LOGINThree years ago.Siyam na buwan na simula ng makapanganak si Natalie. Naging magulo at makulay ang buhay nilang mag-asawa. Pero dahil sa naging abala bilang ina ang asawa—nakakaligtaan na nito ang mga dating ginagawa nito bilang isang maybahay. Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa baby at halos hindi na sila magpang-abot sa bahay—lagi ito sa nursery o di naman kaya ay kausap si Justin na nasa Canada pa rin at nagpapatuloy ng pag-aaral.Hindi na nagtatrabaho sa ospital si Natalie pero may sarili siyang opisina sa bahay kung saan nagpapatuloy pa rin siya bilang consultant. Ibig sabihin, abala ang araw nito at bihira na lang silang magkitang mag-asawa.Nagresign ang executive assistant ni Mateo at may pumalit na bago.Si Rallyn, gamit ang kanyang kaalaman, ay naging napakahalaga kay Mateo, tunay siyang kahanga-hangang babae.Unti-unti, nakuha nito ang respeto ng kanyang mga kasamahan; maging si Mateo ay pinagkakatiwalaan siyang pamahalaan ang maliliit na tasks sa opisina. Sa personal na a
Bumalik si Mateo sa silid ng asawa kung saan mahimbing itong natutulog. Napansin niyang may bahid ng dugo ang isa sa mga benda nito. “Anong nangyari?”“May sugat na bumuka, pero nasa gilid lang naman. Huwag kang mag-alala,” sabi ni Nilly na nadatnan niya doon. “Ngayon, mahaba-habang tulog na ang aabutin niya, mga ilang oras siguro. Baka mas mabuti kung samantalahin mo na ‘yan para umuwi o tumawag ng kapalit muna. Mukhang pagod na pagod ka na; ilang araw ka na rin dito.”Ilang araw ng walang malay si Natalie dahil sa tinamo nitong aksidente.“Siguro nga ay tama ka, Nilly. At tsaka, wala namang saysay kung nandito ako o hindi. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ‘to, at siguradong ayaw niya akong makita pag nagising siya.”“Huwag mong sabihin ‘yan. Hindi naman siguro ganoon kabigat ang problema niyong mag-asawa. Kilala mo naman si Natalie, hindi ba? Maayos na kayo. Maayos na ang lahat. Minsan kasi pinalalaki lang natin ang mga bagay, pero ipinapakita rin ng panahon ang totoo. Kung maha
Tinikom ni Rallyn Vicente ang labi pagkatapos ay ngumiti ng matamis, puno ng kasiyahan ang puso niya. Tuluyan niyang ibinagsak ang katawan sa bisig ni Mateo at inangat ang makinis na mukha para tingnan ito.“Alam ko naman na hindi mo ako kayang tiisin. Hindi mo ako kayang iwanan,” banayad niyang bulong.Tinitigan ni Mateo ang babae, si Rallyn ang bagong EA niya. Nagresign ang dati niyang executive assistant dahil gusto nitong magfocus sa pamilya. Dumating si Rallyn sa buhay ni Mateo sa panahong nagkakalabuan sila ni Natalie.“Hmm…salamat at dumating ka sa buhay ko, Rallyn. Minsan iniisip ko na napakaswerte ko.”Ilang linggo na rin silang nagkikita sa labas ng opisina ng palihim. Nanigas si Rallyn at nagkaroon ng bakas ng guilt sa kanyang mga mata. Agad niyang iniba ang usapan. “Magkatabi ba kayong matulog ni Natalie?”Muling ibinaling ni Mateo ang tingin sa babae. “Kung hindi kami magkatabing matulog, ikaw ba ang dapat kong katabi?”Alam na ni Rallyn ang sagot sa sariling tanong–hindi
Hindi lahat ng love story ay happy ending. Iyan ang napatunayan ni Natalie. Muli silang nag-away na mag-asawa. Sa unang pagkakataon, pinagmasdan ni Mateo nang malapitan si Natalie. Napansin niyang palagi itong nakasuot ng itim at puting damit, may malalaking itim na salamin, at parang binabalot ang sarili tulad ng isang matanda."Hindi ko akalaing ang kagalang-galang na Mr. Garcia pala ay ganito kapusok. Sabik na sabik sa babae, ha?" saad ni Natalie, kasabay ang paglipad ng kamay.Pak!Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Natalie sa gwapong mukha ng asawa. Napalingon ang mukha ni Mateo sa ibang direksyon, habang nanginginig ang mga daliri ni Natalie sa galit. Nakumpirma niya na nambababae ang asawa. At tama nga siya. Kapag masyadong nagpapakababa sa pag-ibig, mauuwi lang sa pagtapak sa iyong pagkatao.May lakas pa ng loob ang lalaki na alipustain siya ng ganito."Alam kong ang bagong EA lang ang laman ng utak mo. Sige, pagbibigyan kita. Gusto mo bang ibigay ko sa kanya pati
Ang mga sumunod na buwan ay puno ng kasiyahan, pagmamahal at katuwaan. Pagkatapos manganak ni Natalie, muling niyaya ni Mateo ang asawa na mag-renew ng vows. Nang sumunod na linggo, naganap ang pinaka-engrandeng binyagan sa buong bansa.“Mukhang maligayang-maligaya ka, Mrs. Garcia, ha?” Tukso ni Mateo sa asawa ng mapag-isa na sila sa kwarto. “Opisyal ng katoliko si Junior. Pwede na siguro nating sundan?”“Ano ka?!” Kunwari ay nagalit si Natalie pero ‘yon naman talaga ang gusto niya. Pareho nilang gusto ng malaking pamilya dahil pareho silang galing sa maliit na pamilya at ngayon ay magkakaroon na sila ng pagkakataon na tuparin ‘yon.**KasalukuyanSa Villa ng mga Garcia.Pagsapit ng gabi, nakadamit pantulog na si Natalie habang nakaupo sa sofa sa malawak na sala. Hinihintay niya ang asawa. Tulog na si Junior kanina pa. Bumukas ang malaking pintuan ng villa at inihayag ng isang katulong ang pagdating ni Mateo Agad na ngumiti si Natalie at masayang sinalubong ang asawa at tinulungan it
Napanis ang ngiti ng ina at nahabag siya sa itsura ng anak. Hindi pa rin naibabalik ang dati nitong ganda at mukhang nakakaligtaan nitong ipahid ang mga creams na dindala niya para maghilom ang mga peklat. “Kaawa-awa ka anak, pero ito ang pinili mong landas. Sa ngayon, ito na lang muna ang pwede kong gawin para sayo. Alam kong hindi mo mauunawaan kung bakit ko nagawa iyon–malamang ay iniisip mong tinraydor kita–pero ‘yon lang ang tanging paraan para maprotektahan kita.” “Bakit pa ba ako umaasa na may gagawin ka para sa akin, hindi ba mas pinili mo sila?” Punong-puno ng sarkasmo ang tinig nito. “Ano masaya ka na? Masaya na ba sila? Ang akala ko nga ay nandito ka para ibalita sa akin na namatay na ang magaling kong ama. Kasalanan niya ang lahat ng ito, eh. Kung hindi sana siya madaldal, sana ay natuloy ang plano ko at nasa mansyon ako ng mga Garcia…pero nasaan ako? Nasaan ako dahil tinubuan ng lintek na konsensya ang asawa mo?” “Anak, may pag-asa pa.” Tumayo na si Irene. “Pwe! Ano, r
“Wow.” Pagpasok ni Leo sa kwarto, agad siyang kumaway kay Ivan. “Buksan mo ang mga bintana, bilis. Sigurado ba kayong ospital pa ang lugar na ito? Dinaig pa ang club sa usok, eh.” Napatitig siya sa ashtray sa ibabaw ng mesa, punong-puno ng upos ng sigarilyo ito. Malinaw na indikasyon na hindi tumi
Alam naman ni Natalie na galit lamang ang nagtulak kay Mateo na magsalita nang ganoon. Ganoon pa man, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit ito naiinis. Pero wala rin siyang balak alamin pa sana ang puno’t dulo ng pagmamaldito nito.Pero mahalaga na maging maayos ang pagsasama nila sa araw na i
Mabilis na lumapit si Natalie sa kanyang ama, ngunit huminto siya para may sadyang agwat sa pagitan nila. “Ano ang kailangan mo?” malamig niyang tanong. “Wala, wala…” natatawang sagot ni Rigor, halatang kinakabahan. Inabot niya ang dalang bag sa anak. “Bumili ako ng mga paborito mong meryenda. T
“Irene,” tiningnan pa ni Janet ang anak at sa unang pagkakataon, nakaramdam ito ng pangongosensya at takot sa binabalak ng anak. “S-sigurado ka ba dito? Alam naman nating pareho na hindi ka buntis. Malalaman ni Mateo ang totoo balang araw. Anong gagawin mo kapag nangyari ‘yon?” “Mama naman,” nakan







