Share

KABANATA 367

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-06-09 11:28:44

Hindi tulad ni Mateo, alam na alam ni Natalie na hindi na lalapit pa si Drake. Kilala niya ito—kailanman ay hindi siya nito pinilit sa isang bagay na labag sa kanyang kagustuhan. Hindi pa ito nangyari ni minsan.

Mula sa bintana ng sasakyan, naunawaan ni Natalie ang titig na binigay ni Drake mula sa kinatatayuan nito—mga salitang hindi na nasabi, tahimik na kirit at isang pag-aalala na hindi niya mabitawan.

“Drake, alam kong nag-aalala ka para sa akin…” Hindi na napigilan ni Natalie ang sarili. Ibinaba niya ang bintana ng kotse.

“Natalie! Anong ginagawa mo?!” Matalim ang boses ni Mateo, halatang nagulat ito sa ginawa niya. May kunot sa noo at bakas ang pag-aalala sa mukha. “Anong binabalak mong gawin? Kung ano man ‘yan—huwag mo ng ituloy.”

Hindi pinansin ni Natalie iyon—dahil nakita na siya ni Drake. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa sandaling iyon, rumagasa ang mga damdamin—hubad, hindi na maitago at walang harang.

Bago pa napigilan ni Natalie. Nanubig ang kanyang mga mata.

Naroon
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Ho Mitch
grabe nakakiyak naiiyak Ako pra Kay Nathalie sana maging maayus cla at wag Ng kausapin pa ni Mateo SI Irene nakakabwesiit ehh
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
wag kn umasa Jaen.. malungkot lng Derek KC ikakasal n c Nathalie KY Mateo..
goodnovel comment avatar
Imelda Ricario
Wala na ba..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 378

    Tahimik na pinagmamasdan ni Antonio ang lahat ng nagaganap—masaya siya dahil tama ang desisyon niya—mula ng dumating si Natalie sa buhay ng apo niya, madaling makita na muli itong nagkaroon ng buhay. Hindi na lang ito parang robot na basta na lang gumagalaw ayon sa dapat nitong gawin.Lahat ng ginagawa niya ay para sa kabutihan ng nag-iisang apo niya at noon pa man, alam na niya na si Natalie ang makakabuti sa kanya at hindi ang pipitsuging artista na ‘yon. Kaya naman ginawa niya ang lahat para lang matuloy ang pagpapakasal ng dalawa kahit pa siya ang lumabas na masama sa paningin nito noong umpisa. Tiniis ni Antonio ang lahat ng iyon para lang matiyak na mapupunta si Mateo kay Natalie—at ngayon, nagawa na niya ang kalahati ng misyon niya.“Okay na ako, mga apo.” Nang masigurong maayos na ang lahat, kumaway siya bilang hudyat ng pagpapaalam. “Pwede na kayong umalis. Kailangan ko na ring magpahinga. Tumatanda na talaga ako. Hindi na kaya ng katawan ko ang mahabang biyahe.”“Kaya nga po

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 377

    “Nat, tapos na ako. hindi ka ba magbabanyo?”Boses iyon ni Mateo mula sa loob ng banyo. Agad na natauhan si Natalie mula sa panandaliang pagkatulala at mabilis na sumagot. “Ah, okay! Hindi na!”Kahit na nagulat siya, nagawa pa rin niyang ibalik ang cellphone nito mula sa orihinal na pwesto. Pero nilamon na siya ng kuryosidad, kailangan niyang malaman kung tama ang hinala niya--dimapot niya ulit ang cellphone at mabilis na tinipa ang birthday ni Irene habang nagdadasal na mali siya.‘Incorrect password’Para lang makasiguro, tinipa niya din ang pangalan ni Irene pati ang apelyido nito—incorrect password pa rin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan—nakahinga siya ng maluwag. Ang malamang hindi konektado kay Irene ang password ni Mateo ay nagbigay sa kanya ng ibang klase ng kapanatagan. Kapanatagan na hindi naman niya alam na kailangan noong una.Paglapag niya ng cellphone sa mesa, sakto naman na lumabas na si Mateo at agad na hinawakan ang kamay niya. “Tara na? Gutom na ako, eh.”“A-ako rin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 376

    Sampung minuto ang itinagal ng one on one talk nilang magkapatid. Sampung minutong pinarangalan ni Natalie si Justin sa isang sulok ng suite nila. Hindi naman niya sinisigawa ang bata—kailangan lang niyang ipaintindi ang mga maling nagawa nito para hindi na maulit pa. Tahimik lang na nakikinig ang bata sa lahat ng mga sinasabi ng ate niya. Paminsan-minsan ay tumatango ito ng marahan.“Naalala mo ba lahat ng sinabi ko, Justin?”Masigasig na tumango ang bata. "Naalala ko po. Hindi ko na uulitin, ate. Huwag ka nang magalit, please?”Nang makita niyang tila nag-aalala na tumitingin ito sa kanya, lumambot ang puso ni Natalie, nalusaw na ang inis niya kanina. Marahan niyang hinaplos ang ulo nito. “Hindi ako galit, Justin. Nag-aalala lang ako para sayo. Natakot si ate at ayaw ko ng maulit ‘yon, okay?”Pero sa sandaling iyon—umugong ng malakas ang tiyan ng bata.“Yun, oh!” Mabilis na sinunggaban ni Nilly ang braso ng bata, tila nakakita ng oportunidad. “Gutom na si Justin! Ako na ang bahala,

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 375

    Isang braso ang mabilis na humarang kay Justin. Pero sa sobrang pagmamadali at bilis ng mga pangyayari—tumagilid ang ulingan, at nagkalat ang mainit na baga. Ang ilan sa mga ito ay tumama mismo sa nakalahad na braso."Ahh—" Namutawi ang sakit sa mukha ni Mateo. Pilit na pigil ang kanyang hininga.Dalawang segundo–ganito katagal bago tuluyang rumehistro sa utak ni Natalie ang nangyari. Nagkalat ang mga baga at nataranta ang mga lalaki na buhusan iyon ng tubig para hindi na madagdagan ang pinsala.Si Nilly at Chandon naman ay agad na hinablot si Justin palayo.Wala sa sariling hinawakan ni Natalie ang braso ng lalaki at hinila ito palapit. “Akin na, ipakita mo sa akin!”Isang tingin pa lang, parang piniga ang puso niya. Hindi na kailangang sabihin pa ni Mateo dahil kitang-kita na kung saan ang paso. Nagsimula ng mamula ang balat, at kahit hindi pa ito ganap na nagtutubig, halata ang hapdi.“Sumama ka sa akin!” Walang pag-aalinlangan, hinila ni Natalie si Mateo papasok ng gusali at paak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 374

    “Leo, pwede bang tingnan-tingnan mo si Justin?” Pakiusap ni Mateo.“Sige, ako na ang bahala.” Sumenyas pa ito. Alam ni Leo na napakahalaga ng bata sa asawa ng kaibigan niya kaya kahit na hindi siya masyadong mahilig sa bata, pumayag siya.Masyado ng maingay sa dalampasigan, kaya gustong dalhin ni Mateo si Natalie pabalik ng kwarto nila para makatulog ito ng maayos at hindi matamaan ng araw.Habang binubuhat niya ang babae, napalingon din siya kay Nilly. “Pwede bang tulungan mo ako?”“Okay,” agad sumunod si Nilly at kinuha ang isang scarf at maingat na itinakip sa mukha at ulo ni Natalie. “Ayan, okay na.”Napangiti Mateo at taos-pusong nagpasalamat. “Thank you.”May kakaiba sa tono ni Mateo at napansin iyon ni Nilly—isang bagay na totoo at hindi lang simpleng pasasalamat. Nakikita niyang talagang mahalaga si Natalie kay Mateo.Hindi pa naman talaga nakakaranas na magkaroon ng relasyon si Nilly—pero sapat na ang nakita niya sa mga kakilala na may mga kasintahan para malaman na wala ni i

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 373

    “Hmm?” Lumingon si Nilly at nakita si Leo.Saglit na kumislap ang kanyang mga mata—pero mabilis din itong nanlamig. Sa isang iglap, inakala niyang pamilyar ang boses, pero ng makita ang mukha ng lalaki… hindi naman talaga sila magkakilala.Hindi niya kilala ng personal si Leo, kundi nakikilala lang sa kasal nina Natalie at Mateo. Hindi sila matatawag na magkaibigan dahil kilala lang nila ang isa’t-isa sa pangalan. Naalala din niyang binalaan siya ni Chandon tungkol sa mga kaibigan ni Mateo.Napansin ng lalaki ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon at na-curious kung ano ang iniisip nito. Wala naman itong sinabi, pero ang mukha nito ay dumaan sa iba't ibang emosyon sa loob lamang ng ilang segundo.Pagkatapos, nang mapansin niya ang nakabukas na mga niyog sa harapan ng tindahan, mabilis niyang naunawaan ang sitwasyon. Nakompromiso ito at nag-aalangan.Tumaas ang kilay niya. "Nakalimutan mo ang phone mo?"Nag-atubili si Nilly bago tumango. “Oo, eh.”Sa loob-loob niya, nagdadalawan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status