Share

KABANATA 391

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-06-27 18:35:12

Nagulat si Natalie—“nandito na agad si Mateo? Napakabilis naman niyang nakarating dito.”

Narinig din ito ni Drake. Tumayo na ito at kinuha ang dala niyang pharmacy bag, at bahagyang itinago ito sa likuran. “Dumating na siya. Aalis na ako, Nat.”

Tumingin si Natalie sa kanya at saglit na nag-alinlangan. Alam niya na may gusto itong itanong—tungkol sa mga gamot na dala niya at tungkol sa kanya tunay niyang kalagayan. Matagal na silang magkakilala at doktor ang babae kaya ang makita siyang may dalang gamot at hindi para sa ina—ay ipagtataka talaga nito.

Pero sa huli, ibang bagay ang lumabas sa bibig niya. “Drake, pakiusap, alagaan mo ang sarili mo. Mahalaga ang kalusugan mo, okay?”

Saglit na natahimik si Drake dahil sa concern na ipinapakita nito para sa kanya—parang walang nagbago sa kanila nang sabihin niya iyon. Sa loob-loob niya, gusto niyang guluhin ang buhok nito, katulad ng dati niyang ginagawa kapag nalalagay sa parehong sitwasyon.

Pero naalala niyang wala na siyang karapatan par
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Krishellamae Villaflor Guantero
𝚠𝚕𝚗𝚐 𝚔𝚠𝚎𝚗𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚠𝚎𝚗𝚝𝚘 𝚒𝚜𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚠 𝚋𝚊𝚝𝚒 𝚊𝚠𝚊𝚢 𝚗𝚊𝟸𝚖𝚗 𝚝𝚜𝚜𝚔 𝚠𝚕𝚊 𝚔𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚗𝚔𝚊𝟸𝚝𝚊𝚖𝚊𝚍 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚜𝚊𝚑𝚒𝚗
goodnovel comment avatar
Jane Bansal
Wala ng katapusan Ang away nila
goodnovel comment avatar
Myra Edra Abarquez
kelan ba matatapos ang kwento nila natalie at mateo? nakakatamad ng magbasa.dapat nagpakasql nlng sila sa mga ex nila paramatapos na kwento nila.para happy ending.silang lahat nakasama nila ang tunay nilang mahal.kesa pinapahiran p ung mga nagbabasa ng kwento nila.kaya minsa ayw ko ng magbasa.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 497

    Umiyak si Natalie!Sa pagkakatanda ni Mateo, si Natalie ay laging matatag—bihirang-bihira siyang makitang umiiyak. Hanggang kaya nitong itago ang nararamdaman, tinatago niya iyon. Lalo na pagdating sa damdamin. Ang tanging tao lang na kayang magpaiyak sa kanya ay si Justin.Pero ngayon…narito siya sa harapan niya at umiiyak.At siya—siya mismo—ang dahilan ng pagluha nito. Hindi alam ni Mateo ang gagawin, tila nawalan ng direksyon. Hindi niya alam kung paano patitigilin ang asawa sa paghihinagpis. Nasaktan na naman niya ito.“Nat…hindi ko sinasadya… pasensya na…” Inabot niya ang kamay, nais pawiin ang mga luha nito. Ngunit lumingon si Natalie palayo at iniwas ang mukha sa haplos niya.“Pakiusap… umalis ka muna,” mahinang sabi nito. “Ayaw muna kitang makita ka ngayon. Gusto ko lang mapag-isa, pwede ba?”Bubuka sana ng bibig si Mateo, may sasabihin pa sana, pero napigil niya ang sarili. Dahil ang totoo, ayaw pa talaga niyang umalis. Pinaiyak niya ang asawa at gusto niyang aluin ito hang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 496

    “Ayos lang ako…salamat, Alex.” Mahinang sagot ni Natalie, kahit patuloy pa rin sa pagsigaw si Irene, tila nawawala sa sarili.“Miss Irene, kalmahin po ninyo ang sarili niyo! Wala pong mananakit sa inyo dito! Ligtas ka dito!” Paniniguro ng doktor. “Bilisan ninyo, kunin ang niyo ang pampakalma! Hindi uubra ang pakiusap lang!”“Opo, doc!”Nagpumiglas si Irene habang pilit siyang kinakalma ng mga doktor at nurse. Napakalakas nito kumpara sa maliit nitong katawan. Sa sobrang pagpupumiglas nito, natatakot si Natalie na baka mabalian ito ng buto.“Miss Irene, tigilan mo na ang pagwawala! Masasaktan mo lang ang sarili mo! Safe ka dito!”“Safe? Hindi! Siya ‘yon…” Histerikal ang sigaw ni Irene habang nanlilisik ang mga mata at nakaturo ang kamay kay Natalie. “Pagmasdan niyo! Hindi ba kilala niyo siya?! Siya ang dahilan! Siya ang sumira sa buhay ko! AHHHH—!”Napatingin ang doktor kay Natalie may bahid ng pag-aalala sa mata. “Doc, anong nangyari? Anong ginawa niyo bago ito nangyari?”“Ako…” Napas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 495

    Maingat na inilahad ni Mateo ang kutsara sa labi ni Natalie, hindi na ito naghintay pa na pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Kung titingnan, mukha itong banayad at puno ng pag-aalaga.Pero ang nasa isip ni Natalie ay ang tagpo sa ospital kanina—ganitong-ganito din ang eksena na ‘yon. Kung paanong pinapakain din ni Mateo si Irene sa ganoon ding paraan. Isang matalim na kirot ang tumusok sa kanyang dibdib. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, halos hindi pansin dahil mabilis niyang tinago.“Hindi na kailangan…”“Natalie,” bulong ni Mateo, bahagyang naningkit ang mga mata, may anino ng pagkairita sa tingin. “Akala ko pa napag-usapan na natin ‘to.”“Ang ibig kong sabihin, kaya ko naman,” agad niyang dagdag, ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon. Inilapag niya ang twalya at kinuha ang mangkok mula sa kanya. “Tuyo na ang buhok ko. Ako na ang gagawa.”Tinanggihan niya ang pagsubo nito sa kanya dahil una, hindi siya sakitin. At higit sa lahat, hindi siya si Irene na kailangan alagaan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 494

    Tahimik ang naging byahe nila. Pero kahit na ganoon pa rin, nanatiling nakahawak ang kamay ni Mateo sa kamay ni Natalie. Gaya ng pinangako nito, naroon nga si Justin sa BelAir Mountain Villa. Isang autistic therapy facility na hindi basta-bastang pinupuntahan ng mga ordinaryong mamamayan. Para lang ito sa mga may kaya sa buhay.Inilipat siya sa isang pribadong villa kung saan may sariling medical team na nakatalaga sa kanya. Gaya din ng nauna nitong sinabi, kasama pa rin ng kapatid ang doktor nito at si Nora. Nasa labas sila ng dumating sina Natalie at Mateo. Mukhang may outdoor activity si Justin sa ilalim ng mayabong na puno dahil nagkalat ang mga laruan.Nang makita ang kapatid, agad na lumiwanag ang mukha ni Justin. “Ate!”“Ang galing-galing at ang tapang-tapang mo, Justin. Alam mo ba ‘yon? Namiss kita.” Ngumiti si Natalie at lumapit upang yakapin ito.Napatingin si Justin sa likod niya at nakita si Mateo. “Kuya!” masiglang bati nito sa lalaki. “Ang laki ng lugar na ‘to! Ang ganda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 493

    Nakatayo si Natalie sa tabi ng malaking bintana sa dulo ng pasilyo, handa na sana siyang maghintay ng matagal. Ngunit sa kanyang pagkabigla, lumabas agad si Mateo—ng mas maaga kaysa sa inaasahan niya.Ano man ang sinabi nito kay Irene, mukhang mabilis itong naging epektibo dahil hindi man lang ito nagprotesta nang iwan niya ito. Hinanda na ni Natalie ang lahat ng sasabihin niya. Kahit paano ay nabawasan ang pagkataranta niya dahil alam niyang hindi sasaktan ni Mateo ang kapatid. Gayunpaman, hindi pa rin tama ang ginawa nitong paglipat sa kanya ng hindi hinihingi ang pahintulot niya.“Hi, Nat.”Pagharap niya, mahinahon ang anyo niya pero matalim ang tinig. “Nasaan si Justin? Saan mo siya dinala?”Bagama’t kontrolado ang tono ng boses, nakasara ang kanyang mga palad sa gilid ng katawan, senyales ng poot na pilit niyang itinatago. Pati ang paghinga niya ay kontrolado.Napansin ‘yon ni Mateo. Bahagya siyang napakunot-noo at sumagot ng mahinahon. “Hindi sapat ang dati niyang pasilidad. Hin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 492

    Naestatwa si Natalie, natulala habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito. Inulit-ulit niya sa isipan ang huling sinabi nito sa kanya bago tuluyang umalis—sinabi nito na siya na ang maghahanap ng paraan… pero paano? Ano ba ang binabalak nito?**Mula noong araw na iyon, opisyal ng lumipat si Natalie sa bago niyang tirahan sa Taguig. Araw-araw siyang nagko-commute papunta sa ospital para magtrabaho. Malapit lang naman kaya hindi rin siya nahihirapan. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik na sa normal ang buhay niya.Maayos at tahimik ang daloy ng buhay niya—ayon sa plano. Payak at kaya niyang tumayo sa sariling paa. Laking ginhawa sa kanya na hindi na siya muling inabala pa ni Mateo. Noong una, nagtaka siya pero kalaunan ay pinagpasalamat na rin niya dahil sa unang pagkakataon, may katahimikan siya.Pero sa kabila ng katahimikan sa paligid, may bumabagabag sa kanya. Nang una niyang maramdaman ito, sinubukan pa niyang hindi pansinin at isawalang-bahala dahil baka O.A lang sya. Pero imbes

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status