Share

KABANATA 346

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-23 18:34:56

Ang dalawang babae sa harapan ni Natalie ay kanya-kanya ng desperadong pagmamakaawa sa kanya. Sila ang mga nanay ng mga babaeng sinubukang takutin siya kahapon sa pamamagitan ng pagsaboy sa kanya ng pekeng asido.

Ang presensya ni Irene sa eksena, ang kanyang mapanuksong ekspresyon at ang pasimpleng paninis isa kanyang tono---ang lahat ng iyon ay bumuo ng isang malinaw na larawan sa isipan ni Natalie.

Agad niyang naunawaan ang sitwasyon. “Pinakulong sila ni Mateo ngayong araw. Ano ba ang iniisip niya?”

Huminga si Natalie ng malalim bago tumawa ng mahina. Ang kanyang boses ay kalmado at matatag. “Sorry, mali kayo ng napuntahan. Hindi ako ang nag-utos sa mga pulis.”

Babalik na sana siya sa mesa niya ngunit, isang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng biglang hawakan ni Irene ang braso niya ng marahas. Mahigpit ang pagkakakapit, halos bumaon ang mga kuko sa balat ni Natalie. Puno ng pang-uusig ang kanyang tono.

“Hmph! Kahit na hindi ikaw ang tumawag sa mga pulis, sigurado ako na ikaw ang n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jenefer Jacomilla
more updates plssss author
goodnovel comment avatar
Fiona Libre
pambata abg storya parang nag away LAng mga musmus sa kalye ang storya nito
goodnovel comment avatar
tupazcoline28
nakakatamad basahin ang story mo author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 348

    Pagpasok ni Natalie sa opisina, agad niyang napansin ang babaeng nakaupo sa tapat ni Mateo. Natigilan siya ng bahagya dahil hindi iyon si Irene. Pero pamilyar ang mukha nito sa kanya—sigurado siyang isa itong artista. Nakita na niya ito noon pero hindi niya sigurado kung saan at kailan.Kahit hindi mahilig si Natalie sa mga balita tungkol sa showbiz o mga tsismis tungkol sa mga sikat, alam niyang nakita na niya ito dati. May pambihira siyang memorya. Hindi niya matandaan ang pangalan nito o kung saang proyekto niya ito maaaring nakita pero sapat na ang presensya ng naturang babae para may kumurot sa kanyang sikmura sa hindi maipaliwanag na dahilan.“So, lumalabas na…na hindi lang pala si Irene ang umaaligid sa kanya? Pft, ibang klase talaga ‘tong unggoy na ‘to. Hindi pa kuntento sa isang sakit ng ulo, gusto pa ng dalawa.” Hindi maipaliwanag ni Natalie ang nararamdaman sa nadatnan niyang eksena. Naiinis siya na ewan.Si Mateo naman ay kalmado lang na nakaupo. Parang walang pakialam sa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 347

    Pinipilit ni Natalie na panatilihin ang kanyang kalma, kahit na nararamdaman na niya ang bumubulang inis sa ilalim ng kanyang balat. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa telepono niya habang nagsasalita.“Ang mga nanay ng mga babaeng iyon ay galing dito sa ospital. Hinanap ay kinausap nila ako.”Katahimikan ang sumunod. Pagkatapos, narinig ni Natalie ang isang mahinang tawa mula sa kabilang linya.[Talaga?] Parang natutuwa pa ito. Parang nakikinig lang ito sa isang nakakatawang kwento. [Pumunta talaga sila sayo?]“Oo, pinuntahan nila ako para manggulo!” Napuno ng inis si Natalie. Ngunit sinadya niyang maging kalmado. “Mateo hindi ito nakakatawa.”[Bakit? Eh, parang nakakatawa naman.] Mabilis nitong sagot na parang nang-aasar.Pinuno ni Natalie ang baga ng hangin. “Tumawag ako para pakiusapan ka, iurong mo na ang reklamo at pauwiin mo na sila.”[Hindi ko gagawin ‘yon.] Agad itong tumanggi. Wala ni katiting na pagdadalawang-isip.“Mateo, mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko kagab

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 346

    Ang dalawang babae sa harapan ni Natalie ay kanya-kanya ng desperadong pagmamakaawa sa kanya. Sila ang mga nanay ng mga babaeng sinubukang takutin siya kahapon sa pamamagitan ng pagsaboy sa kanya ng pekeng asido.Ang presensya ni Irene sa eksena, ang kanyang mapanuksong ekspresyon at ang pasimpleng paninis isa kanyang tono---ang lahat ng iyon ay bumuo ng isang malinaw na larawan sa isipan ni Natalie.Agad niyang naunawaan ang sitwasyon. “Pinakulong sila ni Mateo ngayong araw. Ano ba ang iniisip niya?”Huminga si Natalie ng malalim bago tumawa ng mahina. Ang kanyang boses ay kalmado at matatag. “Sorry, mali kayo ng napuntahan. Hindi ako ang nag-utos sa mga pulis.”Babalik na sana siya sa mesa niya ngunit, isang hakbang pa lang ang nagagawa niya ng biglang hawakan ni Irene ang braso niya ng marahas. Mahigpit ang pagkakakapit, halos bumaon ang mga kuko sa balat ni Natalie. Puno ng pang-uusig ang kanyang tono.“Hmph! Kahit na hindi ikaw ang tumawag sa mga pulis, sigurado ako na ikaw ang n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 345

    “Hindi ko binenta ang sarili ko sayo, Mateo. Pumayag akong matali sayo dahil kay Lolo. Huwag nating kalimutan na may sarili akong isip, may sarili akong dignidad at hindi ko hahayaang mawala ang lahat ng iyon.” Matibay ang mga salitang binitawan nito, walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi rin ito nakikipagtalo---ang ginagawa lang ni Natalie ay ang ipinahayag ang katotohanan niya.Pagkasabi nito, iniwas na ni Natalie ang mga mata at tumayo. Tuloy-tuloy na siya sa paglabas ng kwarto ng hindi lumilingon at diretso na ng study para magkulong.Naiwan si Mateo sa kwarto, nag-iinit sa inis. Hinila niya ang kurbata at niluwagan ang kwelyo ng damit. Gayunpaman, ang pakiramdam niya ay mas lalo siyang hindi makahinga.Sa tanang buhay niya, hindi pa siya nakakakita ng taong mas nakakainis pa kay Natalie. Hindi nito naiintindihan na apektado rin siya.“Ang buong akala siguro ni Natalie ay gusto ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa.”Gusto niyang habulin ito sa study ngunit pinipigilan siya ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 344 

    “Sige, ipaliwanag mo kung bakit hindi mo na kinuha ang suit.” Inayos ni Mateo ang pagkakasandal sa mesa. Ang mga mata ay puno ng paghihintay. Gusto niyang marinig kung paano ipapaliwanag ni Natalie ang sarili niya.Ibinaba ni Natalie ang bote ng lotion at nagsimula---“pinag-isipan ko ito ng mabuti. Napagpasyahan ko na hindi dadalo si Justin sa kasal. Huwag mo na akong tanungin kung bakit. Iyon na ang masusunod.”Boom.Nanikip ang dibdib ni Mateo at sumabog ang dugo niya dahil sa galit at hindi pagkapaniwala. Ang labi niya ay bahagyang ngumiti, ngunit walang init---isa iyong malamig at mapait na ngiti.“Bakit?”Nakipagtitigan si Natalie sa kanya sa salamin habang patuloy sa pagpahid ng lotion sa braso na para bang ordinaryong usapan lang ang meron sila. “Maha-hassle lang tayo.”“Paanong mangyayari ‘yon?” Mababang halakhak ang pinakawalan ni Mateo. Isang uri ng tawa na walang saya. “Hindi ba sinabi ko na sayo na ako na ang bahala sa lahat? Na wala ka ng kailangan pang alalahin? Ang tang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 343

    “Kabit?!” Mababang halakhak ang lumabas mula kay Natali bago ibinaling ang tingin kay Mateo. “Kabit daw ako. Narinig mo ba ‘yon?”Dahil tinawag nilang ‘kabit’ si Natalie, nakuha na ng dalawang babae ang atensyon ni Mateo. Ang paraan ng pagtingin niya sa kanila ay malamig---na parang wala silang halaga.“Paninirang puri, maling paratang, tangkang pananakit---pwede ko kayong kasuhan. Magaling ang abogado ko. Kayang-kaya niyang dagdagan ‘yan para matagalan ang bakasyon niyo sa bilangguan. Malinaw ba sa inyo ‘yon?”Nanginig ang dalawang babae, mabilis na lumitaw ang takot sa kanilang mga mata. Pero sa kabila nito, pilit nilang pinanatili ang matigas na postura. Ang isa sa kanila ay tumayo ng tuwid at itinaas ang noo kahit na halata ang panginginig sa boses.“Hmph! Pinagtatanggol mo siya pero naisip mo ba si Irene? Alam mo ba kung gaano ito kasakit para sa kanya? Nandito siya mismo!”Noong una, kaunti lang ang nakiki-usyoso. Pero dahil sa lakas ng boses ng mga babae---lalo na at sangkot an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 342

    Ang pagkakaalam ni Mateo, nag-ayos siya ng isang buong post-partum care team para kay Irene. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit nasa labas ito at nagtatrabaho na gayong hindi dapat para sa isang babaeng nakunan kamakailan lang.Matalim ang tingin niya ng bumaling sa manager nito. “Ganito ba ang ginagawa mo sa mga artistang mima-manage mo? Hindi mo ba alam na hindi pa siya magaling? Ilang linggo dapat ang pahinga niya, Ed.”Nanigas si Ed, “ah…sir…kasi…”“Hindi kasalanan ni Ed, Mateo.” Mahinahong singit ni Irene. Nangingislap ang kanyang mga namumulang mata mula sa mga luhang hindi pa bumabagsak. Mahina ang boses niya at may halong lungkot. “Ako ang nagpumilit na lumabas. Kailangan kong may gawin…kung hindi, lalo lang akong mag-iisip ng kung ano-ano.”Walang naisagot si Mateo. Alam niyang nasaktan niya si Irene. Alam din niyang marupok ito---gaya ng dati. Pagkalipas ng ilang sandali, tamango siya. “Mabuti na rin ang makalanghap ka ng sariwang hangin, basta huwag mo lang pilitin ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 341

    Pagkatapos na ihatid sina Natalie at Nilly sa bridal shop na gumagawa din ng gown ng babae pangkasal, kailangang umalis muna ni Mateo.Marami siyang gagawin. Sobrang sikip ng schedule niya lalo na ngayong malapit na ang kasal. Punong-puno ang kanyang planner ng mahahalagang bagay na kailangang ayusin at dalawang beses ng tumatawag ang kanyang assistant para ipaalala ang mga meetings niya na kailangan din niyang asikasuhin.Habang inaalalayan ng store manager si Nilly sa pagkuha ng sukat, nilingon ni Mateo si Natalie at isiniksik ang mga kamay sa bulsa, pinag-aaralan niya ang mga galaw ng babae.“Nat, paano naman si Justin? Anong balak mo?” Tanong nito. “Gusto mo bang ikaw mismo ang kumuha sa kanya sa center o mas okay kung sina Isaac ang kukuha sa kanya doon? Para sa isang bata, isang simpleng fitted suit lang ang kailangan---ang kailangan lang ay makuha ang tamang sukat ni Justin.”Natigalan si Natalie at hinaplos ang tela ng kanyang suot na damit. “Gusto niya talagang nandoon si Jus

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 340

    “Nauuhaw ka ba?” Isang thermos cup ang biglang nilagay ni Mateo sa mga kamay ni Natalie. Ang init nito ay naramdaman niya kaagad pero hindi nakakapaso. “Gatas. Uminom ka muna.”“Salamat.” Tinanggap ito ni Natalie.Nang binuksan niya iyon, isang banayad at mabangong singaw ang pumailanlang sa loob ng kotse. Sinimulan niyang inumin ang mainit na gatas sa pamamagitan ng maingat na paghigop. Hinayaan niya ang init ng gatas na pakalmahin ang kanyang lalamunan.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Mateo. “Malapit na tayo. Iuuwi ka na ba namin sa Antipolo o may gusto ka pang puntahan?”Tumango si Natalie. “Meron. Sa affiliated hospital ng university.”Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Mateo. “May pasok ka ngayon?”“Hindi,” umiling siya. “May mga dokumento ako na kailangang kunin sa opisina. Sa bahay ko na aaralin.”Nang marinig ito, lumuwag ang ekspresyon ni Mateo. Tumango ito at inutusan ang driver na dumiretso sa ospital. Pagdating sa harap ng Surgery Department, tumingin si Mateo kay Natal

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status