Share

KABANATA 366

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-09 11:28:25

“Natalie, hindi…” Hindi man lang maisatinig ni Drake ang mga gusto niyang sabihin. Naninikip ang lalamunan niya. Kahit ang isipan niya ay hanggang pangalan lang ng babae lang ang kayang sambitin ng paulit-ulit—na para bang sa pamamagitan ng pagbigkas nito, maaaring magbago ang kanilang kapalaran.

Tahimik lang na nakikinig si Natalie ngunit mahigpit ang hawak niya sa telepono. Parang isang malalim na bangin ang pumagitna sa kanila—isang puwang na hindi nila kailanman matatawid.

“Paalam, Drake.” Matatag ang tinig ni Natalie. Pero ang nasa likod nito ay isang tiyak na hindi mababagong pagtatapos—parang marahan, ngunit tiyak na pagsara ng isang pintuan.

Isang saglit ng katahimikan ang sumundo. At pagkatapos ay ang isang ‘click’ na hudyat na tapos na ang tawag. Wala ng natitirang salita para sabihin. Wala na ring pag-aalinlangan at ang meron na lang ay tanging katahimikan.

Mula sa katabing upuan, tahimik na pinagmamasdan ni Nilly ang lahat. Tapos na ang pag-aayos sa buhok at ang make-up ni
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Marilyn Deloso
sana matulog Ang kasak Nina Mateo at natalie
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
sana matapos un kasal n Wala abirya . tuluytuluy n Wala hahadlng s kasalan nla Mateo at Nathalie..
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
prng matanda na mag advice si justin ah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 375

    Isang braso ang mabilis na humarang kay Justin. Pero sa sobrang pagmamadali at bilis ng mga pangyayari—tumagilid ang ulingan, at nagkalat ang mainit na baga. Ang ilan sa mga ito ay tumama mismo sa nakalahad na braso."Ahh—" Namutawi ang sakit sa mukha ni Mateo. Pilit na pigil ang kanyang hininga.Dalawang segundo–ganito katagal bago tuluyang rumehistro sa utak ni Natalie ang nangyari. Nagkalat ang mga baga at nataranta ang mga lalaki na buhusan iyon ng tubig para hindi na madagdagan ang pinsala.Si Nilly at Chandon naman ay agad na hinablot si Justin palayo.Wala sa sariling hinawakan ni Natalie ang braso ng lalaki at hinila ito palapit. “Akin na, ipakita mo sa akin!”Isang tingin pa lang, parang piniga ang puso niya. Hindi na kailangang sabihin pa ni Mateo dahil kitang-kita na kung saan ang paso. Nagsimula ng mamula ang balat, at kahit hindi pa ito ganap na nagtutubig, halata ang hapdi.“Sumama ka sa akin!” Walang pag-aalinlangan, hinila ni Natalie si Mateo papasok ng gusali at paak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 374

    “Leo, pwede bang tingnan-tingnan mo si Justin?” Pakiusap ni Mateo.“Sige, ako na ang bahala.” Sumenyas pa ito. Alam ni Leo na napakahalaga ng bata sa asawa ng kaibigan niya kaya kahit na hindi siya masyadong mahilig sa bata, pumayag siya.Masyado ng maingay sa dalampasigan, kaya gustong dalhin ni Mateo si Natalie pabalik ng kwarto nila para makatulog ito ng maayos at hindi matamaan ng araw.Habang binubuhat niya ang babae, napalingon din siya kay Nilly. “Pwede bang tulungan mo ako?”“Okay,” agad sumunod si Nilly at kinuha ang isang scarf at maingat na itinakip sa mukha at ulo ni Natalie. “Ayan, okay na.”Napangiti Mateo at taos-pusong nagpasalamat. “Thank you.”May kakaiba sa tono ni Mateo at napansin iyon ni Nilly—isang bagay na totoo at hindi lang simpleng pasasalamat. Nakikita niyang talagang mahalaga si Natalie kay Mateo.Hindi pa naman talaga nakakaranas na magkaroon ng relasyon si Nilly—pero sapat na ang nakita niya sa mga kakilala na may mga kasintahan para malaman na wala ni i

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 373

    “Hmm?” Lumingon si Nilly at nakita si Leo.Saglit na kumislap ang kanyang mga mata—pero mabilis din itong nanlamig. Sa isang iglap, inakala niyang pamilyar ang boses, pero ng makita ang mukha ng lalaki… hindi naman talaga sila magkakilala.Hindi niya kilala ng personal si Leo, kundi nakikilala lang sa kasal nina Natalie at Mateo. Hindi sila matatawag na magkaibigan dahil kilala lang nila ang isa’t-isa sa pangalan. Naalala din niyang binalaan siya ni Chandon tungkol sa mga kaibigan ni Mateo.Napansin ng lalaki ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon at na-curious kung ano ang iniisip nito. Wala naman itong sinabi, pero ang mukha nito ay dumaan sa iba't ibang emosyon sa loob lamang ng ilang segundo.Pagkatapos, nang mapansin niya ang nakabukas na mga niyog sa harapan ng tindahan, mabilis niyang naunawaan ang sitwasyon. Nakompromiso ito at nag-aalangan.Tumaas ang kilay niya. "Nakalimutan mo ang phone mo?"Nag-atubili si Nilly bago tumango. “Oo, eh.”Sa loob-loob niya, nagdadalawan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 372

    “Mamaya na, lolo. Dito ka muna!” Pigil ni Leo sa matanda. “Kwentuhan mo pa kami tungkol sa mga kalokohan ni Mateo nung bata pa siya.”“Baka mapahiya na masyado.” Nakangiting tugon nito sa imbitasyon na manatili pa. “Kailangan kong umidlip, kayong mga bata na lang ang maglibang.”Bagamat walang honeymoon trip na nakaplano dahil sa kondisyon ng pagbubuntis ni Natalie, hindi rin naman sila agad aalis sa Isla Verde. Plano nilang manatili ng ilang araw para makapagpahinga. Lahat sila ay nagkasundo na kailangan nila ng pahinga mula sa mga negosyo nila.Pagsapit ng hapon, iminungkahi ni Aris na pumunta sila sa dalampasigan, at agad namang pumayag ang lahat.Pwera na lang kay Natalie na bahagyang nag-alinlangan. Tumingin siya kay Justin. “Gusto mo bang sumama?”Mabilis siyang tiningnan ng kanyang kapatid, maliwanag ang mga mata, puno ng pananabik. “Yes ate, gusto kong sumama.”Pero kahit ganoon, nagdadalawang-isip pa rin si Natalie. Hindi pa ganoon kaganda ang pakiramdam niya, paminsan-minsan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 371

    Sina Natalie at Mateo ang pinakahuling dumating at ng pumasok sila, sila agad ang naging tampulan ng tukso ng mga kalalakihan lalo na ng mga matalik na kaibigan ni Mateo na likas na mga alaskador. Hindi na ito kinagulat pa ni Mateo dahil bisperas pa lang ng kasal, nagsimula na ang mga ito sa pangangantyaw sa kanya.Pagpasok pa lang nila, agad silang sinalubong ng pang-aasar mula kina Leo at iba pa. Lahat sila ay may pilyong mga ngiti at kislap sa mga mata na hindi maitago."Mukhang matindi ang gabi niyong dalawa ah," may pilyong ngiti sa labi ni Leo, puno ng pangungutya ang kanyang mga mata."Huwag kayong magulo…mukhang napagod si Mateo." Dagdag pa ni Stephen na abot tenga ang pagkakangisi."Hay naku! Tantanan nga ninyo ang dalawa! Kung ganyan kayo palagi, baka habang buhay na kayong single!" Inikot ni Nilly ang mga mata, tila hindi na nagugulat sa kalokohan ng grupo.Ang grupo ng mga lalaki ay nagmistulang mga bata, nagbibiruan at nagpapagalingan sa asaran. Ganito sila palagi kapag m

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 370

    “Babalik ka sa kama?” Tanong ni Mateo sa kanya.Maaga pa—kaya pwede pang matulog ulit si Natalie. Sa tantya niya, alas siyete pa lang ng umaga at pakiramdam niya ay tinatawag pa siya ng malambot na higaan. Kulang pa ang tulog niya at ang ilang karagdagang oras na tulog ay mas mahalaga ngayon para sa kanya.“Mm.”“Seryoso?”“Oo nga!”Binuhat siya muli ni Mateo pabalik ng kama. Habang inaayos ni Natalie ang paghiga, bigla siyang napatitig ng masama kay Mateo, kasabay ng panunulis ng nguso. “Kasalanan mo ‘to, eh!”“Oo na. Kasalanan ko lahat.” Tumango na lang si Mateo ng walang pag-aalinlangan pero may mapang-asar na ngiti.“Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na ‘to!” Lalong bumangon ang inis ni Natalie dahil nakita niyang nakangisi pa ito. Napasinghap siya. “Okay, sige, dahil mukhang hindi ka naman matutulog at masakit ang buong katawan ko—mabuti pa, masahehin mo na lang ang likod ko.”“Oh? Talagang sanay na siyang inuutusan ako.” Ngunit hindi tumanggi si Mateo—sa halip, pumayag siya ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status