Share

KABANATA 442

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-08-15 16:38:56

Hindi agad binitiwan ni Justin ang pagkakagat niya sa braso ni Mateo. Pero hindi rin naman siya minadali ng lalaki—hinayaan niya itong pakawalan ang takot niya sa sarili niyang bilis. Matatawag na sakripisyo ang ginawa nito.

Unti-unting lumuwag ang kagat ni Justin.

Hudyat iyon na pwede na. Kaya agad lumapit ang doktor at mga nurse para kunan ng vital statistics ang pasyente at para mabigyan ito ng mga gamot, kabilang na ang pampakalma. Hindi pa nabibigyan ng sedative ang kapatid kahit kailan dahil masasabing manageable ang sitwasyon nito—maliban na lang ngayon.

Si Natalie ang unang kumilos, agad niyang niyakap ang kapatid. “Justin, ayos na. Narito na ako. Nandito ang ate mo.”

Mas kalmado na ito kumpara kanina. Kahit hindi siya sumagot, hindi na rin siya nagpumiglas. Kahit paano ay nakahinga na ng maluwag si Natalie.

“Mrs. Garcia, kailangan naming siyang turukan ng gamot at simulan ang psychological intervention.” Paalam ng isang doktor sa kanya.

“Sige, kayo na ang bahala sa kanya.” Bi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (215)
goodnovel comment avatar
Renalyn Bahita
sana taapusin nya to Ang layo Nas kwento eh Kong saan2x nalang Yung topic tapos di pa alam ni Mateo na cya Ang ama sa anak natalie... laging tinakpan Ang maling gigawa kontrabida... nakakaomay na
goodnovel comment avatar
nancy Tamondong
grabe ito nlng tlga ang bnbsa q...nkkthrill ung pgkha s kptid niya...
goodnovel comment avatar
Natalie Desiderio
bkit d Nia p pulis ung stepmom Nia my laban naman sia
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 562

    Kung talagang dahil kay Natalie ang lahat ng ito, dapat pa lang noong umpisa pa lang ng kontrata, hindi na pumayag si Mateo na makipag-collaborate sa Pascual Tech. Malabo pa rin kay Drake ang dahilan hanggang ngayon.“Hindi siguro.”[Hindi mo ‘yan masasabi ng sigurado. Alam kong nagdududa ka din.] Kontra ng business partner niya. [Pag-isipan mo—sino ang unang kumalas sa kontrata natin? Hindi ba si Mateo? Inuulit ko, baka hindi mo ako narining noong una. At higit sa lahat, siya lang siguro ang may kapangyarihang gumawa ng ganitong klaseng galawan. Malawak ang kapit niya, Drake.]Natahimik si Drake. May punto ang business partner niya. Mukhang may saysay ang sinasabi nito. At gaya niya, importante ang negosyo nila. Marami ang nakaasa sa kanila kaya hindi pwedeng basta-basta na lang siyang sumuko at bumagsak.“Pero hindi ko iniisip na ganoong klase ng tao si Mateo…”Pak! Isang malakas na kalabog mula sa likuran ang kumuha ng atensyon ni Drake.Napalingon siya, nagulat at nakita si Amanda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 561

    Tahimik na pinisil ni Natalie ang kanyang mga palad. Ginagawa niya iyon sa tuwing nakakaramdam siya ng matinding kaba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan—kinakabahan siya. Sobrang lamig ng kanyang mga kamay—parang yelo, tumagos hanggang buto niya.Isa lang sa mga sinabi ni Mateo ang hindi niya kayang balewalain, na kapag buhay at kamatayan na ang pinag-uusapan, walang mabuti o masama. Pantay-pantay ang lahat ng buhay. Kung ililigtas ba nila si Rigor o hindi—wala iyong kinalaman sa kung dapat ba siyang patawarin.Totoong magkaibang usapin iyon. Pero kahit ganoon…may tanong pa rin na bumabagabag sa kanya. “Dapat ba talaga siyang iligtas?”**Samantala, simula nang tuluyang tuldukan ng Garcia Group of Companies ang pakikipag-partner sa kanila at tumangging makipagkita si Mateo, sunod-sunod na ang naging problema ni Drake sa kompanya.At sa akala niyang hindi na lalala pa—isang panibagong dagok ang dumating sa kanya. Noong nakaraang araw, natanggap nila ang balita mula sa isang malaking kom

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 560

    “Buti naman.” Sa wakas, nakahinga ng maluwag si Natalie—parang may bigat na naalis sa dibdib niya. Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.Habang sinusulat ni Dr. Cases ang mga tala sa maternity record ni Natalie, kaswal ang tono ng boses niya, para bang nagkukuwentuhan lang silang magkaibigan habang umiinom ng tsaa. “Natalie, anim na buwan ka ng buntis. Papasok ka na sa third trimester. Napag-isipan mo na bang mag-leave?”“Maternity leave?” Sandaling natigilan si Natalie. Hindi pa niya talaga iyon naiisip. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay niya ngayon, hindi pa ‘yon sumagi sa isip niya.Napatingin si Dr.Cases sa tiyan niya, tila naintindihan ang nasa isip niya. Tsaka muling nagsalita. “Dapat lang. Hindi mo naman kailangan magtrabaho para suportahan ang pamilya Garcia, hindi ba? Mabigat sa katawan ang last trimester—mas lalaki pa ang tiyan mo, mahihirapan kang gumalaw, baka mamaga pa ang mga paa mo. Hindi ba mas mabuting magpahinga na lang sa bahay?”“Hindi na kailangan, kaya pa nama

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 559

    Kinahapunan, bumalik na si Drake sa opisina. Hindi na niya pinaalam sa ina ang balak niya dahil tiyak niyang pagtatalunan lang nila ang desisyon niyang iyon. Naniniwala si Amanda na mas kailangan niya ng pahinga at taliwas iyon sa paniniwala ni Drake.Agad siyang sinalubong ng mga kasosyo sa negosyo at ng kanyang sekretarya para iulat ang mga nangyari habang wala siya. Hindi pa siya nakakaupo ay agad na siyang nakatanggap ng hindi kanais-nais na balita.“Nag-terminate na ng partnership ang Garcia Group of Companies sa atin.”“Garcia Group? Ibig sabihin…si Mateo dahil siya lang naman ang mag-isang nagdedesiyon sa kompanyang iyon. Pero bakit? Ang kasunduan ng project na iyon ay napagkasunduan namin mismo ni Mateo sa isang personal na pag-uusap. Oo, totoo—may tensyon sa pagitan namin sa personal na aspeto, lalo na dahil kay Natalie—pero ni minsan ay hindi naming hinayaang makaapekto iyon sa negosyo.”Kumunot ang ang noo ni Drake sa pag-iisip niyang iyon. “Maayos naman ang takbo ng partne

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 558

    “Mr. Garcia!” Galit na galit na lumapit si Marie kay Mateo, puno ng tapang at paninindigan ang postura niya. Dahil sa nakita niya kanina, mas nanaig ang pagiging kaibigan niya kaysa ang pagiging tagahanga niya. “Hindi ka pwedeng basta na lang umalis ng ganyan!”“Ano raw?” Bahagyang tinaas ni Mateo ang isang kilay, halatang naiinis pero parang natatawa. “At bakit naman hindi ako pwedeng umalis?”“Si Natalie...” Itinuro ni Marie ang direksyon ng opisina.“Asawa mo siya! Tapos aalis ka kasama ang kerida mo sa harap mismo niya? Anong klaseng tao ang gagawa ng ganoon?”Ang tinutukoy na ‘kerida’ nito syempre ay si Irene. Usap-usapan na iyon sa loob ng matagal na panahon pero ngayon lang niya narinig na may lantarang tumawag ng ganoon sa babae. Agad nagdilim ang mukha ni Mateo. Nawala ang kahit anong bakas ng biro doon. “At sino naman ang nagbigay sayo ng karapatang bastusin siya?”Napaatras si Marie sa tindi ng titig niya, pero sa halip na tuloy-tuloy na umatras, lalo pa siyang binigyan ng

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 557

    Nakakunot ang noo ni Mateo, malamig at malalim ang tingin kay Natalie. At bigla, walang babala, nagtanong siya, “tungkol sa liver transplant… natanong mo na ba si Justin?”Hindi agad nakaimik si Natalie. Hindi niya inaasahang iyon ang unang lalabas sa bibig nito. Hindi rin niya inaasahan na makikialam ito sa isyung pampamilya nila. Hindi na bago ang ganitong eksena kay Mateo, ilang beses na rin siyang naipit sa gulo nila. Pero iba na ngayon. Malinaw kung saan siya pumapanig.Pagkalipas ng ilang segundo, bahagya siyang natawa. “Ako ang legal guardian niya. Ako ang nagdedesisyon para sa kanya, Mateo.”Nanatiling kalmado pero matigas ang tono ni Mateo. “Alam ko na lampas na siya sa labing-apat na taong gulang. At sa ganyang edad, may karapatan na ang isang bata ayon sa batas. At dahil malusog siya—sa pisikal at mental—pwede siyang maging donor.”Bawat salitang binitawan niya—rasyonal, lohikal. Pero bawat isa, pabor kay Irene. Malamig ang ngiting ibinato ni Natalie habang lumilingon kay I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status