—parang may kung anong mahapdi pero banayad na dumadampi rito. Minulat niya ang mga mata at agad na sumimangot ng makita ang mukha ni Mateo, ilang dipa lang ang layo sa mukha niya. Nakabihis na ito.“Hoy! Anong ginagawa mo??” Reklamo niya, halatang inis.“Nagising ba kita?” Mahinahon at banayad ang boses ni Mateo. "Aalis na ako maya-maya. Pinapahiran ko lang ulit ng gamot ang kamay mo. Matulog ka na ulit pagkatapos nito, pero huwag mong kalimutan na lagyan ito ulit ng gamot mamaya—apat hanggang limang beses sa isang araw. Maniwala ka sa akin, ako ang personal doctor mo at mas magaling ako sayo.”“Ang kulit mo!” Hinila ni Natalie ang kumot at itinakip sa kanyang ulo, mahinang nagmamaktol.Napangiti lang si Mateo, bahagyang natatawa. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano ito kasungit kapag bagong gising at kapag nagamba

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 421

    Pagkatapos, parang may hawak siyang isang babasaging bagay, dahan-dahan niyang inihiga si Natalie sa kama—hindi siya binibigyan ng kahit anong pagkakataong makaalis.“Ayaw mo talagang makinig, ‘di ba?” Mahina pero puno ng inis ang boses ni Mateo. “Sinabi ko na sa’yo—hinding-hindi ko pagtataksilan ang kasal na ito. Bakit hindi mo ako kayang paniwalaan? Mahirap ba?”Diretso siyang tinitigan ni Natalie. “Mateo, naniniwala akong mananatili kang tapat sa kasal natin—sa pisikal na aspeto.” Mataas ang pinag-aralan nito, may matibay na moralidad at pakiramdam ng responsibilidad. Matagal na niya itong kilala, kaya sigurado siyang hindi ito gagawa ng mali. Pero… “Pero ang pagtataksil, hindi lang tungkol sa katawan. Mas totoo ang pagtataksil kapag puso na ang nakataya. Alam mo ba ‘yon?”Sandali siyang tumigil, pagkatapos ay binawi ang sarili niyang sinabi at mabilis na umiling. “Hindi, mali pala. Simula pa lang, hindi mo naman talaga ibinigay sa akin ang puso mo.”Mabilis siyang pinutol ni Mateo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 420

    Mula pa sa simula, plano na ba talaga niyang ipagdiwang ang kaarawan niya kasama si Irene? Nakaplano na ba ang araw na ito para sa kanila kaya hindi niya man lang nabanggit sa akin na kaarawan niya? Marahil ay iyon nga ang dahilan.Dapat na talaga siyang matuto—at tigil na ang mga walang kwentang bagay na siya lang ang nagpapakahirap, pero sa dulo, siya rin ang napapahiya. Nagpakapagod siya, hindi naman niya kailangan iyon, at sa huli, nauwi lang ang lahat sa wala.“Sana naniwala na lang ako kay Nilly. Hay. Kailan ba ako matututo? Bakit paulit-ulit na nangyayari ito?” Litanya niya sa sarili, umaasang sa pamamagitan nito, matatauhan siya at hindi na uulit pa.Nakahiga na siya, patay na ang ilaw, at sinubukan niyang matulog. Pero biglang may narinig siyang tunog mula sa pinto--ang tunog ng susi na iniikot sa seradura.Agad siyang napabangon.Sa parehong sandali, bumukas ang pinto, sumindi ang mga ilaw, at nagliwanag ang buong kwarto. Pumasok si Mateo ng walang pakialam at inihagis ang s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 419

    “Hindi mo na kailangang malaman.” Hinila ni Natalie ang kamay niya palayo, hindi alintana ang hapdi.“Hindi ko na kailangang malaman?” Bahagyang kumipot ang malalim na mga mata ni Mateo at tuluyan ng nagdilim ang ekspresyon.” Asawa kita. Nasugatan ka, tapos sasabihin mong hindi ko na kailangang malaman?”Mahinang tumawa si Natalie, walang emosyon sa tinig niya—sobrang kalmado na parang simpleng paglalahad lang ng katotohanan ang ginagawa niya. “Buong gabi mong ipinagdiwang ang kaarawan mo kasama ang ex mo. Wala rin akong nalaman tungkol doon, hindi ba?”“…ano?” Natigilan si Mateo—hindi dahil sa konsensya, kundi sa gulat. “Anong sinasabi niyang pagdiriwang kasama ang ex ko?”Bago pa siya makasagot, nabawi na ni Natalie ang kanyang kamay mula sa lalaki at umakyat na sa taas.Kaarawan. May binanggit si Natalie tungkol sa kaarawan. Kumunot ang noo ni Mateo—tapos, biglang dumating sa kanya ang realization. “Sh*t. Sh*t. Tama. Kaarawan ko nga ngayon. Ibig sabihin… kaya niya ako niyaya ngayon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 418

    Pinikit ni Natalie ang mga mata at umiling. Pero hindi pa rin siya tiningnan nito. Ramdam ni Mateo ang bigat ng kanyang kasalanan. Pinaghintay niya ito buong gabi ng walang dahilan. At kahit na may dahilan pa—hindi niya rin magagawang sabihin ang nangyari sa asawa dahil hindi nito magugustuhan ang kinalabasan ng paghahanap niya.“Paano kung bukas ng gabi? Ako ang pipili ng lugar. Pangako, mauuna akong dumating.” Alok niya.“Hindi na kailangan.” Umiling muli si Natalie. Kinuha niya ang huling piraso ng maanghang na labanos at tsaka bumulong, “huling piraso na ito.”“Ako na, ikukuha kita ng mas marami.” Mabilis na tumayo si Mateo, halatang gusto niyang bumawi.Ngunit noong hawakan niya ang walang lamang pinggan—napagtanto niya ang isang importanteng bagay. Wala siyang ideya kung saan nakalagay ang mga side dish. Pero hindi siya tumigil—binuksan niya ang ref, pero wala siyang nakita doon. Pati mga cupboard ay binuksan niya.Nanatiling tahimik lang si Natalie. Ni hindi siya tinulungan o n

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status